English
NovelToon NovelToon

Wanna Be Yours Oppa

Chapter 1

"BEFORE you the room, I'll do the roll call," saad ng kanilang homeroom adviser na si Mrs. Sarmento nang hapon iyon. Ganoon ito ka-weird. Nasa huli ang roll call. Siguro ay dahil sa may ilan silang mga classmates na tumatakas bago mag-uwian kaya 'di bale nang may mga late comers sa klase na ito. Inihuhulog lang ng mga kaklase niya nang sekreto sa labas ng salaming bintana ang bag tapos magpapaalam lang na magsi-CR pero hindi na babalik.

Napasandal and dise-siyete anyos na dalagitang si Kara sa kanyang upuan. Nakatingin siya sa kanilang matabang adviser na may salamin sa mata. Halos paputok na ito sa katabaan sa suot na unipormeng beige na blusang may halos hanggang siko ang manggas at may butones sa harap at dalawang bulsa sa baba. May kapares iyong brown pencil skirt na hanggang tuhod at may dalawang pulgadang slit sa gitna sa likod.

Bahagya siyang napasulyap sa mga kaklase na ipinasok ang mga notebooks, libro, ballpen, at papel sa kani-kanilang bag. Siya naman ay kasasara lang ng kanyang backpack.

Pagtingin pa niya sa kanyang armchair ay may nakita siyang mabangong stationary na nakatupi na biglang nandoon na lang. Hindi niya napuna kung sino ang sikretong naglagay niyon doon.

Matalim niyang tiningnan ang kanyang seatmate na si Sun Woo na nakaupo sa kanang bahagi niya. He was tall and well-built for his age. He was known all over the campus and and other schools because of his athletic skills, brains, and good looks. Maraming babaeng nagkaka-crush sa half-breed na ito. Sa katunayan nga ay ito palagi ang class' Prince Charming at Class President nila mula noong lower years nila. Palagi pa sila nitong magkaklase sa section one at magkakompetensya sa first rank. He was the perfect package if she would think about it. But she just hated him for always being there to make her day hell.

Dahil magkalapit ang apelyido ng lalaki ay magkatabi nga sila. Mahilig sa alphabetically-arranged seats ang adviser nilang ito. Kahit assignments o project nila ay gino-grupo sila ayon sa mga pangalan nila. Kaya hindi sila magkatabi ng BFF niyang si Sol. A pity indeed.

Hindi niya alintana ang kanilang adviser na tinatawag nang alphabetical order ang kani-kanilang pangalan sa klase.

"Diente, Soledad," tawag nito.

"Present, ma'am," ang tugon ng kaklase niya at best friend. May lampas-balikat itong buhok na pinakulayan ng dark brown, medyo bilugan ang mukha, cat-like eyes, maarkong kilay na natural lang, matangos ang ilong, at tisay. Kasing-tangkad niya ito na five feet and four inches.

Napansin ni Kara na ngumisi si Sun Woo. Siguro ay dahil sa napansin niya ang nakatuping papel. Inis niyang kinuha ito habang sumenyas itong basahin niya. Pero sa halip na buksan iyon at basahin ay pinunit niya ito nang ilang beses at pinandilatan pa ang lalaki habang ginagawa iyon. Baka kung ano pa ang sabihin nito roon. Ayaw niyang makita o malaman iyon. Lalo lang siguro siyang maha-high blood kung sakali.

She knew him very well and he was up to no good when it came to her.

"Hemeria, Kara Lyle," tawag ni Mrs. Sarmento sa kanya. Dalawang beses siyang tinawag nito bago siya makapagsalita.

"Present po, ma'am." Itinaas pa niya ang kanyang kamay ng nakayukom dahil nandoon ang pinagpira-pirasong papel. Napailing tuloy ang kanilang guro. Kasalanan iyon ni Sun Woo. Hindi niya agad narinig ang pagtawag ng adviser.

"Han, Sun Woo," ang tawag naman nito sa lalaki.

"Present, ma'am!" malakas pang sabi nito.

Tinapik ito sa balikat ng mga kabarkadang sina Chris, Matt at Jim na nakapalibot dito ang mga upuan. Nagtawanan pa ang mga ito ng mahina na halatang tinutukso si Sun Woo. Samantalang nagpatuloy pang nag-roll call ang guro hanggang sa matapos iyon. Tumayo na siya kaagad at isinukbit ang backpack. Nakailing na hakbang na siya ng hawakan ng lalaki ang kanyang bag.

"Oy, teka lang," anito. Napatingin ito sa harap ng silid para masiguradong nakaalis na ang kanilang adviser.

Napasunod siya ng tingin dito. Wala na nga roon ang kanilang guro. Parang mas mabilis pa sa alas-kuwatro itong nawala pagkatapos ng roll call kani-kanina lang. Ninja moves lang ang teacher nila, eh. Buti pa nga ang ninjas may iniwang usok.

Chapter 2

"Ano na naman ang kailangan no kay Kara, ha, Sun Woo?" sabat ng kanyang kaibigan na si Sol. Napasulyap din ito sa tatlong barkada na binatilyo na puro rin matangkad. Napalibutan sila ng mga ito. Nakangisi pa ang mga itong tila excited na nanonood sa susunod na mangyayaring eksena sa pagitan nila ng chinito.

"Bakit mo hindi binasa 'yong ibinigay ko sa 'yo?" baling ni Sun Woo sa kanya na hindi man lang pinansin ang kanyang kaibigang si Sol. Halatang hindi nga ito interesadong makipag-usap kay Sol. 'Sabagay, siya naman ang paborito nitong kulitin kasi. At ewan niya kung bakit. She might never know 'til she dies.

Ipinakita pa niya rito ang pinunit niyang papel na nasa kamay niya. "Ah, ito ba?" Itinapon niya iyon sa mukha nito. "Ayan, ibinalik yo s 'yo."

Nagkalat tuloy ang piraso ng papel sa sahig na gawa sa cream-colored tiles.

Napatawa si Sol na tinakpan ang bibig. Pero hindi man lang natinag ang binata sa kanyang ginawa. Napatawa lang ito ng mapakla. Napatingin ito saglit sa mga kaibigan habang lumalabas na ang iba nilang mga kaklase at pinabayaan na sila roon sa loob. Alam naman kasi ng mga ito ang bad blood sa pagitan nila Sun Woo noon pa man.

Tatalikod na naman sana si Kara ng pigilan siya ng lalaki sa kamay. Lalong sumingkit ang chinito nitong mga mata. Half-Filipino at half-Korean ang lalaki. Isang Korean-national ang ama nitong businessman at Pinay naman ang ina nitong dating stage actress at hindi raw kasikatan. Hindi nga nila kilala ito, e.

Sun-Woo was tall kaya napaangat siya ng tingin dito. Napahanga man siya sa pisikal na anyo nito at kakayahan simula pa noong first year nila ng junior high ay hindi naman niya gusto ang ugali nito lalo na at parati siya nitong binu-bully. Sa loob man o labas ng campus.

Ang lalo pang ikinaiinis niya ay magaling itong tumayming. Hindi maniniwala ang mga teacher nila kapag magsusumbong sila ng kaibigan dahil magalang naman ito at palabiro. Wala siyang nakuouhang ebidensya laban dito. Isa pa, isa sa mga regular donors sa eskuwelahan nila ang mayamang pamilya ng lalaki. Kaya talo talaga siya palagi. And she just endured and fought it all these years. Wala rin naman talaga siyang magagawa kundi ang harapin lang ang hurdles niya sa buhay.

"Saan ka pupunta?" tanong ng binata sa kanya.

"C.A.T. Saan pa? Kung ayaw mong mag-training, bahala ka sa buhay mo!" Binawi pa niya ang kanyang kamay.

Isa siyang platoon leader, officer ng C.A.T., samantalang ang mga athletes ay may option na mag-undergo ng training o hindi at depende kung may laro ang mga ito o wala.

Bago pa niya nalaman ang nangyari ay may na may superglue na ang kanyang kamay nang binitawan ito ng lalaki. Ngumisi pa ito sa kanya nang nandilat ang mga mata sa nakadikit na papel sa kamay niya.

Tumawa pa ang mga kabarkada nito na hinila ang binata palabas ng classroom.

"Han Sun Woo! Baliw ka!" galit na sigaw niya sa lalaki.

Mabilis na nagtaas-baba ang kanyang dibdib sa inis. Napapikit pa siya ng mga mata.

Alala namang tinignan ng kaibigan ang kanyang kamay. Ang hirap pa namang tanggalin ng superglue. Paulit-ulit niyang minura ang lalaki. Wala siyang pakialam kung maging litanya na niya ito.

Huwag kang mag-alala BFF. I'll surf the net to search on how to remove it," anitong sabay hugot ng tablet at nagse-search kaagad sa internet. Peri naglalakad na sila patungo sa traning ground.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play