"EZRA! EZRA! " Napalingon ako sa pinsan kung napupuyos ng galit.
"Anjan sa labas ang kapatid mong ipakta! Ang walang hiyang babaeng yan! May lakas pa siya ng loob na sumugud dito? Kunti na lang at ingunngud ko na ang mukha niyan sa semento sa subrang kapal!"
Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. "Sandali sino nga ulit ang naruon sa labas?"
"Si Solen! Ang walanghiyang si Solen ang nanjan sa labas nagwawala!"
"Really? Ano daw ang kailangan niya?"
"Kilala mo ang babaeng iyan! Lalo na ang napakasamang paguugali niya. Kung bakit umampun ang magulang mo ng kampon ni satanas!"
"Calm down pinsan baka ma high blood ka niyan! Hayaan mo na si Solen sa labas. Hindi siya papasukin ng mga guard sa ibaba"
"Nagiinit ang dugo sa ipaktang iyan!"
Napailing na lamang ako sa pagdadaldal ng pinsan ko. Sanay na ako sa ugali niyang yan. Nanahimik naman ako at muling itinuloy ang akong iginuguhit.
"Oi Ezra hindi ka pa uuwi? Tayo na lang ang naiwan dito"
Napatingin ako sa orasan sa aking bisig. Agad kung isinara ang aking sketch book, inilagay ko ito sa aking bag para ipagpatuloy na lamang sa bahay.
"Lets go," turan ko sa pinsan ko na may kakaibang tingin ang ipinupukol sa akin.
"What's with the stare? Do i have any dirt on my face?" Tanong ko dahil sa kakaiba talaga ang tingin nito.
"Tell me nagkita na kayo ulit?"
Nagtataka akong napatigil sa paglalakad saka siya hinarap. " Nagkita with who?"
"Nagkita na kayo ni Elijah? I mean mag iisang buwan kana dito sa Pilipinas--"
"Yes" putol ko sa tanong nito. Muli akong naglakad mas nauuna na ngayon sa kaniya.
"WHAT? KAILAN? SAAN? PAANO? BAT DI KO ALAM?" sunod sunod na tanong nito. Sumasakit na ang tainga ko sa taas ng boses ng pinsan ko kaya mas pinili kung manahimik at huwag siyang sagutin pa and she knows already kung ano ang ibig sabihin ng pananahimik ko.
"Couz! Andami mung iki-kwento sa akin"
Hindi ko na siya pinakinggan pa kaya ng makarating kami sa parking ay agad akong sumakay sa kotse ko. Bumusina lamang ako sa kaniya para magpaalam. I'm never fan of telling others what I feel kahit ang mag share ay ayaw ko pero sadyang makulit ang pinsan kong iyon.
Agad akong nag park sa garahe ng makarating ako sa bahay namin. Actually it's my parents house, dito muna ako namamalagi dahil under renovation pa ang bahay ko.
Pagbukas ko pa lamang sa pinto ay may kung ano ng nabasag sa paanan ko.
"ANG KAPAL NANG MUKHA MONG UMUWI DITO! AFTER WHAT YOU'VE DONE AY UUWI KA PA SA PAMAMAHAY NA ITO!"
Wtf? Anong problema ng babaeng ito? I look at her with smug look on face. Tahimik kung inilibot ang aking paningin para makita ang mga nagkalat na vace, painting at mga baso sa sahig.
Imbis na pansinin ang ginawa ng babaeng ito sa bahay ay nagpatuloy ako sa pagpasok ng akmang lalampasan ko ay siya ay marahas na hinila nito ang braso ko.
"HUWAG MO AKONG TATALIKURAN! SUBRANG KAPAL NG MUKHA MO NA MAGPAKITA KAY ELIJAH! MALANDI KANG BABAE KA!
"What's wrong with you?" Malamig kung tanong dito bago baklasin ang pagkakahawak nito sa braso ko.
"Anyway bayaran mo ang mga sinira mo sa bahay ko" baling ko uli dito. I don't wanna talk to her it would be a waste of time for me.
Tinalikuran ko na ito pero hindi parin natigil ang bunganga nito sa pagsasalita.
"MALANDI KA! INAANGKIN MO ANG HINDI SAYO! MAKATI KA! HIGAD!"
Matalim na tingin ang ipinukul ko kay Solen. "Say's the girl who flirt with my ex-Husband? Sa ating dalawa mas makati ka, mangaagaw at higad. Tsk! Lahat ng sinabi mo ay patungkul sa iyo. Sure kang sa akin mo iyon sinabi?"
"Clean your fucking mess inside my house bago kita ipatapun sa labas! And you better watch your bad mouth bago ko isara iyan ng sapilitan."
I will claim what is really mine! Everything! Walang pwedeng humadlang sa akin. Subra subra na ang inagaw nila sa akin, now i will make sure to put everything in place.
PAGSUNOD
"What dad? Are you kidding me?" Hindi ako makapaniwalang tinignan si Daddy. He is looking at seriously ni walang mababakas na kahit na anong emosyon sa mukha nito and by the way he's looking at me I know that I won't change his mind, even Mommy is not saying anything or any words against to dad.
"You don't raise your voice on me Ezra Seraph Del Jungco."
"But Daddy naman! For goodness sake I'm just seventeen and what are you asking me for? To marry a stranger man?" Kaunti na lamang ay magwawala na ako sa harap ni Daddy. I can't believe na dadating ang araw na sila pa mismo ang magsasabi na ipapakasal nila ako.
"Ezrah anak just listen first. We are just doing this for your own sake!" Ezraphine Del Junco-- my mommy said to me.
"For my own sake? Really mom? I can leave my life at subrang bata ko pa isipin ang pagaasawa. Wala pa sa isip ko iyan dahil ang tanging gusto ko ay mag aral!"
"Please princess understand that we just want a better life for you in the future," ani mommy na may tonong nagpapaintindi sa akin pero kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga makuha ang nais nilang gawin.
"Bakit mommy naba- bank crop na ba tayo para isipin ninyo ngayon ang pagaasawa ko? Subra -subra pa nga pera natin. Hindi ba nga ay nga ay nakaya pa ninyo na mag ampon pa ng anak?"
"EZRAH! WHEN DID YOU LEARN TO TALK TO LIKE THAT? WHERE DID YOUR MANNERS?"
"Why? Totoo naman diba? Im just saying the truth" Pinipilit kung kalmahin ang sarili ko dahil kapag hindi ay baka umiyak na lamang ako.
"Nag ampon pa kayo kasi I am not enough! Even without my permission ay nag ampon pa din kayo! I did not ask for another siblings more in adopted sibling!" I bursted then I walk out. I can't handle my own feelings anymore kailangan ko ng umalis sa harapan ng magulang ko dahil baka maging bastos pa ako lalo.
"EZRAH! EZRAH ANAK!"
Hindi ko na pinakinggan pa ang pagtawag ni mommy sa akin. Tuloy-tuloy ako sa pagpanhik hanggang sa aking kwarto, padabog ko pa itong isinara saka ini- lock.
Buong akala ng lahat ay masaya kaming pamilya na perpekto na kami at wala ng mahihiling pa pero hindi nila alam na unti-unti na kaming nawawasak. The thought of my family crumbling down is beyond my expectations. Hindi ko matanggap at ayaw kung tanggapin.
The next morning came at maaga akong pumasok sa school. I'm a grade twelve stude at cookery ang kinuha kung strand. I love cooking and i want to learn more, i believe that every one should learn to cook if they don't want to starve themselves.
Not everyone is privilege enough to have their own nanny or cook that can cook for them. My dad raise me a real woman while mommy trained me to be a perfect wife in the future. Hindi ko naman naisip maaga nila akong gusto mag asawa.
"Good morning class"
"GOOD MORNING MA'AM IT'S NICE TO SEE YOU" bati namin lahat sa adviser maming si Ma'am Danica.
"Ready na ba ang ingredients niyo for making your cake?"
"Yes ma'am!" We all answer in unison.
"Good! So now go to your group and ready your ingredients."
Tulad ng gusto ni Maam Danica ay inumpisahan namin ang paggawa ng Cake. Sa aming group ay piniling Chocolate cake ang gawin, maliit na Cake lang naman tapos ang icing na gagawin ay Royal Icing tapos magdidikit kami ng chocolates para magmukhang Dark Forest Cake.
After namin matapos ang cake at mailagay sa fridge ay pinabalik kami sa aming perspective seats. Sunod-sunud ang naging klase namin hanggang hapon na siyang naging time namin sa P.E.
Kaya naman after ng klase ay pagud na pagud akong umuwi sa bahay but in some other point ay parang ayaw ko umuwi sa bahay pero wala akong magawa at wala akong choice.
"Ezra anak magbihis ka at may dinner tayo tonight."
Nakangiting sabi ni mommg ng makita ako. "Dinner? Sa labas?" Walang gana kung tanong dahil sa subrang pagod. Im so drain na ang gusto ko na lang ay mahiga sa aking kama saka matulog na.
"Yes, tonight you'll ginna meet your fiance,"
"A-ano?"
"You will finally meet your soon-to-be-husband," Napatitig ako sa mukha ni Mommg. The way she announced it she looks very excited. I can't believe they will really push this to me.
"But mom I'm so tired. Gusto ko ng magpahinga," walang gana kung sabi.
"No! You need to come so better prepare yourself."
Wala akong nagawa sa gusto ni mommy dahil alam ko na kahit anong pigil at rason ko ay wala parin akong magagawa. Her words is final and i need to follow kaya naman walang gana akong pumanhik sa aking kwarto para magbihis.
Mabilisang pagligo ang ginawa ko kaya kahit ang pagbihis ay hindi ko na masyadong binigyan ng atensyon. Mom told me to get dressed kaya ng makita ko ang sarili ko sa salamin ay agad akong napatango. I'm wearing a plain white off shouler na pinarisan ko ng flat sandals.
"Are you serious na iyan lang ang susuotin mo anak? Andami mong bagong dresses kaya ba't iyan ang sinuot mo?"
"Why? What's wrong in my dress?" Tanong ko pero dahil sa napaka matikolosa ni mommy sa pananamit ay alam kung madami pa syang sasabihin.
"Ezra that's to simple!" My mom commented in so exaggerated way.
"Mom stop it please! Huwag po ninyo akong pilitin na magbihis ulit dahil hindi ko gagawin,"
"But you need to atleast be presentable," she added again na para bang hindi pa presentable ang suot ko.
"No mom at isa pa presentable na ang suot ko. If you don't want me to come with you then please po settle with what im wearing. Alam niyong ganito na ako manamit."
This time ay wala ng nagawa pa si mommy sa suot ko kahit pa halatang andami pa niyang sasabihin. Natigil lamang ng dumating na si Daddy para sunduin kami. Habang nasa daan kami ay to do parin sa pagsasabi si mommy sa mga 'DAPAT' kung gawin. Hindi na lamang ako nagsalita at sumagot dahil subrang hahaba pa ang sasabihin nito.
"OH MY GOD!I'm so sorry that we are late. Naabutan kami ng traffic papunta dito." My mom said to woman who sit elegantly and beside her is a man in suit.
The woman stand at nakipag beso beso kay mommy. "It's okay hinihintay parin namin ang aming anak. He's kinda busy kaya na late din,"
"Anyway please meet my daughter Erza Seraph Del Jungco," pagpapakilala ni Mommy sa akin.
Binalingan ako nito ng tingin and napakurap ako ng tignan niya ako mula ulo hanggang paa. Kinabahan ako pero hindi ko hinayaan na ipakita iyon. Nanatili lamang akong nakatayo hanggang sa lapitan niya ako para yakapin.
"You're so beautiful hija," she said habang nakayakap pa din sa akin. Gulat akong napabaling kay mommy na subrang lapad ang pagkakangiti.
Saka pa lang pinakilala ni mommy sa akin ang kaharap ay makaupo na kami. " Ezra this is Emilie San Dejas at ang kaniyang asawa Antonius San Dejas"
"Good evening po Mrs. San Dejas at Mr. San Dejas," pormal kung sabi.
"Just call me tita at tito naman sa asawa ko," masayang sabi ni Mrs. San Dejas.
"Okay po Tita at Tito,"
Natuloy ang kwentuhan ng mga magulang ko kasama ang mag-asawang San Dejas. Pa minsan-minsan ay sumasagot ako kapag tinatanong.
"Excuse me po restroom lang po ako," paalam ko.
Agad na naghilamos ako ng makapasok ako subra talaga akong inaantok nakakahiya naman kung bigla na lamang akong matulog habang nasa gitna kami ng pagkain.
Inalis ko ang pagkakatali ng aking buhok para makaginhawa ito sa pagkakaipit. Kusang nalaglag ang bagsak na bagsak kung buhok, subrang haba na nito na hanggang sa may pwetan ko na. Ayaw kung paputulan kahit pa minsan ay gusto ng pagupitan ni Mommy but Daddy said no to her.
Sinusuklay ko sa mga daliri ko ang buhok ng palabas na ako kaya sa subra kung pagtuon ng pansin sa buhok ko ay hindi ko napansin ang lalaking nagmamadaling maglakad. Nabunggo ko siya kaya nawalan ako ng panimbang sa bigat ko. Ang buong akala ko ay tuluyan akong matutumba but a strong hand is holding me. Stopping me from falling.
"****! Are you okay?.... Er.. Ms. Rapunzel?"
Download NovelToon APP on App Store and Google Play