Ano kaya ang dahilan ba't kailangan pang mabuhay? Mga tunog ng sasakyan, mga huni ng ibon, himig ng hangin, at halaklak ng mga tao. Animo'y walang katapusan at paulit-ulit nalang. Ang lungkot parang musikang wala sa tono ang dalo'y ng buhay ko, hindi ko alam kung saan patungo o saan kailangang tumungo. Masaya ba ang mag-isa o mas masaya kapag may kasama? Paulit-ulit na katanungan na gumagambala lagi saking isipan. Simula ng mamatay ang mama ko mag-isa nalang ako. Walang mga kapatid at hindi ko alam kung may mga kamag-anak ako. Kasama ko lang sa bahay ay ang pusa't lumang gitara ko. Tuwing gabi'y nakatingin ako sa kalangitan habang pinapatugtog ang gitara.
Maaabot kaya ng bituin ang musika ko? Pag naabot ba nila kikislap sila ng sobrang liwanag? Sasayaw ba sila habang naririnig nila ang magandag tunog nito? Siguro hindi wala namang buhay ang bituin.
Umaga nanaman, rinig ko nanaman ang mga ugong ng sasakyan. Maaga akong gumigising para madami ang kitain ko. Umupo sa tabi at inilapat sa sahig ang basong luma. Pinatugtog ang lumang gitara, sa bawat tugtog nito para akong isang ibong malaya sa lahat.
Ting!!Ting!! tunog ng mga baryang inihuhulog ng mga taong naabot ng musika ko. Mag-gagabi nanaman at kailangan ng tumayo sa kinauupuan. Sa bawat paghakbang, rinig ko ang salitang mga pagmamaka-awa.
"Palimos po pang-kain lng po" mga salitang pagmamaka-awa na wala man lang pumapansin. Nilapitan ko ang matandang nakaupo, mahina na at halos buto buto na.
"Heto po kunting barya lng ho, sana makatulong."
Mga salitang binitawan ko na parang nagpagaan sa kalooban ko.
"Salamat iho, pagpalain ka sana."
Bumuhos ang ulan sabay ang pagbuhos ng luha ng matanda, luhang madami ang kahulugan. Dali dali kong inanyayahan ang matanda para sumilong dahil malakas ang ulan.
"Maraming salamat talaga iho, ngayon lang ulit ako makakakain."
Masayang masaya ang matanda't maya maya ay may binunot siya sa bulsa niya. Kinuha niya ang kamay ko't ibinigay ang isang kuwintas.
"Saiyo nayan bilang pagpapasalamat ko sayo."
Ani niya habang nakangiti at nakatitig sa akin.
"May kuwintas napo ako at parehas po nito, baka po mahalaga sa inyo ito."
Pag tanggi ko ngunit nakangiti paden siya habang lapat lapat ang kuwintas sa mga palad ko. Hindi nako tumanggi pa't kinuha ko at nilagay sa bulsa ko.
"Maraming salamat po."
Salitang binanggit ko at tsaka na ako umalis.
Bakit kaya may mga taong walang pakialam sa kapwa nila? Hindi ba sila naaawa? Siguro ganon talaga kasi wala naman silang makukuha sa pag tulong.
Pumasok ako sa bahay, naligo muna bago ako humiga. Huminga ng malalim at tsaka ko pinikit ang dalawa kong mata.
Huni ng ibon, buhos ng ulan, isang babae sa aking harapan. Nakahiga ako sa daan puro puno ang mga nasa kapaligiran. Anong klaseng panaginip to? Anong ibig sabihin nito? Nakatingin sa kalangitan habang pumapatak ang malakas sa ulan sa mukha ko.
"lalaki!! hoy lalaki!!"
Paulit-ulit na sigaw ng isang babae ngunit diko pinapansin. Panaginip ko ito ayaw ko ng istorbo, gusto kong sulitin ang malayang lugar na ito.
"a-arayyyy!!"
Sigaw kong malakas dahil sa pagsipa sa akin ng babae.
"anong problema mo ha?!" sambit ko ng pasigaw.
"problema? huh? wala." sagot niya saken na para bang lutang.
"bakit ka nakahiga sa damuhan ang lukas ng ulan oh."
Nagtatakang tanong ng babae habang nakaupo sa tabi ko. Iniisip ko kung sino kaya ito? Bat siya nasa panaginip ko baka panggulo lang siya sa magandang panaginip na ito.
"layuan mo nga ako." mahinahon kung sabi.
"h-hmphh!! nagtatanong lng eh." sagot niya habang naka simangot.
Nagulat ako sa paghiga niya gaya ng pag higa ko, nakatingin siya sa kalangitan habang nakangiti.
"N-neh, maganda pala humiga dito habang umuulan sobrang tahimik ang saya't sumasayaw ang mga damo habang umiihip ang malamig na hangin."
Salitang binitawan niya habang patuloy pa ren ang pagbuhos ng ulan. Umiihip ang hangin at sumasayaw ang mga damo, humuhuni ang mga ibon, pumapatak ang ulan na para bang niyayakap ka ng mahigpit.
"u-uh, oo masaya ngang pagmasdan."
Sagot ko sa kaniya habang nakatingin ako sa nakangiti niyang mukha.
"ganto ba lagi ginagawa mo pag malungkot ka?" tanong niya.
"unang beses ko lng ito." sagot ko.
"parehas pala tayo no? HAHA." sambit niya ulit.
"lalaki, ano yang bagay na nasa tabi mo? tanong nito.
Nakita ko ang gitarang luma at nasa tabi ko ito. Iksaktong iksakto kung paano ko ito inilapat sa tabi ko bago ako matulog.
"gitara ito." sagot ko.
"g-gitara? para san?" gulat na tanong niya ulit.
Gitara? hindi niya alam ang sikat na bagay na ito?
"hindi mo alam? ito ay isa sa mga ginagamit sa pagtugtog ng musika"
"at siya nga pala sino ka? ba't nasa panaginip kita?" tanong ko.
"p-panaginip? hAAAAh?"
Nagulat siya ng marinig ang salitang panaginip bakit kaya anong meron? Lahat naman ay may kaniya kaniyang panaginip, anong mali sa taong ito.
Download NovelToon APP on App Store and Google Play