This is a work of fiction. Name, character's, businesses, places, event and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person's, living or dead , or actual event's is purely coincidental.
Errors Ahead. Not proofread
-Start-
Kanina pa nka busangot ang Mukha ko simula ng Gisingin ako ng nanay ko para lang mag simba. Ako lang ata ang hindi maka Dios sa pamilyang to. Ikaw ba naman kasi ang gisingin ng alas singko ng umaga tas Sunday hindi kaba ma bwebwesit.
"Huy Ella ayusin mo nga yang Mukha mo. Araw ngayon para magsimba tas ganyan ang ipapakita mo" eto na nag simula na ang nanay ko. Second demotion tong tatay ko itaya ko pa ang puso at atay ko.
"Oo nga naman anak. Today is the day for God. Wag naman ganyan ang mukha mo anak." mahinahon na sabi ni tatay.
Pinilit ko nalang ang sarili ko na ngumiti. Kahit nag mumukha na akong tanga sa sasakyan.
"MA after ng simba mall tayo. May sales daw ngayon. "
"Isa kapa kitty"
"Ma nag sasabi lang naman ako ng advance noh"
Inis Kong kinuha ang towel ko sa bag ni mama. Ilalagay ko sa ulo ko dahil sobrang init. Feel ko pati ang kaluluwa ko nasusunog.
"Ella sure ka bang papasok ka?" tanong ni Kuya Edward sa akin
"May choice ba ako Edward?"sarkastiko kung sagot.
"Kapatid ko nag aalalala lang naman ako sayo baka sa pictuan pa lang masunog ka na"
"Ako din Edward nag aalala din ako sayo baka kasi ngayon pa lang masunog ka na sa ka sexy han ko."
"Luhh Hindi ata ako na inform na may bagong definition na Pala ang sexy ngayon."
"Kayong dalawa tumahimik na nga kayo. Pasok na kayo doon nag start na ang praise and worship oh"
"May bibilhin lang ako"
Hindi ko na hinintay ang sagot ni Mama. Agad na akong tumalikod sa kanila. Dahil wala naman talaga ako bibilhin at wala akong pera pambili. Tumayo muna ako sa gilid ng swing. Hindi naman nila ako makikita dito na side.
Nag hintay pa ako ng ilang minuto tsaka ako dumiretso sa basketball court. Sa ka alaman ko naka rent lang kami ng church dito. Mabuti nalang may mga basketball player dito. School na ewan kasi etong inupahan nila.
"Aghhhh" daing ko sa sakit ng mabunggo ako sa matigas na bagay pero mabango
"I'm sorry. Hindi kita nakita" Kaya pala masakit. Sa lahat ba ng pwede kung mabunggo isang lalaki pa talaga ah
"Ganyan na ba ako ka liit para hindi mo ako makita?" inis kong singhal sa kanya. Hindi biro ang mauntog sa mala sementong dibdib nya noh.
"No, that's not what i mean. The service is starting na kasi and I'm in charge to be the praise and worship leader today"
"Ikaw ang mag lead bakit maganda ba boses mo? Baka pag kanta mo, imbes na ma bless ang mga tao baka ma bwesit lang sila sa boses mo" I look at his eyes sharply.
Umabante muna ako para tignan ang kabuohan nya. He is around 5'9 i guess. He is wearing a blue polo partnered with black belt and white jeans. Naka insert pa ang loko. In fairness may maayos na mukha naman si Mr. Semento, starting from his brown intimidating eyes. A nose that everyone is dreaming of and I like that defined jaw of him.
"Wait scars ba yan?" Hindi ko maiwasan ang tanongin sya. Duhh Hindi naman ako chismosa.
"I'm sorry miss but maybe I can answer your question next time. I really need to go"
"Wait"
Aishhh hindi ko man lang na tanong ang pangalan nya. Badtrip naman oh, sinubukan ko namang aninagin ang mga tao na nasa basketball court. Naka upo lang ako ngayon sa swing.
"Wala man lang gwapo sa inyo?" bulong ko ng walang makita na pogi sa mga naglalaro.
Patay.
Lumabas na si mama.
"Ella akala ko ba may bibilhin ka lang?"
"MA ayaw ko nga pumasok"
"Papasok ka dun oh ako mismo ang magpapapasok sayo doon" putchek, ginamit na nya ang pinaka nakakatakot na boses nya
Padabog akong pumasok dun sa simbahan. Lahat ata ng tao dun tumingin sa akin. Pasalamat sila naka aircon dito. Nilibot ko ito ng tingin at nakita ko sa harap ang lalaking na bangga ko kanina.
"Ella umupo ka nga, hindi makakakita ang mga tao sa likod oh" hibla ni mama sa akin sa upuan.
"Mata ba ang ginagamit nila para maka rinig?"
"Miguella wag na wag mo akong pilosopohin"
Tss inirapan ko lang ng patago si Mama. Hindi nya din naman makikita iyon dahil busy sya sa pakikinkinig. Ako naman heto bagot na bagot, sinusubukang hindi maka tulog sa haba ng sinasabi ng pastor sa harap.
To be honest this is the first time na naka pasok ako ng simbahan, not to include the day of my baptism. Sinasabihan din naman ako ni mama na sumama pero nakaka gawa agad ako ng mga dahilan ngayon lang talaga ako nagka palya.
"Tumayo ang lahat"
Ay salamat.
Nung time na ng prayer ay tinitignan ko lang ang mga tao na umiiyak. Pero tumagal talaga ang tingin ko sa lalaking kapwa naka taas ang kamay at umiiyak. May sinasabi sya na hindi ko mabasa. Ganda pala ng side profile nya.
"Ehemm prayer time ngayon kapatid Hindi titig time" kurot sa akin ni kitty na Kagagaling lang lumuhod sa altar.
"Tss nag dadasal ako ng naka buka ang Mata kaya mukhang Naka titig ako sa kanya"
"Talaga anong pinag dadasal mo?"
"Sana gumanda ka, ikaw lang kasi pangit sa pamilya natin" Hindi pa nag iisang Segundo ng sabihin ko iyon pero yumanig na ang buong Mundo ko.
Sinamaan ko lang ng tingin si Kitty tsaka busangot na Naki pag shake hands sa mga tao. All I thought makaka alis na ako sa lugar na iyon pero putragis tinawag na naman ako ni kitty.
"Ella halika dito."
"Ayaw ko, ano ba" angal ko sa kanya
"Wag ka ngang pabebe dyan. Gusto ka lang makilala nila"
"What?? I need to introduce my self to
them one by one?" I ask almost shouting. Gosh uuwi ata ako ngayon na patay.
"Miguella naman katatapos lang ng service oh. Maki join kana wag kang Oa"
Aangal pa sana ako ngunit Hindi ko na iyon natuloy ng makita ko ang lalaki na naka bungo sa akin kanina.
"Oy sissy Kong bet mo si Kuya Jade asa ka hindi ka nyan magugustuhan. Dahil gusto nya ng mga babaeng Maka Dios eh hindi ka naman ganyan, Hindi lang yan artista pa kaya ghurl isang malaking asa ka"
"Ano?"
"Si ku-"
"Pakialam ko dyan"
"Hi" a four eye girl approach to me with a smile on her lips. I'm looking them one by one. Asan na ba ang pader na iyon?
"Ahmm may hinahanap ka ba?" she ask softly.
"Wala naman" sinubukan Kong ngumiti habang sinasagot sya.
"Owhh anyways I am Grace Lyn Sari, Youth President here in our church" share mo lang, I said at the back using my mind.
"Miguella"
"Hi Ella welcome to our church. I'm Cinder Myden Rosales, nice to meet you" bati naman sa akin ng babaeng mahaba ang buhok.
Halos natapos na silang lahat sa pag pakikilala sa sarili ngunit Hindi pa din dumadating ang lalaking yun. Wait... Shocks baka hindi na kabilang sa Youth yun. The thing Pakialam ko ba kung hindi na sya ******?
"Ella may natutunan ka ba sa lecture kanina?"
Napatingin naman ako ni mama ng Bigla nya akong tanongin. Hello, wala naman akong naintindihan kanina eh. Tsaka si Kitty ang kausap nya Bakit ako ang tinanong?
"Maging mabait na bata" Sagot ko, buti nalang may naalala akong sinabi ng preacher kanina.
"Very Good at nakikinig kana."
"Tss"
Habang kumakain kami ay Hindi pa din mawala sa isip ko ang lalaki kanina. Kaya naman ng umuwi kami ay Hindi na ako ng aksaya ng oras para I search sya sa Google.
"Wow gagawa ka ba ng Facebook?" Aghhhh wala nga Pala akong Fb account.
"Ahmm pahiram nga ng fb account mo"
"Luhh Asa ka, gawa ka ng sarili mo woi" asar nya sa akin.
"Pusa naman makiki fb lang ako. Tsaka Bakit naman ako gagawa ng fb account eh Hindi nga ako nag ce cellphone"
"How dare you calling me pusa! But anyways why do you want to use my fb account?" taas kilay nyang tanong
Impakta, kung sasabihin ko to baka ipag Kalat nya sa church mate namin.
"May titignan lang ako"
"Anong titignan mo?"
"Fb account mo Syempre"
Kaya nga ako humiram ng fb mo dba!?
Minsan talaga may pagka slow etong babaeng to.
"OK, madali naman ako kausap no ticket no entry"
Nang aasar ba sya? Tinignan ko lang sya ng masama pero tawa lang sya ng tawa sa harap ko. Sinapian na ata ang babaeng to
"Woahhh, akalain mo yun ang pusong bato ni Ella nabihag sa isang lalaking Hindi nya pa nakilala. #ellaisinlove"
Paano pumatay ng kapatid ng hindi nakukulong?
Dalawang araw na ata ang lumipas simula nang makita ko si Pader. Hindi ko din naman makita ang totoong account nya sa fb dahil sikat Pala ang lalaking to. Pero ang hindi ko inaasahan Bakit nandito ang mga church mate namin sa bahay?
"Oh nabuhay mga bulate mo sa Tian?" bulong sa akin ni kitty ng makita akong Naka tingin sa mga tao sa baba.
"Anong meron at nandito sila?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Bible Study daw dito sa bahay tsaka baka magpa ganda ka ah. Hindi makakarating dito si Kuya Jade alam mo na artista ang lalaki yun."
"Hindi ko tinatanong" pa irap kong sabi at dumiretso na sa Kwarto.
Doon na lang siguro ako sa loob ng Kwarto mag momokmok. Gamit ang Rpw account ko ay tinignan ko ang mga post ng mga fans ni Jade. Minsan naman ay Hindi ko maiwasan ang mapatawa kapag nababasa ang post ng iba na naghahanap ng jowa.
Congratulations to my baby Keneth Jade Vercide for the most attractive and handsome man worldwide.
Sya ang pinaka pogi? Weee? parang mas pogi pa yung no 2 ah. Nag hanap pa ako ng ibang article sa kanya. I was about to press the post where Jade was seen dating a non showbiz girl when my sister enter my room without knocking.
"Don't you know how to knock?" singhal ko sa kanya.
"Highblood ka?" Naka pameywang na tanong nya
"Hindi, pero naasar ako sa Mukha mo kaya lumayas ka"
"Kahit sabihin ko pang nandito si Kuya J?"
"Andito eh busy nga yun sa date nya" bulong ko sa kawalan.
"May sinasabi ka?"
"Wala. Tsaka ano bang pakialam ko kung nandito sya?"
"Wow ha! Ikaw na nga tong tinutulongan ikaw patong maarte?"
"Anong klaseng pag tulong ba ang sinasabi mo?"
"Napa punta ko dito si Jade na crush mo tsaka meron ding dalawang additional"
"Additional?" pinag sasabi ng babaeng to?
"Oh mah gosh I forgot Manang ka pala, so you dont know anything about them"
"Alam mo kung mang iinis ka lang lumayas ka sa teritoryo ko"
"Fine." Aalis na sana sya ng Bigla syang humarap sa akin.
"Yeah I forget, pinababa ka pala ni mama"
Napa irap nalang ako sa kanya tsaka tumango. Hindi na ako nag abala pang mag half bath o maligo man lang. Inayos ko lang ang buhok ko at nag palit ng damit.
Wala naman kasi talaga akong paki alam kong ano ang tingin sa akin ng mga tao. Pake ko sa kanila hindi naman sila ang nagpapa kain sa akin. Mabigat na mga hakbang ang ginawa ko habang bumababa. Ngunit pababa na pababa ko ang una Kong nakita ay si Mr. Pader katabi ng dalawang lalaki.
Familiar sa akin ang lalaking nasa kanan nya. Sya ata yung ranked no 2 sa nakita Kong post kanina.
"Ella mabuti naman at bumaba ka na. Tulongan mo ang kapatid mo doon sa kusina na maghanda ng meryenda. Magsisimula na ang Bible study" bulong ni mama sa akin.
Sinulyapan ko muli ang mga bisita namin tsaka dumiretso sa kusina. Nagtitimpla ng juice si Kitty ng naka ngiti, naka drugs ba sya?
"Anong gagawin ko?"
"Hmmm prepare ka ng bread... Sarapan mo ah"
"Kailangan ko pa bang maghanda eh meron na namang tinapay dyan oh" turo ko sa slice bread
"Tanga lagyan mo kaya ng peanut butter"
"Wala naman tayong peanut butter ah" kunot noo Kong sabi
"Bumili si Mama kina Aling Mena kanina" kumuha sya ng baso para tikman ang juice tsaka nag thumbs up sa akin. Naka drugs na nga sya
"Yun lang ba?"
"So far yun lang naman. After that dumiretso kana dun para makinig OK. Nakakahiya sa crush mo"
"Wala akong crush"
"Sabi ko nga wala kang CRUSH" Amputek bakit diniin ang salitang crush?
Umiling lang ako tsaka sinimulan lagyan ng peanut butter ang mga tinapay. Mukhang nag simula na din sila kaya naman binilis bilisan ko ang galaw ko para maka alis na dito sa kusina. Nasa panghuling tinapay na ako ng maramdaman kong may pumasok sa kusina. Baka si Kitty
"Hi miss, can I ask you a question?"
Halos mabitawan ko ang slice bread na aking hinahawakan ng marinig ko ang boses ng taong pumasok. Takte paano ko to sasagutin? Naputol ata ang dila eh.
"Miss?"
Pumikit muna ako ng mariin bago ko sya hinarap ng dahan dahan. Mag hunos dili ka nga Ella. Para kang tinutulis ngayon eh.
"Ano?" taray kong tanong sa kanya.
"Where i-"
"Hindi ako marunong umintindi ng English"
"Ella" tinignan ko naman ng nakakatakot si Kitty ng pumasok sa kusina. Ang daldal pa naman ng babaeng to baka kung anong masasamang salita ang sabihin neto.
"Kitty glad you're here, can is a-"
"Teka lang Kuya Jade ah mukhang tinawag ako ni mama eh" nagmamadali nyang sabi sabay kindat sa akin.
"Kitty" sigaw ko ngunit hindi na lumingon pang muli ang kapatid ko.
"Manghihingi lang sana ako ng tubig" he said using his husky voice. Dinaan ko nalang sa irap ang ilang ko ng tignan nya ako sa Mata.
"Teka lang kukuha ako" stricta Kong sabi
"Sorry sa disturb pero pwede kitang tulongan sa ginagawa mo"
"Hindi na"
Langya hindi man lang nag pumilit. Nanatili pa ako sa kusina ng ilang minuto bago naisipan na silipin sila mama. Kasalukuyang nakikinig sila ngayon sa preacher. Si Jade ay maiging nakikinig sa nasasalita samantalang ang dalawa nyang katabi ay busy sa pakikipag usap.
"Nak, buti naman at nakinig ka" Pagod na sabi ni Papa tsaka humalik sa aking noo.
"Pa, kamusta?" tanong ko habang kinuha ang dala nyang damit.
"Eto pagod sa trabaho, ilang weeks nalang siguro tapos na ang construction namin. Sana meron namang magpapa trabaho"
"OK lang yan pa, ang layo pa eh advance ka namang mag isip"
Tumango lang sya sa akin tsaka sinabihan akong umupo na dun para makinig. Dahil batid kong pagod si Papa hindi na ako nagdag dag pa ng salita dahil pagod nga sya. Naghanap nalang ako ng bakanteng upuan pero naka walong ikot na ako ng tingin but the only available space ay yung other side ni Jade.
"Hi,naghahanap ka ba ng upuan?" Bati nya ng nakita ako papunta sa direction nila.
"Obvious ba?" taray ko pa ding sagot.
Hindi na ako nagtanong pa dumiretso na ako ng upo. Nakikita ko pa din sa peripheral vision ko na pa minsan minsan ay sumusulyap sya sa akin
"Dba artista ka?" boryong tanong ko sa kanya. Inaantok ako eh.
"Pwede bang Sagutin ko nalang tanong mo mamaya?" Madali nyang Sabi
"Tss seryoso ang dali lang naman ng tanong ko Bakit Hindi mo nalang Sagutin?" I crossed my hands as I look at him.
"Oo"
"Yun lang ang trabaho mo?"
"Hindi"
"Palagi ka bang nagsisimba?"
"Oo"
"May balak kang mag jowa?"
"Hindi"
"Type mo ako?"
"Hindi"
Ouch ha!!!! Oo at Hindi na nga lang ang sagot nya hindi nya pa ako type??!!
"Buti kung ganon dahil hindi naman ako keyboard para-"
"Shhh mamaya ka na mag salita OK"
Fine.
Ngayon nga lang ako naging friendly tapos ma re reject ako?? Hah! He is just a freaking artist and I bet hindi sya ganon ka sikat...
"Ella tulongan mo ang kapatid mong mag serve ng snack"
Aishhh. Kakausapin ko pa si Jade eh.
"Ano ba naman yan Kitty hindi ako maka porma dahil sayo" inis kung bulong sa kanya.
"May pinopormahan ka? Sino?!"
"Wala ka na dun."
Kinuha ko na sa kanya ang ibang pagkain at binigay sa bisita. Impaktang to inunahan pa akong bigyan si Jade.
"Oh!"
"Bakit mo binibigay sa akin ang mga yan?"
"Ikaw na mag serve dyan. May kakausapin ako"
"Ano? Anak ka ng pusit alam mo ba mahirap mag serve?"
"Cge na ngayon lng ako naghingi ng favor" binigay ko na sa kanya ng sapilitan ang mga pagkain tsaka sya iniwan.
"Oh tapos na, wag mong Sasabihin sa akin hindi mo pa din ako sasagutin?" umupo ako sa harap nya ng Naka taas ang kilay.
"Ano nga ang mga tanong mo?"
"Nakalimutan ko. Pero artista ka dba?"
"Oo"
"That means busy ka, paano mo na manage ang time mo?"
"What you mean?"
"Busy ka so paano ka nakakahanap ng time para pumunta dito?"
"Well I always make way for him. I do believe that i can't make and achieve what i want without him so what's the deal to have time with him"
"Kailangan ba talaga English sagot mo?"
"I'm sorry"
"You're unique" kumento nya, Naka tingin sa juice na sobraang lamig.
"Why? Kanina kapa nakatitig sa juice, Hindi mo ba yan iinumin?"
"Kasi the first time na naka sama ko ang ibang taong dito ay naiilang sila sa akin. Kailangan pa ako ang mauna na kumausap sa kanila but you" Hindi Maka paniwala nyang sagot.
"Actually hindi ko alam na artista ka. Pero kung artista ka naman edi mabuti dba. Meron akong discount sa mga malls pag kasama kita"
"So you're going to use me?"
"Hahahaha slight lang naman pero dba kindatan mo lang mga sales lady baka meron kanang discount para maka libre na din ng pagkain."
"Serioso ka?"
"Oo kaya nga gusto kitang kaibiganin dba?"
"Jade we need to go" sabat ng lalaking naka white shirt...
"Hi my name is Ella" I greeted him sexily. The boy looked at me evily before surpassing an evil smile while looking at Jade.
"Aiden. Nice to meet you miss" Iaabot na sana ni Aiden ang kamay nya sa akin ngunit winaksi ni Jade iyon.
I just smirk at him.
"Chill bro, una na nga ako mamaya mapatay mo pa ako" iling-iling na sabi ni Aiden.
"What's with that sudden move?" I ask raising a brow.
"Sa tingin ko sapat na ako para maka libre ka ng gastusin. You don't need to be friendly with another artist"
Simula nung gabi na iyon ay hindi na ako nilubayan ni Kitty. Tanong sya ng tanong kong ano ang pinag usapan namin ni Jade. I didn't answer her kasi alam ko ang bunganga nya. Baka nga hindi ko pa nasasabi sa kanya ay alam nya na.
Today is Friday another boring day to pass. Kasalukuyang naka tingin ako sa labas ng maalala na nag text pala ako sa twitter account at instagram account ni Jade.
"Ella alis muna ako ha"
Napa takip ako sa aking ilong ng maamoy ang pabango ni Kitty. Aghhhh ni ligo ba nya ang perfume ang sakit sa ilong ha.
"Saan ka Pupunta?" tanong ko, Naka takip pa din sa ilong.
"Wow sis, nakaka offend ka. Talking to me while covering your nose?! Ganyan naba ako ka baho?" she said almost crying. Oa ng babaeng to.
"Hindi ka mabaho OK, Pero naligo ka ba ng isang balde ng perfume?"
"Hindi, bakit masakit ba sa ilong?"
"Sa akin oo, Ewan ko nalang sa iba"
"Whatever,paki sabi kay mama na may date ako ngayon. Don't worry i'll be here before 6:00 pm." She said before waving her hands.
Tinignan ko lang sya hangang mawala sya sa pangingin ko. Sino kaya ka date nun? Bahala sya.
Naligo muna ako bago ako nag open ng twitter account. Just going to check if nag reply na ba sya.
@ellahhh: Jade......
What?!! No reply?
Ano sya famous? Grave ilang araw na tong message ko ah.. Dahil sa inis hindi ko mapigilan na mag messageflood sa kanya.
@ellahhh: Huy paalala ko lang sayo na hindi ka famous ha!!
@ellahhh: huyyy mag reply ka nga. Pag hindi ka nag reply magbabayad ka ng 100 pesos sa akin.
@ellahhh: Ah! Hinahamon mo talaga ako? OK fine! Every one hour na hindi ka mag reply you will pay 100 pesos OK.
@ellahhh: time check 12:25 so pag 1:25 na babayad kana ng 100 ha
@ellahhh: Huy may date ngayon si Kitty ako wala. Date tayo...
@ellahhh: Kain tayo ng isaw sa kanto. Hindi naman sigurong mamahalin yan tiyan mo dba?
Halos pumuti na ata ang mata ko kakaintay sa reply nya. Oh god from
12: 25 to 3:00 pm. Wala na hindi na kita type... Pag ikaw nag reply sinasabi ko auto block kita.
How dare you!!! Jade sinasabi ko pag nag reply ka hinding hindi kita I cha chat. Ano to?! Ako lang ang mag su suffer tas ikaw easy lang. Bahala ka. Humiga muna ako ng ilang minuto at napa tayo din ng biglang tumunog ang cellphone ko.
@kenjv: So i need to pay 300 pesos right now?
Yan ang naka lagay sa screen ko. At sa tingin nya sasagutin ko sya???? Ha?! Asa sya
Fifteen minutes after...
@ellahhh: Buti naman alam mong may utang ka sa akin.
@kenjv: I'm sorry I wasn't able to check my social media accounts. I was busy these past few days. But I can't believe that i need to pay 300 pesos just because hindi kita na sagot on time.
@ellahhh: 09217456437 that's my number. Text me kapagod mag type.
@kenjv: Damn girl,you're so wild.
Pina ikot ko lang ang mata ko habang binabasa ang message nya. I didn't reply him anymore. I already give him my number so sa kanya na yan kung to torpe sya.
Unknown: Save my phone it's me Jade. Text you later may tatapusin lang ako.
NBFK contact save..
Hindi ko alam ngunit hindi ko mapigilan na ngumiti habang pinapanood ang isang pelikula na hindi ko naman maintindihan.
*daming hindi ah😁😁
"Ella, si Kitty nakita mo?"
"May date daw sya eh"
"OK ka lang? Bakit Naka ngiti ka ng nag iisa dyan?" Naka pameywang na tanong ni mama.
"Bawal na bang ngumiti ng mag isa ma?"
"May jowa kana noh?! Huy Ella sinasabi ko sayo ha? Sa panahon ngayon wala nang lalaking nag seseryoso. Wag kang magpa dala sa mga matatamis na salita nila naku, sinasabi ko sayo."
"Ma ang oa mo. Ngumiti lang ako may jowa na agad?"
"Aba! Malay ko sayo. Basta binalaan na kita wag kang lalapit sa akin pag nabodol bodul ka"
Grave ha, Budol agad? Advance naman mag isip.
"Ella yung cellphone mo ang ingay. Sagutin mo nga yan"
Napa balik naman ako sa wisyo ng tawagin ako ni mama. Kanina pa pala ako naka tunganga.
NBFK : u busy?
Five missed call? May kailangan ba sya sa akin?
Me: No why?
NBFK: Punta ako dyan sa inyo.
Me: Hala! Ang aga mo namang ma manhikan. Hindi pa ako ready woi..
NBFK: Damn woman... You're thinking fastly.
Me: K fine. Ang ganda ko kaya tas hindi mo jonowa. Aba malaking kasalanan yan kapatid.
Hindi na nag reply pa si Jade sa akin. Nag mokmok nalang ulit ako sa Kwarto. Hindi alam kong ano ang gagawin.
NBFK : I'm on my way. Wear something you're comfortable with.
Comfortable? Eh ang comfortable sa akin ay yung pajama at jacket eh. Pwede naba yun?
Pumunta muna ako sa closet at namili ng jacket at pants. Aghhhh ang boyish! But ano naman magagawa ko eh ganito ang gusto Kong style!
Naka all black ako ngayon.
"Ellllllaaaaa"
Oh god.
"MA?" plastic Kong ngiti.
"Alis na! Gusto ka daw nya i date" Teka binubugaw ba ako ng nanay ko?
"Let's go?" Napa tingin naman ako sa kanya. Wow Naka tuxedo pa sya ah!
"Ng Naka tuxedo ka?"
"Yeah why? May gusto kang puntahan?"
"Oo sana eh, pero I don't think na kakasya ka sa lugar na yun"
"Bakit maliit lang ba ang lugar na gusto mung puntahan?"
"Ehemm, maiwan ko muna kayong dalawa ha!" hinalikan muna ako ni mama tsaka tinapik ang balikat ni Jade. What's with that tapik?
"I mean Kakain tayo ng isaw tapos naka tuxedo ka? OK ka lang?"
"Sorry, magbibihis lang ako. Nasaan ba ang cr nyo?"
Na hurt ko ba sya?
"Jade, Hindi sa nag o offend ako OK! But ayaw ko naman maging center of attraction ka sa lugar na iyon. Paano tayo maka pag date nyan?"
"Yeah, I know don't worry about it. Nasaan Cr nyo? May dala naman akong pamalit"
"Merong cr sa rook k-"
"Yung hindi sa Kwarto mo" agad nyang putol sa sinabi ko.
"Dun sa right side. Bakit ayaw mo sa Kwarto ko?"
"OK hintayin mo lang ako dito" Napa tingin naman ako sa Kamay nya. Bakit hindi ko napansin na may dala syang damit ah.
"Jade hintayin lang kita sa labas" Sigaw ko ng nainip na mag hintay sa kanya.
"Let's go?"
Napanga nga ako ng nakita ang etsura nya. Wow he looks so plain.
Meron bang plain na nagpa laglag ng panga mo Ella?
"May kasama kang driver?" tanong ko agad sa kanya ng lumabas na kami sa bahay.
Wala na si mama nang puntahan namin sa kusina. Nag iwan nalang kami ng sticky notes para sa kanya.
"Wala. But I have a driver pina uwi ko lang since wala naman akong shows na pupuntahan"
"Haba ng sagot ah, tinanong ko lang naman kung may kasama kang driver" iling kong sabi tsaka bunksan ang pinto ng sasakyan nya.
"Saan mo gustong kumain?"
"Dun sa Mang Min masarap ang isaw nila dun"
"Mang Min? Asan yan?" kunot noong tanong nya. Nag simula na syang mag drive.
Wow ang hot nyang driver. Sinabi ko na bang maganda ang side profile nya?
"Dyan lang sa kabilang kanto" sagot ko.
Tinignan ko ang likod ang sasakyan nya. Napa kunot pa ang noo ko nang may makitang paper bag dun.
Branded yung tatak. Para kanino kaya to?
"Para kanino ang paper bag na yan?" usisa ko.
"Para kay Sphinx"
"Sphinx? Anong klaseng pangalan yan?"
"Do you have problems with her name?"
"Meron. Pangit sya para sa iyo"
"Saan dito? Kabila o kanan?"
"Kanan" Naka tingin lang ako ng diretso. Hindi sya sinusulyapan.
"Bakit ganyan ka maka asta?"
"Anong full name ni Sphinx?"
"Sphinx Tyler Louise Anne Saria. Bakit mo tinatanong?"
"I ba bash ko" I get my phone and open my Facebook account. I'm going to search that Sphinx account.
"Ella, she's not a celebrity but bakit mo sya i ba bash when in fact. She did nothing wrong to you" galit ba sya?
"Wala nga pero gusto ko eh."
"Is that even possible. Hating someone without having a right reason? Giving her hate comments? You don't even know her"
"Galit ka ba?"
"Hindi but I don't like your attitude. Bakit mo naman sya i ga ganon? Wala naman syang ginawa sayo"
"Pake ko. Bilisan mo na nga gusto ko nang kumain"
"She is my-"
"Hindi ko tinanong. Bakit ka ba pumunta sa amin? Pwede naman tayong mag kita nalang sa kanto" Irita ko pa ding sabi sa kanya. I cut her sentence off dahil hindi ko gusto marinig kung ano ang relasyon nilang dalawa.
"I need to ask your parents permission na aayain kitang lumabas ng bahay."
"Ano ka lalaking sinilang sa panahon ng hapon?"
"Umaga ako sinilang"
Halos patayin ko naman sya ng tingin sa sinagot nya. I mean the Spaniards not the aghhh
"Dito na tayo. Park mo nalang to sa gilid"
Pagka tapos nyang mag Park dumiretso na kami sa store na gusto kong puntahan.
"Are you sure dito mo gustong kumain? May alam akong restaurant"
Inilingan ko lang sya bago tumakbo sa Mang Min.
"Sampung isaw po ate"
"Cge po Mam. May available sit po dun. Wait lang po tayo ah." Naka ngiti na sabi ng Ale.
"Meron ka pa bang gustong puntahan pagka tapos neto?" Naka soot na sya ng shades ngayon.
Isang seat lang ang nasa table kaya kumuha sya ng silya sa kabilang table.
"Ikaw may balak kang puntahan after neto?"
"Pupuntahan ko si Inx"
"Tss alam mo bakit hindi mo nalang sya puntahan ngayon" Padabog kong sabi.
"No i can't leave you. Sinabi ko sa nanay mo iuuwi kita pagka tapos nating kumain."
"Pwede ko naman sabihin na may lakad ka"
"Meron nga akong lakad, but meron akong responsibilidad sayo. Kinuha kita sa inyo,umalis tayo sa bahay ng magka sama. Iuuwi kita nang magka sama tayo"
"Edi tulongan mo ang tindera dun para ma puntahan si Inx Mo"sabi ko ng hindi naka tingin sa kanya.
"What's wrong with you? Red days mo ba ngayon?"
"Hindi, pero nang didilim na ang mata ko"
"Are you jealous?" He ask hesitantly.
Aminado akong biglang lumakas ang pintig ng puso ko nang sabihin nya yun. Aghhh pwede ba to?
Hindi naman siguro ako in love sa kanya dba?
Oo Ella hindi mo sya gusto.... It took me a minute bago na kombinse ang sarili na wala nga akong gusto sa kanya
"Question"
"So nag seselos ka nga?"
"Hindi ako nag seselos."
"OK? So what's your question?"
"Ilang babae na ang naka date mo?"
"Date? Marami eh, Hindi ko na mabilang"
"Anong feeling maraming ka date?"
"Wala lang."
"Anong wala lang? Nag date kayo ng wala lang?" Hindi maka paniwalang tanong ko.
"Nagkaka roon lang naman ako ng date tuwing award show or may party"
"Sino naman ang mga naka date mo?"
"Mga ka love teams ko."
"Ay ate pwedeng paki balot nalang yun sa akin? Please" sabi ko, sa bahay nalang ako Kakain ng isaw.
"Hindi mo gustong kumain dito?"
"Hindi na baka mag dinner kayo ni Nix mo"
"Yeah may dinner kami ngayon ni Inx ko"
"Nang aasar ka?"
"It was you who keep on bringing Nix in our conversation"
"La akong pake. Pay for the isaw at nang maka layas kana."
Busangot ako habang naka upo sa passenger seat. Ngayon lang ata ako nawalan ng gana kumain ng isaw.
"Hatid na kita sa loob."
"Alis kana. Hindi kita bibigyan ng isaw ko"
"Gusto lng kita i hatid sa bahay."
"Nope kaya ko nang maglakad. Kwentohan mo nalang ako sa date mo mamaya."
"You sure? Maaga pa naman para puntahan ko sya"
"Kaya ako ang gagawin mong libangan? Aba gusto mo nang sapak?"
"Chill that's not what i mean. Baka lang bored ka sa bahay."
"Chat nalang tayo mamaya. Tsaka hindi ako bored. Ang dami ko kayang ka chat"
"Kaya ayaw mo akong papasukin sa bahay?"
"Jk naka pasok ka naman kanina dba? What made you think na hindi ka makakapsok sa bahay? If you want edi pumasok ka. Wala namang pumipigil sa'yo na pumasok"
Napangiti naman ako ng nakita syang sumunod sa akin. Marupok din pala ang isang to eh.
"Sa dami ba nang ka chat mo kaya nakaka pagkamalan mo akong sila?"
"Sinasabi mo dyan?" Sigaw ko. Nasa kitchen kasi ako tas siya nasa sala namin.
"Tinawag mo lang naman akong Jk kanina"
"Jk palayaw ko yan sayo. Wag kang Oa. Jade Keneth"
"Keneth Jade not Jade Keneth" Wow ang sosyal ah pag sya ang bumabangit sa pangalan nya.
"Ano ngayon? Eh sa gusto kung Jk ang itawag sayo"
"Ikaw to?" turo nya sa isang lumang picture frame sa tapat ng TV namin.
"Nope kakambal ko yan"
"Nasaan sya ngayon?"
"Nasa langit. Namatay sya kasama ng lola namin. Five years old ata ako nun nang mangyari ang aksidente"
"Cause of death if you don't mind?"
"Car accident pero hindi naniniwala si mama na patay na si Gabriella. Hindi daw si Gab ang nakita naming bangkay."
Naalala ko pa nun. Kagagaling ko lang sa kapitbahay namin ng nakita kong nag iiyak si Mama doon sa hagdan. Ang bata ko pa nung panahon na yun, wala akong ibang magawa kundi ang yakapin ang nanay Kong nag iiyak.
"Hanggang ngayon hindi pa din namin alam kung sino ang naka sagasa sa kanila"
"I'm sorry for asking. Pero kuhang kuha nya talaga ang kaanyuan mo"
"Tss kambal nga kami dba!!"
"I know pero may mga kambal naman na hindi magka mukha"
"Enough with that topic. Kain ka muna oh"
"I thought hindi mo ako bibigyan ng isaw?"
"May puso din naman ako kahit papaano"
Tinignan nya lang ako bago umiling. Pero hindi pa man nya nakukuha ang stick ay may tumawag na sa kanya. Hindi ko tuloy mapigilan ang mapa irap.
"Inx? Ngayon na? OK papaalam lang ako tas susunduin na kita dyan. Ingat ka... I love you"
Jowa nya talaga yun? Bigla naman ako nan lumo dahil sa katotohanang iyon. Ano ba naman yan. Kung kailan pa ako nagka gusto ng lalaki sya pa talaga na may jowa at sikat.
"Ella,OK lang ba sayo na iwan kita dito mag isa? Gusto mo iwan ko nalang dito yung bodyguard ko para kung may masamang tao na pumunta dito may magliligtas sayo"
OK lang ba to? Concern sya sa akin kahit may jowa sya?
"Jk hindi na ako bata tsaka umalis kana mamaya may makakita sayo tas super fans mo pa. Oh god ayaw ko pang sumikat noh. Hindi pa nga ako nag go glow up"
Sinabi ko iyon with matching tulak sa kanya palabas. Hindi na naman sya nagpa bigat.
Dapat lang. Binokya nya na nga ang feelings ko magpapa bigat pa sya itapon ko sya sa North Korea eh.
"Bye"
"Sigurado ka ba talaga?" Nag aalala nyang tanong sa akin.
Kahit hindi pa pag alala ang gusto nyang ipahiwatig pero gusto ko nalang isipin na nag alala sya.
Iba kasi ako eh. Kapag mas pinakita mo sa akin na may gusto ka. Unti unting mawawala ang feelings ko sayo. Kapag lalaki ah! ayaw ko kasi pag walang challenge para sa akin.
"Ella"
"Hmmm?"
"You don't need to glow up. You're already a goddess to me."
Download NovelToon APP on App Store and Google Play