"Hoy, Zariya! Ano na naman bang iniisip mo r'yan? Kanina pa ako nagk'we-k'wento pero wala ka man lang kaimik-imik. Nakikinig ka ba?" Agad akong napalingon sa kaibigan kong si Kaith na halos sumigaw na ito sa tabi ko.
Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa library habang nagk'we-k'wento siya tungkol sa lalaking naka-chat niya kagabi. Hindi ko nga narinig lahat. Basta ang alam ko lang, isang engineering student sa kabilang University ang tinutukoy nito. Sana lang talaga ay 'di na naman ito ma-ghost katulad ng ginawa sa kaniya ng mga nakaharutan niya.
"Ha? Ano nga ulit?" Sinamaan niya ako ng tingin nang tanungin ko ito dahil ibig sabihin, 'di talaga ako nakinig. "Sorry na. Iniisip ko kasi 'yong napanaginipan ko kagabi."
Sumagi na naman sa 'king isipan ang panaginip kong 'yon. Napapadalas ang pagdalaw nila sa panaginip ko. Hindi na ito coincidence lang kasi halos gabi-gabi, sila ang laman ng panaginip ko. Naguguluhan na ako! Ano bang ibig-sabihin ng panaginip na 'yon? Sino ba sila? Sino ba sila sa buhay ko?!
Binilisan niya ang paglakad at pumaharap sa 'kin. Natigilan naman ako dahil nasa harapan ko na siya ngayon.
"Omg, don't tell me, napanaginipan mo na naman ang limang prinsipe?" Napatakip pa ito ng bibig na akala mo naman gulat na gulat. Eh, halos araw-araw naman nagk'we-k'wento ko sa kaniya ito.
Tanging pagtango lang ang sinagot ko. Nagsimula na ako ulit maglakad at nilagpasan si Kaith. Sumunod naman siya sa 'kin. Matapos ang ilang hakbang ay nasa tapat na kami ng library. Tinignan muna namin kung may vacant na upuan pa at dahil 10 AM pa lang naman, 'di ganoon karami ang estudyanteng nakatambay. Pumunta na kami sa lamesang nasa gilid ng pinto kung sa'n nakapatong ang log book. Nag-sign na kami tsaka inilapag ang dala naming bag sa isa pang lamesa na naro'n. Ang tanging kinuha lang namin ay ang cellphone, wallet, isang notebook at ballpen. Nagtungo na kami sa lagayan ng accounting books. Inisa-isa ko ang mga ito para mahanap ang librong kailangan ko.
"Hindi kaya kakapanood mo ng mga Korean Drama's or Thai Drama's kaya mo sila napapanaginipan?" Tanong ni Kaith na kasalukuyang nakasandal sa bookshelf.
"Hindi na ako nanonood ng drama's." Ang tagal ko na hininto ang panonood nito dahil sobrang hassle ng schedule namin ngayon. Imbes na ilaan ko sa panonood ay nagre-review or advance reading na lang ang ginagawa ko.
"Edi ano ang ibig-sabihin ng panaginip mo? Imposible namang magkakatotoo 'yon like duh?! Nasa modern world na tayo unless may time machine para bumalik ka sa sinaunang panahon," wika nito sabay halakhak. Pinigilan ko naman siya sa pagtawa ng malakas dahil masisita kami. Baka nakakalimutan niya, nasa library kami ngayon.
"Imposible talaga," ani ko.
Itinuon ko na lang ang atens'yon ko sa paghahanap ng libro hanggang sa mahanap ko na ito. Ang problema ko, hindi ko ito maabot dahil nasa ika-apat na palapag ng bookshelf. Hindi ko 'to kayang abutin. Lumingon ako para sana magpatulong kay Kaith kaso wala na siya sa tabi ko. Wala rin naman akong makitang ibang estudyante dahil nasa pinakadulo ako.
"Paano ko 'to makukuha?" Bulong ko sa 'king sarili. Tumingkayad ako pero hindi pa rin ito sapat para maabot ang libro. Ba't kasi kinulang ako sa height? No choice ako. Wala naman sigurong makakakita sa 'kin at isa pa, 'di naman abot ng CCTV dito sa kinaroroonan ko. Tiniyak ko muna na walang makakakita sa 'kin bago ko pinatong ang mga paa ko sa ikalawang palapag ng bookshelf. Ingat na ingat ako dahil medyo madulas lalo pa't naka-stocking ako.
Sa wakas, naabot ko rin! Pero kung minamalas nga naman talaga ako, 'di ko nabalanse ang pagbaba ng paa ko sa sahig dahilan para madulas ako.
"Aray!" Napahiyaw ako nang maramdamang nauntog ang ulo ko sa sahig. Napapikit ako dahil sa sakit na inabot ko.
"Matagal pa ba siyang magigising? Mukhang himbing na himbing ang kaniyang pagkakatulog."
"Kilala mo ba ang binibini na 'yan?"
"Sa'n mo ba siya natagpuan, Nesh?"
Kahit nakapikit ay rinig ko pa rin ang pag-uusap ng mga taong sa pakiramdam ko ay nasa tabi ko lang. Lahat ng boses na aking narinig ay mula sa magkakaibang lalaki.
"Nakita ko siya sa isang puno na nasa ating hardin. Hindi ko mawari kung ano ang kaniyang ginagawa ro'n. Nagulat ako nang nahulog ito at nawalan ng malay."
Hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko. Ang sakit pa rin kasi ng likod at ulo ko dahil sa inabot ko mula sa pagkakadulas.
"Ang ipinagtataka ko, hindi siya kabilang sa ating mga kharim kaya paano't nakarating siya sa ating hardin?" Ang gwapo naman ng boses ng lalaking ito. Parang gusto ko na tuloy imulat ang mga mata ko para makilala ang lalaking nagsalita.
"Baka isa 'yang espiya!"
Kumunot ang noo ko. Espiya?! Doon ko lang narealized ang pinag-uusapan nila at ang mga boses ng mga nagsalita. 'Di pamilyar ang mga boses nila. Hindi ito ang mga kaklase ko. T-Teka, nasaan ako?!
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata, "Ang gwapo!" Tukoy ko sa lalaking nakadungaw sa 'kin ngayon na bakas sa mukha ang pag-aalala.
"Gising na siya," saad ng lalaking mala-anghel ang mukha. Ito ang lalaking tinutukoy kong ang gwapo ng boses. Pati pala mukha ay gwapo rin. Kung pinagpala ka nga naman talaga, oh. Siguro no'ng bumaha ng kagwapuhan, isa siya sa mga lumangoy. Baka nga nag-dive pa siya.
May dalawa pang lalaking nakapalibot sa 'kin samantalang ang isa ay nakasandal malapit sa bintana at ang isa ay naka-upo sa isang upuan na naro'n. Limang lalaki na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko. Base sa mukha at galanteng kasuotan nila, pamilyar na ngayon silang lahat sa 'kin. Alam ko na, tama! Sila ang limang prinsipeng nasa panaginip ko. Paanong nandito silang lahat sa harap ko?! Ito ba'y isang panaginip na naman?
Pero imposible. Kasama ko si Kaith kanina bago ako nadulas.
"Kaith!!!" Sigaw ko para tawagin ang kaibigan ko at alamin kung anong nangyayari.
"Ano ang iyong sinigaw, haya?" Mas lalong kumunot ang noo ko nang tawagin niya akong haya.
"Marahil ay malala ang inabot niya sa pagkakahulog kaya't naapektuhan din ang kaniyang pag-iisip, Ravi." Napabangon ako ng wala sa oras nang makita kong nakalutang na ngayon ang lalaking nasa tabi lang kanina ng tinawag niyang Ravi. Parang normal lang sa kaniya ang paglutang sa hangin. Hindi ko na alam ang nararamdaman at gagawin ko.
"Nesh, itigil mo na 'yan dahil mukhang nagulat sa'yo ang haya," pag-saway nito. Hindi lang ako nagulat, natatakot na rin ako ngayon. "Dern, kumuha ka ng maiinom niya para ito'y mahimasmasan." Tumango naman ang isa pang lalaking nasa gilid ko lang din.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang humaba ang kamay nito hanggang sa lumabas na sa pinto habang siya ay nanatili sa tabi ko. Ilang minuto lang ay bumalik na sa dati ang kamay niya na ngayon ay may dala ng isang baso ng tubig. Paano niya nagawa 'yon?!
Anong klaseng nilanglang sila?!
"May kaniya-kaniya kaming kakayahan kaya namin nagagawa 'yon," singit ng lalaking nakasandal malapit sa bintana. Nababasa niya ang nasa isip ko? "Oo, nababasa ko nga. Sino ka ba talaga?! Bakit tila hindi mo kami kilala?"
"Hindi ko talaga kayo kilala! Nasaan ba kasi ako?"
Tumayo ang lalaking kanina ay nakaupo. Lumapit siya sa 'kin at tinutok ang kaliwang kamay niya na biglang nag-transform. Ang kaninang kamay ay naging espada na. Hindi ako makagalaw kahit lumunok man lang dahil ang pinakadulong tulis ng espada niya ay nakatutok sa aking leeg. Isang galaw ko lang, gilit ang leeg ko.
"Isa ka bang espiya?!" Seryoso siyang nakatingin sa 'kin. Ano bang espiya ang pinagsasabi niya? Ano ako, agent? Kasali sa mafia?!
Hindi ako makasagot dahil sa takot. Pinakalma naman siya no'ng mabait na lalaki. "Tama na, Cozen. Mukhang hindi naman siya isang espiya."
Tinapunan muna ako nito ng masamang tingin bago naupong muli, "Narito ka sa kaharian ng Norland, sa mundo kung sa'n walang imposible."
Norland? May ganito bang city sa Manila? Bakit 'di familiar sa 'kin?!
"Mukhang masama nga ang iyong inabot, haya. Mas mabuti kung manatili ka muna rito bilang isang kharim hanggang sa gumaling ka."
"K-Kharim?" Pang-uulit ko dahil hindi ko naintindihan ang salitang ginamit niya.
"Oo, kharim. Ikaw ay magiging isa sa aming mga taga-silbi."
Ako? Magiging taga-silbi ng limang prinsipeng ito na halos ikamatay ko kanina dahil sa kakaibang kakayahang taglay nila?! Hindi ko yata kaya. Ni 'di ko nga alam kung anong klaseng mundo ang mayroon sila.
Ano ba kasing nangyayari? Bakit ako napadpad sa kakaibang mundong ito?
Ayoko, ibalik niyo ako sa mundo ko!
"Sino na ang ready sa field trip bukas?" Tanong ni Shane, class mayor namin sa Philippine History subject na dahilan kung bakit mas umingay pa sa loob ng room. Dahil 'di sumipot ang prof namin sa Financial Management, malakas ang loob nitong umupo sa harap at tanungin kami.
Nagsitaas ng kamay ang iba kong kaklase na sinabayan naman ng hiyaw ng mga lalaki sa likod. Hindi tuloy ako makatulog!
"Ako! Excited na talaga ako," sigaw ni Kaleela na nasa harap ko lang.
"Mas excited ako makilala 'yong transferee mamaya," may halong tili ang boses ni Isagn. Nilingon ko ang kaibigan ko at tinignan ito ng masama.
"W-What? Ang sabi kasi nila gwapo, e'. Balita ko pa, isa raw siyang Architecture student."
Tirador talaga ng gwapo! Hindi ko na lang siya pinansin. Yumuko na lang ulit ako sa mesa at pinilit matulog. Hindi pa ako nakakapikit nang may yumugyog naman ngayon sa balikat ko.
"Zariya, look at this. Baka gusto mong sumama sa amin after sa Casa Gorordo Historical Landmark."
Ayaw ba talaga nila akong patulugin?! Antok na antok na ako! Kahit naiinis ay tinignan ko pa rin ang picture na nasa phone ni Kaith.
Familiar.
"Kasi 'di ba, nasa Cebu na tayo kaya lubusin na natin. Maganda raw dito, e'. Based sa picture na rin, maganda nga talaga."
"Saan ito?" Tanong ko sa kaniya.
Nawala bigla ang antok ko nang makita ang picture ng simbahang ito na mala-palasyo ang disenyo. Kahit may pagkaluma ay 'di maitatangging napakaganda pa rin nito, sobra!
"Simala Shrine. The Miraculous Castle Church in Cebu," sagot ni Kaith.
"Nakapunta na ako rito," bulalas ko na hindi pa rin inaalis ang pagkakatitig sa picture.
Kumunot naman ang noo ni Kaith, "Akala ko ba first time mo makakapunta sa Cebu bukas kaya paano ka naman nakapunta na ro'n?"
"Oo nga, first time ko pa lang makapuntang Cebu."
Maging ako ay 'di ko rin maipaliwanag. Basta, I have this kind of feeling that I already visited that Church. 'Di ko nga lang tanda kung kailan at kung paano.
Hindi pa ako nakakapuntang Cebu at bukas pa lang ang kauna-unahang punta ko ro'n dahil sa field trip namin sa Philippine History. Casa Gorordo Historical Landmark ang napagdesisyunan na pupuntahan namin at ang sabi ni Ma'am, if may natitirang oras pa ay p'wede kaming gumala sa malapit na historic sites.
"Ang gulo mo naman!" Napakamot ng ulo si Kaith at kinuha ang nakalapag na phone niya sa harap ko. "Baka nasobrahan ka lang ng tulog o kaya baka naman dahil sa kakapanaginip mo sa limang prinsipe at akala mo ito ang Kaharian nila."
Muli na namang lumitaw sa 'king isipan ang madalas kong mapanaginipan. Nagsimula ito last month at simula no'n, walang gabi na 'di nila ako dinalaw sa panaginip. Limang prinsipe at isang maganda't malawak na kaharian. Baka nga dahil sa panaginip na 'yon, inakala kong nakapunta na ako sa Simala Church kahit hindi pa talaga. Pero... hindi, e'. Iba talaga ang pakiramdam ko. Tila siguradong sigurado na akong napuntahan ko na 'yon.
"Oh s'ya, 'wag mo na lang isipin. Tara na sa kabilang room dahil 2 PM na." Kinuha na ni Kaith ang bag niya at nauna nang lumabas. Nagsitayuan na rin ang iba ko pang mga kaklase.
Tumayo na rin ako dahil wala naman akong choice. Hanggang alas-dos lang kami rito at may susunod pang mga estud'yante ang gagamit ng room na ito. Philippine History ang last subject namin at sa tabing room lang ang next room namin. Ito ang subject na lagi kong tinutulugan. Imagine, Philippine History sa oras na 2 PM at 1 hour and 30 minutes pa?! Aantukin ka talaga!
Naupo na ako sa tabi ni Kaith at nilapag ang bag sa bakanteng upuan na nasa kanan ko. Swerte ko nga dahil nasa pinakalikod kami. Hindi tuloy ako makita ni Ma'am na natutulog at advantage rin 'yon para kumain ng palihim sa oras ng discussion.
Wala pa naman si Ma'am kaya I decided na matulog muna. Sinabihan ko sila Kaith at Isagn na gisingin ako 'pag nandiyan na si Ma'am pero yuyuko pa lang sana ako ay bigla na lang may nagsalita sa likod.
"Good Afternoon, class!"
Kainis, nandito na si Ma'am! Lagi na lang may hadlang sa pagtulog ko. Sige na nga, mamaya na lang.
Ilang minuto lang nang makarating si Ma'am sa harap, may naghagis ng bag sa mismong harap ko at buti na lang nasalo ko 'to agad kung 'di, tumama na ito sa mukha ko. Nilingon ko ang walang hiyang gumawa sa 'kin no'n.
"Ops, sorry," Sarcastic niyang wika."Ito na lang kasi ang vacant chair so, whether you like or not, I will sit here beside you."
Aba, itong kupal na 'to!
"Una, huwag mo akong ma-english english! Pangalawa, p'wede mo naman iabot sa 'kin ang bag ko--"
"Oh, Mr. transferee, nandito ka na pala. Can you introduce yourself?" Pagpuputol ni Ma'am sa sinasabi ko. Nagsilingon na ang lahat sa kaniya at nagsimula na rin ang bulungan ng mga babae. Malamang, gwapo eh!
Nanatili siyang nakatayo sa tapat ng bakanteng upuan sa tabi ko.
"Hi! I'm Klein, an architecture student." Matapos niya bigkasin ang ilang salita na ginamit sa pagpapakilala, naupo na siya.
Iyon na 'yon?!
Hindi pa rin naalis ang masamang tingin ko sa kaniya. Gwapo nga, walang hiya naman! Mukha pang mayabang. Dumako ang paningin ko sa buhok nito. Naagaw ng atensyon ko ang ilang hibla ng buhok niya na kulay asul. Napamangha ako dahil parang tunay talaga at 'di lang siya bastang kinulayan.
"Tell me, do you have a crush on me? So, you keep on staring at me?" Wika nito na kinabigla ko. Tutok ang paningin niya sa hawak niyang cellphone kaya paano niya nalaman?
"Hindi ka lang mayabang kung umasta, assumero ka pa!"
Inalis ko ang paningin ko sa kaniya at binaling ito kay Ma'am na abala sa discussion. This is it! Makakatulog na ako.
Nakayuko na ako nang marinig ko ulit ang bulong ng katabi ko. "Sleeping while your teacher is busy on discussing the topics? Until now, you have this kind of attitude. Pasaway kahit kailan!"
Hindi ko alam kung sinong tinutukoy o kausap niya. Wala naman akong pakialam kaya hinayaan ko na lang ito. Ang mahalaga, makakatulog ako.
"Ipatawag ang lahat ng kharim dahil maghahanda tayo ng isang malaking piging!"
Ang apat na kawal ay agad tumalima sa sinabi ng Hari. Yumuko muna sila bilang pagbibigay respeto bago tuluyang umalis.
"Ngunit bakit, Ama? May okas'yon po ba?" Tanong ng isang lalaking 'di malinaw ang mukha.
"May importante tayong panauhin na darating bukas. Sa wakas, babalik na siya!"
"At sino naman ito, Ama?" Tanong pa ng isang lalaki.
"Ang isang haya na magpapabago ng takbo ng inyong tadhana. Siya ay si--"
"Zariya!" Napamulat ako dahil sa lakas ng sigaw ni Kaith. Nakailang hikab muna ako bago inangat ang aking ulo. Nakita kong wala na ang mga kaklase kong nakaupo sa harap.
"Siguro kung 'di pa kita gigisingin, tulog ka pa rin hanggang sa makauwi na ang lahat ng estudyante at faculty teacher dito sa University at malamang, dito ka na rin matutulog magdamag," nakapameywang na usal nito.
Hindi na ako umimik pa. Kinusot-kusot ko na lang ang mata ko at inalala ang napanaginipan ko. Wala na namang bago, tungkol na naman 'yon sa mga prinsipe. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko tsaka sumunod kay Kaith na tuluyan nang nakalabas.
Napahinto ako sa pinto nang makita ko siyang nakatayo ro'n sa tabi. Tinignan niya ako. Tinapunan ko naman siya ng masamang tingin at inirapan tsaka tuluyang nilagpasan.
Nagpaalam na si Kaith na hihintayin niya na muna ang pinsan niyang isang Engineering student. Ako naman ay mauuna nang umuwi. Nagsimula na akong humakbang nang mapansing naglakad na rin ang kupal na 'yon at kasunod ko lang ito. Mas binilisan ko ang paglalakad dahil ayoko siyang makasabayan. Pero dahil sa pagmamadali, may 'di sinasadya akong nabunggo. Nahulog tuloy ang dalawang accounting books ko. Sabay kaming yumuko para damputin ang libro ko.
"Ano ba 'yan?! Hindi nag-iingat!" Ani nito na bakas ang pagkainis.
"I'm sorry," sambit ko nang madampot ko na ang dalawang libro ko. Tumayo ako at hinarap siya.
"I'm not accepting sorry, Miss."
I raised my right eyebrow. "So, what do you want?!"
"A date with me and then, you'll be forgiven." He winked at me.
Nagsalubong ang dalawang kilay ko na dahilan ng pagguhit ng ngiti sa kaniyang labi. Ang mga ngiting 'yon, familiar. Parang nasilayan ko na 'yon!
"I'm just kidding." He chuckled. "I can't believe that you're still the girl I met before. The only girl who can resist my charm."
Pinagsasabi niya? May saltik ba 'to?!
"Ewan ko sa'yo! 'Di naman kita kilala," singhal ko. Nilagpasan ko na ito at nagpatuloy ulit maglakad.
Bakit tila ang malas ko ngayong araw? Dalawang kupal ang sumira ng araw ko. Muli, nakita ko na naman ang isa pang kupal sa gate na tila may hinihintay. Nagtama muli ang paningin namin pero umiwas agad ako. Tinuloy ko ang paglalakad.
Walking distance lang ang bahay namin. Mga 10 minutes lang ang layo nito sa University na pinapasukan ko kaya araw-araw, naglalakad ako. Sayang naman ang pamasahe kung sasakay pa ako. Makalipas ang sampung minuto, nasa tapat na ako ng bahay. Nadatnan ko sa kusina si Mama na abala sa paghahanda ng hapunan namin. Maaga kasi akong kakain para maaga rin akong magising dahil kailangang 6 AM bukas ay nasa University na kami.
Matapos kumain, inayos ko na ang bag at gamit na dadalhin ko bukas tsaka nahiga na sa kama. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang litratong pinakita sa 'kin ni Kaith kanina. Ang Simala Shrine. Pakiramdam ko ay nakapunta na talaga ako ro'n pero... imposible! Idagdag pa ang excitement na nararamdaman ko ngayon. Hindi na ako makapaghintay na makapunta sa simbahang 'yon.
KINAUMAGAHAN, saktong alas-sais ay nasa gate na ako ng University. Pumunta agad ako sa tabi ni Kaith, Isagn at Kaleela. Hinihintay namin ang susunod na bus kung saan kami sasakay. Bale lima lahat ang school bus na gagamitin. Hindi lang kasi Accountancy department ang sasama, maging ang ibang department din.
Ilang saglit lang ay huminto na ang bus sa harap namin. Sumakay na ang iba. Sumakay na rin sila Kaith at susunod na sana ako kaso natigil ako nang may sumigaw sa pangalan ko.
"Miss Zariya!" Nilingon ko ito. Isang lalaking estudyante na nakasuot ng department shirt na gaya ng suot ko. Kaklase ko ba 'to? Familiar ang mukha niya, e'.
"Nahulog ang ID mo. Here," iniabot niya sa 'kin ang isang ID. Tinignan ko muna ang suot kong ID para makasiguradong akin nga 'yon. ID lace na lang ang mayroon at mukhang nahulog ko nga ang ID ko. Kinuha ko 'yon at nagpasalamat.
"Masaya akong babalik ka na ulit. Sana sa pangalawang pagkakataon, ako naman ang piliin mo," an'ya bago ako tinalikuran. Hahabulin ko sana siya para tanungin ang ibig niyang sabihin pero baka maiwanan ako kaya mas pinili kong sumakay na lang.
Bago sumakay, may isang student council officer ang kumukuha ng ticket bago makasakay nang tuluyan. Binigay ko sa kaniya agad ang ticket ko.
"Nawa'y maging masaya ang iyong paglalakbay," ani nito sabay ngiti.
Ha? Iyon ba ang parang quote nila sa mga estudyanteng sasakay? Weird.
Nang makasakay na ako, nakita kong magkatabi sa unahan sila Isagn at Kaleela. Hinanap ko si Kaith para siya na lang ang katabi ko pero naunahan na ako ng pinsan niya. Humingi ito ng pasens'ya pero sabi ko, okay lang dahil maghahanap na lang ako ng ibang mauupuan. Nginitian naman ako ng pinsan niya bago ko sila lagpasan. Ewan ko ba, 'di naman kami gano'n ka-close pero sa t'wing nagkakasalubong kami, nginingitian niya ako. Friendly lang siguro talaga siya.
Ilang saglit lang na paghahanap ng bakanteng upuan, sa wakas may nakita na ako. Sa may bandang likod ito at kung sinus'werte nga naman ako, tabi ng bintana ang bakanteng upuan na 'yon. Agad akong naglakad papunta sa likod.
"Excuse me," saad ko sa lalaking kasalukuyang nagbabasa ng libro. Hindi kasi ako makadaan dahil nakaharang ang binti niya.
Kasabay ng pagtingala niya ay ang siya ring paglaki ng mata ko, "Ikaw na naman?!"
"So? Kung ayaw mo akong katabi, maghanap ka ng ibang upuan." Walang ganang binalik nito ang paningin sa librong hawak niya.
Nagpalinga-linga ako pero wala na akong makitang bakanteng upuan pa. No choice, tatabihan ko pa rin itong mayabang na transferee na ito!
"As if I have a choice."
Binigyan niya ako ng space para makaupo sa tabi niya. Okay na 'to, at least nasa tabi ako ng bintana. Nang umandar na ang bus, isinandal ko na rin ang ulo ko sa bintana para matulog. Itutulog ko na lang buong biyahe kaysa mainis dito sa katabi ko.
Wala pa yatang sampung minuto ay nag-preno ng sobrang lakas ang driver. Tila may tumulak sa likod ko ng sobrang lakas na halos tumama na ang mukha ko sa upuang nasa harap ko. Ang ipinagtaka ko, naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Kahit inaantok at nahihilo, pinilit kong imulat ang aking mga mata para malaman kung anong nangyayari.
"Anong ginagawa mo?!" Inagaw ko ang kamay ko mula sa kaniya. Kasi naman, may balak pa yata siyang halikan ang kamay ko!
"Bakit, haya? Akala ko may pagtingin ka sa 'kin kaya hanggang dito sa sinasakyan kong kalesa ay sinundan mo ako."
Hindi maalis sa labi niya ang ngiti.
Mapulang labi,
Nakakaakit na ngiti,
Matangos na ilong,
Mapupungay na mata,
Makapal na kilay,
At
Kulay yellow-orange na buhok?!
"Alam kong biniyayaan ako ng mala-anghel na mukha pero haya, baka malusaw ako niyan."
Tinignan ko siya na parang nandidiri. Oo, cute siya pero masyado siyang mahangin kaya ekis pa rin!
"Ang kapal mo naman! Pero t-teka, sino ka?" Lumingon ako sa paligid. Wala na ako sa bus. Nasaan ako ngayon?!
Dali-dali akong tumalon mula sa kalesa. Ilang beses ko ring kinurot at sinampal ang pisngi ko dahil baka nananaginip na naman ako pero nakaramdam ako ng sakit. No, 'di 'to totoo!
"Haya, sandali!" Sumigaw ang lalaking may kulay yellow-orange ang buhok. Tinignan ko ito, namangha ako sa suot niya. Nakasuot siya ng galanteng damit na tulad ng isang prinsipe na nasa panaginip ko.
Nang akmang bababa na siya sa kalesa ay tumakbo na agad ako.
"Zariya, ano ba! Gumising ka na! Nananaginip ka na naman," wika ko sa 'king sarili habang tumatakbo. Huminto ako nang makaramdam ako ng pagod.
Nilibot ko na naman ang paningin ko sa paligid. Napapatingala ako at napapayuko dahil hindi pantay-pantay ang mga tao. May mala-higante at mayroon ring hindi katangkaran, mas maliit pa sa 'kin. Tumabi ako sa isang puno dahil baka maapakan ako ng mga higante.
"Maligayang pagbabalik, haya!"
Napaatras ako nang makita ko sa sanga ang isang kakaibang ibon. Kalahating owl sa pantaas at kalahating tarsier sa pambaba. May pakpak at nagsasalita pa?! Anong klaseng hayop ito?!
Natatakot man ay pinilit ko pa ring magtanong, "Anong lugar po ito?"
"Nasa Kaharian ka ng Norland. Ang Kahariang iyong napapanaginipan."
Kaharian ng Norland?!
"Ano po bang pinagsasabi niyo? At paano niyo nalaman ang tungkol sa panaginip ko?"
Lumipad ito sa isa pang sanga na mas malapit sa 'kin, "Dahil ako ang dahilan kung bakit narito ka."
Mas lalo akong naguluhan. Ano bang nangyayari sa 'kin? Nasa bus ako kanina tapos biglang nandito na ako?! Hindi, imposible!
-
"Ano ang gusto mong gawin pagkagising niya, Ravi? Hindi natin siya lubos na kilala."
Narinig ko ang boses ng isang lalaki dahilan para magising ako. Gising na ako pero mas pinili kong ipikit muna ang aking mga mata. Papakiramdaman ko muna ang nasa paligid ko lalo pa't narinig ko ang pangalan ng isang prinsipe. Mukhang nandito si prinsipe Ravi.
"Alamin muna natin kung ano talaga ang nangyari. Baka kasalanan ito ni Nesh kaya nahulog ang haya sa puno."
Namangha ako sa boses ng nagsalita. Napakagwapo ng boses at kalmado. Ang sarap sa tainga pakinggan. Kung marupok lang siguro ako, nahulog na ako dahil sa boses niya kahit 'di ko pa nakikita ang mukha niya.
"Anong ako?! Wala akong ginagawa sa kaniya. Hindi ko nga alam kung bakit siya nahulog," sabat ng isa pang lalaki. "Hindi ko kasalanan 'yon," dagdag pa nito.
Siya ba itong kupal na dahilan ng pagkakahulog ko? Aba, mukhang nagmamalinis ka pa ha!
"Anong hindi mo kasalanan?! Hoy, kung hindi mo sana ako ginulat edi sana hindi ako nahulog, 'di ba?"
Halos nagulat silang lahat dahil sa biglaang pagsigaw ko sa lalaking nasa tabi ko na may kulay pulang buhok. Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto. Limang lalaki ang kasama ko ngayon. Naupo tuloy agad ako mula sa pagkakahiga at niyakap ang sarili. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang may suot pa akong damit.
Lahat sila ay nakasuot ng eleganteng damit pang-prinsipe. Halatang mamahalin ang uri ng telang ginamit. May hawig ang suot nila sa traditional dress ng mga taga Korea which is the "hanbok". Gaya lang ito ng damit ng mga prinsipe at prinsesa na napapanood ko sa mga korean dramas. Magkakaparehas ang kulay ng kanilang suot. Ang panloob nila ay kulay puti na may mahabang manggas na pinatungan ng kulay itim na mahabang parang bestida. May kakaiba at magandang disenyo ang nakaburda rito na ginamitan ng puting sinulid. White and black lang talaga ang kulay ng kabuuang suot nila. Kapansin-pansin ang kulay gintong laso na nakatali sa may bandang baba ng dibdib nila dahilan para magkashape ang suot nila. Animo'y nakadress talaga sila pero hindi, dahil nakasuot pa rin sila ng itim na pantalon. Hindi ba sila naiinitan? Maging ang suot nila sa paa ay magkakapareho rin. Nakasuot sila ng kulay black na boots. Ang astig! Hindi ko na yata kailangang pumunta sa Korea para lang makakita ng hanbok sa personal dahil nasa harap ko na ito ngayon.
Mula sa suot pangbaba, binalik ko ang paningin ko pataas hanggang sa napansin ko ang telang nakatali sa noo nila. Kulay pula ito at may disenyong ibon sa gitna. Nakita ko na ang disenyong iyon! Iyon ang disensyong nakalagay sa pulang tela na nakabandera sa bungad ng gate kanina. Kung hindi ako nagkakamali, flag nila 'yon.
"Totoo ba ang kaniyang sinabi, Nesh?" Tumingin ang lalaking tinatanaw ko lang kanina sa lalaking dahilan ng pagkakahulog ko. Mas gwapo pa pala sa malapitan si prinsipe Ravi, hehe.
"Hindi ko naman akalain na magugulat siya," nakabusangot niyang sagot tsaka niya ako tinignan ng masama. Inirapan ko rin siya agad.
Paanong hindi ako magugulat eh napakatahimik ng lugar tapos bigla siyang magsasalita. Pinagkamalan pa niya akong malaking ibon! Eh kung tukain ko kaya siya.
Bumaling sa 'kin si prinsipe Ravi. Nakatayo siya sa gilid ng kama kung saan ako nahiga. "Humihingi ako ng tawad sa inasta ng aking kapatid. Pero haya, nais ko sanang malaman kung anong ginagawa mo sa taas ng puno?"
Tumingala ako sa kaniya kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Anong sasabihin ko? Tila umurong ang dila ko at ayaw gumana ng utak ko. Wala akong maisip na dahilan.
"Isa ka bang espiya?"
Napatingin ako sa gilid ng bintana. Seryosong nakatingin sa 'kin ang may kulay dirty white na buhok. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Bakit ba siya ganiyan tumingin? Nakakamatay!
"Kumalma ka, Cozen." Sumabat na rin ang lalaking may yellow-orange na buhok. Siya 'yong lalaking napakayabang kanina. Muntik pa niyang halikan ang kamay ko. Isa rin pala siyang prinsipe. Kung gayon, siya ang pinakaunang prinsipe na nakilala ko. Nasa paanan ko siya pero nagsimula siyang humakbang papalapit sa akin.
"Wala sa napakaamo at maganda niyang mukha ang pagiging espiya. Marahil nasa taas siya ng puno dahil hinahanap niya ang pinakagwapong prinsipe... ako. Tama ba aking haya?"
Nasilayan ko na naman sa labi nito ang nakakalokong ngiti. Pinandilatan ko naman siya ng mata.
"Ang kapal mo!" Nilayo ko ang mukha niya sa 'kin dahil pilit niya itong nilalapit.
Katulad ni Ravi ay gwapo rin siya. Idagdag pa ang magkabilaang malalim niyang dimples pero hindi tatalab ang isang 'to sa 'kin.
"Dern, itigil mo na 'yang kahanginan mo. Hindi mo ba halata, mas nandidiri ang haya sa'yo kaysa magmalapuso ang mata niya. Sa unang pagkakataon, hindi tumalab ang karisma mo," singit ng lalaking dahilan ng pagkakahulog ko, si Nesh. Nagsitawanan sila maliban kay Dern.
"Huwag niyo ako pinagtatawanan." Bumaling ulit siya sa 'kin. "Marahil ay nagpapakipot lamang siya. Mas gusto ko nga ito, e'. Mahihirapan muna ako bago ko siya makuha. Napakagandang hamon!"
Dahil sa inis, inirapan ko ito sabay sabing, "Mama mo hamon!"
Silang lahat ay kumunot ang noo. Hindi yata nila alam ang ibig sabihin ng Mama at mas lalong hindi nila alam ang sarcastic na expression na sinabi ko.
"Paumanhin, mga mahal na prinsipe." Napalingon kaming lahat sa babaeng nasa 40's na kakapasok lang sa kwarto. Nag-bow muna siya tsaka inangat ang ulo. "Nabalitaan ko po kasi kay Kaira na narito raw ang haya na kasama ko kanina."
Nakatitig siya sa 'kin ngayon. Ako ba ang tinutukoy niya? Ako lang naman ang haya na narito. Malamang ay ako nga pero hindi ko naman siya kasama kanina.
"Siya ba ang tinutukoy mo?"
"Siya nga, prinsipe Ravi. Siya po ang sinasabi kong magiging bagong kharim niyo. Iniwan ko siya kanina sa hardin at 'di ko inakalang aakyat siya sa puno. Marahil ay gusto niya lang akong tanawin at hanapin."
Napanganga lang ako sa sinasabi nito kay Ravi. Mas okay na rin ito dahil wala akong ibang dahilan na maisip.
"Pasens'ya na po," yumuko ulit siya.
"Kung gano'n, maari mo na siyang sunduin at ihatid sa inyong silid upang siya'y makapagpalit," kalmadong wika ni prinsipe Ravi.
Tumango ito at humakbang siya papalapit sa 'kin. Habang inaalalayan niya akong tumayo, naagaw lahat ng atensiyon namin nang maglakad palabas ang lalaking may kulay asul ang buhok. Siya ang lalaking walang imik kanina. Nakatayo lang siya sa gilid ng bintana.
"Mauna na ako," wika lang nito at 'di man lang nag-aksayang lumingon. Ay, mukhang masungit.
"Saan na naman kaya pupunta si Arsh?" Narinig kong tanong ni Nesh. Nagkibit-balikat lang naman sa kaniya si Dern.
Hindi ko na lamang sila pinansin. Sinuot ko na ang sandal ko 'tsaka ako humawak sa kamay ng kasama ko. Medyo masakit pa kasi ang likod at binti ko. Epal kasi itong Nesh na 'to!
"Mauna na kami, prinsipe Ravi, prinsipe Cozen, prinsipe Dern at prinsipe Nesh."
Sumabay na rin ako sa pagyuko bago sila talikuran.
"Sandali," napahinto kami sa paglalakad.
Napalingon kami kay prinsipe Ravi. Nakatitig siya sa 'kin ngayon. Hindi ko alam pero hindi ko magawang iwasan ang titig na iyon.
"Ibig kong malaman ang iyong ngalan."
Nagkatitigan kaming saglit bago ako sumagot. "Zariya ang pangalan ko, mahal na prinsipe."
Hindi ko maaring banggitin ang pangalang Amity dahil iyon ang tunay kong pagkatao rito. Gagamitin ko na lang ang pangalan kong Zariya, tutal iyon naman ang totoo kong pangalan. Mas gusto ko pa ring makilala nila ako bilang Zariya.
"Zariya. Ibig sabihin ay kagandahan at katingkaran. Tugmang tugma sa'yo," ngumiti ito na nagbigay ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa 'kin. "Masaya akong makilala ka, Zariya."
I smiled at him as I bow my head.
Tuluyan na kaming lumabas sa malawak na silid na 'yon. Nakaalalay pa rin sa 'kin ang babaeng nasa 40's.
"Dapat nag-iingat ka prinsesa," bulong niya sa 'kin na pinagtaka ko. Tama ba ang narinig ko? Tinawag niya akong prinsesa?
"Kilala mo ako?"
Tanging pagtango lang ang sinagot niya.
"Mamaya na tayo mag-usap dahil delikado kung dito ko sasabihin lahat."
Itinuon niya ang paningin sa dinadaanan namin. Nagtitinginan sa 'kin ang ilang kawal at babaeng mukhang taga-silbi na nakakasalubong namin. Nagtataka siguro sila kung sino ako.
Ako lang naman ang ordinaryong estudyante mula sa modernong mundo na napadpad dito sa kakaibang mundo.
Medyo mahaba rin ang nilakad namin. Napakalawak kasi nitong hallway ng palasyo. Nang tuluyan na kaming makalabas, lumiko kami pakaliwa. May isa pang dalawang palapag na bahay ang nakahiwalay mula sa pinasukan namin kanina. Gawa sa bato ang palasyo kaya hindi ito basta-basta masisira. Sa gilid ng dinadaanan namin ay puno ng makukulay na bulaklak at ilang puno. Napakapresko at maaliwalas na tignan.
"Dito namamalagi ang mga kharim na tulad natin. Hindi lahat ng kharim ay nakakapasok at nakakapagsilbi sa hari at mga prinsipe. Bilang lang ang mga kharim na pinapayagang makasalamuha ng mga prinsipe," pagsisimula nito.
Iginaya niya ako sa isang silid. Walang ibang tao rito maliban sa aming dalawa. Nagtungo siya sa isang cabinet at ako naman ay naupo sa kama. May dalawang kama ang nasa gilid na ito.
"Mabuti na lamang umalis na ang kharim ng limang prinsipe at ikaw na ang papalit. Makakatulong ito sa'yo para mapabilis ang misyon na ibinigay sa'yo na iyong Inang reyna," patuloy lang siya sa paghahalungkat ng damit sa cabinet.
"Alam niyo po ang tungkol sa misyon ko?"
Humarap na ito sa 'kin dala ang nakatuping damit. "Oo, alam ko. Dahil tulad mo, inutusan rin ako ng iyong Ina na mag-espiya. Tayong dalawa ang magsisilbing mata niya rito upang mapagplanuhan ng mabuti ang pagpapabagsak ng Kaharian ng Norland."
So, bago dumating si prinsesa Amity dito, may nauna nang nagtra-traydor sa palasyo. Kaya mas napagplanuhan ng maayos ang pagbabagsak sa Norland dahil hindi lang iisa ang traydor.
"Makinig ka, prinsesa Amity. Kailangan mong mag-ingat sa bawat kilos na iyong gagawin dahil matatalino ang mga prinsipe. Baka isang galaw lang, masisira lahat ang plano ng 'yong Ina."
Hindi ako kumibo. Tanging pagtango lang ang aking ginawa. Wala siyang kaalam-alam na hindi ko susundin ang inuutos ng reyna. Ibang mission ang kailangan kong gawin. Iyon ay ang mission upang makabalik ako sa mundo ko. Hindi nila alam lahat na hindi lang ang Norland ang tra-traydorin ko, maging ang sariling Kaharian ko rin, ang Therondia.
Bigla akong nakaramdam ng konsensiya.
Hindi, Zariya. Tama lang ang gagawin mo. Gagawin mo ito para makabalik ka sa payapa mong buhay.
"Kailangan mo na magpalit, prinsesa. Ito ang iyong isusuot," inabot niya sa 'kin ang nakatuping damit.
Kinuha ko naman ito agad at hinawakan para makita ang kabuuan nito. Gaya 'yon sa suot ng babaeng nasa harap ko ngayon.
"Ako nga pala si Celia, prinsesa Amity. Kharim Celia ang itawag mo sa 'kin. Maiwan na muna kita para makapagpalit. Hintayin na lamang kita sa labas, mahal na prinsesa." Yumuko muna siya bago niya ako tinalikuran.
Matapos niya isarado ang pinto, inalis ko na ang kaninang suot ko. Ewan ko nga kung saan galing ang puting dress na sinuot ko. Kinuha ko na lamang ang binigay sa akin at sinuot. Gaya rin ito ng hanbok ng Korea.
Binubuo ng kulay puting blusang istilong bolero at isang mahabang saya, na may natatanging proporsiyon. Mas mahaba nang apat na beses ang kulay pink na saya kaysa sa blusa. Kaya, nagmumukhang matangkad ang isang maliit na babaeng tulad ko ang magsusuot nito. Nakabukang gaya ng mga pakpak ang manggas ng blusa nito, samantalang ang saya nito ay nagsisimulang lumuwang mula sa dibdib at kaakit-akit na sumasayad sa sahig. Kapansin-pansin rin ang breastline nito na pinapalamutian ng naiibang uri ng laso, na ang magkabilang dulo ay nakalaylay mula sa pagkakabuhol nito. Ang neckline ay binurdahan ng magagandang disenyo ng bulaklak na may matingkad na kulay. Sinuklay ko na rin ang buhok ko at tinalian ito ng laso na paribbon tsaka naglagay ng kulay gintong hairpin na may bulaklak din ang disenyo.
Humarap ako sa malaking salamin, napakaganda ng kinalabasan. Ang sosyal naman tignan ng mga taga-silbi rito.
Ilang saglit lang ay lumabas na ako. Nadatnan kong naghihintay sa labas si Kharim Celia. Iginaya niya ako palabas. Naglakad-lakad kami hanggang sa makarating sa hardin. Dito ang pinuntahan ko kanina. Napakalawak talaga. Nakakaenganyo pa ang mga bulaklak na narito. Nanatili kaming nakatayo at tanaw ang limang prinsipe na kasalukuyang busy sa pag-eensayo.
"Ang unang prinsipe ay si prinsipe Ravi. Siya ang may kulay ginto na buhok. Siya ang panganay na Anak ni haring Valor. Pinakamabait, responsable, maaasahan at nakatakdang susunod sa yapak ng kaniyang Ama. Kaya niyang alisin ang kapangyarihang taglay ng isang nilalang na may angking kapangyarihan."
Nakatitig ako ngayon kay prinsipe Ravi. Halata talaga sa mukha at kilos nito ang isang tunay na prinsipe. Unang kita ko pa lang sa kaniya, napahanga na ako.
"Ang ikalawang prinsipe ay si prinsipe Cozen na may kulay puting buhok." Bumaling ang paningin ko sa lalaking kapalitan ni prinsipe Ravi ng espada. "Ang prinsipe ito ay kabaliktaran ni prinsipe Ravi. Ito ay sakit sa ulo ni haring Valor dahil madalas na nadadawit sa gulo sa mga ordinaryong mamamayan ng Kaharian. May kakayahan siyang manlinlang at magpalit anyo kaya mag-ingat ka prinsesa sa bawat taong nakakasalamuha mo dahil hindi mo malalaman kung sila ba talaga iyon o si prinsipe Cozen."
Kailangan ko talagang itikom ang bibig ko tungkol sa mission ko lalo pa't may gano'ng klaseng kakayahan ang isang prinsipe.
Bumaling ngayon ang tingin namin sa prinsipeng walang imik kanina. Kasalukuyan siyang nag e-ensayo magpana. Agaw pansin ang color blue niyang buhok.
"Siya ang ikatlong prinsipe, si prinsipe Arsh. Tahimik, seryoso at minsan mo lang makitang magsalita. Takot rin ang ibang kharim na kausapin siya dahil sa angking kasungitan pero kahit gano'n pa man, maraming kababaihan pa rin ang humahanga kay prinsipe Arsh. Pero kahit anong pagpapansin ang gawin nila, walang epekto ito sa prinsipe. Kakaiba ang kakayahang taglay nito. Napakatalino niya na kaya niyang solusyonan ang lahat ng problemang ibabato sa kaniya at isa pa, kaya niyang basahin ang nasa isip mo. Kaya prinsesa Amity, iwasan mong isipin ang iyong misyon sa oras na kasama mo si prinsipe Arsh."
Sa prinsipeng ito pala ako mas dapat mag-ingat dahil p'wede niyang basahin ang iniisip ko. Masyadong madaya ang kapangyarihan niya.
"Si prinsipe Dern ang pang-apat na prinsipe. Sa kanilang lima, siya ang mahilig magpaibig ng mga haya. Dinadaan niya sa mabubulaklak na salita at sa kahanginan. Huwag ka papadala sa mga matatamis na binibigkas niya, prinsesa Amity. Matapos kang paibigin, maglalaho 'yan bigla at 'di na muling magpaparamdam. Ang kakayahan naman niya ay kaya niyang pahabain ang ano mang klaseng parte ng kaniyang katawan."
Ang tinutukoy ni kharim Celia ay ang unang prinsipeng nakita ko rito sa Norland. Ang prinsipeng may kulay yellow-orange na buhok. Hindi na ako nagulat dahil first impression ko talaga sa kaniya ay babaero.
Ibig sabihin, ang bunsong Anak ni haring Valor ay ang lalaking may pulang buhok na dahilan ng pagkahulog ko sa puno.
"Siya naman ang bunsong prinsipe, si prinsipe Nesh. Ang pinakasutil na Anak ni haring Valor. Napakakulit at hindi pa talaga handa maging isang ganap na prinsipe. Masyado pa siyang bata at mas ibig niyang makipaglaro sa ibang kabataan na kaedad niya. Sa pagiging isip-bata, 'di pa niya kayang gamitin ng tama ang kaniyang kapangyarihan kaya kahit sa saan ay nagkakaroon ng sunog. May angking kakayahan siyang magpaliyab at gumawa ng apoy."
Napamangha ako sa bawat kapangyarihang taglay nila. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa oras na masaksihan ko na mismo sa harap ko ang kakayahan nila.
"Ngayong kilala mo na ang limang prinsipe, umaasa akong magagampanan mo ng maayos ang iyong misyon prinsesa Amity."
Nilingon ko ito at nginitian siya, "Makakaasa kayo, kharim Celia."
Dalawa lang ang p'wedeng mangyari sa misyon ko. Ang maulit ang dating nangyari o ibahin ang takbo ng tadhana.
Pero isa lang ang titiyakin ko, gagawin ko ang lahat makabalik lang sa mundo ko.
-
Download NovelToon APP on App Store and Google Play