English
NovelToon NovelToon

Seven Deadly Sins: Jason Roméo

Preamble

Jason's POV

"Jason, hijo!" Lumapit ako sa aking ina at hinalikan sa pisngi pagkatapos akong yakapin. Pinakatitigan niya ang kabuuan ko nang hindi parin ako binibitawan sa balikat, "look at you! Huli kitang nakita ay noong 20 years old ka palang pero ngayon.. wow!"

Ngumiti ako sakanya, "punta lang muna ako sa kwarto ko, Ma, you should see my brothers."

"Of course! Miss na miss ko na kayong lahat!"

Sakto namang dumating sila Vierre na dala-dala ang mga bagahe nila. Medyo pawisan kung kaya't nag prisinta ang mga kasambahay na tulungan sila.

Nagsalita si Reagan, "kami na po bahala sa mabibigat na buhatin, yung mga magagaan o yung maliliit nalang yung kuhanin niyo, Nana Celna." Aniya sa mayordoma.

"Opo, Sir Reagan! Yung iba ay uutusan ko nalang na ihanda yung mga pagkain."

Umakyat na ako para pumasok sa aking kwarto. Hinagis ko kung saan yung sapatos ko't bumagsak sa higaan. I'm fucking tired, I want to rest for a while.

But I need to settle something first.

Umupo ako sa kama at kinalikot ang cellphone ko, pumunta sa Instagram at hinanap ang account niya. Nag DM ako.

[To: lilyrau]

Guess who's back.

It didn't took long for her to reply.

[Fr: lilyrau]

You're kidding me, right?

Natawa ako.

[To: lilyrau]

Nope.

Hindi na muli siyang nag reply sakin pero alam kong sineen niya ako. I dunno what's her problem but I didn't bother her anymore, maybe she's busy.

And I just want to rest.

Siguro ay hindi pa tuluyang nakasara ang mga mata ko nang may kumatok sa pintuan ko.

Nairita ako kaagad, "who the **** are you?"

"Chill, you runt, it's me." That's Vierre's voice.

"Ugh," ani ko at bumangon para pagbuksan ito ng pinto. 

Bumungad agad siya na nakangising aso sa hindi malamang dahilan, "did you invite Lily?"

"Is she downstairs?"

"No."

"Ba't mo tinatanong?"

"I just missed her, that's all."

Rumolyo ang mga mata ko at tinalikuran na siya para bumalik sa kama, hindi ko na kailangan ikumpirma dahil sigurado akong pumasok na yung kumag sa kwarto ko, "I gave the news of our arrival to her, she's bound to come here now."

"Uh-huh, talagang siya yung una mong sinabihan, ha."

Sinamaan ko siya ng tingin, "she's my best friend, V, sino sa tingin mo una kong sasabihan?"

"I don't know, nandyan naman si Trojan.." asar niya.

"**** you."

Trojan Enrique and I are archenemies, nagsimula yung pagkairita ko sakanya nang lumipat siya sa school kong Britannica Academia. I'm kind of a proud handsome man and I don't like the fact that he's already popular in our school because he's a kid 'prodigy'.

Napangisi ako kay Vierre nang may maalala, "you're expecting to see Lily first in our house but isn't there another one who's really bound to come and visit us? Sino nga ba uli 'yon?" Dumilim ang mukha niya, my turn to fucking tease you, motherfucker. "Ang alam ko best friend ng kuya nating si Reagan? Yung halos araw-araw pumupunta dati rito sa bahay-"

"Tangina mo."

Humalakhak ako, "you're bound to meet with my ex real fiancee, Vierre, wala kang takas do'n, lalo na sakanya."

"And you're bound to meet with your ex, Jason, wala ka ring takas do'n."

Nawala yung ngiti ko. ****!

"Punyeta, ba't kasi mag best friend yung ex natin? Konektado pa sa kapatid natin yung isa."

Pagak siyang natawa, "you tell me.." aniya, "you still stalk her, right?"

"I didn't have to, sobrang sikat na niya ngayon."

"Ah right, 30+ million followers? Damn, ma! Dati ay 15 million lang, ha? I even heard she has a boyfriend now."

I scoffed, "I'm way better looking than that Vongola." Malakas itong natawa, hindi ko nga alam kung bakit eh hindi naman yun biro. Nirolyohan ko siya ng mga mata, "how about you? Don't lie your *** on this one, V, alam kong stalker ka niya."

Sumandal ito sa inuupuan at huminga nang malalim tsaka ngumisi sakin, "of course I stalk her, baby bro, she got even more beautiful, more mature.." he paused, "..baka hindi ko kayanin kapag nagkita kami sa personal-"

Narinig namin yung munting ingay mula sa labas ng kwarto, doon palang, alam na namin, kaya nagkatinginan kami ni Vierre, iisa lang ang nasa isipan.

"Ah shit.." pareho naming tugon.

Out of my brothers, si Vierre ang pinakamalapit sakin. I don't know, I guess it's because he's the closest to my age. And that his ex is my supposed-to-be fiancee, and my ex is his modelling partner, and our exes are best of friends. 

Puta lang, sobrang liit ng mundo, sobra.

Sabay na kaming lumabas ni Vierre at dinig na dinig ang ingay sa baba. Pati ang boses ng babae na pamilyar namin.

Tumingin ako kay Vierre, "good luck, man." Ani ko at bumaba na, hindi siya hinintay, alam kong bababa 'yan kapag handa na, malaki na 'yan.

Nakita ko si Blythe na niyayakap ngayon ang mga kapatid ko, nasa tabi niya si Reagan na kanyang best friend. Nang nagtama ang paningin namin ay lumaki lalo ang ngiti niya, "Jason!" Akmang lalapit ito nang may yumakap sakin mula sa gilid.

"Siraulo ka! Bigla-biglang nagsasabi kung kelan nakauwi na! Balak pa naman kitang puntahan sa airport kapag nalaman ko yung arrival time niyo! Nag hintay ako para sa wala!" Sigaw niya.

Natawa ako sakanya't kinalas ko ang yakap niya para ako naman ang yumakap sakanya nang maayos. "Nice to see you too, Lily." Pumayat siya at mas lalong gumanda. Humaba narin ang buhok niya kaya nilaro-laro ko yun sa daliri ko at natawa, "your height didn't change a bit, Vidal."

Umirap siya, "you didn't change a bit, Jason, bastos parin." Balik niya kaya natawa ako.

Lily has always been this feisty when it comes to me. She's a sweetheart to others but a demon to me. While I'm a demon to others but a sweetheart to her. Baliktad kami.

Ginalaw niya ang buhok ko, "humaba yung buhok mo.."

"Oh yeah? Mas lalo ba akong gumwapo?"

"You always think of yourself as a pretty guy."

"I think of myself as a handsome guy," pagtatama ko rito, "who's Jason Roméo without a little pride?"

"Little nga ba talaga?" Nakangisi nitong balik sakin.

"Oh my God, is that.."

"Nagbalik na siya!"

"Nandito narin kaya yung mga kuya niya?"

Hindi ko pinansin ang mga bulungan ng mga tao habang naglalakad ako sa Britannica Academia. Nakapamulsa lang ako at diretso lang ang mga mata sa dinadaanan.

Natigilan lang ako nang may lumapit saking babae, "u-umm, Jason.."

Lumipat ang tingin ko sakanya, "yeah?"

"H-Hi.." hindi ko ito sinagot, "..mas lalo kang g-gumwapo-I-I mean-welcome back!"

"Salamat."

"Umm.." napaiwas ito ng tingin, alam kong pinagtitinginan na kami ngayon, "..yung mga kuya mo-"

"Kung sila ang hinahanap mo, oo, nakabalik na sila."

May lumapit sakanyang babae rin, mukhang kaibigan niya, "ano ka ba, Hannah! Hindi parin siya nakakaget over sa ex niya," gumalaw ang panga ko roon, "pasensya na, Jason."

"No worries." Matigas ko lang sambit at tinalikuran sila tsaka iniwan.

Of course, the only thing they'll think when they look at me is my damn ex. Ito ang hirap kapag masyadong high profile ang ex mo, dikit na dikit sayo na parang linta dahil sa istorya niyo.

And why do I bother anyway? We're fucking bound to meet in the near future, her best friend's my close friend and one of her colleagues is my fucking brother. And our school's the same.

Nanggagago nga talaga yung mundo, pinaliit ang sarili masyado para sakin.

Tamad nalang akong nilabas ang phone ko't nagtipa,

[To: Lily]

Asan ka?

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago makatanggap ng reply.

[Fr: Lily]

Why?

[To: Lily]

Are you busy? Puntahan kita.

[Fr: Lily]

Kasama ko si Nile ngayon, but your move.

"Tss," asik ko at pinatay nalang ang phone ko. Kung nariyan naman pala ang boyfriend niya, hindi ko na sila gagambalain pa. My best friend needs her personal space and I'm supposed to give her one.

"Puta naman!" Nag angat ako ng tingin at napangisi ako nang makita si Gato na isa sa mga matalik kong kaibigan.

Humalakhak ako, "what's up, bro?" Nag apir kami at tinapik ang balikat ng isa't isa.

"**** you, bro! Ba't ngayon ko lang nalaman 'to!? How fucking dare you!"

"Sorry, nakalimutan lang kita."

"Oh, go to hell, Jason. Napaka-straightforward mo parin talaga, at least sugarcoat it!"

Iniba ko nalang ang usapan, "how are you, man? You're taking up BS Aeronautics, right?"

Tumango siya, "and you're taking up Business Management, right? Finally joining the family culture, Jason?"

"Looks like it."

"Damn, bro! Hindi na rebelde! Issa miracle!"

"**** you, Gato."

"Pa'no 'yan? Kung BM ka, edi may arranged marriage ka niyan? Because everyone knows that your family is a bit strict in marriages."

Nadaanan ko na yung arranged marriage na 'yan, Gato..

"Yeah, kung gusto nila ng babae sakin, siguraduhin lang nila na maayos."

"Na makakapag-boost ng ego mo?"

"Pwede rin.."

Sandali itong tumingin sakin at kunot ang noo, "pwede rin? You don't sound so sure, Jason."

"Because I don't really care. I just want a girl who'll love me as much as I love her in a more.. proper way."

"Yo, what the shit!? Ikaw ba talaga 'yan!? That doesn't sound like you!" Umikot nalang ang mga mata ko, "jeez, bruh, ganyan pala katindi ang epekto ni Idony sayo, inayos ng konti 'yang utak mo sa pamamagitan ng pagpukpok sa ulo mo."

Umirap ako, "don't mention her, Gato, don't push it."

"Sorry, bro!" At nag peace sign lang siya. Maya-maya ay tumikhim at nagseryoso, "may bago na bang inireto sayo?"

Seryoso ko rin siyang tiningnan, "wala."

His brows raised a bit and nodded.

"Hello?" Ani ko nang biglang tumawag si Lily habang nasa part time job ako.

[J-Jason..]

Tumigil ako sa pagdudurog ng coffee beans at mas lalong naging alerto, "what's wrong?"

[Can you just.. come over here?]

"Okay. Where are you?"

[Nasa.. m-mall niyo.]

Nagpaalam ako sa boss ko na liliban muna ngayon dahil may importante akong gagawin, I didn't lie though, totoo naman talaga.

Nagmamadali akong pumasok sa kotse ko at pinaharurot yun. 

Something's definitely wrong. Nanginginig ang boses ni Lily habang kausap ko siya. She sounded like she's fucking crying. Damn!

Mas lalo tuloy akong nainis at mas lalong pinabilis ang pagmamaneho ko, I don't care if the cars are honking at me, I just needed to get there.

Nang nasa mall na namin ako ay kaagad akong binati ng mga guards at staff roon dahil nakilala nila ako. Pinapasok ako kaagad at wala akong oras para batiin sila.

Hinanap ng mga mata ko si Lily, ang sabi niya'y nasa fountain lang siya kaya dali-dali akong tumakbo patungo sa pinakagitna dahil naroon ang fountain.

Pero unti-unti ring bumagal ang takbo ko nang makita si Lily, nakayuko ito at nakakapit sa sleeve ni Nile na nasa tabi niya lang. Nairita kaagad ako.

Really? She called me like she needed me when her boyfriend's right by her side all the time!

"Lily!" Sigaw ko na nagpaangat ng tingin ni Nile sakin.

Lalo pang kumunot ang noo ko nang mapanood kung paano ito namutla at kaagad na tumayo na animo tatakas, pero hindi naman magawa dahil nakakapit sakanya si Lily na nasa sahig parin ang mga mata at nakaupo parin.

That's when I realized, hindi malambot ang pagkakahawak ni Lily sakanya kundi mahigpit, na kumakapit ito sakanya sa masamang bagay.

Nalipat ang paningin ko kay Lily nang nasa harapan na niya ako, "what happened?"

Doon na siya nag angat ng tingin sakin at para akong nabaril nang makita yung luhang nagbabadya roon. She looked so pale, so defeated and disappointed at the same time. Anong nangyari sakanya?

Nakita ko mula sa gilid ng mga mata ko na pilit na tinatanggal ni Nile yung kamay niya sakanya pero alam naming tatlo na ayaw ni Lily niyon kaya nilipat ko ang tingin ko sakanya at madilim na kinausap, "huwag kang gumalaw riyan." Mukhang natakot ito sakin kaya siya sumunod.

Nalipat muli ang tingin namin kay Lily na parang wala sa sariling tumayo sa harap ko. Nagtama ang paningin namin.

"What happened, Lily?"

As if triggered by my question, she began to tear even more until her tears fall, pero hindi siya humikbi manlang at nanatiling walang emosyon. Then I saw her lips tremble, "s-si N.." doon na siya humikbi at umiyak, "si N-Nile!"

Masama akong tumingin kay Nile na mas lalong namutla ngayon. "Anong meron sakanya?" 

Gumalaw muli si Nile para tanggalin ang pagkakakapit sakanya, "L-Lily-"

"Tangina mo, huwag kang gumalaw!" Sigaw ko sakanya at hinawakan ang balikat ni Lily na nanginginig dahil sa pag iyak, "anong ginawa niya, Lily? Anong nangyari?"

"P-Pumunta ak.. k-kas.. m-may b-bibi.. may bibil-h-hin a-k-ko.. t-tap..s.. n-nak.. N-Nile.. n-n.. m-may-"

"Kingina, magsalita ka nga nang maayos!"

Mas lalong lumakas yung iyak niya na para talagang bata at buong lakas na inayos ang salita, "si Nile, m-may kahalikang iba!"

Dumako ang tingin ko kay Nile na nanginginig na ngayon at takot na takot na nakatingin sakin. Binitawan na siya ni Lily para punasan ang mga luha niya at tatakas na sana siya pero ako naman ang mahigpit na humawak sakanya.

"Did you just.. cheat on my best friend?" Kalmado kong tugon pero sa loob ay nag aapoy ako sa sobrang galit! Hindi siya nakagalaw dahil sa panginginig, ramdam na ramdam ko sa hawak ko sakanya, "ipakita mo sakin 'yang babae mo, Nile!"

Muli kong narinig ang hikbi ng kaibigan ko, "h-hin.. bb.. J-Jas..n.. l-lke.."

Mariin akong napapikit, "for ****'s sake, Lily! Fix your goddamn words! I didn't understand one bit!"

"Lalaki, Jason!" Klaro niya na nagpatigil sakin, "l-lalaki yung.. k-kahalikan.."

Puta?

Sandaling lumuwag ang pagkakahawak ko kay Nile at mas lalo pang humigpit iyon kaagad, balak pa naman niyang tumakas muli nang lumuwag kanina.

Madilim akong tumitig kay Nile at..

"Why did you ban Nile and his family at our malls, Jason!?" Bungad agad sakin ni Mama nang makauwi ako.

Pagod kong binato sa kung saan ang bag ko at kinusot ang mga pagod na mata. "Ma, pwede ba tsaka na natin 'to pag usapan?"

"No, Jason! You're taking up our footsteps, dapat ay alam mong mali ang desisyon mo!"

"Mama's right, bunso," ani Ezekiel habang umiinom ng juice sa island counter.

"Because you banned Nile and his whole family, they've got no choice but to move to FORTUNE malls! Mas lalo tuloy natin silang inangat."

"Alice, let your son do what he wants, he's a grown up man now, alam kong may rason kung ba't niya ginawa yun."

"No, Eros, you're always making yourself the good guy to our children while I'm the bad one!" Reklamo na parang bata ni Mama, sumuko nalang si Papa at umatras.

Bumuntong-hinga nalang ako, "Ma, I'm really tired, can we please talk about this some other time?"

"No, you tell me now, hijo."

"But, Ma-"

"Now, Jason!"

"He hurt Lily!" Sigaw ko na pabalik kaya natahimik yung pamilya ko, "he hurt my best friend! A fucking gay cheater! He's been with Lily for years and he did this to her! Ang gago lang, Ma! No one messes up with her like that!" Hinilot ko ang sentido ko at naglakad papunta sa kwarto ko, "now can all of you just let me rest?"

Ni-hindi na 'ko nag abala pang tanungin kung bakit nandito sila Mama at Papa sa bahay naming magkakapatid, I know they just wanted to know why their youngest son made a lousy mistake.

Inakbayan ko si Lily, "you wanna go with me again?" Bulong ko sakanya habang naglalakad kami sa hallway.

Nag angat ito ng tingin sakin, "saan? Palawan?"

Tumango ako, "yep."

Natawa siya, "if we both go there, kasama nanaman ng mga kuya mo yung jowa't asawa nila. And unlike last two years ago, we'll go without our dates now."

"We can just date each other."

"What!?" Sigaw niya agad at lumayo sakin kaya bumagsak na ang braso kong nakaakbay sakanya.

Natawa ako sa reaksyon niya, "just on Palawan, Lily, tutal sabi mo nga na may mga date yung mga kuya ko at pareho tayong wala, edi ituring natin na date ang isa't isa! Best friends with benefits, ganun."

"Best friends with benefits my ***." Inirapan niya ako kaya mas lalo akong natawa.

"Ang sakit mo magsalita, Lily, ha. Parang hindi tayo gumawa ng pact na kapag bago o pareho na tayong trenta anyos at walang asawa't kasintahan-"

"Tayo ang magpapakasal, yes, Jason, I perfectly remember that still.." nginisihan ko siya at patuloy parin siya sa pag iirap, "..pero imposible, Jason, kela Tita Alice at Tito Eros palang, alam ng may ipapakilala sayo bago pa tayo maging thirty."

"Hmm, may punto ka.."

"Ah.." madilim akong natawa nang may matanaw sa malayo habang nasa airport kami. "..mga walang puso talaga kayo ng jowa mo, Vierre." Naiiling kong tugon habang nasa tabi ni Vierre at dala-dala ang bagahe.

"Shut the **** up, hindi ako nag imbita kay Blythe, si Reagan 'yon." Aniya rin na pareho ring nakatanaw sa tapat.

"Your ex is fucking heartless, V, dinala niya 'yan.."

"Your ex is fucking heartless too, nagpadala siya.. at sinama pa 'yang pumalit sayo."

Seryoso ko lang pinapanood si Idony na mag jet ski sa karagatan. Nakaupo lamang ako sa buhangin at hindi pinapansin ang mga alon na tumatama sakin.

She looked so happy while jet skiing with her boyfriend, parehong nagtatawanan at naghahabulan. I once did that to her, you know. We were once like that.

Napalunok at tumingin na lamang sa iba.

Sila Lily, Reagan, Sebastian, Veronica, Ezra at Ezekiel ay mga lumalangoy at nagkakatuwaan sa dagat. Si King naman ay nasa cottage at umiinom ng champagne habang nakadungaw sa senaryo. Si Blythe at ang boyfriend niya ay nagje-jet ski rin. Si Vierre at Seth ay mga nasa tabi ko lang at nakaupo lang rin sa buhanginan.

"Tangina kayo, mukha kayong mga loner diyan!" Asik samin ni Sebastian mula sa malayo. Dahil sinigaw niya 'yon, nagtawanan tuloy ang mga kasama niya.

Sabay-sabay namin siyang pinakyuhan kaya mas lalo silang natawa.

Lumingon si Vierre kay Seth, "anong ginagawa mo rito?"

"Parehong rason kung ba't kayo nandito."

"Really? Watching an ex with their boyfriends?" Inismiran ni Seth si Vierre.

Nagsalita ako, "hindi ba dapat nakikipaglandian ka na ngayon sa mga babaeng naka bikini rito? Ayun oh, ang dami nila, may iba pa ngang walang mga suot."

Umigting ang panga ni Seth at napalunok na siyang nagpatawa samin ni V, "gago kayo, nagbabagong buhay na ako ngayon."

"Ay ang gara, puta."

"Ah right, loyal ka na nga pala ngayon sa lalaki mo-"

"**** you!" Putol niya na mas lalo naming ikinatawa.

"Really?" Asik ko kay Idony noong isang gabi, "you're gonna bring your fucking boyfriend here, Idony?"

"Ano bang pakialam mo, Jason?" Galit niya ring saad sakin, "si Blythe nga, dinala si Creed, ako pa kaya?"

"You know damn well this is our place, Idony! Ang baba mo naman para inggitin ako rito."

Hindi makapaniwala itong tumitig sakin, "ha! Are you fucking hearing yourself, Jason? This was never our place-"

"It is!" Sigaw ko rito, "it fucking is, Idony! Huwag mong sabihin saking hindi tayo kailanman nagkaroon ng memorya sa lugar na 'to!"

Nakita ko kung paano nagsidatingan ang nagbabadya nitong luha sa mga mata niya at nag iwas ng tingin. I felt my heart stabbed a million times because of that. Goddamn it! I still have it hard with her!

Siya nalang! Siya nalang palagi! Ako palagi yung nababaliw para sakanya! It's always been like that for fucking ages! She bewitched me so hard that it hurt so much!

Napalunok ako pero kay hirap dahil may namumuong bukol sa lalamunan ko at sinubukan ko siyang lapitan ng onti, akala ko ay lalayo ito sakin pero tumulo lang ang luha niya at yumuko. Inabot ko yung braso niya na mas nagpahagulgol sakanya.

"Idony.." marahan at mahina kong tawag sakanya, "b-baby.." mas lalo itong humikbi, nakagat ko naman ang labi ko dahil umiiyak na talaga ako ngayon. "I'm still hurt, Idony-"

"Really?" Nag angat ito ng tingin, "you're hurt? You don't look like it, masaya ka na kay Lily."

"Lily is just my friend, Idony, it's you.. it's always been you.."

Umiling ito at lumayo sakin kaya nabitawan ko siya, "oh **** you, Jason, pinamumukha mo sa lahat na may something kayo ni Lily pero wala naman talaga?" Lumunok ito at tiningnan ako na parang pinandidirian, "hindi ka parin talaga nagbabago. It's always for your fucking pride, wala kang pakialam kahit na may gamitin ka man o wala."

"Idony.."

"Lubayan mo ako, Jason, please lang.."

"Bakit?" Nanginginig kong sabi, "para sa tanginang boyfriend mo?"

"Oo!" Sagot niya na nagpatigil sakin, "at huwag mo siyang mamura-mura! Masaya na ako kay Primo ngayon, kaya tigil-tigilan mo na 'ko, Jason! Kalimutan mo na ako-!"

"I can't, Idony! I fucking can't!" Ani ko na nagpatigil naman sakanya. Ngumiwi ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon at gustong kong manapak ng kahit sino ngayon, basta may malabasan lang ako ng galit at sakit. "I tried every fucking way to get over you, Idony! Ang dami kong pinaglaruan noong nasa abroad ako! Ang daming babae! Sinubukan kong tapalan ka nila, I don't give a shit if I have to have multiple girls in one go just so I can forget about you!

Mas lalo siyang humgulgol roon. Oh, why, honey? Hate the thought? "Pero hindi ko kinaya! Ikaw parin. **** shit, Idony, ikaw parin! Ikaw lang talaga!"

Tinulak niya ako, "wala akong p-pakialam, layuan mo na ako, Jason. Please lang."

"No," I heard my voice broke, nilapitan ko siya lalo at pinagdikit ang noo ko sa noo niya, nakasapo ang dalawang palad ko sa pisngi niya, "no, love, please.. just give me a chance again, break up with that Vongola.."

"N-No.." humikbi siya at tahimik na umiyak, ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga sa akin.

Tumulo ang luha ko sa pisngi niya dahil nakatingala ito sakin, "please, Idony, please.. I'll do everything.."

"No.. Jason.."

"I still love you," ramdam kong natigilan siya at alam kong dumilat na ito para tingnan ako, nanatili naman akong nakapikit at dinadama siya ngayon na malapit sakin. I know that if I let her go after this, I'll never be this near to her again. "I love you, Idony, so much, all this time. Please give me a chance, please.."

"J-Jason, please.. no.. stop it.."

"I'll do everything, kahit na itago mo ako, kahit na kayo parin ni Primo, wala akong pakialam.. basta bigyan mo ako ng isa pang pagkakataon, I promise I won't **** up this time.."

Umiyak na ako. This is my last straw, my first and last attempt to be with her again. 

Umiling siya, "no."

Doon na ako sumuko sakanya. Doon na ako tumigil sa paghahabol sakanya. This is my first time begging, and she threw that away.

I let her go, lumayo na ako sakanya at nakita ko ang panibagong luha na tumutulo dahil sa sagot niya. Nagsisi na ba siya sa sinabi? Doesn't look like it.

Sandali kaming walang imik habang kaharap ang isa't isa. Kinakalma muna namin sarili.

Maya-maya pa'y tumango ako at pilit na ngumiti, "okay.. whatever you want, Idony." Tinalikuran ko na siya at hindi na muli itong tiningnan pa.

For my damn pride, I'll fucking get over you, Idony Von Borja. Mark my words.

...-End of Preamble: Jason Roméo-...

01. Dessert

Ᏸ: This would be my sub account as an author. I've decided to use NovelToon to release my stories' preambles and chapter 1s as teasers. You could see the complete story in ******* with my pen name "beeyondsay", and in time, I may also complete the stories here so stay tuned! :>

Lily's POV

"I told you to buy me that one," nakasimangot kong tugon kay Jason na nakaupo sa harapan ko ngayon. He recently visited our sports day to watch as a visitor, naglalaro rin kasi yung mga pinsan niya, tapos ngayon ay naisipan naming tumambay muna rito sa ice cream shop malapit sa Dome.

"Anong akala mo sakin, maraming pera?"

"Bakit, hindi ba? Roméo ka."

The moron scoffed, "my parents are rich, not—"

"Me. Yes, Jason, I know, gasgas na 'yan." I rolled my eyes at him. "Unless, of course, you can't." Pinakatitigan kong mabuti ang kanyang reaksyon.

Tinaasan niya ako ng kilay at humalukipkip habang sumandal sa kanyang upuan, "don't do this to me, you can't do this to me, Lily."

"What?" Inosente kong tugon.

"You're fucking hitting my Achilles' Heel, that's just so lame."

"The guy in front of me not treating me the ice cream that I want in the ice cream store he told me to have a date to is lamer."

"Tss, fine!" Sabay tayo.

Napangiti ako at halos matawa nang tamad itong naglakad patungo sa counter para mag order. Syempre, mamamangha yung babaeng kaharap nito habang nagsasalita si Jason. Kahit ba naman kasi hindi kilala ang pamilya niya, maaakit ka parin sa munting itsura nito.

But the personality? Yikes.

Ang bantot.

"Here you go, witch." He gave me the ice cream cone and I accepted it. Bumili rin siya ng panibago para sakanya at muling naupo sa harapan ko, his legs are far apart and almost straight, dominating majority of my space.

Tss.

Sinipa ko ang paa niya papalayo sakin, "umusog ka nga."

Kumunot ang kanyang noo, "pansin kong ang laki ng problema mo sakin ngayon, ha? Code red ka ba—"

"Siraulo mo."

Jason originally wanted to eat dinner with me, but I had plans so we just ended up having dessert here. Kakatapos lang kasi ng huling araw ng Sports Day ng school ko at alam ni Jason na natalo kaming mga Prime.

"Man, I didn't think Levi's team would be so.. weak." Kumento nito tungkol sa pinsan.

Nagsalubong ang mga kilay ko.

Tiningnan niya akong muli at nginisihan, "kung player ako riyan sa sports day niyo, matik panalo na ako." Ikaw lang? Hindi ang buong team mo?

I made a face, "yabang mo talaga.."

"At least may iyayabang."

Muli kong nirolyo ang aking mga mata.

Then, someone kissed me on my cheek, "hey!"

Tiningala ko ang lalaking nasa gilid ko, "hey!" I pulled on his shirt softly to make him lean and give his lips a peck.

"You ready, Lily?"

"Yes, yes.." inayos ko ang mga gamit ko at tumayo na para umalis. Nilipat ko ang tingin ko kay Jason na nanatiling nakaupo at pinapanood lang kami ni Nile. I smirked at him, "sucks to be single, huh?"

Sinimangutan ako ng kaibigan ko, natawa ako roon dahil wala siyang masagot sa akin, wala siyang laban. Because as far as I know, in Jason's school, girls don't like him. Kaya walang majowa.

I just ruffled his hair, "bye, Jason."

He lightly slapped my hand away, "text me when you got home."

"Fine." Pagkatapos ay matamis akong ngumiti kay Nile nang siya naman ang hinarap ko, "let's go?"

Tinanggap niya ang kamay kong nakalahad, "sure."

"Lily."

Muli kong nilingon si Jason, "hmm?"

He glanced at Nile first before getting back at me, "'wag kang magpapagabi." I just laughed, because of that, his eyes got even darker. "I'm serious, Lily. You're only fifteen, you shouldn't go out often later at night." Nilingon niya si Nile, "I want her home by seven, Nile."

Namilog ang mga mata ko, "what!? Ang bilis, Jason! One and a half hour lang?"

"Kapag hindi ka umuwi ng alas siyete, ako mismo mag uuwi sayo—"

"Oo na! Oo na!" Jeez, this guy!

Natawa si Nile at inakbayan ako, "masusunod, pare. Ako na bahala sakanya papauwi."

Tumango lang si Jason at doon na kami umalis ni Nile.

Umangkas ako sa kanyang motor at mahigpit itong niyakap sa bewang matapos niya akong suotan ng extra helmet niya, naramdaman ko ang pag tawa nito at napailing nalang.

"Pag ikaw nahulog ka pa niyan, hindi ko na alam kung ano ang gagawin.."

It was a smooth ride to the Roméos' mall. Plano namin ni Nile na mag date rito ngayon para makabawi kami sa pagkakatalo ng school namin kaninang Sports Day.

Hays, grabe naman kasi ang Toscana Heights.. o yung mismong kapitan lang.

"I really thought they'd win, you know?" Asik ni Nile sabay inom sa kanyang baso. Nandito kami sa isang restaurant ngayon at kumakain na ng hapunan. "Ilang linggo rin nilang pinaghandaan 'yon." Ang usapan namin ay ang basketball team namin ngayon.

Bumuntong-hinga nalang ako, "yeah.."

I remember one time when I got a glimpse on their severe and extreme training, yung mga ingay ng mga players at coach ay rinig na rinig sa labas ng gymnasium. Nang sumilip ako at nanood ng mga ilang segundo, nakita ko kung gaano kahigpit sila Coach Jenny at yung captain ball nilang si Kuya Leroy Davir.

Parang kulang nalang ay mamawis na sila ng dugo, I really got worried for them. Kung ako siguro 'yan, baka naiyak na ako sa sobrang tindi ng trainings.

But.. they still lost.

It was clear to me, how something went wrong so suddenly. I knew they were a bit distracted because of the stunt the Elites' captain pulled off, but they were distracted so much that it must've been one of the factors that made them lose.

And also..

"I think the Elites' captain did something to them," sabi ko.

"What?"

"You notice when Ford got mad at him? It was quite a scene earlier."

"Ah, oo.. muntik pa atang sapakin ni Stanford."

Suminghap ako, "I really think their captain affected them so much," I pouted, "I think he cheated."

"Whether he cheated or not, the outcome will remain the same, Lily."

"Pero.. I remember what their captain did before the game! He's planning to take Mine!" Mine is my classmate on some subjects and time schedules but I already considered her as a friend!

"Tingin mo ba, papayag si Mine na lumipat sakanila?"

"No, but.." I pouted even more, "I think Captain Hayden won't be able to pull such stunt without her permission first.."

Bumuntong-hininga si Nile, "let's see in the next school year, sweetie."

Matagal kong tiningnan si Nile, maya-maya'y ako naman ang bumuntong-hininga at bahagyang nahiya, "I'm sorry.. am I boring you? Let's talk about something else."

"No, it's fine." Aniya at nginitian ako.

Nile has been my friend since our first year junior high days, along with my other best friend Jerzen. I liked him then and we're going out for a year now, last year lang kami naging mag boyfriend and girlfriend.

My parents didn't mind because my pain in the *** big sister had her first boyfriend when she was thirteen, basically, they think it was normal for their daughters to have a romantic relationship in such a young age, though Dad still thinks otherwise in a minor way.

Wala sa sarili akong tumingin sa relo ko, "we should go.."

Ginaya niya rin ang ginawa ko, "ah, right.. the curfew," he lightly laughed then stood up. "Let's go, then."

Inayos ko narin ang gamit ko at tumayo na, tsaka kami naglakad papalabas dito sa restaurant at sa mall.

"You think we should've invited Jerzen?" Mahinhin kong tanong.

"Jerzen might be busy now, nawala na siya bago pa man tayo lumabas sa Dome. I also tried finding and contacting her while you're in the ice cream shop but to no avail."

Nangunot ang noo ko roon. Si Jerzen, hindi makontak?

"I'll try talking to her when I got home."

Nang makauwi na ako na sa bahay ay nakita ko agad si Ate Psyche, nagla-laptop ito at mukhang gumagawa ng kanyang paper. Binigyan niya lang ako ng isang tingin bago ibinalik muli ang kanyang mga mata sa laptop, it's like she didn't care if I'm home just this night.

Bumuntong-hininga nalang ako at pinuntahan sila Mom para ibalita sakanila na nakauwi na ako.

"Fun date?" Si Mom na tinanguan ko lang matapos ko siyang halikan sa kanyang pisngi. "Aga mo, ha. Kung yung ate mo 'yan.."

Napailing nalang ako, "may magagalit po kasi kung nagpagabi pa ako lalo.."

Nakuha agad yun ng mga magulang ko kaya sila natawa.

"Umakyat ka na at magpahinga, you've had a long day." Si Dad.

Ganoon na nga ang ginawa ko at mabagal pa ang aking mga galaw kahit na panay ang tunog ng phone ko.

When I got inside my room, I took off my clothes first and had a quick cleansing of my body, pagkatapos niyon ay nagbihis na ako at naupo na sa kama tsaka kinuha na ang phone ko na nakailang missed calls na.

Bumuntong-hinga ako at sinandal ang likuran sa unan ko, "what?"

[Are you still out?]

"No, you idiot. Nakauwi na ako kanina pa."

[Then why the hell are you not answering my calls?]

"I took a bath, okay?" I looked at the wall clock for the time again, "I gotta go, gotta make a call."

[Hoy—]

Pinutol ko na ang tawag at may tinawagang iba, hindi nag tagal ang pag ring dahil sumagot na ito kaagad.

"Where have you been?"

[What?]

"Hindi mo raw sinasagot ang tawag ni Nile.."

[Yeah, sorry. Nawalan ako ng battery.]

Ngumuso ako, "balak pa naman sana namin na imbitahan ka mamaya.."

I heard her chuckle, [date niyo yun, imposibleng imbitahan niyo pa ako. Tss, alam ko na galaw ng utak niyo, talagang nag abala pa kayo, ha.]

Hindi ko napigilan ang matawa, "yeah, okay, whatever, Jerzen.. next time then? After school?"

Matagal siyang hindi sumagot sa kabilang linya pero kalaunan ay nagsalita rin, "hmm, sige. Pero solo kita, Lily."

Muli nanaman akong natawa dahil ilang beses ko na 'yang naririnig mula sa bibig niya. "Sure."

Jerzen and I have been friends since as long as I can remember, she's my only constant friend that lasted for most year, sumunod kasi sakanya ay si Jason, which I then met when we were in elementary.

Lahat na ata ng sikreto ay napag-sabihan na namin ni Jerzen sa isa't isa. She's always been the only constant girl that I'm most comfortable with. I mean, I have girl friends but none of them can compare to her.

"Solo kita, ha." Nanindig ang mga balahibo ko nang binulong niya sa akin iyon habang nakatayo sa likuran ko at ako naman ay nakaupo sa silya.

Tiningala ko ito at nginitian, siya naman ay nginisihan lang ako.

"Bumawi ka sakin, Vidal."

"Oo na nga, de Asis."

"I still can't believe that you actually agreed!" Lumingon kami pareho sa banda nila Mine, Eshara at ni Ashtana. "Lilipat ka talaga next school year? Sure ka na riyan!?"

Nangunot ang noo ko, "lilipat ka, Mine?" Hindi ko na napigilan ang makisali sakanila sa isang mahinhing boses.

Nagkatinginan kami ni Mine, "yes.."

Muling nagsalita si Eshara, "kung kelan grade ten na tayo? Mine-Mine naman! Last year na natin sa JHS!"

Nagsalita si Ashtana, "it's not like hindi rin tayo magkakaroon ng violent reaction kahit pa nag stay siya next school year at lilipat sa Toscana sa susunod na taon." Ngumuso siya.

Nakita ko kung paano hinilot ni Mine ang kanyang sentido, "my God, galit na nga sa akin sila Daph at Tan, dadagdag pa kayo.."

"Malamang dadagdag kami!"

I tried to soothe them, "umm, I think you should calm down first.."

Inabot ni Jerzen ang balikat ko, "Lily.." binigyan niya ako ng makahulugang tingin, sinasambit na huwag ako makisali.

But I couldn't help it.

I agree on both sides, magagalit nga naman ako kung best friend ko si Mine at papayag siya sa kondisyon na binato lang ng kapitan ng Elites sa kung saan. Pero naaawa rin ako kay Mine ngayon kung titingnan ito, para siyang pagod na pagod sa dami ng iniisip niya.

Is she regretting her decision?

"I really think you all need to cool down, baka may mangyari pang masama kung ipagpapatuloy niyo 'yan."

"Tss, Lily.." I didn't mind Jerzen.

"May mangyayari ng masama, Lily, aalis siya!"

"But you don't need to yell at her, Eshara, she looks really tired."

Namilog ang mga mata niya, "what?"

"You—"

"Halika na nga," kinuha ni Jerzen ang braso ko at sapilitan akong itinayo. "Alis na kami, Mine, Shara, Ash."

"U-Umm, okay.." si Ashtana na pinapalit-palit ang tingin sa amin ng kaibigan ko.

Nanatili akong hinihila ni Jerzen hanggang sa makalabas kami. Wala naman akong bayolenteng reaksyon dahil tapos narin naman ang klase namin.

Nang tumigil kami sa motor niya ay pagalit niya akong nilingon.

Ngumuso ako at sumimangot, "what ba?"

"Sabi sayo huwag kang masyadong makihalubilo!"

"Hindi naman, ah! And they're our friends anyway—"

"Kung gusto nilang mag away, Lily, hayaan mo—"

"Bakit ko hahayaan kung pwede ko naman pigilan?"

"See? This is the problem with you, you're too nice! Ang bait bait mo to the point na hindi ka nagdadalawang-isip na umepal sa usapan."

Humalukipkip ako, "and is that a problem?"

Napapikit ito at bumuntong-hininga, animo problemadong-problemado sa akin.

I don't see the reason anyway. I admit that I am nice, but I never regretted my decisions once, and I hope I never will.

I just want to help people as much as I can. Iyon lang. Kung bumackfire man sa akin ang ginawa ko, wala akong pakialam. Wala akong pakialam kung maapektuhan ako, as long as hindi ako nakakasakit ng tao.

I've always been a soft person, iyong tipong naiiyak tuwing nagagalit. Hindi ako tulad ng iba na bayolenteng naglalabas ng galit, sa akin, kinikimkim ko nalang.

Because this is who I am. This is Lily Vidal.

Mahigpit na hinawakan ni Jerzen ang kamay ko, "please, umatras ka kahit konti sa pagiging mabait mo, Lily. Baka dahil sa sobrang bait mo, masobrahan na ang mga ginagawa mo."

Hindi ako nakapag-salita roon. It was a bit vague but somehow, I understood it.

Bumuga ako ng hininga, "alright.."

Ganoon din ang ginawa niya at tumango.

Muli akong tumingin sakanya at ngumiti, "wanna go out?"

My best friend scoffed, "we're already out." Inirapan ko siya dahil alam niya naman ang tinutukoy ko. "Gegege, tara na."

"Wait, let me just text Nile."

"Will he.. be coming with us?" Nag angat ako ng tingin kay Jerzen, may napansin ako pero binaliwala ko nalang iyon.

I shook my head while smiling at her, "no.. it'll be just us."

Tumango lang ito at tinalikuran ako para kuhanin ang helmets.

[To: Nile ♡]

Gonna go out with Jerzen.

He responded immediately,

[Fr: Nile ♡]

Okay, ingat kayo. Huwag din kayong magpagabi.

Habang nakatingin ako sa phone ko ay sinuotan naman ako ni Jerzen ng spare helmet niya, nagkatinginan kami saglit at binigyan ko siya ng ngiti.

"Sakay na," si Jerzen matapos sumakay sa kanyang motor.

Ibinalik ko ang phone sa bag ko tsaka ako umangkas sa motor at niyakap siya mula sa likod. Pagkatapos ay pinaharurot na niya ang motor.

Kinabukasan ay tahimik akong nakikinig sa aming guro nang biglang tumunog ang phone ko. Binasa ko ang text doon sa ilalim ng mesa ko,

[Fr: Vierre Roméo]

My dumbass brother got himself in detention again. He's pissed af.

Bumuntong-hininga ako. Kapag ganoong may bayolenteng reaksyon nanaman si Jason, ibig sabihin ay ipinaglalaban niyang wala siyang maling ginawa o kasalanan.

[To: Vierre Roméo]

Alright, punta ako sainyo after school.

Vierre and I aren't that close but we agree to stuff when it comes to Jason. Close kasing kuya ni Jason si Vierre at alam naman ni Vierre na ako ang girl best friend ni Jason. Kaya kung may pag uusapan man kami ni Vierre, si Jason yun.

Katulad nito, sinusumbong nanaman sakin ni V ang walang hiya kong matalik na kaibigan.

Nang matapos na ang klase ko ay naghanda na ako ng gamit at naglalakad papalabas sa classroom.

Both Nile and Jerzen met me on my locker to put some of my textbooks and stuff there. I smiled at them warmly while putting my stuff in my locker.

"Why are you both here?" Kapagkuwan ay tanong ko.

"Date tayo," si Nile.

Umasim ang mukha ni Jerzen, "ako ang mag aaksaya ng oras niya kasama siya, Nile."

"Lagi mo nalang inaagaw sa akin itong girlfriend ko, de Asis."

"Ikaw ang laging umaagaw sa akin ng best friend ko, Aragon."

I softly chuckled, "sorry, pero hindi ako makakasama sainyo."

"Oh, uuwi ka na? Hatid na kita sainyo."

"Ako ang maghahatid sakanya, Nile."

Umiling ako, "no, may pupuntahan ako.."

"Saan?" Pareho nilang tanong.

Hindi ko na sila sinagot at nag paalam nalang.

As much as I want to tell them, I don't want to. Because it'll be just another episode of A Series of Unfortunate Jason to Pleasure. At pagsasabihan nanaman ako ng dalawang 'to, telling me that I'm spoiling Jason too much.

It's not like I'm spoiling that moron, it's just that.. I know him better than anyone.

I texted my driver to fetch me on the school, I needed to text him because my driver thought Nile will take me home, ilang beses narin kasi iyong nangyayari, at ganoon din naman si Ate Psyche sakanya. 

Nakakatawa nga dahil minsanan ko na siyang narinig na sinabi kay Dad kung paano ito nakakaramdam na parang hindi niya nagagawa nang maayos ang kanyang trabaho dahil panay ang hatid samin ni Ate ng mga boyfriend namin sa bahay. Not that Ate had a consistent relationship with men, right now, si Kuya Leroy ang kanyang.. well, they're 'engaged' anyway.

Nang nasa tapat na ako ng Britannica Academia ay wala ng masyadong tao pero may mga iilan parin, kanina pa kasi natapos ang klase nila at ngayon lang ako nakapunta dahil nasa kabila ito ng school ko kaya medyo malayo-layo.

Nakapasok ako sa gate dahil kilala narin ako ng guard dito, ilang beses na akong pumunta sa Britannica. And even after all those times, I still couldn't help being in awe whenever I look in its interior.

Dumiretso ako sa halls nila at luminga-linga para hanapin kung saan naman naglilinis si Jason ngayon, nasabi kasi sakin ni Vierre na may parusa na hinatol nanaman sakanya, of course it'd be one of his cleaning days again. 

Kahit na Roméo 'yan, at bunsong lalaki pa, paparusahan at paparusahan parin siya ng school kahit na gaano pa ito ka-entitled. And well, hindi naman tutol sila Tito Eros at Tita Alice sa institusyon, but I know they'll strike a move when it's beyond the line.

Napatigil ako nang mamataan na ito mula sa bintana, nasa loob si Jason at nagma-mop sa sahig, may timba pa ng tubig at sabon sa gilid ng pader. Lumapit ako sa nakabukas na pintuan at sumandal sa hamba niyon.

Nakatanggal na sakanya ang school coat niya at nakatupi ang sleeves sa siko para hindi iyon mabasa habang naglilinis siya. Nakapaa narin ito dahil basa ang sahig.

"Sucks to be alone, huh?"

Natigilan ito sa ginagawa at agad akong binalingan, mabilis niya rin akong sinimangutan at halatang-halata sakanya na badtrip siya.

"Wala akong kasalanan."

"Uh-huh, ilang beses mo na 'yang pinaglalaban, hindi ka naman pinapakinggan."

"Kasi mga sarado ang utak nila, kung ginagamit lang sana nila yung mga kokote nila, edi masaya ang lahat."

Bumuntong-hininga nalang ako. Hindi na ako nag abala pang tanungin kung ano nanaman ang ginawa niya dahil alam kong mas lalo lang siyang magagalit tuwing kinukwento niya ang kinaiinisan niya.

"Sabi ko naman kasi sayo na maghanap ka nalang ng girlfriend, para matuon sa iba ang atensyon mo at hindi ka na maparusahan pa.."

He snorted, "yeah, as if that'll help."

"Hey! It does help! Tingnan mo kami ni Nile."

Umirap nalang siya at hindi na sumagot, pinagpatuloy niya ang ginagawa.

Muli akong bumuga ng hininga bago iwan siya sandali para may kuhanin, nang makabalik ay tinanggal ko na ang aking blazer at itinaas ang mga sleeves papunta sa siko. Tinali ko ang buhok ko at tinanggal ang sapatos at medyas hanggang sa nakapaa nalang ako.

Pumasok ako sa classroom na dala dala ang mop na kinuha ko at bago pa ako makatulong ay pinigilan na niya ang mop na babagsak na sana sa sahig.

Iritado akong nilingon ni Jason, "ako na ang maglilinis, Lily, bumalik ka roon."

Umiling ako at mas lalo pang hinila pababa ang mop, wala namang epekto dahil kinakalaban ko ang lakas ni Jason ngayon. Ano pa bang maaasahan ko sa lalaking walang ginawa kung hindi ang mag workout? Kaya wala siyang girlfriend, eh.

"Lily!" Sigaw niya, "fucking go back there and wait, ako na rito."

Umirap ako sakanya, "just let me do this!"

I pushed him away through my waist and began mopping with him. I didn't really mind helping him with his punishment, I've been doing that to him several times, at hindi lang nagbabalak tuwing alam kong may superviser.

"I'll treat us ice cream after we're done with this, to make you calm your shit."

Kahit na galit siya ay hindi parin niya napigilan ang matawa at napailing, natawa narin tuloy ako.

"What will I do without you?"

Nawala ang ngiti ko sa tanong niyang 'yon at hindi nalang sumagot.

"Sige, ice cream rolls tayo pagkatapos nito. Tutal ay ikaw naman ang magbabayad." Nagpakita ang ngisi niya, "maybe I should let the school punish me more often to make you pay—"

"Gago."

Natawa siya at nag peace sign nalang, pagkatapos ay nagpatuloy kami sa paglilinis. It took us a couple of minutes before we finish and we go out for an ice cream.

Kasi pagdating sa pagkain.. sa ice cream lang kami nagkakasundo.

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play