"Hayyst ano ba yan hindi na naman kita kaklase Candy. Bakit ba lagi na lang tayong magkahiwalay ng section" nakangusong sabi ni Nikee kay Max. First day of school kasi at ito na naman sya at nagdadabog dahil hindi na naman nya kaklase ang kaibigan..
"Ayos lang yan Nikee. Pupuntahan na lang kita sa room nyo para samahan kita.. Pag mag rerecess tayo. Tapos susunduin kita para lang magkasabay tayo papasok at uuwi." Nakangiting sabi ni Max
"Hmmp. Oo na nga lang.. Sige na bye bye muna. Punta na muna ako sa magiging classroom ko." Sabi ni Nikee at umalis na sa kompulan ng mga estudyante kung saan nandoon ang bulletin board sapagkat doon nakapaskil kung saang klase sila nabibilang..
Matapos ang mga naunang klase at mga sumunod pang klase na akala mo'y hindi unang pasukan ng taon ay nag recess na rin. Katulad nga ng sinabi ni Max pinuntahan niya si Nikee sa classroom nito upang sabay mag meryenda..
"Candy!!" Sigaw agad ni Nikee ng makita ito at hinalikan sa pisngi.. Ganoon sya ka sweet sa kaibigan nya..
Nag patuloy lang na ganoon ang takbo ng buhay nila.
Hanggang dumating ang araw ng Graduation nila. Mag cocollege na rin sila sa wakas..
"Candyy!! Congrats sayo." At humalik na naman ito sa pisngi ng kaibigan....
"Congrats din Nikee.. Good luck sa atin."
"Candy tutal naman graduated na tayo. Baka naman pwede ka namang. Ehem magyayang gumala kahit saan man. Basta ehem magandang pasyalan." Parinig ni Nikee sa kaibigan..
"Hahaha ikaw talaga. Syempre naman balak na nga sana kitang yayain kaso naunahan muna ako." Sabi nito..
"Talaga!" Excited at kumikinang ang matang sabi ni Nikee..
"Oo naman ano game ka sa sabado?" Tanong ni Max
"Syempre naman. Kailan ba ako hindi naging game?" Sambit nito sa kababata.. At ngumiti ng pagkatamis tamis na makakapaglusaw ng puso ng sinumang makakakita..
Matapos nilang mag usap ay naghiwalay na rin sila ng tatahaking landas. Sapagkat pareho na silang uuwi at parehong may haharaping mga bisita na mula pa sa kanilang mga angkan na galing sa ibang bayan at bansa...
Pagpatak ng araw kung saan ay mamamasyal na ang dalawa..
"Nikee ano bang kurso ang kukunin mo?" Nakangiting tanong ni Max
"Hmm.. HRM.. Kasi gusto kong maging chef. Alam mo namang mahal ko ang pagluluto at pag babake ehh." Sambit ni Nikee at napatingin na sa kaibigan..
Bago ngumiti ng mapakla. Dahil alam nyang mahihiwalay na ito sa kanya magsisimula ito sa susunod na araw.. Kahit alam na nya ay tatanungin nya itong muli..
"Ano bang kurso ang kukunin mo"
"Katulad nga ng sinabi ko noon. Mag susundalo talaga ako. Pangarap kong maging sundalo hindi lang dahil sa malaki ang perang makukuha ko kundi dahil gusto kong protektahan ang bansa natin. Katulad lang ng pagprotekta ko sa mga mahal ko sa buhay." Nakangiti itong nagsasalita habang malayo ang tingin kalaunay tumingin rin ito kay Nikee at nakita nito ang kalungkutan sa kanyang mga mata..
"Wag ka nang malungkot. Pangako after seven years magkikita tayong muli. At sa panahong iyon pareho na tayong nakakaangat sa buhay." Dugtong nito sa kaniyang sinabi kanina matapos makita ang isang emosyon sa mata ni Nikee..
Niyakap na lamang sya ng mahigpit ni Nikee at umiyak ng tahimik..
"Bakit kasi sundalo pa. Alam mo namang delikado un ehh. Paano na lang kung mapano ka. Wala ako sa tabi mo" umiiyak na sambit ni Nikee..
"Ano ka ba wag ka ngang umiyak dyan para namang mamamatay na ako ehh" natatawang sabi ni Max
"Parang hindi ehh" sumisinok na sabi nito..
Natawa na lang muli si Max..
"Ikaw ang pinakadabest na bestfriend ko. Huh kaya wag ka nang umiyak" sa narinig ni Nikee ay mas napahagulgol ito..masakit lang naman masabihan ng kaibigan ka lang. Na bestfriend zone sya..
Pagkatapos ay humiwalay na ito, dahil sa tingin nya ay mas nasasaktan lamang sya sa ginagawa nya..
Pinunasan naman ni Max ang mga luha sa kanyang mga mata. At mas lalong nadurog ang kanyang puso..
"Bakit ba kasi di mo maramdaman? Di mo na nga makita di mo pa nararamdaman.. Nakakainis ka!! Kaibigan kita pero di mo pa rin ako kilala.. Ganoon ka na ba kamanhid para di mo maramdaman!" Mas lalong napaiyak si Nikee. Dahil sa bugso ng damdamin ay napaamin ito ng aksidente.
"Anong ibig mong sabihin?" Gulat na tanong ni Max sa kanya.
"Wala! Mahal lang naman kita matagal na, di bilang kaibigan kundi bilang isang lalakeng gustong makasama ka ng panghabang buhay! Pero at dahil manhid ka wag na lang. Sige good bye. Salamat sa friendship, salamat sa lahat. Mag iingat ka sana palagi." Mabilis na sabi ni Nikee at mabilis na tumakbo papuntang sakayan.. Hinabol naman sya ni Max..
"Nikee wait! Please Nikee pakinggan mo naman ako." Sigaw ni Max habang hinahabol ito ngunit huli na.. Nakalayo na ito...
Makalipas ang ilang pang araw na patuloy sa pagbalik ng bahay nina Nikee si Max ay hindi pa rin nya ito makausap o makita man lang..
Pagdating ng kaniyang pag alis ay nag iwan na lamang ito ng sulat sa magulang ni Nikee. At nagpaalam na rin..
Makalipas ang ilang araw ay nakausap na rin ng matino si Nikee. At naibigay na sa kaniya ang iniwang sulat ni Max.
Ngunit nakaalis na si Max at sa ngayon ay nasa loob na ng Kampo at nag tatraining.
Ilang araw muna bago niya binuksan ang sulat..
Hey Nikee about what you said last time. I'm sorry kung ganoon na pala ang nararamdaman mo at hindi ko napapansin. I'm sorry kung naging manhid ako at nahirapan ka pang tinago ang nararamdaman mo sa akin. Kung alam ko lang sana di ka na nahirapan pa.. I love you too Nikee hindi rin bilang kaibigan ngunit bilang babaeng gustong makasama hanggang sa pagtanda.. Pangako. After seven years kung sakaling wala ka pang ibang nagugustuhan yayayain kitang mag pakasal agad.
Love, Max
After seven years...
Seven years na ang nakakaraan pero wala pa rin akong natitipuhan..
Inaantay ko pa rin ang Candy ng buhay ko..
Ngunit nakalimutan na nito ang pangako nya....
Dahil after seven years..
Ito ako at nakatayo habang naglalakad sa pasilyo papuntang altar..
Habang suot ang puting bestida..
Dahil isa ako sa abay ng kaniyang bride...
Nandito ako nakaputing bestida upang mag attend sa wedding ng bestfriend kong si Max..
Kasal nya lang, hindi ako kasama..
The end..