"Jess.." Sigaw ni Aries sa kanya..
Naiirita naman syang tuningin sa binata. Dahil palagi sya nitong kinukulit na gusto sya nito at gusto syang ligawan. Ngunit ayaw nya sa binata sapagkat may iba syang natitipuhang iba..
"Ano na naman Aries?" Nakakunot noong tanong ni Jess..
"Wala naman. Sino nga pala ang tinitignan mo dyan?" Nakangiting tanong ni Aries kahit alam naman nya kung sino ang tinitingnan ng dalaga.
"Si Mark. Bakit?" Masungit na sabi nito..
"Wala naman.. Bakit ba kasi tingin ka ng tingin dyan kay Mark? Para namang makukuha mo yan eh unreachable dream mo yan" sambit ni Aries at tumawa ng kunti..
"Paki mo ba! Dyan ka na nga!" Galit na sabi ni Jess at iniwan si Aries na nakatayo doon. Nakangiti man ang lalake ngunit nasasaktan ito sa loob loob nya..
"Bakit kasi hindi na lang ako?" Bulong nito saka umalis na rin ng tuluyan sa lugar na iyon..
Lumipas pa ang maraming araw at patuloy sa pangungulit si Aries kay Jess.
"Jess magnanakaw ka!!" Biglang sigaw ni Aries.
"Ano?!!!?! Ako?!??!?" Sigaw rin pabalik ni Jess
"Oo.. Ninakaw mo ang puso ko" banat muli ni Aries kaya nagsigawann naman ang mga kaklase nila.
"Baliw kana!" Naiinis na sabi ni Jess..
"Baliw sayo!!" Sigaw pabalik ni Aries. At muling nagsigawan ang mga tao..
Lumipas ang mga linggo at medyo napapalapit na rin ang loob nya dito.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana at nagulat na lamang sya isang araw..
"Hi Jess" bati ng nakangiting isang gwapong binata sa harapan nya. Hindi sya makapaniwalang nag hi si Mark sa kanya at alam pa nito ang pangalan nya..
"Hi Mark.. Kilala mo ako?" Nauutal nitong sabi..
"Oo naman kilala kita. Ikaw ung future girlfriend ko hindi ba?" Nakangising sabi ni Mark..
"Huh? Ahh- llahh.." Walang masabi si Jess. Tameme sya sa banat ng taong matagal na nyang pinagpapantasyahan..
"Ayy mali. Pasensya na ikaw pala ung future wife ko hindi ba? Oo tama.." Nakangiting matamis na sambit ni Mark kay Jess sabay labas ng isang pulang rosas..
Nagulantang si Jess sa nangyayari.. Anong meron?
"Ano ibig sabihin nito?" Tanong ni Jess
"Pwede ba akong manligaw?" Seryosong tanong ni Mark..
"Ahh ehh.. Huh. Ikaw?" Nauutal at nagloloading pa rin talaga sya..
"Oo ako." Nakangiti pa ring sabi nito..
Habang nangyayari ito ay nanonood lamang sa malayo si Aries at malungkot. Dahil sigurado syang magkakatuluyan ang mga ito.. Sigurado syang papayag agad ang babae..
Tama nga sya.. Makalipas ang ilang araw ay nabalitaan na lamang niya na si Jess at Mark ay magkarelasyon na. Lubos syang nasaktan sa pangyayaring iyon..
Bakit kasi hindi na lang sya
Ano bang kulang sa kanya..
Nagmahal lang naman sya ngunit anong ibinalik sa kanya. Walaa..
Lumipas ang ilang buwan. Naka move on na din si Aries dahil may tumulong sa kanya. Si Athena.. And si athena n ang minamahal nya ngayon.. Ang nag iisang babae sa buhay nya at mahal na mahal din sya..
Habang si Jess naman ay nakikipasobra away kay Mark dahil nakita nya itong may kasamang ibang babae..
Di kala unan nalaman nya ring pinagpustahan lang pala sya.. Kaya nakipagbreak din sya kay Mark..
Nasaktan sya ng sobra ng dahil kay Mark..
Habang naglalakad sa may tabi ng baywalk nakita nya si Aries kasama si Athena isa sa schoolmates nila.. Masayang masaya ang dalawa at mukhang in love na in love sa isa't isa..
Doon lamang nya napag isip isip na mali sya. Mali syang iniwan ung totoong nagpapahalaga at nagmamahal sa kanya..
"I chased the wrong star.. I never thought that the star I really want to chase was behind me before. And now that star has already a moon.." Ang namutawi na lamang ni Jess...