Napalundag na lamang ang puso ni Ally ng nagreply na si Zeliro sa kanyang message.
"I love you" basa na lamang ni Ally sa chinat ni Zeliro.
Tumibok ng kay bilis ang kanyang puso habang tinatype ang salitang 'I love you too'
Unang beses nya lang ito sinabi sa isang tao at kay Zeliro lamang talaga..
Ilang buwan din silang nagchat hanggang dumating ang araw na bigla na lang lumamig. Parang hangin ng ber months napakalamig..
"Allyyy!!!!" Sigaw ng isang magandang dilag sa kanyang bestfriend.
"Ohh ano na naman ba Kiyah? Sigaw ka ng sigaw dyan. Di ka ba nahihiya?" Naka kunot noong sambit ni Ally..
"Ahehehehe peace yow. Ambilis mo kasing maglakad ehh" nakangusong sabi ni Kiyah..
Biglang napalingon ang dalawang magkaibigan sa kaliwang bahagi nila ng marinig nila ang ingay na gawa ng mga binatilyo..
"Uyyy si ka MU mo!! Yiieee" pang aasar ni Kiyah.
"Araayy!!!" React ni Kiyah ng binatukan sya ni Ally..
"Baliw ka talaga ang ingay ingay mo" nakabusangot na sabi ni Ally.
Kahit kailan talaga ang init ng ulo nya.
"Tsaka bakit ba parang ang lungkot lungkot at ang init ng ulo mo? Ano bang meron?" Pang uusisa ni Kiyah.
"Kasi naman.." Pa umpisa ni Ally
"Oh ano?" Atat na tanong ni Kiyah..
Sinamaan naman sya ng tingin ni Ally. At nag peace sign na lamang sya..
"Basta. Ulol sya. Tangina nya" Galit na sabi ni Ally..
"Luhh. Bad mouth sweetheart" pa cute na sabi ni Kiyah..
"Tangina kasi. Alam mo un. Sineryoso ko sya pero ako di nya sineryoso. Kahit MU lang sobrang loyal ko sa kanyang depungal sya.." Naiinis na naiiyak na sabi nya.
"Ano bang ganap?" Biglang seryosong tanong ni Kiyah..
"Kasi ang tagal na naming di nagchachat. Tapos ka close ko ung kaibigan nyang si Alex. So pinatanong ko kung bakit di na sya nagchachat. Puta alam mo nagchat nga sya. Ang sinabi nya di pa daw sya ready na mag gf. Putcha di naman ako jowang jowa. Gusto ko lang maliwanagan sa nararamdaman nya. Kung gusto nya ba talaga ako. Para alam ko kung lalaban pa ba o hindi na." Mahabang kwento ni Ally.
"Oh tapos?" Kunot noong tanong pa nya.
"Tapos malaman laman ko. May nililigawan pala sya. At willing to wait. Wooooww.. Grabe! Bilib na ako sa kanya. At isa pa. Sa dinami daming babae si Seria pa. Ung babaeng un.. Alam nya. Pero hindi sya nagsabi na si Zeliro un. Sinabi nyang may nanliligaw sa kanya." Naiyak na ng tuluyan si Ally.
Nakalimutan na nyang nasa loob sila ng campus at naka upo sa isang bench sa gilid. Niyakap na lamang sya ni Kiyah.
"That bitch" galit na sabi ni Kiyah.
"Kala ko ba naman kaibigan ung babaeng un." Dugtong pa niya.
"Sana sinabi na lang nya. Sana di na lang nya tinago edi sana di ako umasa ng ganto. Sana mas natanggap ko agad na iba talaga ung gusto nya at hindi ako, hindi ung pinafall nya lang ako diba.." May hinanakit na sabi niya.
"Bakit kasi ako nafall sa hayup na un.." Umiiyak na sabi nya. Buti na lang at hindi sila napapansin dahil busy ang ibang estudyanteng makipag usap sa iba nilang ka schoolmates.
"Kung alam ko lang nung una pa lang na gusto nya pala talaga si Seria edi sana di ko na lang pinatulan ung gagong un. Napakagago kasi ng lalakeng un ang landi nya. Kung gusto na pala nya talaga si Seria bakit pa nya ko nilandi." Patuloy na kwento nya..
"Ang sakit sakit kasi ehh. Alam mo ung nasayang ko ung effort ko. Yung worth at yung oras ko.. Sinayang nya lang... Tapos si Seria di man lang nya sinabi sa akin. Sana sinabi na lang nya mas matatanggap ko pa un. Hindi ung ako pa ang makakadiskubre." Medyo huminto na din sya sa pag iyak matapos nyang banggitin ang mga katagang iyon.
"Tangina nilang dalawa.. Sila ng magsama" natawa silang dalawa dahil kinanta pa talaga ni Ally un..
"Hahahahaha. Sira ka talaga. Bilis magpalit ng mood ehh" sabi na lamang ni Kiyah.
"Malamang dapat pala di na iniiyakan un. Di sya worth ng tears ko. Hahaha" nakatawang sabi nya pero deep inside sobrang sakit ng nararamdaman nya..
Kinabukasan ay nadatnan ni Kiyah si Ally na naka upo sa tabi ng puno. Tatawagin na sana nya ito ng magsimula itong kumanta..
"Sabi nila balang araw darating
Ang iyong tanging hinihiling
At nung dumating
Ang aking panalangin
Ay hindi na maikubli
Ang kawalang pag asang nahanap ko sayong mga mata
At ang takot ko ngayong ika'y nawala
At ngayong nandyan ka na
Di mapaliwanag ang nadarama
Wala na ang walang hanggan
Patuloy na umaasa
At palaging nasasaktan
Mula noon
Hanggang ngayon
Walang ikaw at ako" ng matapos nitong kantahin ang ikaw at ako ni Moira at Jason na iniba ang lyrics. Ay hindi nya alam kung matatawa ba sya o maaawa sa kaibigan nya.
"Pfft. Seriously Ally." Nasabi na lamang nya.
Ngumiti ng malungkot si Ally sa kanya at napa isip sya kung ano na naman ang kinalulungkot nito bukod kay Zeliro..
"Bakit?" Nag aalalang tanong nya..
"Wala lang.. Nakakapagod kasi" pagod na ngiting pagkakasabi nya..
"Anong nakakapagod?" Tanong ni Kiyah
"Tired of everything.." Malungkot na sabi nya
"At ang nakakalungkot di ko na masusubaybayan ang pag graduate nyo.." Mababang sabi ni Ally.
"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka at nag aalala na si Kiyah.
"Basta.. Tara sa canteen libre ko" pag iiba ng usapan at mood ni Ally.
"Woooohh!! Talaga!! Tara na!!! Lezzz goooo!!!" Tuwang sabi ni Kiyah.
Pagdating ng canteen biglang napahinto si Ally. At napatingin naman si Kiyah sa tinitingnan nito..
At nakita nya doon si Zeliro at Seria na magkatabi habang inaasar ng mga kabarkada nito na dati kay Ally inaasar si Zeliro. Ngayon nag iba na ang ihip ng hangin ehh..
"Ayys. Sus hayaan mo na yan. Maghihiwalay din yang dalawang yan. Walang forever." Sambit na lamang ni Kiyah..
"Cheer up gurl tara na kain na lang tayo sa labas." Sabi na lang ni Kiyah..
"Mabuti pa nga." Nakangiti nyang sabi
Kumain sila sa labas at nagsaya..
"Ikaw Nick rebound ka ha." narinig nilang usapan ng isang grupo ng manlalaro ng basketball. Napadaan kasi sila sa mga naglalaro ng basketball.
Tapos napangiti na lang sya sa narinig.
"Putcha. Di ko alam na masakit maging rebound sa pag-ibig.. Mas mabuti pang rebound sa basketball ehh. Mas nakaka enjoy." Biglang sambit na lamang ni Ally..
"Wag mo na lang syang isipin. Toxic lang un" sabi ni Kiyah.
"Oo nga. Tara na" sabi ni Ally at umuwi na lamang sila.
Lumipas ang ilang linggo at sinagot din ni Seria si Zeliro. At heto si Ally nasasaktan ng sobra. Hindi nya matanggap na minahal nya ung lalakeng ginawa lang syang rebound.
Sa sobrang pag iyak nya ay hindi kinaya ng puso nya at inatake sa puso..
Sinugod sya sa ospital at critical na ang kalagayan. Nalaman iyon ni Kiyah.
At dahil sa sobrang galit sinugod nya si Seria..
"Walang hiya kaaa!!" Sigaw nya sabay sabunot at suntok kay Seria..
"Aray ko Kiyah tama naa!! Araayy Kiyaaaahh!!" Sigaw ni Seria sabay piglas sa pagkakahawak ni Kiyah..
Nung binitawan sya ni Kiyah. Ay hindi pa pala sya titigilan. Sinampal sya ng malakas ni Kiyah.
Napahawak na lamang sya sa pisngi nyang nasampal..
"Ano bang kasalanan ko. Diba magkaibigan tayo? Bakit?" Naiiyak na sabi at tanong ni Seria.
"Bakit? Gaga ka ba? Huh? Alam mo ba ung ginawa mo? Gago. Nakaratay ung isa nating kaibigan sa ospital dahil dyan sa kasinungalingan at kalandian mong letche ka!! Alam mo namang may sakit sya sa puso diba. Sana nag isip ka naman. May utak ka pa ba?" Galit at namumulang buga nito kay Seria.
"Mahal ko si Zeliro. Mahirap bang intindihin un. Nagmahal lang naman ako.." Umiiyak na sabi nito
"Nagmahal? Mas pinili mo pa talaga ung lalakeng pwedeng pwede kang iwan kahit anong oras kesa sa kaibigan nating magtataggal habang buhay.. Wala ka na bang utak. Bobo ka na?" Galit na ito. Galit na galit..
"Anong nangyayari dito?" Kunot noong tanong ni Zeliro ng madatnan ang ganoong eksena..
Napatingin naman si Kiyah sa lalake. Nanlilisik ang mga mata.. Nagulat naman ang mga kabarkada ni Zeliro sa tingin ni Kiyah.. Ibang iba sa nakilala nila..
"Ikaw." Matigas at galit na sambit ni Kiyah.
At biglang sinuntok si Zeliro. Di nya ito tinigilan hanggang napahiga na ito.
"Kasalanan mo ito lahat.. Ikaw ang dahilan. Dapat kang mamatay isa kang hangal!!!" Galit na galit nitong sigaw.
"Hooy Kiyah tama na"
"Tama na yan"
"Bitawan mo si Zeliro"
"Putcha ano bang nangyayari?"
Awat ng mga lalake kay Kiyah.
Napatigil na din na lamang sya ng magring ang kanyang cellphone.
"Hello po"
"Iha punta ka na dito sa ospital gising na si Ally"
"Sige po papunta na"
At tinapos na niya ang tawag.
"Magtutuos din tayo mamaya"
Sambit ni Kiyah
Pagkadating sa Ospital ay nagkakagulo na ang mga empleyado ng ospital.
Medyo naguluhan sya.. Kung ano bang nangyayari
"Doc, ano pong nangyayari?" Takang tanong niya
"Nag aagaw buhay ung pasyenteng nasa ward 143. Pasensya na kailangan ko nang mauna" nagmamadaling sabi ng doctor. Habang sya ay natulala na lamang dahil ang pwestong un ay pwesto ng kanyang kaibigan.
Tumakbo sya papunta din doon. At ang huling nasilayan na lamang nya ay ang pagbagsak ng kamay ng kanyang kaibigan habang ni re revive ng mga doctor at ang nakakarinding tunog ng monitor na lamang ang kanyang naririnig. Wala na ito patay na si Ally. Ang kaibigan nyang kausap nya lang kahapon.
Ung kaibigan nyang masiyahin wala na..
"Time of death. 1:43pm" sobrang slow ang pagkakarinig nya doon. Dahil hindi nya matanggap.
Nang dahil lang sa punyetang ka MU nya sya namatay..
Love indeed means being hurt or worse love means death..