Kaibigan
-nican-
"Woii Micky si Elmy ohh.. Yieee..." Asar ng kaibigan nyang si Nic na babae.
"Ihh Nic di ko nga sya crush.." Tanggi naman ni Micky..
"Sino ba kasi yang crush mo? Ayaw mo kasi sabihin. Ikaw din.. Bala ka. Iaasar ka namin ng iaasar kay Elmy hanggat di ka umaamin.. Hshshshs" asar pa lalo nito.. Naiinis na hindi maintindihang tinignan ni Micky si Nic
"Kasi naman ehh.. Wag nyo kasi akong iasar sa kanya.." Nakasimangot na saad nito..
"Hahahahaha.. Aminin mo na kasi nagugustuhan mo na si Elmy" pangungulit lalo ni Nic..
"Haayysst.. Wag mo kasi ako pangungunahan babaiii" naiinis na ewang sabi ni Micky..
"Alam mo fwend alam ko namang gusto mo sya ehh. Hahaha. Kasi walang nakakaligtas sa tukso ng barkada mas madaming mang aasar. Mas mataas ang posibilidad na magkagustuhan kayo kahit na ala talaga kayong feelings sa isa't isa." Nakangising sabi ni Nic...
Makalipas ang ilang araw...
Hindi pumasok si Micky ngayon.. At dahil close naman si Nic at Elmy kinausap nya ito..
"Oh ano na Elmy.. Wala pa ring improvement.. Kung chinat mo na sana. Edi umusad na ung kwento nyo. Wag nang torpe baka maunahan." Pangaral ni Nic kay Elmy..
Ngumiti na lang ng tagilid ang binata dahil wala syang masabi..
"Wala ka bang balak ligawan ung kaibigan ko.. Ikaw din. Bahala ka.. Malay mo mamaya may mag first move na at sa iba mapunta." May banta ang tono nito..
"Meron naman.. Pero nahihiya pa talaga ako." Sagot nito..
"Naku fuu, wala ng hiya hiya. Iba na ang henerasyon natin ngayon. Susmeyo ka naman brodeerr..." Naiiling na sabi ni Nic.
Lumipas pa ang ilang Linggo at ganoon pa din.. Walang improvement dahil walang gumagawa ng first move.. Dapat may mag step forward para madugtungan ang kanilang love story.. Ngunit hanggang ngayon ay naka hang pa rin ito dahil walang humakbang paabante..
Kaya ang mga kaibigan naman nilang mga cupid ang gumawa ng paraan..
Napagplanuhan nila Steph, Leya, Jessa, Luna, Carl at iba pa nilang kabarkada kasama si Nic na i set up ang dalawa..
---
"Mommy!!! Elle wont give back my toys!!" Tiling sigaw ng batang si Miel..
"Elle ibalik mo sa kapatid mo yan.." Saway ni Micky...
"I don't want to." Nakasimangot nitong sabi..
"What? Come on sweetheart balik mo na sa kapatid mo yan.." Pakiusap nito sa anak..
"Waahhhh my toys. Huhuhuhuhu" iyak ni Miel..
"Ito na nga.. Sorry na. Bati na tayo. Balik ko na toys mo." Sabi ni Elle..
Nang makitang ayos na ang dalawang anak ay iniwan na nya ito saka tumabi sa asawa sa sofa na nanonood ng tv. Pero tutok sa cellphone. Nag gagames ng ML. Di naman na sya masyadong adik dito. Minsan na lang sya naglalaro..
"Mon games na naman habang na nonood" sabi nito sa asawa.
"Hmmm. Ngayon lang naman.." Sagot nito sa asawa saka nagpatuloy sa paglalaro. Nanood na lamang si Micky sa ginagawang paglalaro ni Elmy..
Napailing nalamang si Micky sa na alala nya. Kung hindi kaya sila sinet up noon. Meron kaya syang matatawag na sila. At magkakaroon kaya sila ng matatawag nilang mga anghel sa buhay nila. Elle and Miel..
Skl... Ibig sabihin nga pala ng Mon sa french ata ay 'My' tapos ung Miel 'Honey' di ko lang sure kung french, spanish o italian un. Nakalimutan ko na ehh. Hehehehe😅. Tapos naisip ko tong kwento dahil sa kaibigan ko na magMU hahahahahahaha. 2 years ago pa tong mga to. Nasa draft ko lang sila lahat kaya popost ko na hahahahahaha. Anyway di na sila MU sayang hahahahaha. Manok ko pa naman char hahahaha