Kalilipat lang namin sa bagong bahay na nabili ni papa, mura at malaki, nakakapagtaka man kung bakit, pero dahil sa gipit si papa pinili niya bilhin ito,
pagkapasok at pagkapasok palang namin ay ramdam ko na ang lamig ng paligid, "May tatlong kwarto doon sa taas, yung isa ay sa iyo shine," sabi ni papa ng mabuksan ang ilaw,
"Sino ang kasama ko sa taas papa? tanong ko sa kanya habang unti-unti na umupo sa sofa, "Ikaw lang mag-isa, kami ni mama ay dito sa baba, si arnie naman ay doon sa kwarto sa may bandang kilid," sagot nito,
"pero papa naman, alam mo naman na hindi ako makatulog ng mag-isa," totoong hindi niya kayang matulog ng magisa,
umiling ang ama niya "Kailangan shine, isa pa di kana bata," turan nito, at nagsimula na itong maglinis,
"Linisan mo ang kwarto mo doon sa taas," sabi ng ama at iniabot sa kanya ang susi nang kwarto, kinuha niya ito at pumanhik pa taas,
ramdam ang kilabot na nararamdaman niya, gusto niyang bumaba ulit, pero mas pinili na lamang niyang mapatuloy,
nang makaakyat ay nakita niya ang ibat-ibang litrato na nakasabit sa dingding, mga luma na ito, nakakakilabot tingnan ng mga ito,
para bang sinusundan nito ang bawat hakbang at galaw niya,
tinunton na niya ang kwarto sa unahan, ginamit ang susi upang buksan ito, nang mabuksan ay tumambad sa kanya ang napakalinis na kwarto, medyo luma ang kama, pero nakakapagtaka ang kalinisan para bang kanina lamang ito nalinis,
pinilit niyang huwag matakot, sabi kasi nila kapag natatakot ka daw ay mas lalo ka pa nilang tatakutin, unti-unti na lumapit siya sa kama, at umupo nito,
maririnig ang paglangitngit ng kama, inilibot niya ang tingin sa buong kwarto, gaya ng nasalabas ay marami rin itong naglalakihang litrato,
mga ilang minuto siya na naroon at tumayo na, para bumaba,
nangmakababa ay nakita niya ang ama na naglilinis, ngunit hindi nito umaalis sa lugar na iyon, nilapitan niya ito,
"Papa," tawag niya rito, nakarinig siya ng tugon mula sa kusina, lumingon siya sa pinanggalingan ng tinig ng ama, at nakita itong nakatayo sa may pinto ng kusina,
"Bumaba kana pala halika't kakain na," tawag nito sa kanya, nakaramdam siya muli ng kilabot at muling nilingon ang ama na nasa tabi niya, ngunit wala nanito roon,
______________
ilang araw na sila dito sa bahay na binili ng papa niya, wala namang kakaibang nangyayari, maliban sa madalas na pakiramdam na may tumititig sa kanya,
nasa daan siya ngayon, inutusan ng ina na bumili ng pagkain para mamayang gabi,
naglalakad siya may hawak na supot at pakanta-kanta pa,
habang naglalakad ay nakita niya ang isang ali na nahihirapang pulutin ang natapon nito na paninda, nilapitan niya ito at tumulong,
ngumiti ang ali sa kanya, "Salamat ineng, ," pasasalamat nito ng mapulot na lahat ng paninda,
"Bago kalang ba dito aba eh, ngayon lamang kita nakita? tanong nito sa kanya, sinabayan siya sa paglalakad ng ali,
"Ah, opo bago lang po ako, ang papa ko po ang nakabili ng malaking bahay diyan sa tabi ng punong mangga," nakangiting sagot niya sa ali,
napahinto ito sa paglalakad at tiningnan siya, na parang nagmamatiyag,
"Saan ka kamo nakatira? ulit nitong tanong sa kanya,
"Doon po sa dating bahay ng mga Francisco yung malaking bahay na malapit sa may puno ng mangga," muli niyang sagot dito,
napaatras ang ali,
nagtataka na tiningnan niya ang ali, "Bakit po?" tanong niya rito,
"Walang bahay diyan eha, matagal nang nasunog, kasama nasunog ang buong pamilya ng Francisco, ang tanging nakatayo diyan ay ang malaking puno ng mangga," ng marinig ang sinabi ng ali ay napahinto siya,
nakaramdam ng kakaibang kilabot,"Po? pero may bahay po diyan may tatlong kwarto sa taas," turan niya rito,
binigyan siya ng rosaryo ng ali, "Maniwala kaman o sa hindi eha, sampung taon na nabakanti ang luting iyan, maliban sa malaking mangga ay wala nang iba," muli nitong sabi, at nagmamadaling umali,
bago tuluyang makalayo ay muli itong nagsalita "Lumisan na kayo sa lugar na iyan habang maaga pa eha,"
•SLEEPLESSLEEPER