Noon, ginawa ng dios ang mundo para magkaroon ng buhay at kulay tapos ginawa ang tao para sambahin. Tapos dahil sa curiosity kaya kinain ang bunga na nagbibigay kaalaman sa tunay na buhay na siyang dahilan ng parusa at pagdurusa.
Ang sumunod na nangyari ay nagbalik loob ang tao sa panginoon at dahil mahal ng panginoon ang kanyang nilikha kaya binigyan nya ito ng pangalawang pagkakataon. Dahil sa kaalaman ng tao nagkaroon siya ng pagkakataong mag isip na pwedi rin siyang sambahin tulad ng dios na nasa langit kaya naman nagkaroon ng digmaan para sa Kong sino ang mas nakakaangat.
And dios na siyang lumikha sa lahat ay pumili ng papanigan na siyang iniligtas niya mula sa kapahamakan pero dahil ang tao ay Hindi kailanman nakukuntinto, imbis na magpasalamat ay puro parin likramo, pero kahit ganun mahal parin ng dios ang tao kahit na ito ay magulo at Hindi nakukuntinto sa mundo.
Ilang digmaan ang dumaan... Ilang bisis ding iniligtas mula sa kapahamakan hanggang sa pati ang kanyang presensya ay tinangka naring subukan Kong ito may katutuhanan. Maraming milagro at pagpapatotoo para ipakita na buhay siya na siyang lumikha sa Mundo. Meron mang naniniwala sa kanya pero mas marami parin ang ang nagdadalawang isip na totoo nga ba ang kanyang presensya.
Kaya naman, pinadala na niya ang kanyang anak para ipakita sa lahat na siya ang dios na lumikha sa langit man o sa lupa.
Pagkatapos magpakilala ng anak niya sa madla ay kailangan parin nitong magpakita ng mga ebidensya na nagpapatunay na siya nga ang tunay na ng dios na lumikha.. Nakakalungkot lang dahil sa huli imbis na maniwala ang tao ay mas lalo paring gumulo..
Sa huli, siguro kusa ng sumuko ang dios sa mundo kaya pinabalik na lang sa langit ang kanyang anak na Hindi rin kinaya ang ugali at pagiisip ng tao. Mabuti nalang at bago ito lumisan at may mga disipolo siyang naiwan na siyang nagpalaganap sa Kong gaano ka makapangyarihan ang dios sa sangkatauhan.
Sa huli, , , dahil nga sa wala ng makapitan ay kusa narin talagang naniwala ang tao. Nakakatawa lang dahil minsan kailangan pa ng milagro para lang sabihin na tama ngang dios ang lumikha sa mundo.
Sumikat ang dios dahil narin sa kagagawan ng tao.
Ang tao... Sa sobrang talino ay nagkaroon na naman ng kaisipan hinggil sa pananampalataya sa dios... Gamit ang mga salita ng dios na tao lang din ang gumawa ay nagkaroon sila ng pagkakataong paglaruan ang iba at gawing banal ang sarili para sambahin ng iba pero habang tumatagal and ganitong eksena at kusa ng nawawala. Pero Hindi talaga nawala nag upgrade lang kumbaga. Dumami na kasi sila na nagsasabi na sila ang dapat mong paniwalaan dahil nasa kanila ang tunay na katutuhanan patungkol sa totoong kaligtasan.
Alan niyo ba na sa dami nila, and iba ginagawa ng negosyo ang pagpapatotoo pero syempre Kong uungkatin mo Kong sino ang tinutukoy ko at baka magkasala ka lang sa mundo dahil ngayon marami naring tao ang sangkot dito.
Hayy buhay nga naman ng tao Hindi mo Alam Kong kelan magkakaroon ng pagbabago.
Anu sa tingin no ang ginawa ko??
Magagalit ka ba sa post ko o mapapaisip Karin Kong ito ba at totoo.
Opinyon ko lang naman ito basi narin sa mga napapansin ko at naeexperience ko sa mundo.