Masiyadong naging malupit ang mundo sa buhay ni Jona. Sa murang edad nito ay naranasan na niyang mamuhay sa buhay na hindi niya naman nakagisnan. Maagang nawala ang lahat sa kaniya. Iniwan at inabandona siya ng taong pinagkatiwalaan at siya sanang karamay niya kaya nawalan na rin siya ng tiwala sa kahit na sino.
Pero paano kung ang pader na itinayo niya ay bigla na lamang natibag dahil sa isang lalaking kakikilala niya pa lamang.
Marapat lang nga bang ibigay niyang muli ang tiwala niya dito?
Pero paano kung hindi lang tiwala ang naibigay niya dito?
Kakayanin niya pa kayang bumangon kung sakaling madapa siya ulit?