Masiyadong naging malupit ang mundo sa buhay ni Maureen. Sa murang edad nito ay naranasan na niyang mamuhay sa buhay na hindi niya naman nakagisnan. Maagang nawala ang lahat sa kaniya. Iniwan at inabandona siya ng taong pinagkatiwalaan at siya sanang karamay niya kaya nawalan na rin siya ng tiwala sa kahit na sino. Hanggang sa mayroong biglang dumating at nagsilbing ilaw sa madilim niyang mundo.
Naulit ng naulit ang pagtatagpo nila kung kaya't hindi nila naiwasang mahulog sa isa't-isa.
Hindi naging madali ang lahat sa pag-iibigan nila, maraming naging hadlang pero hindi iyon naging sapat para matibag ang pagmamahalan nila.
Nagpatuloy ang kanilang pag-iibigan hanggang sa makapagtapos sila ng pag-aaral. Naghanap sila ng mapapasukang trabaho at makalipas lamang ang tatlong taon ay napagpasyahan na nilang magpakasal.
Bumuo sila ng pamilya. Kagaya ng ibang pamila'y hindi perpekto pero masaya. Naging kuntento na sila sa isa't-isa.