Isa lang naman akong hamak na bad boy sa aking University...... rinig nyo aking University San Antonio Academy lagi akong nakikipag basag ulo sa mga kaklase ko at sa ibang section kaya wala silang magagawa dahil teritoryo ko ito
But isang araw habang naglalakad ako sa hallway ay nabunggo ako ng isang babae na pandak napatingala siya at nakita ko yung mga mata nya ay namumugto parang kakagaling niya lang sa iyak
"S-sorry" sabi nya na may halong tawa sabay takbo
Halos hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan dahil ang bilis ng tibok ng puso ko kasi sobrang cute nya at ang chubby ng pisngi niya namula ako sa pag iisip.
Bumalik ako sa reyalidad ng sapukin ako sa ulo ni Radleigh
"Pre kanina pa kami batok ng batok sa ulo mo anyare bah?"
"Wala" sagot ko saka nilampasan siya at umalis
Nang mag uwian ay inabangan ko yung babae na nakabunggo ko ilang oras ang inantay ko at nakita ko sya na kinakausap ang bulaklak papalabas ng gate
"Buti pa kayo araw-araw magkakasama ako nag iisa na lang ako kasi nakipag break sakin yung boyfriend ko but I don't care kasi sanay naman ako mag isa sana naman makatagpo ako ng prince charming na mag aalaga sakin...HAHAHAHHA...sige na uwi na ako sa condo ko kita ulit tayo bukas bulaklak hihihihi.."
Umalis na siya
So kaya pala namumugto mata niya kasi nag break sila ng boyfriend nya eh kung bugbugin ko kaya yun teka ano bang iniisip mo jan Denver
Nagpasya na akong umuwi sa mansyon ko....
KINABUKASAN
Habang nakaupo ako sa bleacher sa likod ng school kung saan may mga bulaklak ay may lumapit sa akin
"Pwede po bang maki share ng upuan mister"
narinig ko na naman ang boses na yun kaya napatingin ako at hindi ako nagkakamali sya yung nakabunggo ko kahapon
tumango na lamang ako at binigyan sya ng space para maka upo sya
"Uhm... sorry po sa kahapon kasi di po kita nakita ehh pasensya na"
tumango lang ako
"Bakit po kayo nag iisa mister" tanong nya
Why so cute mo baby girl ugh... my head what are you thinking
"I just want to" sagot ko naman
"Ako po ayoko mapag isa kasi natatakot po ako katulad na lamang ng iniwan ako ng boyfriend ko kaso nakipag break sya kasi ang childish ko raw para daw akong bata kaya ayun....sana nga makatagpo ako ng prince charming na mag aalaga sakin at mamahalin ako ng buo kahit isip bata man ako....ako na lang kasi ang natira sa buong pamilya namin kasi ang mga magulang ko ay na aksidente kasama si Lola at lolo ko kaya yun...nagsisikap ako" mahabang lintanya niya
"kayo po ba mister may kaibigan po kayo?"
"meron"
"buti pa ikaw may kaibigan" natahimik sya saglit at nagsalita ulit
"Uhm...pwede po ba humingi ng favor?"
tumango lang ako kasi hindi ko kaya siyang kausapin at buti na lang hindi nya makita na namumula na ang pisngi ko
"can you be my friend po?"
At sa pagkakataong ito humarap ako sa kanya
"O-oo naman" what the heck are you saying Denver this is not you ani ng isip ko
"talaga po" masaya niyang sabi
"O-oo nga" I can't resist your cuteness baby girl
"yehey" sabi niya na may kasamang palakpak
so childish and cute ani ulit ng isip ko
Kringggggggggg
"Ahmm...goobye na po mister saka ko na lang po tatanong yung pangalan nyo byebye...hihihi"
sabay umalis na siya
sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa boses nyang mala anghel at hagikgik niya
maybe I fall in love with her now
Makalipas ang ilang araw naming pagsasama ay lagi nya akong sinishare sa pagkain nya and I enjoyed it a lot
Isang araw may nakita akong tatlong babae sa hallway at parang may binubully doon kaya lumapit ako
"Hoy isip bata sino ka para yakapin ang Denver ko ha!" sigaw niya
"m-mag best friend lang naman po kami ah masama bang gawin y-yun" sabi ng....
wait is that Beatriz voice lumapit ako sa kanila at tinulak ang babae
"D-denver"
"Sino ka para pagsabihan mo sya ng ganyan at hindi naman ako sayo ha!!!" dinuro ko yung babae na nakaupo sa sahig
"D-denver wag mo syang s-saktan"
"Hindi ako makakapayag na ganyanin ka nya Beatriz"
Sasampalin ko na sana yung babae ng yumakap sya sa likuran ko
"Pls...wag mo na syang saktan wag ka na gumawa ng gulo pls..."
how can I resist your cuteness baby girl
"subukan nyo pang saktan ang girlfriend ko ako na ang makakalaban nyo"
hinila ko na si Beatriz at pumunta kami sa likod ng school sa garden at pinaupo sya
"Okay ka lang ba?" alalang tanong ko sa kanya
"Okay na ako Denver"
"Kung hindi pa kita nakita doon baka nagkaroon ka ng sugat"
"Okay na nga ako dba....wag ka na mag alala"
Tumahimik kami saglit saka sya nagsalita
"Totoo bah yung sinabi mo kanina na girlfriend mo ako?"
siguro ito na oras para sabihin sa kanya
"Oo totoo yun kasi una palang girlfriend na kita childish girlfriend kasi una palang na inlove na ko sayo this time mamahalin kita ng buo kahit isip bata ka pa atlis cute ka naman kaya ngayon sinasagot mo na ba ako bilang boyfriend mo?"
"Oo Denver sinasagot na kita yehey my boyfriend na ulit ako"
"Simula ngayon girlfriend na kita my one and only Childish cute little girlfriend"
at ayun ang unang halik naming dalawa...
The End.....
Hope you like my story 😉