"Ang Diary ng panget"
Ako si Alessandra Venites grade 10 student nag aaral sa Gallardo High school.
Well hindi ako kagandahan katulad ng mga kaklase kong malantod. At palagi akong nilalait dahil sa marami akong pimples sa mukha at mala alambre kong buhok at may malaking salamin sa aking mukha. Di ko na lang pinapansin kaya anong care ko naman dun 😎.
Habang naglalakad ako sa hallway may nabunggo akong isang multo....ay hindu pala multo kundi isang gwapong lalaki.
"Miss okay ka lang?"
At dun ay nabalik ako sa ulirat.
"Ha?...o-okay lang naman ako"
"Are you sure?"
"Oo ayos lang" sabay karipas ako ng takbo.
O m g KYAHHHH kinikilig ako kahit na panget ako HAHAHAHAH so eto na nga napadpad ako sa garden umupo ako sa ilalim ng puno at nilabas ko ang diary ko.
Then nag umpisa akong magsulat.
Dear Diary
Alam mo ba na may nakabunggo akong gwapong lalaki? At alam mo ba sobrang gwapo nya parang hulog sya ng langit kasi sobrang linis ng mukha at ayun tuloy nagkaroon ako crush sa kanya kasi di ko siya matanggal sa isip ko. Yun lang.
At pagkatapos ko sinulat iyon ay bumalik nako sa room namin. As usual magulo at maingay ang classroom namin laging may kalat tapos sakin papalinisin kapag uwian hindi naman ako yaya dito! Istudyante kaya ako.
So anyways uwian at nauna nakong lumabas kasi alam nyo na...
Makalipas ang pangyayaring iyon ay naging magkaibigan kami nun at ang pangalan nya pala is Aries Gallardo at ang Tatay niya ang may ari ng school na toh.
At sa nakalipas na araw ay parang may gusto nako sa kanya. ewan ko bah kasi pag nandyan siya laging bumibilis ang tibok ng puso ko parang may karerahan na nagaganap.
At sa oras na ito ay nagconfess siya ng feelings nya sakin. Naging girlfriend nya ako. Lagi nya akong pinupuntahan sa room kapag break time at syempre yung mga kaklase ko nag aalburoto sa galit mukang pasugod na kung titingnan habang tumatagal tumitibay ang aming pagsasama at pagmamahal. pero ang lahat ng iyon ay nawalan ng parang bula. Kasi may kahalikan siyang babae at iyon ay Campus bell namin na malandi si Ashley Jeronimo galing siya sa mayamang pamilya akala ko nung unang transfer nya dito mabait pero lumabas ang totoong kulay nya.
Umalis ako doon ng luhaan at umuwi sa bahay. Nagderederetso ako papunta sa kwarto ko at doon ko nilabas ang sakit na aking nararamdaman.
Dear Diary
Ganun ba talaga ang pag ibig? Kailangan may pagsubok? Kung ganoon nga....bakit ang sakit sa puso parang may matulis na bagay na tumutusok non sakin. Ganun pala talaga ang pag ibig kailangan makaranas ka muna ng paghihirap siguro ito yung sinasabi nila sa mga naririnig ko sa palabas. Sana pala hindi ko na lang siya nakilala in the first place kung ganun lang rin pala ang kinahinatnan nun sakin. Siguro oras na para bitawan siya tutal marami naman kaming pinagsamahan ng mokong na yun.
Nang maka-graduate ako sa school na yun inilagay ko ang aking Diary sa ilalim ng puno ng mangga kung saan nandoon ang mga memories na aking idinikit sa diary at isinulat tungkol sa kanya at sa akin. Then iniwan ko na doon at umalis...
Aries PoV
Nagtungo ako sa garden kung saan doon ang pinagsamahan namin ni Alessandra it's been years noong nag break up kami ng dahil kay Ashley nawala na Ang pinaka mahalagang tao sa buong buhay ko ng dahil sa kanya nawala na yung Alessandra kong sweet at mapagmahal na babae.
Pagkarating ko dun ay naupo ako sa ilalim ng puno kung saan ang tambayan namin ni Alessandra. At sa katabi ko ay may notebook na nakalagay tiningnan ko iyon.
Ang Diary ng Panget
by: Alessandra Venites
Yan ang nakasulat sa harapan.
Binuksan ko at dun ko nakita ang mga memories naming dalawa na may kasama pang sulat niya at sa kahuli hulihang pahina naiyak ako ng sobra dahil sa sulat niya...dito nya isinulat ang kanyang pighati at sakit na nararamdaman niya...
I regret it so much that I let her go.
Kung nasaan man siya sana maging masaya siya kahit di na ako ang mahal niya...😭😭
The End....