CHAPTER 1: A New Beginning
Eroshi's POV:
People say first impressions last.
Ako?
Hindi ako naniniwala.
People only remember what they want to remember.
Some remember your smile.
Some remember your mistakes.
Some...
Remember your name.
At ako?
I wanted them to remember neither.
Napabuntong-hininga ako habang inilalock ang maliit na gate ng inuupahan kong bahay.
Hindi ito kalakihan. Isang maliit na sala, kusina na kasya lang ang dalawang tao, at isang kwarto sa dulo.
Simple.
Tahimik.
At higit sa lahat...
Walang nakakakilala sa'kin.
Exactly what I needed.
Sinilip ko ang oras sa phone ko.
7:08 A.M.
"Mukhang maaga pa."
Binuksan ko ang refrigerator at kinuha ang paborito kong inomin—milk drink.
Isang lagok.
Napangiti ako.
"Now we're talking."
Inilagay ko ang natitirang laman sa bag ko bago tuluyang lumabas ng bahay.
Hindi naman kalayuan ang school.
Fifteen minutes walk.
Sakto lang para makapag-isip.
O...
Makapag-observe.
This is a fresh start...
...
Pagdating ko sa tapat ng school, hindi ko napigilang mapatingala.
Ace Academy
Isang malawak na campus. May Senior High. May College. Magkakahiwalay ang buildings pero nasa iisang compound.
Students were everywhere. May mga naka-engineering uniform. May nursing. Business. Architecture. At siyempre...
Mga Senior High School students na mukhang hindi pa rin tanggap na nagsimula na ang klase.
"...Ang laki." Mahina akong natawa.
"Mukhang mahaba-habang taon 'to."
...
"Good morning!" Pagpasok ko sa classroom, agad akong napatingin sa gurong nakangiti sa harapan.
"Ikaw ba si Miss Fortalejo?" tumango ako bilang tugon.
"Perfect timing."
Humarap siya sa klase.
"Class, we have a new enrollee. Let's all welcome her."
Instead of receiving greets—biglang natahimik ang buong silid. Ramdam ko ang iba't ibang klaseng tingin.
Curious.
Judgmental.
Interested.
Normal.
Sanay na ako.
"Please introduce yourself."
Pagharap ko sa kanila, ngumiti ako nang bahagya.
"Good morning."
"I'm Zaitush Eroshi Fortalejo."
"Eighteen."
"Nice to meet you all."
Simple.
Enough.
"Welcome to Grade 12 - Integrity!" Napatingin ang teacher sa paligid.
"Ara, may vacant seat sa tabi mo."
"Yes, Ma'am!" sagot ng babae.
Lumapit ako sa bakanteng upuan.
Pagkaupo ko pa lang...
Ngumiti na agad ang katabi ko.
"Hi! Ako si Ara." sabay lahad ng kamay
"Eroshi." I answered nang hindi binabalingan ng tingin.
"I know. You literally introduced yourself thirty seconds ago."
Napatingin ako sa kanya.
"...Mabilis ka." Napatawa siya.
"Ikaw naman, ang seryoso mo." sabi nya pa sabay tapik konti sa braso ko
"Hindi." I answered as I placed my bag on the floor.
"Ikaw lang 'yung madaling patawanin."
Saglit siyang natahimik.
Tapos bigla na lang siyang napahagikhik.
"Hala! Ang funny mo! I love your humor na!"
"No."
"Observant ka lang."
"Feeling ko magiging close tayo." Napailing ako.
"Too early to decide."
Lumipas ang buong umaga nang walang kakaibang nangyari.
Math.
Physics.
Oral Communication.
Introduction to Philosophy.
Typical school day.
Paminsan-minsan nagtatanong ang teacher.
Paminsan-minsan sumasagot ako.
Just enough. Hindi sobrang active. Hindi rin tahimik. Average. The safest place to be.
Lunch break.
Hindi pa ako tuluyang nakakatayo nang bigla akong hinila ni Ara.
"Tara na!"
"Saan?"
"Canteen!"
"...Akala ko sa rooftop." Napangiwi siya.
"Ang sarcastic mo."
"Thank you."
"Hindi compliment 'yon!"
"It sounded like one."
Napatawa na naman siya.
Grabe.
Parang lahat na lang nakakatawa para rito.
Masyadong puno ang canteen, di kami makakita ng bakanteng table, kaya nauwi kami sa ilalim ng malaking puno malapit sa college building.
'Ayokong maki-table' sabi ko kay Ara nang makitang halos puno.
Habang kumakain siya...
Ako naman ay umiinom ng milk drink.
Napatingin siya roon.
"Seryoso, milk?"
"Hm?"
"'Yan lunch mo?"
"May tinapay naman."
"Tipid?"
"Practical."
"Magkaiba 'yon."
"Depende sa budget."
Hindi ko napigilang mapangiti nang mahina.
She's fun.
Maingay.
Pero hindi nakakairita.
"So... bakit dito ka nag-enroll?"
"My guardian recommended this school."
"Strict ba?"
"Minsan."
"Single?"
"...Guardian ko pinag-uusapan natin."
"Ah oo nga pala."
Napailing ako. "Concerned ka yata masyado."
"Habit." simpleng tugon nya at nagpatuloy sa pag kain.
...
Bandang hapon, natapos din ang klase.
Nag-ayos ako ng gamit habang si Ara naman ay walang tigil sa pagkukuwento.
"See you tomorrow!" paalam nya pagkalabas.
"See you."
Paglabas ko ng school...
Hindi ako dumiretso sa inuupahan kong bahay.
Instead...
Lumiko ako sa mas mataong bahagi ng siyudad.
Unti-unting nagsisindihan ang mga ilaw. Mas dumadami ang tao. Mas umiingay ang paligid. Hanggang sa huminto ako sa tapat ng isang modernong gusali. Isang malaking silver letter lang ang nakalagay.
Z
Tahimik ko itong pinagmasdan.
Hindi dahil kinakabahan ako.
Kundi dahil...
Ito ang simula ng tunay kong misyon.
Inayos ko ang strap ng bag ko. Huminga nang malalim. At itinulak ang pintuan.
Isang bartender ang agad na napatingin sa'kin habang nagpupunas ng baso. Ngumiti siya.
"Good evening. Can I help you?"
Ngumiti rin ako nang bahagya.
"I'm here to apply as a waitress."
Hindi niya alam...
At lalong hindi alam ng kahit sinong nasa loob ng bar...
Na ang simpleng application na iyon...
Ang unang hakbang sa pagbubukas ng pinakamadilim na bahagi ng buhay ko.