CHAPTER 1
SIMULA...
GELAI's POV
Naglalakad ako ng ramdam kong lumalayo sa aking dadaanan ang bawat estudyante. Umiiwas sila, iniiwasan nila ako dahil sa ugaling meron ako. Rumors are everywhere, judgement is a curse. Society is cruel lalo na't bumabase lang sila sa mga nakikita at naririnig. The truth was hidden, yet no one wants to hunt it. That's people without knowledge, uneducated people.
Gossiping is their hobby, ruining a humanbeing is their favorite.
"I heard, ampon lang daw si Gelai."
Hindi ko sila naririnig..hindi. wag mo na lang pansinin..
"Really? So nasaan ang totoong magulang niya?"
"Hindi ko rin alam. Nalaman ko lang sa website ng school natin. Old article na nga lang, walang evidence kaya hindi na lang pinansin."
Hindi naman sila nakakarindi...
"Hoy." Saad ko. Isang malamig na tinig at tingin ang ibinigay ko sakanya dahilan para dahan dahan siyang lumingon sa akin.
"Ha? A-ako ba?"
"Oo. Ikaw."
"Ano bang kaila--
"Ang.ma.na.hi.mik.ka.lang."
Hindi ko naman gustong takutin siya pero nagawa ko na pala.
"Oo, sige s-sige. S-sorry Gelai."
Nagpatuloy ako sa paglalakad ng mabangga ako ng isang bata at natapunan niya ng ice cream ang sapatos ko.
Tiningnan ko ang bata at dumapo ang tingin sa aking sapatos na ngayon ay malagkit, pati ang medyas na suot ko.
"S-sorry po ate."
"Lam.pa.ka." Dahan dahang at may diing saad ko na nakatingin parin sa sapatos ko.
Pansin kong nagtitinginan na ang mga estudyante sa hallway pero wala akong pakialam.
Nagsimula akong humakbang palapit sa bata at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Handa ko ng punasan ang sapatos ko gamit ang panyo niya ng biglang...
"Gelai!"
Napalingon ako sa likuran at ang madaldal na president ang nakita ko, humahangos at nag aalala ang itsura.
Agad na kinuha ang panyo niya saka ipinunas sa sapatos ko. Nagtataka man ay alam kong iniingatan niya lang ang reputasyon ng section namin na nasisira ng ugaling meron ako.
Pagkatapos noon ay tiningnan ko ang bata na umiiyak na sa takot. Mas nagalit ako sa ginagawa niyang tunog.
Hindi na ako muling tumingin sa bata at naglakad na pagkatapos mawala ang dumi sa sapatos ko.
Ramdam ko ang lamig at basa sa medyas kaya nagpunta ako sa locker at kinuha ang sapatos ko na pang p.e.
Ilang saglit pa, malapit na ako sa room ng tumunog ang bell, hudyat na magsasara narin ang gate at lahat ng late ay di na makakapasok.
"Wala talagang awa si Gelai. Kahit bata, pinatulan."
"Bakit? Ano na naman ang ginawa niya?"
"Sinabihan na lampa ang bata."
"Nako. Ganyan talaga ang mga heartless person kaya hayaan mo nalang."
"Bakit kaya may ganiyan pang tao sa mundo?"
Wala akong ibang narinig kundi ang masama ang ugali ko, ang buong pagkatao ko. Alam kong hindi ko rin ito ginusto... pero ito ang naging resulta..
"Gelai, ano ang Marfan's syndrome?"
"Marfan syndrome is a genetic disorder that results in defective connective tissue, which can affect a person’s skeleton, heart, blood vessels, eyes, and lungs. Normally, the interstitial space of various body tissues is full of microfibrils, which are strong rope-like structures that provide tissue integrity and form connective tissues. The main component of microfibrils is a glycoprotein---
Naudlot ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto matapos ang tatlong katok at pumasok ang lalaki na nakaschool uniform kagaya namin ngunit wala pa syang name tag.
A transferee... like..me...
"Good afternoon Ms. Celerio. This is--"
"Let me introduce myself. I am Aizer Vincent Lumia." He bowed.
"Okay. Make yourself clear to them, A-i-Az---
"Eyzir... Call me Azi." At humarap siya sa amin ng maayos. Hindi ganon kaformal pero makikita mong tino.
"Okay!" Sabi ni Ms. Tapang.
"No more info. I am not friendly and I'm ill-tempered. So, I might ruin the image of this sec-
"You're not." Sabat ko. Doon ko napansin na natigilan siya at tinitigan ako mula sa mata. Matapang at malalim ang tingin ng mata niya pero kung hindi mo gaanong papansinin ay parang maamong tupa lamang.
"Okay." At tumingin siya sa teacher namin na siyang isinenyas kung saan ito uupo.
At nagkataon na absent ang katabing table ko sa kaliwa. He filled the sit with his presence that gives me chill.
"Annyeong." He was seriously talking to me while the class is ongoing. I heard his 'pssst!' and 'hoy' that trigger my blood.
"Mr. Lumia, can you explain what is Hypertrophic Cardiomyopathy?" Ms. Celerio target the new student to have some fun.
May ibubuga kaya? Matalino ba? Baka bugok din. Tss. Sayang ang gwapo.
"Hypertrophic Cardiomyopathy or HCM is a disease in which the heart muscle becomes abnormally thick. The thickened heart muscle can make it harder for the heart to pump blood."
"Bravo."
And the whole class give a round of applause. Syempre, first day and may ibinuga ang lalaking ito.
After 3 hours of learning new things, i put my earphone and play a music when someone stop me from walking.
"You might hurt if you continue to walk."
At napatingin ako sa harapan na mauuntog na ako sa isang poste. Pero binalewala ko ito at tumingin sa kanya ng matabang.
"Who you?" Ma awtoridad na sabi ko. Pinaparamdam ng salita na dapat hindi niya ako pinansin o ginulo, or gusto talaga niyang maging hell ang buhay niya sa akin.
"You don't know me? Seriously Ms. Gaxon?!" Ang kapal ng face na sigawan ako. Sino ba siya?
"Alis." Sinenyas ko na tumabi siya at dadaan ako kaya ginawa naman niya.
"Okay!" He wave and smiled at me pero hindi kona pinansin. This is the first time na may kumausap sakin sa labas ng classroom.
Ang weird. Is it my malas day? Kanina pa ang masamang nangyayari sakin ah.
Bwisit rin ang isang yon. Tss. Paano ko siya makikilala? Sino ba siya?
Teka lang... Yung transferee? Ano ngang pangalan? Ahh. Aizer Vincent Lumia. Wait! Natandaan ko?!!
Itutuloy...