[Pangarap na wala ka, pt. 02]
Ikaw lang mahal na sinta
Ang nais kong makasama
Hanggang sa ating pagtanda
Subalit tutol sa atin ang tadhana
Alam kong lubos kang magagalit
Kapag inamin ko sayo ang totoo
At alam ko rin na mas lalo lang sasakit
Ang iniwan kong sugat sayo
Paano ko ba 'to ipapaliwanag
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula,
Kasi ayokong masaktan ka,
Pero kailangan kasi ikaw yung babaeng mahal ko, yung nagmahal sa'kin ng totoo
Ni minsan, 'di mo pinaramdam na magkaiba tayo
Mahal ko, siguro kapag natanggap mo 'tong mensahe ko sayo ay baka wala na ako sa tabi mo,
Patawarin mo ako kung nagsinungaling ako na may iba ako, na hindi na ikaw ang mahal ko
Pero sa totoo niyan ay kaunti nalang ang natitirang panahon ko sa mundong ito
Mahal, huwag mo sisihin ang sarili mo
Ginawa ko ito para sa ikabubuti mo
Upang makahanap ka ng lalaking magmamahal sayo ng totoo hanggang dulo,
Hindi yung iiwan ka nalang katulad ko,
Ituturing ka niyang parang kaniyang prinsesa,
Yung lalaking magpaparamdam sayo ng saya
Matamis subalit mapait
Handang masaktan kahit masakit
Iyong ngiting kay ganda, mahal ko
Nawa'y hindi mawala kapag ako'y biglang naglaho
– Cʜʀᴏɴᴏ腐女子 –