Wala nang mas mananaig sa mga mata mong singtamis ng pulot na tila ba hawak ang araw sa init ng iyong tingin sa tuwing ako'y nakikita.
Ang mga araw na tahimik at nakakainip ay ginagawa mong marahuyo sa mga ilang letrang nilalathala mo.
Puso mo'y dalisay na parang ikaw ay direktang isinugo ng panginoon dito sa lupa, ika'y isang anghel na naiiba at nagniningning sa mundong magulo at sakim.
Hindi ko labis maipinta ang aking nararamdaman sa tuwing naririnig ko ang boses mong mahinhin na parang nilay sa aking tenga na nagpapakalma saakin sa tuwing kinakalaban ako ng mundo.
Nakakapanibago, nakakagulat, nakakalunod ang lalim ng iyong pagmamahal sa mga taong nakapaligod saiyo.
Tayo ay nagsimula pero aking mahal, aki'y sisiguraduhing tayo'y walang pahimakas.