1."Ang hirap bitawan nung taong kahit hindi kayo, sya yung nagpapasaya at kumukumpleto ng araw mo."
2."Huwag mong ligawan
Kung hindi mo kayang mahalin.
Huwag mong mahalin
Kung hindi mk kayang patagalin.
Huwag mong patagalin
Kung hihiwalayan mo lang din."
3.Akala ko mahalaga ako para sa'yo, akala lang pala.
4.Minsan habang lumilipas ang oras, nababawasan ang sakit, pero minsan mas sumasakit.
5.Ang hirap sumugal, lalo na pag puso ang isusugal. Syempre susugal parin kasi mahal mo. Pero sa huli ikaw ang matatalo.
6.Akala ko nakakapagod maghabol... mas nakakapagod pala maghintay, lalo na kung naghihintay ka lang sa wala.
7.Yung naging rason ng kasiyahan mo noon, siya na ang rason ng labis mong kalungkutan ngayon.
Yung nagbibigay sayo ng lakas noon, naging kahinaan mo na ngayon.
8.Ang pisikal na sugat ay natutuyo,
Ang sugat galing sa masakit na salita habang buhay sariwa.
9.Yung taong bigla nalang nawala sayo ng hindi inaasahan, pero wala kang magawa kasi wala ka namang pinanghahawakan.
10.Yung mga salitang nagpapakilig sayo noon, nagpapatulo na ng luha mo ngayon.
11.Parang sinding kandila, dahan dahang nauupos ang pagasa na ako parin ang mahal mo.
12.Yung sa tuwing may nangyayari sayo gusto mong ikuwento sa kanya, kaso wala na siyang pakialam sayo. Tapos masasabi mo nalang na, "namimiss ko na sya."
13.Ang hirap bumitaw, pero mas mahirap kumapit sa taong binitawan ka na.
14.Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, hindi ko namamalayang nasasaktan din kita. Siguro nga tama lang na layuan mo ako dahil dapat lang na maging masaya ka... kahit pa sa piling ng iba.
15.Minsan talaga mapagtatanto mo nalang na isinumpa kang magmahal ng sobra sa taong iiwan ka lang naman.