Nakatanaw ako mula sa bintana ng bus na aking sinasakyan, pinagmamasdan ang mga taong tumatakbo upang makatakas sa malakas na bugso ng ulan,
ULAN. Na nagpapaalala sa akin kung saan kami nagsimula, at kung saan kami nag tapos.
Pagkulog at pagkidlat ang kaan tabay ng ulan, mga tunog ng simpatya mula sa langit, para sa puso kong nag dududsa.
Simpatya na di na kuha dito sa lupa, sakit ang napala. Mga matang naging bulag. Mga tengang naging bingi sa aking pagtawag, ang init ng yakap na di ko nadama noong panahon kailangan ko sila.
Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang walang katapusang trapiko, kagaya ng walang katapusang pighati't sakit na aking nadarama.
Kasabay ng pagpatak ng ulan ay ang pagpatak ng luha kong patuloy sa pag-agos, kasabay ng alaala nating dalawa.
Ika-15 ng Oktubre unang araw ko sa kolehiyo, Ang aking bagong simula.
Maraming nangyari nang araw na iyon, mga bagong karanasan, mga bagong kaibigan,
Ngunit hindi ko inaasahan na makilala ang taong bubuo sa aking pagkatao.
Ang una naming pagkikita.
Sa ilalim ng punong napag lipasan na nang panahon kasabay ng pagpatak ng masaganang ulan, nakita ko sya nakayukyok ang ulo sa mga tuhod at yakap ang binti nito,
Tila umiiyak
Base sa pangalawa ng balikat nito at tunog nang pighati na nanggagaling Mismo mula rito.
Muling lumakas ang ulan na parang nakikisimpatiya sa pighati nito.
"Bakit ka umiiyak?" Di ko mapigilang tanong.
Gulat na nagangat ito ng tingin sakin, kasabay nang panlalaki ng mata nya ay ang pagsilay ng masayang ngiti sa mga lang nito, at ang pagkabog ng aking puso.
Isang kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman.
"Nakikita mo ako?"
Maririnig sa boses nito ang kagalakan.
Naguguluhan man ay napatango ako, Napatayo sya mula sa pagkakaupo.
"Nakikita mo talaga ako?"
Naguguluhan man ay muli akong tumango.
"Oo nga, Bakit? Hindi ba dapat kita makita?"
Ngunit hindi nito sinagot ang tanong ko, imbis nagtatalon ito sa tuwa, wala nang bakas ang pagdurusa sa kanyang mukha.
"sa wakas di na ako magisa."
Simula nang araw na iyon lagi kaming nagkikita pagkatapos nang mahaba at nakakapagod na araw ay saya at kaligayahan naman sa pagsapit ng Gabi kapiling sya,
Yuon na ata ang pinakamasayang isang taon ng buhay ko,
"Uwi na ito ng babae? Saan kaba nagpupunta at ginagabi ka. Siguro May nobyo ka nang kinakatagpo"
Hindi ko pinansin ang walang katapusang panenermon ni Mama.
Dahil una sa lahat wala syang karapatan hindi nya naman ako pinapag-aral, ni hindi sya naging ina sa akin.
Nilulustay niya lahat ng sustento ni Papa sa kanya sa walang kwentang mga bisyo nya.
"Hindi mo dapat sukuan ang mama mo, Darating ang araw na mare-realize nya din kung ano ang sinayang nya."
Napangiti ako sa mga sinabi nya. Si Nathan lang talaga ang nakaka-appreciate sa akin.
Tuwing Gabi ko lang sya nakikita at nakakasama di ko Alam kung bakit,
sabi naman nya estudyante sya Dito sa unibersidad Ngunit ni minsan di ko sya nakasalubong man lang sa hallway, ganoon ba talaga malawak ang para Di magtagpo ang aming landas naming dalawa.
Ayos na sana ang lahat ngunit isang araw.
"hija? nagtataka ako, sa nitong mga nakaraang araw madalas akong napapadaan sa puno ng mangga at nagtatanka ako sa tuwing nakikita kita roon nang gabi at animo may kausap nakikipagtawanan pa"
"Po? anong sinasabi nyo?kasama ko po si Nathan tuwing gabi baka mali lang po ang tingin ninyo dahil madilim nga nang Oras na iyon"
"Hindi sigurado ako hija na wala kang kausap nitong mga naakaraaang gabi."
Natakot ako at nagimbal sa pahayag nang matandang janitor ng paaralan, di ko Alam kung ano ba talaga ang totoo at kung ano kasinungalingan lamang.
Ayokong maniwala at ayokong maging totoo dahil ayokong nawala sya saakin.
Ngunit lahat nang kinatatayuan ko nangyari nang isang araw kinumpronta ko sya,
Hinawakan nya ang mukha ko at hinalikan ako sa noo napapikit ako.
"Ikaw ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko ang makasama ka ang pinakatamang disesyon na ginawa ko, minahal kita kahit sa maling pagkakataon man pero darating ang panahon na makakasama kita ng walang kahit sinuman ang hahadlang pa sa ating dalawa, Pangako sa muling pagtatagpo ng ating landas gagawin ko ang lahat makasama't mayakap lang kita, kahit ang kalaban ko pa ay ang kamatayan."sabi nya bago sya naglaho sa mga bisig ko at kasabay nang pagbagsak ng ulan ay ang pagdurog ng puso kong taon nalang ang makakapaghilom.
Wala akong maramdaman, Parang tumigil ang mundo ko.
Hindi ko matanggap ang lahat, Para akong nawala sa sarili. Walang naniwala sa akin, sa mga kwento ko.
Lahat sila tinalikuran ako.
"Hindi ako baliw! Maniwala kayo sa akin totoo sya! Hindi ko lang syang illusion! Hindi ako baliw ! Maniwala kayo sa akin"
Sigaw.
Yan lang ang aking nagawa habang hinatak nila ako papasok sa puting kwarto.
Paulit-ulit na pagsigaw ng pakiusap na sana kahit isa...kahit man lang isa ay May maniwala na totoo ang lahat ng sinasabi ko.
Na totoo si Nathan, totoo ang lalaking minahal ko.
Pinilit ko naman syang makalimutan, pinilit alisin ang nararamdaman ko sa kanya, ngunit napakahirap dahil kahit anong gawin ko andito parin sya. Andito parin ang sakit ng pagkawala nya.
Parang isang malalim na sugat na naging pilat. Pilat na nagpapaalala sa masakit na nakaraan.
"Nathan. Nathan Nathan."
Paulit-ulit kong sinambit ang pangalan nya na animo walang kapaguran, parang baliw na umaasa na babalik sya at mararamdaman ko ulit ang pagmamahal nya.
Napakahabang 5 taon. Na dapat sanang bagong simula ko ay nagsilbing trahedya.
Ngunit trahedya ba talaga? Dahil sa kanya maramdaman ko maging masaya.
Naramdaman ko ang ligaya kahit nanpanandalian lang.
Naramdaman ko ang magmahal, magmahal na walang hinihinging kapalit,
Maraming taon man ang lumipas narito parin sya, Narito parin sya sa puso ko.
Ang una kong pagibig di man kami nagtapos hanggang sa huli ngunit Alam ko sa sanding panahon na iyon minahal ko sya at minahal nya ako. At yun ang kaisa-isang bagay na hindi ko pinagsisihan sa nakalipas na walong taon na wala sya. Kung papipiliin ako, pipiliin ko parin ang landas na kasama sya.
Nag balik lamang ako sa kamalayan ko nang biglang may umupo sa upuan sa tabi ko,di ako makapaniwala na makikita ko syang muli ang una kong pag ibig.
"I love you"
"Nathan?"