"Minsan naiisip ko na bakit kaya hindi ako ang pinili niya?"
Yan ang lagi kong tanung sa sarili ko noon. By the way my name is Mark, Five years ago may nakilala akong babae and her name is Micah. Di ko inakalang ma iinlove ako sa kanya kasi ang sungit sungit niya. Lagi ako noon tumatambay sa isang coffee shop at siya naman ay isang waitress doon. She's a working student. College na kami noon nang kami'y nag kakilala. Wala pa naman ako gusto sa kanya noon pero ng tumagal nagustuhan ko na din siya.
Nakalipas ang isang taon naging mag kaibigan na kami, as in close friend na. Andyan siya pag ampangit ng araw ko at minsan siya na rin ang bumobuo ng araw ko. She's an amazing woman kaya ko siya na gustuhan pero that time di ko alam kung may boyfriend siya so ayun tinanong ko siya...
"May boyfriend kana ba?"
tanong ko...
"Wala"
sagot niya...
at dahil doon nabuhayan ako sa sagot niya. After nang ilang weeks nanligaw na ako sa kanya. Tumagal ang panliligaw ko sa kanya ng two months para sakin ang tagal pero worth it naman kasi after two months naging kami. Sinagot niya ako at minahal ko siya. Tumagal ang relasyon namin ng taglong taon. Ang saya ng relasyon namin, minsan maasim kasi sa mga away away namin pero kadalasan ang sarap ng relation namin. Sa kanya ko naranasan ang lahat ng first ko, tulad ng first kiss, first hug at kung ano ano pang first.
Pero ng umabut na kaming tatlong taon bumalik yung ex niya. Di ko alam na may ex siya at di ko din alam na mahal nya parin yung ex niya. Akalain mo sa tatlong taon naming pag sasama mas mahal niya parin yung ex niya. Ang sakit para sakin.
At ayun na nga, iniwan niya ako at nag balikan sila. Naiisip ko noon kung kulang pa ba ako? sapat na ba? o sumubra yung pag mamahal ko sa kanya, ginawa ko naman lahat para sa kanya eh pero bakit ganon?
Matapos noon sinira ko yung buhay ko. Nahilig ako sa inum, napa barkada sa mga maling tao, nakipagflirt sa iba ibang babae para malimutan siya but damn di ko siya makalimutan. Ang dating masaya ayun nawala na lang ng kusa hanngang sa parang wala na akong planong maganda sa buhay ko.
Pero one day bigla akong nagulat ng nakita ko ang isang picture ni Micah sa social media app. May sakit siyang cancer. Nakaka move on na ako noon kah Micah pero binisita ko parin siya kasi na awa naman ako kahit papano. Pag dating ko sa Hospital parang hindi na siya si Micah. Ang payat payat nya na at grabs talaga ang pinagbago niya. Kinausap ako ng mom niya at doon ko nalaman na may cancer na pala siya noong kami palang ni Micah. Nagulat ako, di ko man lamang nalaman noon at di niya man lang sinabi sakin noon. Dumating yung ex ni Micah at doon ko din nalaman na hindi naman daw sila nagbalikan. Ramdam na ramdam ko na mahal na mahal parin niya si Micah kahit di na sila pero doon ko din nalaman na mahal na mahal pala ako ni Micah.
"Palagi ka sakin kinkwento ni Micah"
"Mahal na mahal ka daw niya"
sabi ng ex niya...
Sinabi niya lahat lahat sakin, nag decide si Micah na gumawa ng selfish na decision para sa akin. Ayaw niyang makita ko siya na ganoon at ayaw niya rin na makita ko siyang mamatay na.
Pag uwi ko sa bahay inisip ko lahat lahat ng bagay na sinabi sa aking ng ex niya at mommy nya.
Pag ka umaga bumalik ulit ako sa hospital at pag dating ko saktong gising siya. Nagulat siya, umiyak at nalungkot.
Sinabi niya sakin lahat lahat ng gusto niyang sabihin. Hinawakan ko ang kamay niya ng napaka higpit. Ayaw ko siyang mawala sakin. Kami lang ang tao doon sa room that time. Nag kwentuhan kami, sinayaw ko pa sya sa tug tug ng paburito naming kanta, ginawa ko lahat ng request niya na gawin bago siya mawala at pag katapos natulog na siya kasama ako. Tinabihan ko siya ng walang alinlangan at hinalikan ko siya gamit ang aking purong pagmamahal.
At ayun na nga, yun na ang huling sandali ko sa kanya. Pagkatapos noon di na siya nagising. Ramdam ko ang pag mamahal niya sa akin. Worth it siya at mahal na mahal ko parin siya. Andaya ng tadhana kinuha na agad siya sakin pero salamat na din sa tadhana dahil naging bahagi siya ng buhay ko.
"I love you Mark" huling salita na binanggit niya sa akin na nanatili na lang sa ala ala at isip ko.
Ang sarap magmahal at ang sakit din magmahal,
Micah kung nasaan ka man ngayon alam kong nasa masayang lugar kana, salamat sa lahat.
I love you Micah.
THE END.
This story is based on my imagination and the book cover that I used is from the internet.
Thank you for reading.