Nung bata palang ako, madami akong kaibigan. 6 silang lahat. Lagi kaming naglalaro sa labas hanggang dumilim na. Masaya kami noon kase wala pang cellphone, puro laro lng kame, minsan kapag may napikon uuwi nalang bigla, kagaya ko nung ako yung naging taya sa tagu taguan bigla nalang ako nawala ng gana, AHAHAHA naalala ko lang. Ok balik tayo, may sapa sa dulo dito sa amen, pumupunta kame doon para magpiknik, tapos yung sapa doon kulay red(share ko lang). Tuwing pupunta kame malapit sa sapa, malaki kase space doon kaya dun kame naglalaro ng badminton saka volleyball(mga 7 o 8 yrs old na siguro kame non) kapag pumupunta yung shuttlecock dun sa dulo nag tuturuan kame kung sino kukuha kase medyo madilim eh(may ilaw naman, share ko lang). Eto maiba naman tayo, tuwing pasko lagi kaming namamasko sa bahay bahay o tindahan, tas eto pa, nung namasko kame sa mataas na bahay hulog lang sila ng hulog ng sobre na may pera kaya balik kame ng balik doon tas nagpapalit kami ng damit para di mamukaan tas ma nakisali naman na mga namamasko, nung naghagis ng sobre bigla kameng nakipag agawan ewan ko ba bakit kame ganon.(madami pang nangyari pero tamad na ako eh sowyyy) Pero guys alam nyo ba nung grade 5 o 6 na sila, hindi na sila lumalabas kase malalaki na kame eh, ako lang ata gusto mabalik yung dati eh masaya lng lage, pinapagalitan kapag late na umuwi. Tas nasad ako nung lumipat yung isa kong kaibigan wala na sila dito pero atleast friend ko sila sa fb kaso di nagpapansinan, ano kaya yon. Balik again, minsan pumupunta ako sa bahay ng kaibigan ko, si ara. Naglalaro kami don ng dollhouse nya skl ko lng. Mga kaibigan ko nga pala ay si ara, jerome, jeboy, sander, Kenneth, kathleen meron pang iba pero nakalimutan ko na eh. Gaisss, BYEEERS NAA MAGSHOWER NA AKOOO BYEEE