Sa paglipas ng panahon, lagi kong iniisip kelan nga ba ako naging masaya? Kailan ba darating ang araw na iyon? Kung darating nga. I feel the emptiness inside me. I can't understand the feelin', can somebody explain it to me? Since the day of my existence, I feel hopeless waiting for that time.
I don't even know the right term to explain my wants and also needs tho I just can't.
Araw-araw kong hinihiling na sana maintindihan ko ang mga nangyayari at sa paligid ko. Sa edad na labing-pito wala pa rin akong kamuwang-muwang sa mundo. Hindi ko din alam kung anong silbi ko, kung ano bang ambag ko sa kinatatayuan ko.
Ako nga pala si Felip Son ang isip ay puro katanungan patungkol sa existence niya.
As is, eto na naman ako, papasok sa trabaho ng alas sais ng gabi. As usual, walang bago sa takbo ng buhay. Yan ang isa sa tanong ko ano nga ba ang kahulugan ng buhay?
Natapos ang shift ko ng alas dyes ng gabi. Lalakarin ko nalang pauwi at malapit lang din naman ang rinerentahan kong bahay.
Sa kalahhatian ng nilakad ko napatigil ako sa isang park, umupo ako sa isa sa mga bench doon at nag isip isip ng kung anu-ano. Tumingala ako ng saglit sa langit, nakasanayan ko na iyon, magandang pagmasdan ang langit kapag gabi, para kang kinocomfort lalo na ang buwan. Mga trentang segundo ibinalik ko na sa harap ko ang tingin ko, bigla akong nakaramdam ng kaba dahil sa babaeng nakatayo sa harap ko, may tinitignan siya sinundan ko ng tingin ang kanyang tinitignan na para bang kumikislap sa kanyang mata. Para akong naestatawa sa nakita ko ng masundan ko ang tingin niya, iyon ay sa isang bituin na hindi ko manlang napansin kanina. Malapit lang ito sa buwan na para bang magkaharap sila. Nakakasilaw ang ganda ng bituin, a brightest star of that night. I found myself smiling while getting back my eyes at the girl in front of me. Pero nagulat ako ng nakatingin din ito saakin at siya ay nagsalita. "Can you be my moon?" At that time I don't know how to speak and how to respond on her. Di pa naman ako nakakamove on sa tanong niya nag salita ulit siya. "Nakakatawa ba tanong ko? Hehe pasensiya na. Don't mind it nalang. Btw, ako nga pala si Rosie Ferrer" at inabot niya sakin kamay niya. I don't know but that moment inabot ko agad yung kamay niya and I respond "Felip Son, nice to meet you" take note naka smile ako. I don't know what is happening to me. But yes, I felt it. There is something going wrong within me. "Nice to meet you too , Felip" and she smiled.
After that night, I found out na malapit lang pala ang apartment niya sa apartment ko. Palagi na rin kaming magkasama. I found one thing in her, she can me me smile and laugh till that night.
Years passed, Rosie and I are in the different stage of closeness we are now bestfriends. Sa nakaraang taon, nahulog na ko sakanya, kinailangan ko pang maging researcher para ma confirm ang nararamdaman ko.
Pero ngayon, mukhang busy na nga ang Rosie ko. College na kami pareho. Doctor of Medicine ang kinuha ko. Si Rosie naman ay HRS gusto niya kasi ang pagluluto. Nang mga nakaraang araw di ko na siya nakakausap at nakakasama. Tinetext ko sits lagi na makipagkita saakin sa park kung saan nagsimula lahat dahil balak kong magtapat sakanya sa favorite place namin.
Naandito ako ngayon sa apartment, yung dati parin. Pero siya kasi lumipat na simula nung last month. Di niya naman sakin sinabi ang reason pero okay lang. Nang lumipat siya nakakausap ko pa siya at nakikita pa rin pero this past few days hindi na talaga.
Nakaraan pa ng ilang buwan ng walang paramdam ang bestfriend ko, hindi mo din kasi alam kung paano at kung saan siya pupuntahan. While thinking how to do, there is a message pop up on my phone.
It is a voice message. Matapos kong pakinggan ang vm na yun ay nakita ko nalang ang sarili kong pinapaharurot ang aking sasakyan papuntang hospital malayo ito pero nakarating ako ng hindi pa umaabot ng pitong monito. Pagkarating, dumiretso na ako sa front desk at nagtanong agad rin namang sinabi saakin. Halos mabunggo ko na lahat ng taong nasa harapan ko. Pero wala akong pakialam.
Habang tinatakbo ang room 137 naaalala ko na naman ang laman ng vm na iyon. Message iyon saakin ni Rosie. Base sa kanyang mensahe mukhang nagpapaalam na ito. Humingi din siya ng tawad saakin.
"Hello pangga, kamusta ka na? Pasensiya ka na ha. Hindi ko na magawang makipag-kita sainyo kasi naman may nangyari kasi *cough* *deep breath* actually, may gusto lang naman akong sabihin sayo. Alam kong tanda mo pa yung tinanong ko sayo nung gabing unang pagkikita natin sa park. "Can you be my Moon?" Yun yun diba? Pero alam mo naramdaman ko naman na tanggap mo ko. Pasensiya na, alam kong sinabi ko sayo noon na hihintayin ko sagot mo, pero parang hindi ko na maririnig yung sagot mo.
Gusto ko na sanang magpaalam saiyo, mamamahinga na ako. Yung pahingang peaceful na pangga. Tandaan mo lagi ha. Mahal kita pangga ko. Lagi ko naman iyang sinasabi sayo.
Paalam" _Rosie
Nalaman ko kung saan siya naka confine Kay tita sa mommy niya. She texted me after niyang ma send yung vm gamit yung number ni Rosie.
Sobrang hirap na kong huminga malayo ang room niya nasa 3rd floor. Nang makita ko na ang room 137 parang takot na takot akong pihitin ang knob na hawak ko na. Bibitawan ko na muna ito at huminga ng malalim after that I decided to go inside. Pero bigla din akong nanghina ng makita ko ang ang babaeng nakahiga sa kama, unti unti kong itong nilapitan ng masigurado kung sino iyon. Agad agad na humagulgol ako.
"Bakit? Bakit kailangan ngayon na? Bakit kung kailan may isasagot na ko sa tanong mo? Kung kailan naman nahanap ko na ang totoong meaning ng buhay at ng existence ko sa mundo? Rosie uy pangga! Wag naman ang ganitong joke oh! Hindi nakakatuwa please iba nalang. Pangga gising na naman oh. Pangga, may sagot na ko. Diba ang tanong mo saakin " Can You Be My Moon?" May sagot na ko doon. " Yes, I can be your moon and you will be my star" uyy pangga! Gising na oh. Wag mo naman akong iwan. Bat di mo sakin sinabi to?"
Nakaramdam ako ng yakap mula sa likod ko, nakaluhod na ako sa harap ng bituin ko. And there tita hug me. Mas lalo akong humagulgol dahil doon.
Tita Lycel explained. Si Rosie ay mahina na talaga ang puso simula palang noong nasa primary school. Balik balik na daw talaga ito sa hospital. Nitong nakaraang buwan daw nakiusap si Rosie na lumipat na sila ng apartment kasi daw para makalayo saakin kasi nga ramdam niyang mas humihina pa puso niya. Nang pag lipat nila sakto ng atakihin ito sa puso at humiling na wag na daw ipaalam saakin dahik ayaw niyang mag alala pa ako sakanya. Nang ilang linggo na nag nakakalipas ibinigay daw ni Rosie ang cellphone nito kay tita at ihinabilin na isend daw saakin ang nag iisang nakasave na voice record sa cellphone nito kapag wala na siya. Dahil sa kagustuhag pagbigyan ang anak sa pagkataon gustuhin man ni tita na isend agad ito saakin ngunit hindi niys magawa. Kaya ng mga alas dyes na ng gabi kanina ng mareceive ko ang vm na iyon ay dahil noon na pala ito binawian ng buhay.
Sobrang sakit. Para na naman akong bumalik sa nakaraaan ko.
"Pangga, I can be your moon. Soon we will meet again and you are in front as my star"