Chapter 2

"Matanong ko nga pala! Pano kayo naging magkaibigan, curious Lang ako kung anong rason." Sambit ni Carylle.

" Oo nga, ano pala ang storya niyong dalawa?" Pa second demotion ni Carla.

" Ok. Ikukuwento ko na ngalang."

"Yes.

"Okay, story time.

Rinig kong banggit nila at nakitingin sa akin.

"Naalala niyo pa ba yung time na Wala tayong pasok noong August? 2 weeks tayong may bakasyon noon."

"Ah, oo, naalala ko yun. Bakasyon nga pero ako, nakakulong Lang sa bahay."

Sambit ni Carla.

" So ayun nga, may bakasyon, then my parents asked me if I want to go with them in Boracay coz they will have a business meeting with their new business partners. Hindi naman ako maka ayaw dahil boring nga sa bahay.

Then, I was shocked nung makarating kami roon..."

"What, why?" Sabay na tanong nitong dalawa kong katabi. Di ba puwedeng tumahimik nalang? Nagkukuwento ang lola niyo eh. Hayy, buhay.

Wala akong magawa kundi ituloy nalang...

"Nagulat ako dahil yung magiging ka business partner pala ng parents ko ay....

Hindi ko pa natapos ang storya ko ng may sumingit uli.

"Mga relatives ni Darylle?" Tanong ni Carla,

Aishhhh, hayy, nagtitimpi na ako ahhh.

"His parents." Direktang saad ko sa kanila na ikinanganga ni Carla. Ano ba talaga to? Alien ba? Ha?

Tao ba talaga to? Kasi kung tao to, bat to ganito? Papasapian ko nalang kaya to ng may maayos na pag iisip na multo.

"So sumama din ba si Darylle sa Boracay?" Napalingon ako kay Carylle dahil sa tinanong niya.

" Well, sad to say, yes. Inis na Inis nga ako sa kaniya noon eh, mas okay pa nga sa akin si Yniego, dahil nung Bata pa ako eh kilala ko na yun. May pic pa nga kaming dalawa nung bata kami eh." Sambit ko.

"Luh, pabitin. Ituloy mo na nga ang kuwento mo." Banggit ni Carla.

Abat!

"Yun nga, inis ako sa kaniya kasi ano, kasi... Basta madamot siya tapos ang pabebe niya, kala naman niya gwapo eh hindi naman.

One afternoon, nasa hotel sina mommy, daddy, at ang parents ng ugok. Naiwan kaming nag swi-swimming sa dagat.

Eh sa inis ko ba namang makita ang pagmumukha niya eh, lumangoy ako papalayo sa buhangin, at tsaka medyo malalim narin ang pinaglanguyan ko. Pero..." Magsasalita nanaman Sana ako ng biglang putulin ng isa diyan.

"Pero?.."

"Bigla nalang lumakas ang hangin at lumaki ang alon. Super sigaw ko na nun kasi kahit Naman marunong akong lumangoy eh baka matabunan lang din ako ng malaking alon diba. Ewan ko, pero hindi ko na alam ang sumunod, sa sobrang nerbyos ko ay nahimatay ako."

"Eh? Nahimatay ka sa gitna ng dagat?"

"Yep, then, when I woke up, I thought that I was in heaven na, because the ceiling is white, but when I roamed my eyes, it's a room. At first, I didn't know whose room is it, but definitely it's not ours. So I tried to stand up, then I saw a shadow of a man, pinilit kong silipin kung sino yun, akala ko nga that time eh, na kidnap na ako. Then he talked to me.

"Are you okay now?" I remembered that was the first line he asked me calmly.

Siyempre si ako naman eh, inuna ang pagka prangka ko. "Who..who are you" inaamin kong nauutal ako noon habang tinatanong ko yung lalaking Yun, eh aba malay mo, may dala palang baril at balak palang butasin ang ulo ko no. But then, bigla siyang humarap, and it's Darylle.

Pakiramdam ko, umakyat ang init sa ulo ko. "Hoy! Anong ginawa mo sa akin? May balak kang masama noh?" Taas kilay kong sigaw sa kaniya.

"Wala akong ginawang masama sayo no, pasalamat ka pa nga na niligtas Kita sa malaking alon." Ako? Niligtas niya? Bigla akong nahiya sa sinabi niya, lalo nat sinigawan ko pa naman din siya.

Ayun sa 2 weeks namin na pagsasama eh, nakapag sorry ako sa kaniya, tapos nag sorry din siya sa kasalanan niya."

Mahabang salaysay ko, feel ko ubos na laway ko.

"Ay edi wow." Sambit ni Carylle.

"Bakit ba kasi ayaw mong sabihin kung bakit galit ka noon kay Darylle hah?" - Carla.

"Basta, hayaan niyo na yun, past na yun.

Ubos na laway ko. At tsaka nandiyan na si Teacher oh, baka mapalabas Tayo dito ng wala sa oras pag narinig niya pa tayong nag uusap."

"Ano ba naman yan" naiinis na ani ni Carla.

3rd Person's POV

Lumipas ang ilang oras ay ang pinakahihintay na nang lahat😂

Cringgg~~ Cringgg~~

Recess time.....

"Bro, mag order kana ng makain natin, libre mo ako hah" sambit ni Mark sa kaniyang kaibigan na si Darylle.

"Tang Ina mo! Oo na, ako naman lagi eh, diba? Kapag ako talaga maubusan ng pera, pupunta ako sa bahay niyo at doon na maninirahan"

"Tarantado, alis na, pumila ka na, at maghahanap pa ako ng lamesa."

"Ge, ge."

"Sir, ano po sa Inyo?"

"Ate, two hamburger, and two soda please."

"Ok, sir. Pakihintay na lang ho saglit."

Tumango naman siya at may nahagip ang kaniyang mata.

"Ahm, ateng tindera, I order ko na Rin ho yung dalawang cupcakes sa baba."

"Ah sige po sir."

Pagkatapos naibigay ang order niya ay tumungo na siya sa lamesa nilang dalawa ni Mark.

"Oh, sir. Order niyo" sarkastikong sambit ni Darylle Kay Mark.

"Maraming salamat kawal. Maaari ka nang umalis." Pag aarte rin ni Mark na may pakaway kaway pa ng kamay.

"Gago!"

"Hahahahah"

Nabaling ang tingin ni Darylle sa taong kakapasok lang sa Cafeteria, tumayo siya at kinuha ang dinala niyang cupcake.

"Hello Williame."

"Pumunta ka lang ba dito upang mang inis?" Tanong niya at sabay irap.

"Ah, sort of, and oh, here." Sambit niya sabay abot Kay Catherine ang isang paper bag.

"Eh? Anong laman niyan? Baka naman may alimango Yan ha"

Kinuha niya ang paper bag sa kamay ni Darylle at sumaya ang mukha ng makita niya ang laman.

Lumapit siya sa tainga ni Catherine at bumulong......

 

 

Episodes
Episodes

Updated 2 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play