Napabuntong-hininga si Maddison habang nakatitig sa libro at notebook nya na dapat ay pinag-aaralan nya pero wala namang pumapasok sa utak nya. Masyadong okupado ng problema nya ang utak nya kaya pati ang pagrereview dapat nya ay hindi nya magawa ng maayos.
"Twelve."
Napatingin sya sa pinagmulan ng boses, si Red iyon at nakakunot ang noo sa kanya habang nakapangalumbaba.
"What twelve? ", nagtataka nyang tanong.
"Pang-twelve na buntong-hininga mo na yun. Now, tell me. What's wrong?"
"W-wala...", Alanganin nyang sagot.
Hindi nya akalaing binabantayan pala ng bestfriend nya ang kilos nya.
"Yeah right. Ano kunwari ba maniniwala ako?"
"Wala akong problema Red. Nag-aalala lang ako para sa incoming midterm exam."
"Why? You can pass it with flying colors."
"I don't know."
"Pino-problema mo ba yung EX mo? ", may diing tanong nito.
"He's not my ex. Hindi kami nagbreak."
"Come on, Mad. Isang buwan ng wala dito ang lalaking iyon, move-on na. Saka ni hindi ka nga kino-contact di ba? Matic na yun."
"Palibhasa gawain mo."
"Bakit ako? Yung ex mo ang topic natin. And I don't do that relationshit things. Ayoko ng sakit sa ulo."
"Whatever, Red. Whatever."
"May sakit ka ba?", tanong ni Red ng makitang napahawak sya sa ulo.
"Wala. Nahilo lang... Kulang siguro sa tulog."
"Sa clinic ka kaya muna? Puyat ng puyat ka kasi sa lalaking iyon eh. Kahit magkamaleta pa yang eyebag mo di na babalik yun."
"Will you please shut up? Ang sakit sa ulo ng boses mo. ", may inis na sabi ni Maddison.
Halatang nagulat naman si Red sa inasal ng kaibigan. Nakaramdam ng guilt si Maddison ng makita ang pagtatampo sa mukha nito pero naiinis talaga sya sa kadaldalan nito.
"Inis ka na nyan? Wow ha. Tsk. "
Napailing na sya ng biglang umalis ang binata. Umandar na naman ang pagkamatampuhin, hindi nya hinabol ang kaibigan sa isip ni Maddison ay mamaya nya na lang susuyuin ito.
Pero hanggang matapos ang klase nya ay hindi sya pinapansin ng binata, iniirapan pa sya nito pagnahuhuling nakatingin sya rito kaya naman hindi nya na lang tinuloy ang planong pagsuyo rito. Napakaisip-bata talaga.
"Hindi ka man lang ba magsosorry?", tanong ni Red sa kanya ng harangin sya nito habang papunta sa parking lot.
"Why would I? Wala naman akong kasalanan."
"You hurt my feelings, Mad."
Napabuntong-hininga sya, "Fine. Sorry okay? hindi ko sinasadya. Masakit talaga ang ulo ko kanina at nadadagdagan pa sa kadaldalan mo."
"Sorry din.", maamong sabi nito. "Badtrip lang talaga ako dun sa ex mo. Alam ko kasing affected ka sa biglang pag-alis nya."
"Hwag na natin sya pag-usapan. Tama ka rin naman. Kailangan ko ring magmove-on."
Tinitigan sya ng kaibigan bago ngumiti. "Tara?"
"Saan?"
"Sa tusok-tusok. Libre mo ako."
Napangiwi na lang sya, minsan talaga napakakapal ng mukha ng kaibigan nya. Akala mo kinakapos sa pera mahilig magpalibre eh kung tutuusin mas mayaman pa ito sa kanya.
Kumakain ng street foods sila Maddison at Red ng makatanggap ng tawag mula sa Daddy nya ang binata.
"Sama ka sa bahay?"
"Ha? Hindi na. Saka dinner nyo yun eh."
"Sama ka na Mad, please."
Tinaasan nya ito ng kilay, "Ano na namang kasalanan mo?"
"Wala ah.", tanggi ni Red.
"Ows? Kilala kita Jared kaya hwag kang magsinungaling sa akin."
"Fine. Hindi ko naman sadya pero naibangga ko kasi yung Cadillac ni Mommy."
Nanlaki ang mga mata ni Maddison sa sinabi ng kaibigan, "You mean... Yung silver Cadillac na niregalo ng Daddy mo para sa anniversary nila ng Mommy mo just last month?"
"Ahm... Yeah?"
Nahampas nya ito sa braso, "Oh my... You're so dead talaga sa Daddy mo!"
"I know, kaya sumama ka na please? Para hindi ako mapagalitan ng husto... mga mild na lang siguro."
"Ayoko nga. Bahala ka sa buhay mo, puro ka kasi kalokohan."
"Mad, eto naman parang hindi kaibigan oh. Sumama ka na, andun din si Kuya Gio."
"Totoo? "
"Oo, pinapauwi ni Daddy yun ngayon. May pag-uusapan ata. "
"Jared del Castillione!!! ", inis nyang sabi at pinagkukurot ito sa braso.
"Aray! Bakit ba? Saka makabuo ng pangalan wagas ha? Nahiya ka pa di mo pa sinama yung middle name ko.", pang-aasar nito.
"Bakit ngayon mo lang sinabi?! Hindi ako ready."
"Tsk. Kahit magpaganda ka hindi ka mapapansin ng crush mo."
"Ah ganun? Edi mag-isa kang umuwi!"
"Huy Mad! Eto naman di mabiro. Joke lang, ganda-ganda kaya ng bestfriend ko. Hehehe, tara na?", pang-uuto nito sa kanya.
Inirapan nya ito, "Oo na."
Pagdating sa mansion ng mga del Castillione ay hindi mapigilan ni Maddison ang matawa, halatang kinakabahan ang kasama nya.
"Relax, hindi ka naman kakainin ni Tito George."
"Relax ako hindi lang halata."
"Okay sabi mo eh.", nakangiti nyang sabi.
Pagpasok nila ay saktong naghahain na para sa hapunan.
"Maddison, hija mabuti at nakarating ka! ", masayang salubong ng Mommy ni Red sa kanya.
"Opo, isinama po ako ni Red. Sana po hindi nakakahiya, Tita Isabel."
"Of course not. You're always welcome here hija. Maupo na kayo, and you Red prepare yourself. Your Dad is not in the mood right now."
"O-okay Mom."
Mayamaya lang ay pumasok na sa dining area ang Daddy ng binata, si George del Castillione.
"Nasaan ang panganay mo, Isabel?"
"Male-late lang si Gio. On the way na ng tinawagan ko."
"Ang lalaking iyon talaga. At ikaw Jared, sinong nagsabi sayong pwede kang magmaneho? Ni wala ka pang driver license! For pete's sake, paano kung makaaksidente ka?"
"Dad, maingat naman ako saka test drive lang naman po dito sa area natin."
"Maingat? Naibangga mo ang kotse paano ka naging maingat nun?"
"Dad, please andito si Maddison nakakahiya."
Napabuntong-hininga na lang ama ng binata. Nginisian naman sya ng kaibigan na ikinairap nya.
"Hi everyone!"
Sabay-sabay silang napatingin sa may pinto, ganun na lang ang kaba ni Maddison ng makita ulit ang crush nyang si Giovanni. Lumapit ito sa ina at hinalikan ito sa pisngi, tinanguan lang ang ama at saka lumapit sa pwesto nila ni Red.
"Hi kids! ", bati nito at sabay ginulo ang buhok nila ni Red.
"Giovanni, bakit late ka na naman? At my goodness! You're drunk?"
"Just tipsy Dad. I am with my friends a while ago. ", umupo si Giovanni sa katapat na upuan ni Red.
Hindi mapigilang mapatulala ni Maddison habang nakatitig sa bagong dating na binata. Magulo ang buhok nito, bukas ang first three button ng long sleeve na ang manggas ay nakatupi hanggang siko at mas tila mapupugay ang mga mata nito.
"Kayong magkapatid, hindi ba talaga kayo magtitino? Mapapabilis ang pagtanda ko sa inyong dalawa."
"Dad, I can handle myself. You don't have to worried about me."
"Really Giovanni? Kaya ba nagkakalat ka ng eskandalo ha?"
Napatingin si Maddison sa sinabi ng ama ng binata. Hindi nya alam kung anong eskandalo ang sinasabi nito.
"Those are just gossips Dad."
"Jennica, Danielle and Reese? My God, for one week tatlong babae ang nalink sayo. Hindi pa kasali ang rumored girlfriend mo na si Cheska."
Napasimangot naman si Maddison sa narinig. May girlfriend na ito?
"Nagawan na ng paraan ni Sid lahat yan Dad."
"Hon, please mamaya na yan. Nasa harap tayo ng pagkain."
"Hindi pa tayo tapos."
Naging matahimik ang dinner nila pagkatapos ay pumunta ang mag-aama sa library.
"Pasensya ka na hija, mga pasaway kasi ang mga batang iyon."
"Ayos lang po."
"Gusto na kasing ipasa ng asawa ko ang pamamahala ng dCC kay Gio ang kaso hindi naman ito sineseryoso ng anak namin. Alam naman nyang mainit ang mata sa kanya ng board members as a successor."
"Baka po nag-eenjoy lang si K-kuya Gio habang pwede pa. "
"Hay sana nga. Anyway, kamusta naman kayo ng bunso ko? Pasensyahan mo na pasaway talaga iyon, idol kasi ang kapatid."
Natawa si Maddison sa ginang, "Sanay na po ako kay Red. Minsan po nagkakapikunan pero nagkakabati naman agad."
"Sana kagaya mo ang maging girlfriend ni Red. Yung kaya syang i-handle, alam mo naman dito sa bahay spoiled sa akin yun kaya madalas napakatigas ng ulo."
"Hahahaha, goodluck po sa magiging girlfriend nya."
Nginitian sya ng ginang, "Wala bang pag-asa kayo?"
"Naku, wala po. Bestfriend lang kami."
"Sayang, I want you to be my daughter-in-law pa naman."
"Malabo po ata."
Yung panganay nyo po yung gusto ko eh.
Lihim na napailing si Maddison sa naisip.
"Maiwan muna kita rito, i-che-check ko lang kung ready na yung tutulugan ni Gio. Bihira lang kasi umuwi rito."
"Sige po Tita, okay lang po ako. Ahm, pwede po ba sa poolside ako?"
"O sige, mag-iingat ka lang baka madulas ka."
"Okay po, salamat!"
Nagpunta sa pool area si Maddison, malawak ang swimming pool ng mga del Castillione at may manmade falls pa sa bandang dulo ang pinakagusto nyang spot. Umupo sya sa gilid na malapit sa falls at pinaglaruan ng kamay ang tubig dun habang mahinang kumakanta-kanta.
Hindi nya namalayan kung ilang minuto na sya roon, nagulat na lang sya ng may umupo malapit sa kanya.
"Hi, mag-isa ka ata?"
"K-Kuya Gio...", hindi makapaniwalang sambit nya.
Tinignan sya ng binata, nakatalikod ito sa pool habang umiinom ng alak sa bote na ikinangiwi nya. Ayaw nya kasi talaga ng alak, lalo pa ngayong may malaki syang problema dahil sa alak.
"Are you okay?"
Napapiksi si Maddison ng maramdaman ang pagdampi ng palad nito sa noo nya.
"S-sorry Kuya... Okay lang po ako, may iniisip lang. "
"Your ex? Nabanggit sa akin ni Red na break na kayo ng boyfriend mo."
"Ang daldal talaga nun parang hindi lalaki.", inis nyang sabi.
"Hahahaha!"
"Bakit ka po naglalasing?", hindi nya mapigilang tanong.
"Come on, Maddie. Drop the po. Okay na ako sa Kuya."
"Ahm... Sige po... I mean Kuya."
"Good. To answer your question, I'm just pissed."
"Kay Tito George?"
"Sa lahat. Alam ko naman ang responsibilidad ko as successor pero sana naman hayaan nila ako gawin ang gusto ko. Nakakasakal na kasi."
"Hmm... Sorry kuya, no comment ako wala kasi akong alam sa ganyan."
"It's okay, Maddie. Masaya ako dahil kahit paano may nakikinig sa akin."
Nakaramdam si Maddison ng kasiyahan sa narinig, matagal na nyang crush si Giovanni bago pa man nya makilala si Red at mapalapit sa pamilya nila. Kaya naman sobrang saya nya na ang lalaking minsan nyang pinapangarap na mapansin sya ay nakakausap nya ng ganito kalapit at ka-personal na topic.
"A-ano po... Ahm ano bang problema?"
"Gusto na ni Dad na palitan ko sya sa kumpanya. Wala naman sanang problema kaso dahil sa mga naging issue sa akin for the past months nagdududa ang mga board members na magagawa ko ang trabaho ko na wala si Dad. F*ck all of them! Maayos ang trabaho ko sa dCC pero pilit nilang pinapakialaman pati ang personal life ko."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Pinag-aasawa na ako ni Dad para maipasa na nya sa akin ang pamamahala sa kumpanya."
Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng binata, "Mag-aasawa ka na?"
"Ayoko pa. Pero kinausap ako ni Dad, kailangan kong mag-asawa bago ang turn over sa akin ng kumpanya. Just to gain those bastard's approval."
"P-pero bakit?", may disapproval sa boses nya. "I mean... Ano naman kung wala ka pang asawa? Much better yun di ba? Focus ka sa trabaho?"
"Hay, I know. Sinabi ko rin yan kay Dad.", ginulo nito ang buhok. "Haiissh! Sabi nya thirty na raw ako kailangan ko ng magseryoso sa buhay. Nag-aalangan daw kasi ang mga board members, hindi ko nga raw maayos ang personal life ko paano ko pa magagawa humawak ng kasing laki ng dCC?"
Nakaramdam ng inis si Maddison, ayaw nya pang magpakasal ito. Pero wala naman syang karapatan.
"C-Congrats in advance.", pilit syang ngumiti.
"Tsk.", sagot lang ng binata sa kanya saka itinuon ang pansin sa pag-inom.
Tumahimik na rin sya saka pinaglaruan ng paa ang tubig sa pool. Ilang sandali silang tahimik hanggang makarinig si Maddison ng tila may bumagsak sa tubig. Pagtingin nya sa pwesto ni Giovanni ay wala na ito.
"Kuya Gio!", sigaw nya ng makita itong nakalubog sa tubig at hindi gumagalaw.
Oh no! Nalunod ba ito?
Bago pa sya makapag-isip ng maayos ay lumusong na sya sa tubig para iligtas ito. Akmang hihilain na nya ito paahon ng hawakan nito ang pulsuhan nya at ito ang humila sa kanya paitaas.
Tumatawa ang binata habang habol nya ang hininga.
"Hindi ko akalaing tatalon ka para iligtas ako."
"Ang sama mo!", akusa nya rito. "Akala ko nalunod ka na dahil sa sobrang kalasingan!", maiyak-iyak nyang sabi.
"Hey Maddie... I'm just kidding."
Tuluyan na syang napaiyak na ikinabahala nito.
"Maddie, sorry na. Hwag kang umiyak.", pag-aalo nito sa kanya.
"Ang sama mo eh! "
"I know. I'm sorry. Hindi ko na uulitin."
Humihikbi pa rin sya ng hawakan nito ang mukha nya at i-angat para magtama ang mga mata nila. Pinunasan nito ang luha nya gamit ang daliri nito.
"Hwag ka ng umiyak. Sorry kung natakot kita. Ayos lang ako. Tahan na please."
Nakagat nya ang pag-ibabang labi, ngayon nya lang nakita na ganito kasuyo ang mukha ng binata at ang lambing ng boses nito.
"Don't do that.", seryosong sabi nito.
"Do what?", naguguluhang tanong nya.
"Biting your lips... Baka magkasugat.", halos pabulong na sabi nito.
Napalunok si Maddison ng mapansin ang pagtitig ng binata sa kanya partikular na sa labi. Nakita nya rin ng pasimpleng basain nito ng dila ang sariling labi.
"Ahon na t-tayo?", kinakabahang pag-agaw nya ng pansin dito.
"May I?"
"Huh? You what?"
"May I taste your lips? It's look... inviting."
Napasinghap sya ng haplusin ng hinlalaking daliri nito ang labi nya.
"Maddie... Please.. just one.", may kung ano sa boses nito tila nahihirapan na ewan. "Damn!"
Nagulat sya ng bigla na lang sya nitong hinalikan. Nakalapat lang sa umpisa ang labi nito sa labi nya pero ilang sandali lang ay gumalaw na ang mga labi nito ng marahan. Bahagyang sinisipsip nito ang pag-ibaba at pang-itaas nyang labi ng salitan.
Napahawak sya sa braso nito at napapikit ng mariin ng maramdaman ang pagpupumilit pumasok ng dila nito sa nakasara nyang labi.
"Open it, baby. Let me taste you fully.", paos nitong sabi saka muli syang hinalikan.
Wala sa sariling ibinuka nya ang mga labi na agad naman nitong sinamantala. Nalasahan nya ang alak sa bibig nito habang nilalaro ng dila nito ang dila nya na nagdagdag lalo sa pag-iinit na nararamdaman nya. Unti-unti nyang ginaya ang ginagawa nito, na tila nagustuhan nito.
Hinapit sya nito sa beywang kaya naman yumapos sya sa leeg nito habang patuloy pa rin ang halikan nila, labi sa labi, dila sa dila. Naghiwalay lang sila ng kapusin ng hininga.
Namula sya ng husto ng marealize ang ginawa nya. Hinayaan nyang halikan sya nito and worst she kissed him back.
"Tama nga ako... You have a soft and sweet lips."
Napapikit sya ng tumama ang hininga nito sa tenga nya. Naramdaman nya ang paghaplos nito sa beywang nya pataas sa gilid ng dibdib nya. Alam nyang mali pero tila wala syang lakas para pigilan ito.
Tinutudyo ng binata ng halik ang leeg nya paakyat sa pisngi, ilong at damping halik sa labi pagkatapos ay hahalik ulit sa leeg nya. Nakalublob sila sa tubig pero sobrang init ng pakiramdam nya.
"Maddison! Asan ka na ba?"
Naitulak ni Maddison si Giovanni ng marinig ang boses ni Red. Pareho nilang habol ang hininga nahihiyang iniwan ni Maddison ang binata.
*I let him to kiss me. Oh my God! Nakakahiya!
Our first kiss*.
Sa naisip ay napangiti sya saka hinaplos ang sariling labi.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments