Hi CRUSH! May Pag-asa Ba AKO?
Main Characters:
Kevin
isa sa mga pangunahing tauhan sa kwento. Siya ay isang masugit na tagahanga ng kahit na sino. Isa siyang basketball player ngunit may taglay na pagkahiyain. Mulas siya sa pamilyang di gaanong kayaman at simple lamang na namumuhay sa probinsiya. Si kevin ay 19 taong gulang na at nagaaral ng K12 sa strand na ABM. Hindi naman gaano katalino itong si kevin sa math subalit pinili niya ito sa kaniyang kagustuhan na matuto narin sa math at matutong maghandle at magpamalakad ng isang negosyo. Hindi gaanong katangkad at kaputi medyo kayumangi with a faded hair style. Hindi rin katangkadan kung maituturing eh mga 160 cm lamang ito. At ang hugis ng mukha ay di gaanong perpekto pero may pagka-angas at astig dahil sa kaniyang jew na talaga namang kainlove-inlove. Isa pa sa mga kagusto-gusto at maituturing mo talagang modelo ay ang kaniyang pagiging malinis, at makikita mo talaga ito sa kaniyang pananamit, gamit at kahit sa kaniyang mga gamit sa bahay. May pagkahawig sa perfectionist.
kenneth
Tinuturing niyang kasiyahan ang pagsasayaw at magaling talaga siya dito. Medyo payat na sakto lang may abs. Kayumanggi din at nag aaral ng k12 na strand na SMAW. Si kenneth ang pinakamakulit na mabait sa lahat, marespeto at mapagmahal. Siya yung tipong mafafall ka pero di ka sasaluhin. Ang style nang kaniyang pagsusuot ay may pagkahawig sa mga style ng korean, alam mo talaga na on trends siya. Medyo mataas ito mga 165 cm.
Gino
Basketball ang buhay niya, umaga hapon at kahit sa tanghali. Brown ang kulay ng balat makinis at medyo payat. Mabango at alam mo talaga siya iyon kahit malayo dahil sa amoy niya. Si Gino ang unang crush na lalaki ni kevin nung bata pa lamang sila. Siya din ay kaklase nito simula elementary sila. Matalino, siguro mana sa nanay dahil teacher ang nanay nito. Kasing taas lamang ito ni Kevin at ang pinagkaiba nila ay goal oriented ito. Alam mo na talaga ang nais sa buhay.
John
Mahilig sa online games pero basketball din ang kaniyang hobby. Medyo mataas at payat na matangos ang ilong. Magaling din siya kumanta pero sa taglay nitong pagkahiyain ay tinatago niya ito. Siya ang pinakabata sa lahat. Edad 16 pa lamang at may height nang 156cm, wala talaga itong paki sa kahit ano basta hindi lamang magulo sa kaniyang online games at isa na dito ay ang ml.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments