KAIDE POV:
"Punyeta 'yong lalaking 'yon. Wala ba siyang ibang mapag tritripan? bakit ako pa?!" Nag mamaktol na saad ko sarili ko.
Pa-ikaika akong pumunta sa cafeteria hindi na ako naka-pasok sa 1 and 2 subject. Dahil pinahinga muna ako clinic.
Habang nag lalakad panay talaga 'yung tingin ng mga estudyante na parang luluwa na 'yong mata sa kinalalagyan.
Alam ko namang maganda ako pero bakit ganiyan naman sila makatingin?
Bumili na ako at humanap ng mauupuan. 'Di naman nag tagal ang pag hahanap ko, umupo ako sa bakanteng lamesa. Ako lang ang nandito sa kinauupuan ko.
Gusto umupo ng mga ibang estudyante pero sa tuwing iaangat ko ang ulo ko ay lumalayo sila at humingi patawad.
Ano bang nangyayari? Bakit ba sila humihingi ng tawad sa'kin gayong wala naman silang ginagawa!
Hindi ko nalang sila pinansin at nag simula ng kumain.
Ng biglang...
"Hi!" Saad ng isang Babae.
Nag angat ako ng tingin para makita ko ang mukha niya.
Maganda siya pero mas maganda pa rin ako. Ako yata ang diyosa ng kagandahan, 'no.
Ngumiti ako sa kanya kaya umupo siya sa harap na upuan ko para mas makita namin Ang isa't-Isa ng maayos.
Inilapag niya na ang pag kain niya.
Tahimik lang kaming kumaing dalawa.
Biglang tumunog ang bell kaya tumayo na ako.
"Wait," Saad niya.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Sabay na tayo!" Tumayo at pinulupot ang kamay sa braso ko.
Nag tataka man ako sa kinikilos ng babaeng ito pero hindi ko nalang pinansin at nag tungo na sa classroom.
Habang nag lalakad kami ay lanay padin Ang bulong-bulongan ng mga estudyante.
"Pwede mag tanong?" pabulong kong tanong sa kaniya.
"Sure!"
"May dumi ba ako sa mukha??"
Tumawa siya Ng mahina
"Haha 'Wag kang mag-alala, Wala naman." Sagot niya sa tanong ko.
"Bakit parang antalim yata ng tingin nila sa 'tin?"
"Haha don't worry I-kkwento ko sa 'yo,"
Habang nag lalakad ay nag simula na siyang mag salita.
"First of all I'm janice... Janice De Belen, kidding haha. Janice Laorel. Kung nag tataka kung bakit sila nakatitig sa 'tin at halos lumuwa na ang mata nila sa kakatitig ay dahil ikaw ang bagong prinsess na pumalit sa dating prinsess dito sa campus na 'to. Umalis siya sa kadahilanang doon siya sa america mag papatuloy ng pag aaral."
"Wait.what??" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Princess?.. Ako!?" nagtatakang tanong ko
"Yup. Actually lima lahat ng princess dito at lima din ang prince dito.
PRINCESS:
Lorrane Amazuka, Amanda Purple, Janice Laorel, Sammy Rouhe, Kaide Kayano.
PRINCE:
Xander Smith, Liam Adoro, Jeon Ramith, Lucas Nori, Tomayo Chan."
"Huh?? Kasali ka din??"
"Yup, hehe" Saad niya sabay peace sign.
"Ngayon lang ako naka pasok sa ganitong campus, may pa princess-princess at prince-prince pang nalalaman."
"But dapat thankfull ka dahil na pabilang ka sa princess dito dahil maraming bully sa university na 'to. Pag may bagong salta dito binubully hanggang sa mapilitang humanap ng bagong University." mahabang lintanya sakin ni... Janice?
"Ganon ba? ahm... sorry hindi kasi ako sanay gg ganito hehe pero ngayon lang talaga ako nakaranas na maging princess ng isang campus." Nakangiti kong saad sa kanya.
Sa wakas nakarating din kami sa bago papasukan ko na classroom kinuha ko muna ang binigay sakin ng Dean kanina para makumpirmang dito talaga ako sa Section Dill A.
"Janice dito ka din ba??" tanong ko sa kanya
Tumango siya at hinila ako papasok ng classroom.
Nasa gitna na Ang Prof. Kaya tinanggal ko ang kamay ni Janice nanakahawak sa braso ko.
"Good morning, Sir" Saad ko sa guro.
Ngumiti Ito at tumango.
"Hi Classmates! My name is Kaide Kayano, Transferee sa University'ng 'to,"
Natahimik naman silang lahat nanatiling naka-tayo si Janice kaya kinalabit ko siya.
"Sa'n ako uupo?" pabulong kng tanong sa kanya.
"Ahm," humawak siya sa kaniyang sintido at nag isip.
"Tabi kayo ni Xander,"
Xander? Wait, parang familliar?
Tinuro niya ang tinutukoy niyang Xander kaya sinundan ko 'yon at Ito nga,
Ang Xander na ito ay walang iba kun'di 'yung nag hatid sa 'kin sa clinic.
Bigla kong naalala ang mga sinabi niya kanina aaya biglang tumaas ang sungay ko joke, pinigilan kong wag sumigaw. Hintayin mo, Xander, makakatikim ka din sa sarili kong mga kamay.
XANDER POV:
Naka ngisi akong tumititig sa babaeng nasa gitna na sobrang talim ng titig sa 'kin.
Nag lakad na siya patungo sa bakanteng upuan, sa tabi ko. Sinadya ko talagang paalisin dito 'yung dating umuupo at 'yun ay si Liam... si Liam ay matalik kong kaibigan actually lahat kaming prince dito sa campus ay mag kakaibigan.
Nabalik ako sa ulirat ng padabog niyang inilapag sa mesa ang bag niya at padabog ding umupo.
"Anong problema ng 'Babs ko'?" Mahinang Saad ko sa kanya.
Tiningnan niya naman ako ng sobrang itim ng aura, super itim talaga 'yung tipong ang puti puti mo tapos sa kaloob looban mo Ang itim na ng libag mo haha.
'anong connect? Para akong tanga dito na kakatitig lang sa kanya habang nag iisip ng kung ano ano.
Hindi siya nag salita at itinuon kay Sir ang atensyon niya.
KAIDE POV:
Hindi ako maka pag focus ng maayos sa mga dini-discuss ni sir dahil sa tukmol kong katabi.
Ang kapal ng mukha niyang tawagin akong babs, eh wala ngang kami at kahit kailan ay hinding-hindi magiging kami.
Ilang sandali pa ay nag paaalam na si sir kaya dumukmo nalang ako sa mesa at hinintay ang susunod na lecturer.
Sa kalagitnaan ng pag mumuni ko dito may biglang kumalabit sa balikat ko kaya napa angat ako jg tingin.
Tsaka ko na napag tantong si Janice pala iyon.
"Ahm tabi muna ako ha?" Saad Niya sabay turo sa upuan ni tukmol.
Tumango ako bilang pag sagot
"Matanong ko Lang Kai. Nasan si Xander?"
Oo nga, Nasaan na ang tukmol na iyon?
"Hindi ko alam, eh."
"Napaka aborodo talaga ni Xander sariling girlfriend niya, hindi man lang nagpaalam or nagsabi kung saan pupunta." Saad niya na nag pagulat sa akin.
Wait? Tama ba 'yong narinig ko?!?
*SARILING GIRLFRIEND*
*SARILING GIRLFRIEND*
*SARILING GIRLFRIEND*
Pa ulit ulit na tumatagingting sa utak ko ang sinabi ni Janice so... alam niya?!?
"Ah.. eh.. ano, Janice. H-hindi ko naman siya b-boyfriend, eh." utal utal na saad ko sa kanya.
Damn, Kaide! Umayos ka! Sasaksakin talaga kita!
"What?!? pero 'yon ang kumakalat dito sa campus. Boyfriend mo si Xander ang anak ng may ari ng campus na ito."
So... He's the son of the owner? Ngayon, naniniwala na ako aa kasabihang kapag hindi nakakain ng maayos at sapat ay hindi rin makakapagisip ng maayos!
Mga gutom yata 'tong mga estudyante dito parang kulang sa kain kung ano ano ang pinag sasabi.
Mag sasalita pa sana ako ng biglang pumasok ang sunod na lecturer namin.
Bumalik si Janice sa upuan niya pero 'yung tukmol 'di pa rin nakakabalik. Damn bakit ko iniisip Kung nasaan iyong tukmol na 'yon, eh, Wala naman akong pakialam sa kanya.
Natapos ang klaseng wala si tukmol. Nagpaalam na ang lecturer namin at umalis.
Maya-maya pa ay dumating na din sa wakas ang tukmol.
Hindi pa siya nakaka upo ng mag salita ako.
"Saan ka galing?"
"Bakit miss mo ako?"
"Luh, asa ka, saan ka nga galing?" pag uulit ko sa tanong ko
"'Wag mag-alala, Babs. May ginawa lang akong importante,"
"Tsk." napairap nalang ako sa sagot niya.
"Wag ka kasing nawawala bigla ng hindi nag papaalam Xander 'yan tuloy nag alala sayo ang Babs mo," Saad ni Janice
Napansin niya siguro 'yung pag tanong ko sa tukmol na ito.
"HAHAHAHA wag kana mag alala Babs, sayong sayo lang ako." Saad ni tukmol sabay kindat sakin.
Napangiwi ako bago mag salita.
"Hindi ako nag aalala 'no, nag tatanong lang." malamaldita kong saad.
Tumawa lang ang dalawa.
Isa pa itong si Janice akala ko ba kakampi ko 'to?
Dumating na Ang last lecturer namin kaya nagsi-ayusan kami nang upo.
Habang nag susulat si Sir itong tukmol kong katabi naka titig lang sakin. Bwisit, naiilang tuloy ako.
"Pwede ba itigil mo 'yang ginagawa mo!?" mahinang utos ko sa kaniya ng hindi siya nililingon.
"Masama bang titigan ang future wife ko?"
Ito nanaman Yung tukmol nag iimagine ng magic. Asa siyang ako magiging Asawa niya. Kahit bigyan ako ng milyong-milyong pera ay hindi ako papayag.
"Sige, panaginip ka lang ng gising."
"Sisiguruhin ko sa 5 months na kasunduan natin mahuhulog ka," mahinang bulong niya na siyang dahilan para lingunin ko siya.
Nababaliw na ba tong tukmol na ito? Wala ba 'tong magawa sa buhay?
"Pwede ba kung nag lalaro kalang please, 'wag ako." Saad ko Ng naka titig sa mga mata jiya.
Nakatitig Lang kami sa sa isat-Isa sa mga oras na 'to. Ako na ang umiwas sa pag tititigan namin.
Hindi ko nalang pinansin 'yung sunod na sinabi niya at nag focus nalang ako sa pag susulat.
Mayamaya pa ay nag paalam na si Ma'am.
Dalidali kong inilagay ang mga gamit ko sa bag ko.
At nag aakma ng mag lakad palabas ng hawakan ni tukmol ang braso ko.
"Wait, i'll drive you home."
"No need, I have my own car." Saad ko sabay tabig sa kamay niyang naka hawak sa braso ko at nag lakad na patungo parking lot.
Ng makarating sa parking lot ay agad kong pinaandar ang kotse at umalis na sa campus.
Hindi naman ako na tagalan sa pag uwi dahil Hindi traffic.
Nakarating na ako sa mansyon namin at pinark na ang kotse ko.
Pumasok na ako sa bahay.
Dumiretso ako sa kwarto ko at malayang ihulog Ang sarili sa malambot na kama
Masyadong maraming nangyari sa araw na 'to. Unang pasok ng klase ko sa bagong university pero may nanakit na agad sa akin, naging campus princess pa at nagkaroon ng boyfriend kahit hindi ko naman ginusto.
Naisipan kong umidlip dahil pagod din ako.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments
Lou
nice work, will u continue this fic again in the future? if you have a social media i would love to give it a like or follow to support you!
2022-08-29
0
Angel L Cayabyab
next plss
2022-06-28
0
Trisha Oleobez
myghodf
2022-06-23
0