The Four Bad Boys And Me •°

The Four Bad Boys And Me •°

Prologue

APAT, grupo ng apat na bad boys na hinahangaan at tinitingala sa school namin.

Jeydon Lopez. Ang leader ng grupo at ang pinaka-bad boy sa kanilang lahat. Siya 'daw' ang hari ng school kaya tinitingala siya ng halos lahat ng mga estudyante. Guwapo, mayaman, sikat, habulin ng mga babae, at siya ang captain ng basketball team. Siya rin Ang Numero unong bully sa school namin, mapang-asar at napakayabang, malakas mag-yosi at uminom ng alak. At siya talaga ang tao na pinaka-kinaiinisan ko sa lahat.

Troy Mendoza. Siya ang best friend at palaging kasama ni Jeydon. Cute, mayaman at sobrang kulit. Siya ang womanizer sa kanilang apat dahil siya ang pinakamahilig sa mga babae. Bukod pa doon, Siya rin ang 'boyfriend ng campus' dahil sa dami ng girlfriends niya. Napakarami na niyang babaeng pinaiyak. Isa rin siya sa kinaiinisan kong tao sa school.

Charles Gonzales. Ang pinakamatanda sa grupo. Siya ang basagulero sa kanilang apat, walang alam kundi makipag-away. Guwapo, mayaman, sobrang mapang-asar at kinakatakutan sa school. Hindi lang siya expert mang-bully sa school, kundi pati sa buhay ko. Unfortunately, kapatid ko siya. Mahal ko siya pero naiinis din ako sa kanya.

Marky Lim. Siya ang huling kukumpleto sa grupong APAT. Siya yung silent type sa grupo na parang palaging may sariling mundo. Guwapo pero masungit at isnabero. Sabi nila siya daw ang pinaka-player sa kanilang apat pero hindi ako naniniwala kasi crush ko siya eh. Ang galing-galing niya kasi kumanta tsaka napaka-amo ng mukha niya. Sa grupo, siya lang talaga ang matatagalan kong kasama.

Ako?

Ako si Candice Gonzales. I'm just a nobody---nerdy, weird at forever alone.

Simple at ordinaryo lang ang buhay ko, kaso lahat biglang GUMULO!

At ang may kagagawan Ng gulo ay walang iba kundi ang FOUR BAD BOYS.

Hot

Comments

Bheil Ko

Bheil Ko

Nice

2022-08-16

0

Steph anie

Steph anie

nice

2022-01-07

0

See all
Episodes
Episodes

Updated 1 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play