The Jerk's Angel
December 20,20**
JC POV:
Hi Im Janine Chloe Schnider, JC for short taking up Hotel and Restaurant Management and graduating na ako this year.
3:30am
Christmas break ngayon, and I'm on my way to go church to attend the mass you know simbang gabi kahit di naman gabi dahil madaling araw na. Nauna na sila Mom and Dad can you image 3:30 am palang? 4:00 pa ang start ng mass masyadong excited ang parents ko at pati ako dinadamay nila kaya kahit medyo antok pa heto at nag dradrive na ako. Ayoko naman kasing gisingin pa si Mang Albert para lang mag-pahatid ako sa simbahan.
Medyo malayo pa ko sa simbahan ng biglang bumuhos ang ulan. At since umuulan ayoko mag byahe ng malayo that's why nag hanap ako ng shortcut.
ZACK POV:
Kalalabas ko lang sa bar ng bigla akong tinawag ni drake.
"Z"
"Yeah" bored kung sagot.
"Wanna have some fun?"
Isang bagay lang naman ang gusto nya at tuwang-tuwa siya dito. Well nag ienjoy din naman ako lalo na at palagi ko siyang natatalo. So why not?
"Car racing?"
"Yes!"
"Sure."
Sabay ngisi ko kay drake, Agad kaming pumunta sa parking lot at agad sumakay sa kanya-kanya naming kotse ng biglang bumuhos ang ulan. Oh well even the rain won't stop us.
Binaba ko yung salamin ng sasakyan ko at nakatingin nadin pala ang loko, with the count of three sabay kaming nagpaharurot ng sasakyan.
Di ako papatalo dito total naman walang gaanung sasakyan dahil alas tres na ng madaling araw and walang rules ang car racing naming dalawa so cheating is allowed that's why naghanap ako ng shortcut at agad naman akong nakakita, pinaharurot ko agad ang sasakyan ko.
Pa liko na ako ng biglang!
Shit! Damn it!
May makakasalobong akong sasakyan kaya agad kung tinapakan yung break.
P*tang *na! Gago naman oh ngayon pa di gumana.
*BBBEEEEPPP*
Pinilit kung iiwas ang sasakyan ko pero di ko magawa
Hanggang sa . . ..
*BBBBOOOOOOOOGGHHSSSSSSSSS*
Sa sobrang lakas ng impak di ko na alam kung anung nangyari kasi unti-unti ng nandilim ang paningin ko.
[Still Zack Pov]
Nagising nalang ako na puro puti ang paligid ko di ko na kailangan mag tanung kung nasan ako dahil alam ko na agad kung nasan ako.
Nasa langit? Dahil anu puro puti? Nagpapatawa ba kayo? Ang isang gagong tulad ko tatanggapin dun?
I doubt it.
Pinilit kong maupo at sumandal sa headboard ng kama. Damn ! Ang sakit ng buong katawan ko anu bang nangyari ?
Nang biglang bumukas yung pinto at nag mamadaling pumasok ang kapatid ko kasama si drake.
"Kuya, Thank god gising kana. Okay naba pakiramdam mo.?"
"Musta pare ? "
"Anu bang nangyari?"
Umupo silang dalawa sa tabi ko.
"Na-aksidente ka kuya? Wala ka bang matandaan ? Kuya drake di kaya nagka-amnesia na si kuya."
"Tss"
Di nalang umimik si drake, kung anu-ano kasing pinagsasa-sabi ng kapatid ko.
"Maiwan ko na muna kayong magkapatid aalis na ko babalita ko muna sa kanila na buhay kapa at humihinga."
"Tsk ! Siraulo"
"Gago!"
"Kuya dreak!"
React nung kapatid ko, napangisi nalang si drake bago lumabas ng pinto, paglabas na paglabas ni Drake agad na humarap sakin si kate.
"Tell me kuya kilala mo pa ba ako?"
"Yeah, but that's not the question that I'm asking."
"Okay, ganito kasi yun na-aksidente ka may nabangga ka, naku buti nalang di namatay yung sakay nung kotse na nabangga mo pero balita ko naka-coma daw yun ngayon."
Ang daming sinabi ng kapatid ko pero ang tumatak lang sa isip ko ay may nabangga ako at naka coma siya ngayon.
"Then?"
"Tapos di ka naman sinapahan ng kaso kasi ang sabi nung abogado ni dad aksidente lang daw talaga ang nangyari nakausap na din nung abogado ni dad yung parents nung nakabangga mo."
"Anung sabi ni dad?"
"Mag pagaling ka daw."
"Are you f*cking kidding me?"
"Kuya! Yang bibig mo huh aba sumusobra kana!"
Tumayo pa sya sa pagkaka-upo at tinuro-turo ako.
"Fine, I'm sorry."
"Good, wala namang binilin si dad basta pinaayos lang nya sa abogado nya yung GULONG ginawa mo."
"Tss."
"Sige na umuwi kana mag-pahinga kana alam kung pagod ka.."
"Wag kang mag-alala sakin kuya okay lang ako."
"Don't be so stubborn kate."
"Sige na nga, kaya mo bang mag isa dito gusto mo tawagan ko si kuya drake? "
"Nandyan ba si Mang Rick?"
"Yeah, siya nga kasama ko pagpunta dito."
"Now go home , magpapahinga na din ako."
"Sure ka kuya?"
"Yeah."
Lumapit sakin yung kapatid ko at.....
Kiniss ako sa pisngi at patakbong pumunta sa pinto.
"Bye kuya."
Tss, pagka-alis nya nahiga na ako sa kama.
Di nyo pa ba ako kilala? Well I'm Zack Ivan Azzer , some of my friends call me Z is that enough as an introduction?
********************************************************************************************
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments