Illicit Love
Kesia's POV
Pumasok ako sa palagi kong pinupuntahan na coffee shop, coffee shop to pero hindi lang coffee ang mabibili mo, mas nagmumukha siyang maliit na resto.
Nakita ko na may umuupo sa lamesang palagi kong inuupuan, kaya umupo na lang ako sa mesa na katabi lang ng pinto.
I ordered the only thing I can afford. Kailangan ko mag tipid. Alam ko na mahirap mag tipid kung nag titipid ka na, pero wala akong magagawa kung isang libo at limang piso nalang laman ng pitaka ko.
Nagtitipid ako pero pumunta ako dito kahit pwede naman akong mag kalenderya o mag isaw nalang.
Kahit ito lang kasi, hindi rin naman masamang ilibre ang sarili mo. Kahit ito lang, baka kasi makalimut ako.
Even maroon 5 said, "Memories bring back, memories bring back you."
Isisira ko na sana ang zipper ng pitaka ko nang natanggal ang slider nito. Pati pitaka ko bumigay na. Binuntong hininga ko nalang ito.
Kinuha ko nalang ang pera ko at ipinasok sa loob ng bulsa ng bag ko. Buti nalang at malalim ang bulsa ng packbag ko.
Matatagalan pa ang dating ng order ko kaya kinuha ko nalang muna ang libro sa bag ko.
Bubuksan ko na sana ang libro para basahin kung saan ako natapos kanina, nang may bigla nalang may babaeng dumating sa harap ko. Hingal na hingal at grabe ang pawis. Hindi ko alam na may marathon pala na nangyari malapit dito, it's not like I care.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, hobit ko yata.
May dala-dala siyang pulang malaking bag na halatang nahihirapan siyang dalhin.
Nagmukha rin siyang spy sa suot niyang sunglasses at mask niyang itim, hindi ko alam kung dapat ba akong matawa dahil nakasuot siya ng high heels nagiging katatawanan siya dahil sa purma niya. It even stands out because of how fierce the color is.
Nagmukha siyang kidnapper ng sapatos. Hindi na ako nagtaka kung bakit lahat ng atensiyon ng mga tao rito ay nasa kanya na. Pati ang guard nagdadalawang isip kung ano ang gagawin.
Pero, kahit pilit niyang tinatago ang mukha niya mahahalata mo paring mayaman siya. Hindi lang sa suot nito kundi narin sa kutis nito na para bang walang iba ginawa sa buhay kundi mag utos ng mag utos.
Tinanggal niya ang sunglasses niya at ang maroon na mask na suot- suot niya at tsaka niya ito inilagay sa mesa, nang ginawa niya 'yun lumabas ang fierce eyeshadow at fierce niyang lipstick.
Umupo siya sa upuan na nasa harap ko habang hinihingal parin at inilagay sa gilid niya ang malaking pula na bag.
Hindi ko na lang siya pinansin at binalik ang atensiyon sa libro na hawak-hawak ko. Ayaw ko ng sagabal pero ayaw ko naman maging bastos.
"Seduce him for me." hindi ako lumingon sa kanya dahil baka hindi ako ang kinakausap niya at masabihan pa akong assuming.
Siguro feeling lang to pero ramdam ko na nakatingin siya sa akin. Hindi ko nalang ito pinansin at nagbasa nalang ang libro ko.
Law is an imperfect profession in which success can rarely be achieved without some sacrifice of principle. Thus all practicing lawyers -- and most others in the profession -- will necessarily be imperfect, especially in the eyes of young idealists. There is no perfect justice, just as there is no absolute in ethics. But there is perfect injustice, and we know it when we see it.
Hmmm..
Ano tong naka highlighted?
“To me, a lawyer is basically the person that knows the rules of the country. We're all throwing the dice, playing the game, moving our pieces around the board, but if there is a problem the lawyer is the only person who has read the inside of the top of the box.”
- Jerry Seinfeld
Read the inside of the top of the box?
Nagulat ako nang bigla nalang niya hinila ang libro na binabasa ko.
nilingon ko siya at pinag taasan ng kilay.
"Wha—"
"Wala akong oras para makipagbiruan sayo." May inabot siya ito sa 'kin pero hindi ko ito kinuha at tinignan lang siya ng masama.
Baliw ba talaga siya?
Hindi ko siya kilala pero mukhang kilala niya ako. Sigurado akong hindi ko pa siya nakita, but she has the face of someone familiar. Who is she?
"Seduce him for me." paguulit niya. Kinunutan ko lang siya ng nuo at hindi pinagtuunan ng pansin ang litratong pilit niyang pinapakita sa'kin.
"Maybe you've got the wrong person—"
"We've talked this over the phone right? Then what's wrong?" pinutol niya nanaman mga salita ko.
She definitely got the wrong person.
May dumating na babae kasama ang order ko, tinignan niya ako at ang babaeng nasa harap ko at tinignan ako ulit na para bang nagtatanong kung okay lang ako, ningitian ko lang siya, inilagay niya sa mesa ang inorder ko, tinignan niya ulit ang babaeng baliw at saka humarap sa akin at ngumiti. Mukhang maysasabihin pa siya pero umalis rin ang waitress.
Nagbalik ang atensiyon ko sa babaeng baliw nang umalis na ang waitress. Nawala ang gana ko kumain. Mas mahal pa ang librong kinuha niya kaysa sa pagkaing inorder ko.
Nangagalay na siguro ang kamay ng babae dahil ibinaba niya ang litratong hawak niya na pinipilit niyang iabot sa akin.
"Miss, pwede mo bang ibalik saakin ang libro ko? Imprtante kasi 'yan sa' kin." napatingin siya sa librong hawak-hawak niya.
"Ok, I'll give it back if you'll listen to me." sabi nito.
"Ok." maikli kong tugon, gaya ng sinabi niya, ibinalik niya nga ito.
Inilagay ko ito sa bag ko tinignan siya ng masama. Kinuha ko ang tray na naglalaman ng order ko, tsaka tumayo.
"Wait! I'm not done!" bigla na lang siyang sumigaw.
Bumalik ang mga atensyon ng tao sa amin, pati ang mga tao sa labas nakatingin na saaming dalawa.
Naningkit ang mga mata ko dahil sa galit. Ano ba ang problema ng babaeng 'to sa akin?
Magsasalita na sana ako nang bigla siyang nagsalita.
"Deal is a deal, and like what I said I will give you all you want.
So just, please...I know na sinabihan mo na ako na you don't want to do this but, I'm desperate. Please just listen to me one more time. Please!" she desperately begs.
Nanatili akong nakatayo.
"Excuse me, but I have no business to the likes of you." malamig kong sabi.
Prank? If so, she's really a talented actress.
Hindi siya nagsalita ulit kaya nagsimula akong naglakad palayo sa kanya, ngunit bigla nalang siyang nagsalita.
"You need money, right? Like how desperate I was, desperado karin. If you really are, let's talk. " napatigil ako sandali, pero pinatuloy ko paglakad.
Hindi ko alam kung bakit naging mahina ang paglakad ko papalayo sa kanya, siguro dahil pagod ang mga paa ko, yun lang yun, pagod sila.
"I'll give you money. Did you forget that someone in your family needs this? It's what you said right? You said she was in a critical condition."
Someone? I want to laugh! Isn't this too accurate for it to be a coincidence? Just what the hell is happening?
"I'll give you everything you want. I, Yvonne Gilvero will give everything."
Gilvero, ha? That's why she looked familiar. Kahit na Gilvero firm lang ang alam ko, but I've heard her name before, somewhere.
After hearing that name, napaupo ako. Inilagay ko ang tray sa mesa. Lalamig na yata 'to.
"Talk." napangiti siya sa sinabi ko.
"Gaya ng sabi ko saiyo kanina, and that talk we had earlier."
This makes me sure, she had the wrong person.
"You want me to seduce him?" It couldn't be a she. I didn't see the picture na ipinakita niya kanina, but I'm a girl so it's a he.
"Yes, seduce Charles Gilvero. Make him want you. Make him crazy that he'll leave that ***** Camille. But don't you dare hurt him. You don't know Gilveros. " even threatening me
Kanina lang ay nagmamakaawa siya.
May kinuha siya sa bag niya at iniabot ito sa akin, isang brown envelope kinuha ko ito at tsaka siya nagsalita ulit.
"All of the pieces of information are in there. Everything you want to know. I arranged it so you don't have to ask anything." I thought she was joking at first, but seeing her face, this is not a prank.
"And what do I get?" tanong ko habang inilagay ang envelope sa bag, hindi ko alam kung bakit, maybe to playa along. I might need it.
"Anything you want. Money, power, if you want to be a president I'll make you one. I can give you how many buildings you want. " you don't even have to tell me that. Even I know that. From what I know Gilvero is one of the richest families in the world.
Hindi ko siya sinagot at tinignan lang siya ng maigi.
Dahil yata sa kaba niya kaya nagsimula niyang kainin ang buhok niya.
"O-okay." bigla siyang nagsalita. Inilagay niya ang bag na daladala niya. Ito yung pulang bag na hirap na hirap niyang dalhin. Ipinatong niya ito sa mesa kahit nahirapan siyang iangat ito.
"500,000. I'm sorry for giving you a small amount, for now, pero kung mag wi-withdrew ako nang malaking pera susupektahan ako nang mga magulang ko, lalo na si Charles. One million was supposed to be the down payment, sorry." malungkot niyang sabi.
ONE MILLION?! At ano raw? SMALL AMOUNT?! Don't make me laugh!
Seryoso nga talaga siya sa lahat ng ito. Hindi cheke ang ibinigay niya dahil maari lang niya itong i-cancel. You're not that dumb, Yvonne. Just this time.
So ang laman ng bag na ito ay 500,000? I was keeping a poker face all this time, but after hearing all of this...
I don't need to do dirty works for how many months if I have that much.
"Kagaya ng sabi ko sayo, here is the money, and the rest will be given when the task is done. Money or not, I will give you all you want." so it's that simple for them, huh?
"Deal. I'll do it."
Ngumiti siya sa akin. Iniabut niya ang kamay niya sa akin para makipag kamay.
"Thank you for meeting me." Sabi ko habang nakikipagkamay sa kanya. Really, thank you.
Tumingin-tingin siya sa paligid bago isinuot ulit ang sunglasses at mask niya, at tsaka lumingon ulit sa akin.
"My number is in the bag. Kahit lahat nang impormasyon ay nasa envelope nayan, you can ask me anything though there will questions that I can't answer. " sabi niya bago tumayo.
"I will be counting on you. I will meet you whenever I want, so be on time and another thing, keep me updated. And don't you dare run away with the money. Don't underestimate the Gilveros." this time no desperate tone. It was a serious one.
Patingin-tingin parin siya sa paligid habang naglalakad paalis. Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kilos niya o bibilib.
Mga ilang sandali ay nawala na siya paningin ko.
Napatingin ako sa bag. I don't even have the time to think of it.
Tumayo ako at kinuha ang malaking bag. Kahit na dalawang kamay na ang gamit ko nahihirapan parin ako dalhin ang bag.
Maglalakad na sana ako palabas nang may biglang dumating na babae na kaparehang-kapareha kami ng suot.
Napatawa ako ng mahina. Isinuot ko ang backpack ko at saka nagsimulang maglakad.
Sometimes, even if something or even someone was meant to be yours, someone can just steal them or it from you, coincidence or by choice. That's life.
Nasa pintuan parin ang babae naka tayo, may kausap siya sa cellphone habang patingin-tingin sa paligid na para bang may hinahanap.
Iniwasan ko siya ng tingin at nag patuloy sa paglalakad nang hindi ko sinadyang mabangga siya.
Nagkatinginan kami.
"Sorry." hindi niya ako pinansin at nagpatuloy sa ginagawa niya.
"WHAT?!" rinig ko kahit nasa labas na ako ng coffee shop.
Napatingin siya sa akin at sa bag. She's too late. Pumasok ako sa taxi na nasa harap ko.
"Bibilisan ko ba, iha? Mukhang may naghahabol sa'yo e. " Lumingon ako sa likod at nakitang hinahabol parin ako ng babae.
Napatawa ako ng mahina.
"Ok lang, manong. Take it easy." tumango lang siya sa akin.
Napatingin ako sa envelope na hawak-hawak ko.
Binuksan ko ang ito, may litrato ito ng lalake, mga papeles at papel na may naka sulat na cellphone number. I closed the envelope and I accidentally put it in my bag.
"Oopsie."
Seduced? Why would I bother doing something like that? I like throwing the dice, playing along but seducing is a work for a succubus. I'm not a succubus.
I smell trouble but, it's ok, it's not like I'll ever see you again.
Yvonne's POV
"You got questions?" I'm in a good mood after what happened. Finally...
("Kanina pa po ako dito. Where are you, Ma'am? ") Ang tanong sa akin ng babaeng ka deal ko. Napakunot noo ako sa tanong niya.
What does she mean? We just met earlier.
Was that not enough? What does she want me to do? Kneel in front of her?
A Gilvero kneeling in front of a commoner? Fvck that!
"Anong pinagsasabi mo?" kailangan ko na manatiling kalmado. I don't want to ruin my mood.
("Did you made a deal with a girl in a black t-shirt and in white short?") napakunot noo ulit ako dahil sa biglaan niyang tanong.
Of course, I did!
"Yes, 'yun ang sabi mo, that you'll wear a black t-shirt and white short, right?" remain calm, Yvonne. It's not what you think it is. You're not that dumb.
(That was not me. You made a deal with a wrong girl, ma'am.) And that confirms it.
"W-What should I do?" nanginginig ang kamay ko. Shit!
Yvonne, why are you so dumb! Well, I can't help it because it's my first time doing something like this myself.
It's this fvcking feeling that makes me do it myself. So dumb!
"Are you okay, ma'am?" hindi ko pinansin ang driver.
I can't believe this, I can't even believe that I, Yvonne Gilvero, an innocent woman, dirty her hands. Then, after all of this, after what I sacrificed, I made a stupid mistake?!
("Shit! The bag!") the bag? What bag-?! The money!!!
"Ughhhhh! Shit! ****!" nasabunotan ko ang sarili ko dahil sa galit, buti nalang ay hindi ko masabunotan ang driver.
My driver keeps staring at me, but I don't have time for him.
She was recommended by a friend of mine. I never saw her face. I should have asked for a picture first.
"Ughhhhh!!! So annoying! Bastard! D'ck head! Shittt! Asshole! Son of a bitch! DAMMMIIITTT!!!" Now I've lost it!
"Ma'am?"
Bumuntong hininga ako. Exhale, inhale. Ok, all good.
Well, there's no time regretting everything. Even if 500,000 is a small amount, I can't just give it to anyone, hindi ako si Kuya Will.
Bumuntong hininga ako dinial ang number niya. I have no choice. I have to call him.
"Can you find someone for me?"
ILLICIT LOVE
WRITTEN BY: SherEinsteinLock
I JUST MADE UP THE BOOK CONTENTS OF THE BOOK THAT KESIA READING.. 📖
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments