“Ivy!” sigaw ko sa bestfriend ko. May narinig akong yapag papunta sa kwarto ko, Bigla nalang bumukas yung pintuan ko.
“Ano?” tanong sya habang naka taas ang maayos at itim na itim nyang Kilay.
“Ano kasi… Diba aalis ka mamaya bibili ka Vitamins mo?” tanong ko balik sakanya saka lulapit at tumayo patungo sa kanya.
Nakikitira lang muna ako sa condo nya. Nung nalaman nya kasing nakipaghiwalay ako kay Marcus ay agad syang nagpresentang dito muna ako tumira kasi hindi raw masyadong nagagamit nya.
“Oo bibili ako ng vitamis ko at alam mo naman yun diba kasi buntis ako. “sabay pakita nya sa tyan niyang medyo kalakihan na.
“Alam mo Ilaria diko alam kong asan utak mo kung nasa tuktok ba ng ulo mo nasa paa mo. Antanga mo masyado” dakdak nya sakin habang naka pamaywang. Nabibigatan ata to sa tyan nya.
“Andami mong sinabi babae ka. Oo o hindi lang sagot nun andaming sinabi” sabay irap ko sakanya.
“Oh sya ano ba ipapabili mo sakin para makababa nako at makapag handa na nung niluluto ni Camilla dun sa baba” mahabang lintaya nya sakin.
Si Camilla ay isa ring kaibigan namin bale tatlo kami. Si ate Camilla yung pinaka matanda samin sumunod ako at bunso naman tong buntis samin, sya ang unang nabuntis samin at thanks god naman eh pinagutan ng boyfriend nya.
“Ano sana… pregnancy test…” pag aalangan kong sambit sa kanya.
Tumingin sya sakin at tinaasan na naman ako ng kilay nya. Kahit kelan talaga ang arte.
“Yun lang?” tanong nya habang nakataas parin kilay nya sakin.
“IVY! ALONA! BUMABA NA NGA KAYO DYAN! LALAMIG NA TONG PAGKAIN NATIN!” Rinig naming sigaw mula sa baba at alam naming pareho na si Ate Camilla yun.
Bumaba naman agad kami at kumain pag katapos nun sinundo na si Ivy ng boyfriend nya para umuwi sa bahay nila, hindi pa sila kasal kasi ayaw ng maarteng Ivy na maglakad sa altar na nauuna raw ang tyan nya kaya ayun, next year nalang daw.
Si Ate naman ay umalis na rin sumabay na kila Ivy bumaba. Nagmamadali nga kasi may emergency sa farm nila may kulang daw na abuno yung naisupply.
May boyfriend sya kalive-in na nga. Ako lang talaga tong atat na atat magpakasal.
Sa sobrang atat one sided love ang nangyare. Tatayo sana ako at kukuha ng tubig ng tumunog ang cellphone ko.
From: Marcus Hunter <3
Where are you?
Tinitigan ko ng matagal ang cellphone na parang di makapaniwalang magtetext ito. Ito ang unang mensaheng natangap ko mula nung umalis ako sa puder nya.
Teka ilang araw na ba akong nasa condo ni Ivy?
Mag dadalawang lingo na pala.
Hindi ko nalang pinansin at pinatay nalang ang telepeno. Hindi nya alam na andito ako sa mga kaibigan ko, imposibleng hindi nya alam eh isa sya sa pinaka maimpluwensya at maperang tao, nakakapag taka lang hindi nya alam kung asan ako.
Naglakad nalang ako pabalik sa kwarto ko.
Humiga a lamabot na kama at diretsahang tumingin sa putting kisame.
Hindi ko namamalayan na may tumulo parang mga butil na luha sa aking pisnge.
Iba pag yung nagmamahal na yung napagod nagiging bato at parang wala ng pakealam sa taong nakasakit sakanya.
Napapagod rin pala ang martir na tulad ko.
“Mahal kita Marcus pero sarili ko muna ang uunahin ko. Naubos ako, napudpud sa pagmamahal na akala ko masusuklian. Ako naman, sarili ko naman” mahinang saad at may kasamang mahinang hikbi.
Pinikit ko ang mga mata ko at tuluyan ng nilamon ng kadiliman.
………………….
[@frenchfr1es_]
Sana nagustuhan nyo. Mag vote at comment yung mga magaganda’t gwapo dyan!
Labyuuuuuuuuuuu<3
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments