An Exceptional Warmth (S1)

An Exceptional Warmth (S1)

Prologue.

First, this is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Second, plagiarism is a dangerous act, a crime. And it is a fact though it is not literally punishable by law. I have not allowed, nor will I in the future allow, anyone to copy, post or distribute my work with the intention of claiming it as their own work. Be careful with our acts, people.

Third, I am not a professional writer. Within the story, you may encounter loopholes, boring scenes, some fillers and the most common, grammatical and spelling errors. I am open for criticisms and suggestions about writing. I will truly appreciate if you do so.

Fourth, I'm not sure about matured content but only time can tell. Just be aware of that in case you will expect rated SPG scenes. Maybe a little hook will do but bed scenes? I don't know. This ain't made solely for that so it depends.

Fifth, I create my characters based on my inner feelings. You might encounter red flag characters, attitudes and personalities but I don't promote them to be idolized. Either that's how I express my feelings when in real life I couldn't or I created them that way to have a character development or they also could be a lesson. You can hate them all you want and have your own opinion about them but I know myself their purpose.

And lastly, this may contain strong language (curses) and violence (physical and sexual assault, abuse, etc.) that is not suitable for young children. I won't write warning chpater by chapter because I often forgot so please read at your own risk.

Thank you for your interest in my story. But please, don't expect a lot so you won't be disappointed. I am new to writing and still adjusting. I will try my best to do better. Thank you again, people.

©kiameuire

***

Kev.

"Ano kana ba, Kev? Hindi ba't inihabilin ko sayo kanina na maglinis ka ng bahay? Ano 'tong nadatnan ko? Ang kalat! Nakakaimbyerna ka!"

Para akong bumigay na pader pagkabagsak ko sa kama. Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon marahas na bumuntong hininga nang paulit-ulit. Sa tinagal ay parang nagbabadya na rin ang mga luha ko, napigilan lang nung marinig ang papalapit kong ina sa kwarto ko.

"Ano? Tinatalikuran mo ako? Naririndi ka?!" Sigaw niya habang kinakalabog ang pinto. Lalo kong isinubsob ang mukha ko sa unan kahit na hindi na ako halos makahinga. "Bastos ka talaga! Sige, d'yan kana habangbuhay! 'Wag kang lalabas!"

Naupo ako sa kama nung marinig kong wala na siya. Pinunasan ko ang ilalim ng mga mata ko dahil nabasa na 'yon ng luha saka ako yumakap sa unan. Sa gano'ng paraan, nac-comfort ko ang sarili ko.

Grabe. Ang lupet niya, sa sobrang lupet ay malapit ko na siyang hindi matantsa.

Naiintindihan ko ang galit niya dahil nakakainis nga namang umuwi nang makalat ang bahay pero jusko. Kakauwi ko lang rin kaya mula sa school. Hindi lang siya ang pagod dito, ako rin.

Hindi ko naman kase inaasahan na mag-overtime ang practice ko kaya ang oras ko dapat na naglilinis ng bahay ay ipinagpa-practice ko pa roon sa school.

Pareho lang kaming pagod. Ako nga, maglilinis pa kapag nakapagbihis na ako samantalang siya ay didiretso sa pagpapaka-senyorita. Tangina, hindi ba siya makapaghintay?

Tumayo rin ako pagkatapos ng ilang minutong pagninilay-nilay. Inayos ko ang sarili ko. Nagpalit ako ng pambahay saka naghilamos sa CR. Ayokong may bakas ng pag-iyak ko dahil baka pati 'yon ay punain niya pa. Napaka-judgemental pa naman niyang ina. Lahat napapansin.

Paglabas ng kwarto ay tahimik akong naglinis sa salas. Marumi roon dahil sa alikabok sa sahig, dinaig pa 'yung sahig sa labas kase para silang mga may katulong kung idiretso ang sapatos sa loob. Hindi naman masisipag magsipagwalis, putangina.

Bumuntong hininga ako.

Lampas isang oras akong naglinis sa sobrang dumi ng bahay. Binilisan ko lang dahil ramdam ko na ang pagod sa buong katawan ko.

Nakatulog na nga ako nang hindi naghahapunan e at hindi man lang ata nila ako ginising o baka sadyang nahirapan lang talaga silang gisingin ako.

Ganoon ang ganap dito sa bahay sa bawat araw na dadaan. Mistula na akong katulong dito na may libreng pabahay pero walang pasahod. 'Yung pag-aaral ko ay libre dahil naka-public school ako tapos 'yung mga miscellaneous pa ay ako rin ang dumidiskarte para sa sarili ko, maiwasan lang ang bunganga ni Mama.

Ang galing 'no. Kailangan ko pang mahiya sa kaniya samantalang dapat naman talaga niyang gastusan ang mga bagay na 'yon bilang nanay ko.

At never rin akong humingi sa asawa niya ng pera dahil ayoko. Hindi kami close, hindi siya ang ama ko at galit ako sa kaniya. Hanggang mamatay ako, dadalhin ko 'tong galit ko sa kaniya.

Muli akong napabuntong hininga, nakatingin sa labas ng bintana ng kwarto ko.

Sa totoo lang, nakakapagod silang lahat. Malapit-lapit na akong sumuko sa buhay ko. Pero ayoko rin namang mamatay. May mga gusto pa akong maabot, 'yung pangarap ko at pangarap sakin ng tatay ko.

Siya ang pangunahing inspirasyon ko sa buhay. Kaya kahit ang daming hadlang at rejections na humaharang sakin na makapaghanap ako ng trabaho para may maipang-gastos sa lecheng buhay na 'to, iniinda ko.

Sino ba naman kasing magh-hire sa sixteen years old na walang experience tapos maldita pa? Edi binugaw ko pa 'yung customer.

"Talagang pinupush mo 'yang goal mo ah? Sure ka bang mapapanindigan mo 'yan if ever na magkatrabaho ka nga?"

Tumango-tango ako kay Aly, best friend ko. "Sure na sure."

Isang araw sa school, free time dahil walang teacher, nagkaroon kami ng meeting ng mga kaibigan ko. Para kaming mga tanga. Meeting meeting, e magdadaldalan lang naman kami tungkol sa paghahanap ko ng trabaho.

"Sus, sa tamad mong 'yan?" Pambabara ni Sei. Tumango-tango rin si Miguel kaya pareho ko silang hinampas sa mukha.

"Tamad pa ako sa lagay na 'to ah?"

Matagal ko na silang kasama sa buhay ko kaya alam nila ang buhay ko sa bahay. Saksi sila sa pagiging katulong ko. At kahit ginagago-gago nila ako madalas kagaya ngayon, alam kong nakahanda lang sila d'yan kapag kinailangan ko sila.

"Nag-aalala lang kami, dre. Ngayon pa nga lang na school works, gawaing bahay at practice ng sayaw ang inaatupag mo e bumibigay kana. Ano pa 'yung dadagdagan mo?" sabi uli ni Aly.

Hinawakan ko ang kamay niya. "Bahala na si batman. Kung hindi ko kaya, edi titigil. Kung kakayanin, edi tutuloy. Depende sa mood ko."

"Wow, pwede na i-MMK," sarkastikong sumabat na naman ng walang hiyang si Sei. Nabatukan tuloy ni Vien. "Aray!"

Nginiwian lang siya. "Sumeryoso ka naman. Para kang tanga."

"Paanong hindi matatanga e palagi niyo kong dinadale sa ulo. Tapos magrereklamo kayo?" Asik ni Sei, nagpout pa habang salubong ang mga kilay. Pinandilatan naman siya ng mata ni Vien, wala lang pakialam.

"Maghahanap ka ulit mamaya after class?" Bumaling nalang siya sakin at tumango naman ako. "Sama ako. Wala akong gagawin mamaya."

"Ako rin," sabi rin ni Aly, ang lawak ng ngiti sa labi.

"Same same. Sama na tayong lahat!" Ang sigla ni Miguel, parang nakahithit na naman ng vitamin C niya. Vitamin crush.

Kabaligtaran ni Sei na na-tanga ni Vien kaya nagtampo. "Ayoko! Kayo nalang! Inaaway niyo naman ako!" Nag-walk out pa si tanga. Akala niya may hahabol sa kaniya pero wala kaya siya rin ang bumalik. "Bakit hindi niyo ko hinabol? Hindi niyo talaga ako mahal!"

"Talagang walang magmamahal sayo dahil abno ka. Tumigil ka nga. Sasama ka ba o hindi?" Kinunutan ko siya ng noo.

"Sasama! Basta ililibre niyo ko," biglang ngisi niya.

Maayos na maayos na ang usapan naming lima. Magkikita sa gate sa uwian at magj-job hunting. Nagsiplano na nga rin sa group chat ng kakainan 'yun pala masasabutahe. Nagkaroon na naman ng biglaang practice.

Mula noon, nagtuloy-tuloy na ang practice kaya nagsalpukan ang mga schedule ko. Kinailangan ko pa tuloy i-give up ang job hunting para makahinga naman ako kahit papaano.

"Mabuti naman at malinis ang bahay. Himala," komento ng ermats ko habang naghahapunan kaming pamilya. Ay hindi pala, 'yung isa nga pala rito ay sabit lang.

"'Wag kang magsimula, Lai. Pagod ang anak mo. Nagpractice 'yan tapos naglinis pa." Saway kay Mama nung lecheng sabit slash tatay ng kapatid ko. Magkaiba kami ng ama. Bagong asawa ang tatay niya na kalaguyo ni Mama noon.

Napakapangit pakinggan. Kasing pangit ng pamilya'ng 'to mula noong namatay ang papa ko dahil sa panggagago nila.

Kaya siguro ganito nalang ang pakikitungo at pangbabackstab ko sa isip ko kay Mama. Noon ay napakabuti at napakabait kong anak sa kaniya. Kahit anong palo at sermon niya ay hindi ko siya sinasagot-sagot.

Pero nung malaman ko na nagloko siya tapos naging rason pa ng heart attack ni Papa, doon umusbong 'yung galit ko sa kaniya. At kahit ano pang bait ng asawa niya ngayon, wala akong kahit na katiting na amor para sa kagaya niyang.. nanira sa pamilya ko.

"Ah! Aray! Ang sakit, Kev! May galit ka ba sakin!"

Mula nung maisip ko na naman ang papa ko ay hanggang sa school, nadala ko ang galit ko. Kagaya nalang ngayon. Halos durugin ko na pala ang braso ni Miguel sa higpit ng kapit ko.

"Sorry! Sorry!" Aligaga kong minasahe ang braso niya. Namula e.

"Ang sakit, Kev! Bakit ba ang sama na naman ng loob mo?" Maluha-luha na si Miguel kaya natawa ako. Idinikit ko 'yung yelo ng tubig ko sa braso niya.

"Sorry! Sinadya lang," biro ko pero deep inside, naalarma ako. Sinapian na naman ako, bwiset.

Naguilty ako sa nangyari. No'ng tumagal pa ay mas namula ang braso niya kaya in-offer-an ko na lang ng libre sa break time bilang peace offering kahit 'yung pera ko e kakaunti lang at tinatabi-tabi ko pa for future use.

"'Yan, alalayan mo ko. Bumawi ka dahil ang sakit. Baka mamaya mamaga pa ang braso ko. Kaano-ano mo ba si The Hulk?" Biro ni Miguel nung papasok na kami sa cafeteria.

"Anak," epal ni Sei sabay tawa. Napairap naman ako.

Pinauna nila kami ni Miguel sa mga table para kami na ang maghanap kase ang pabebe ni Miguel. Hindi raw niya kayang magbuhat ng tray, kingina. Para namang siya ang pagbubuhatin namin. 'Yung tatlong babae na lang ang bumili.

Habang naghahanap ng table na kasya kaming lima, panay ang kalokohan ni Miguel sakin. Kung ano-ano ang pinagsasabi. Puro biro, corny naman. Nagtatanong pa siya sakin pero hindi ko pinansin lalo na nung may mahagip ang mga mata ko sa tabi-tabi.

Kung ano 'yun, isang gwapong lalaki lang naman na naka-complete proper uniform na umiinom ng iced tea sa kaliwa ko, tatlong table ang layo.

Maraming gwapo sa loob ng cafeteria pero itong isang 'to talaga 'yung pinaka-nangibabaw sakin. Nahirapan pa akong alisin ang tingin sa kaniya sa sobrang gwapo niya. Ay, wait. Correction, hindi siya sobrang gwapo. Saktong gwapo lang tsaka ano lang.. anong term nga 'yon?

Ayon! Ma-appeal!

Maputi siya, mapayat, tahimik at mukhang matangkad kapag tumayo. Malinis rin siyang tignan na parang mahihiya 'yung germs na dumikit sa kaniya. Plus 'yung buhok niya talaga 'yung nagdala. Mala-pinterest boy gano'n.

Kaya lang mukhang masungit. Pero okay lang, mas masungit mas may thrill. Haha!

Normal na normal ang kilos niya, kumakain lang, pero ang lakas ng appeal. Kaya parang nam-magnet ang mata ko sa kaniya. Tapos ang bango pa niyang tignan.

Bakit ngayon ko lang kaya siya nakita sa tinagal-tagal kong estudyante dito?

Parang gusto ko na tuloy siyang maging crush. Kung tutuusin rin naman, five years na akong walang crush. Nakalimutan ko na ang feeling kung paano lumandi. Para rin madagdagan 'yung mga inspirasyon ko na bumangon pa sa umaga.

Busy ako sa pagpapantasya sa lalaking 'yon nung pitikin ng kupal na si Miguel ang tenga ko.

"Aray, puta!" Sigaw ko sa sakit. Napalakas nga lang kaya napatingin sakin ang mga estudyante. Buti malayo samin si ano. Hinampas ko naman si Miguel sa balikat. "Bakit ka ba namimitik? Pitikin rin kita dyan!"

"Bakit ba kase lutang kana naman?" Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

"Lutang lutang. Tara na nga at baka lalo kong durugin 'yang braso mo!" Marahas ko siyang hinila sa natanaw kong table. Saglit pa akong sumulyap sa table nung lalaki pero napabulong nalang ako ng 'aww' nung makitang may katabi na siyang babae.

Awit may bebe pa ata.

"Hala, si ex oh. Kasama 'yung bago niyang bebe," tukso ni Miguel kay Aly.

Tinuro naman ni Aly ang tinidor niya kay Miguel. Nananahimik siyang kumakain tapos eepal 'tong pilantod ang braso. "Anong gusto mo? Away, gulo?"

"Pwede both?"

Na-stress ang bangs ni Aly sa sariling kapatid. Salamat na lang kay lord na hindi ganyan ang kapatid ko. Pinagtripan pa ni Miguel si Aly pero hindi na ako nakisali.

Abala ako masyado kay crush. Oo, crush na. Final na this. Kaya lang parang may jowa. Pero feeling ko rin hindi sila. Pwede namang friends lang. Tama, think positive.

"Shit."

Mabilis akong nag-iwas ng tingin nung mapalingon 'yung lalaki sa direksyon ko. Nagtaka ang mga kaibigan ko at nagsitinginan sa tinitignan ko kaya napamura ulit ako.

"Naku po, crush crush," parinig ni Sei.

"Sino d'yan?" Usisa ni Vien. Panay ang lingon ng ulo sa gawi na tinitignan ko kanina.

May tinuro si Aly, "Baka 'yon. 'Yung may salamin."

Tinignan ko siya ng may pandidiri. Hindi 'yun ang tinitignan ko pero ayoko naman magsalita kung sino. Ka-stress!

"Baka si Kenzo. 'Yung may katabing babae sa kaliwa." Si Miguel.

Nanlaki ang mga mata ko. Kilala niya 'yon? Sabagay, kapareho ng kulay ng lace. So one year ahead pala siya sakin.

"Naks, gwapo ang target," nginisian ako ni Vien at tinignan ng nakakaloko. "Crush mo?"

"Hindi."

"Weh," sabay-sabay pa ang mga gaga.

Nag-isip pa ako kung aamin ba ako or what. Ayoko kasing pestehin nila ako tungkol dito kaso hindi rin naman sila titigil hangga't hindi nila nakukuha ang gusto nilang sagot.

"Ewan. Siguro. Baka. Malay ko." Sabi ko na lang.

"Ang daming ebas. Syempre, crush niya 'yan! Hindi naman niya lilingon-lingunin 'yan kung hindi." Ang lakas ng bunganga ni Sei, hayop.

"First time after so many years!" Pati si Aly nang-aasar na rin.

Pinagtulungan nila akong lahat kaya parang nagdidilim ang paningin ko. Buti na lang nakikita ko si Kenzo, siya ang nagsisilbing kandila sa paningin ko.

Tangina, ew! Cringe!

"Turuan kita ng hokage moves." Kumindat sakin si Sei.

Tinignan ko siya ng may iritasyon. "Kelan ka pa naging expert?"

"Ganito lang 'yan. Sabihin mo hi crush, sana off na lang 'yung ilaw. Bakit? Para tayo na lang mag-on. Panis!"

"Corny!" Nagtawanan silang lahat pero ako? Umastang nasuka.

"Meron pa, chill," ngumisi lalo si Sei. Napasampal na lang ako sa mukha ko. "Sabihin mo.. ang galing mo din ano? Hindi mo pa ako binabato, tinamaan na ako sayo. Boom!"

"Hahaha!"

"Pili, dre! Pagtyagaan mo na kahit corny, hahaha!"

Napapikit nalang ako.

Bwiset. Sa bwiset ko, napasama ang tingin ko kay Kenzo nung tumingin ako sa pwesto nila. Nakikinig siya sa mga kaibigan niya kaya hindi ko inaasahan na lilingon siya sakin.

Iwas tingin agad ako, syempre. Parang mah-heart attack ako sa kaba. Nakita niya kaya akong nakatingin? Takte, ang bobo ko kase. Inutil!

Hindi pa ako nadala roon. Umisa pa ulit ako ng tingin para i-check kung nakita nga niya ako. Hindi na siya nakatingin sakin pero feeling ko talaga nahuli niya ako. Putangines.

Nakakahiya ka talaga, Kev.

Mad-depress sana ako kaso naalala kong crush ko lang naman siya few minutes ago.

Crush ko lang naman siya. LANG.

Sino ba siya? Oo, crush ko siya. Pero hindi worth it madepress dahil sa lalaki 'no. Saka na lang kapag cinrushback niya na ako. Diba 'no, Lord? Char.

***

Sei is pronounced as Say (as in tagalog) not Sey.

Episodes
Episodes

Updated 1 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play