"Hasis and the Bullies"

....

~catches everyone's attention~

"Eh? Bakit si Cyrus ang sumigaw? 0.o ?" – nagtatakang tanong namin. Sabay-sabay pa kami. Bakit nga ba?

"Akala ko ba tatalapirin mo sya?"

What happened? Why he's the one who shouted and why does he hold his feet?

"Cyrus, anong nangyari sa'yo?" – sabi pa ni Prist. Tumango naman sila.

"What the hell! You! Monster! Pagbabayaran mo ang pag-apak mo sa paa ko!!! Urgggghhhhh..." – sigaw ni Cyrus kaya naagaw ang atensyon ng mga estupidante dito sa loob ng cafeteria at nagsimula na nga po silang magbulong-bulungan. Mga chismoso't chismosa talaga nag-evolve na as a Marites.

However, yung halimaw naman na sinasabi ni Cyrus...ayun naglalakad paalis na parang walang Cyrus na sumisigaw. Poor Cyrus!

"ARAY!!! Ang sakit!! Hoy! Bumalik ka ritong halimaw ka! Humanda ka sakin! ARAY!" – mukhang napuruhan si Cyrus! Hahaha...

"Kawawa ka naman dude.. haha.." – ang epic ng mukha nya. Akalain ninyong darating ang araw na babaliktad ang mundo? Hahaha, I guess, dumating na ang katapat ni Cyrus hehe...✌️

"Nakuha mo!'kaw kasi eh minsan kasi bawas-bawasan mo 'yang pang-aasar mo, minamalas ka na tuloy! Mamaya madamay pa kami!" – naasar sya lalo sa sinabi ni Merck.

"Oo nga! Yan tuloy!" – gatong pa ni Joz.

"Tsk! Kaibigan ko ba talaga kayo?!"

"Ewan ko ha!"

"Anong itinitingin-tingin nyo ha?! Tapos na ang palabas!!!" - bwiset na bwiset na sya haha...I didn't know that someone can actually made Cyrus hurt physically hahaha...

"Hahaha.." – iyan kasi!

"Patay ka sa'kin!" - bulong pa nya. Hay naku! Tigas talaga ng ulo nya.

___________________________________

~HASIS POINT OF VIEW~

Kung hindi niya iniharang ang paa nya hindi ko 'yun aapakan kaso nakakalat kasi kaya ayun, kasalanan na niya iyon.

Sa unang araw ko rito, sa aking palagay, hindi ako malalayo sa gulo. Mali ang parusang pagbabago ni tanda. Mas lalala pa ang lahat panigurado.

Sobrang bilis matapos nang araw, dismissal na agad. Gaya nang dati, boring talaga sa paaralan. Sighed. Kailangan ko pa nga palang antayin ang susundo sa akin! Wala kasing tiwala sa'kin si tanda.

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon kusang nagpapakita..." – tsk! Sila na naman! Inirapan ko nga kahit na alam kong di nila makikita ang pag-irap ko. Sayang!

"Seriously Cyrus?.." – iling na sabi ng kanyang barkada. If I know pati sila gusto akong asarin. Bahala sila. 😒

Hindi ko na lamang sila pinansin dahil alam kong masasayang lamang ang oras ko.

"Hoy halimaw! Patay ka sa'kin!" – sigaw nung isa. Sigurado akong sya yung pakalat-kalat ang paa. Mas malakas pa ang boses nya sa tugtog na pinapakinggan ko. Nakalimutan kong sabihin sa inyo na may suot akong earphones, hilig ko talaga ang makinig ng musika kahit minsan hindi ko maunawaan ang nais iparating.

"HOY!" – lalaki ba talaga sya? Kung maka-sigaw daig pa ang babae eh! Nakakairita!

Tsk! Panlisikan ko kaya ng mata?! -_-

________________________________

~ JOZ'S POINT OF VIEW ~

Sa wakas tapos na ang klase. Naglalakad na kami palabas at kanina pa ang paghihimutok nitong si Cyrus tungkol dun sa halimaw daw. Hindi tuloy namin mapigilang huminga nang malalim. Sabagay namaga nga naman yung paa nya buti na lang talaga 'di malma , halimaw nga talaga yung babae. Katakot sya!

Speaking off... iyon ang halimaw sa may puno, nakatayo at nakatalikod sya sa amin. May iniintay siguro? Hmm...

"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon kusang nagpapakita..." – biglang imik nitong galit na tigre.

"Seriously Cyrus?.." – iling na sabi ni Merck. Naku po!

Lahat talaga pinapatulan niya, wala siyang pinalalagpas eh. Well anyway, that's Cyrus. May pinagdadaanan kasi siyang mabigat kaya't sa ganitong paraan na lamang siya nagsasaya.

"Hoy halimaw! Patay ka sa'kin!" – sigaw na naman niya pero mukhang hindi naman siya naririnig nung sinisigawan nya. Bingi yata.

"HOY!"

Unti-unti kaming lumapit sa kaniya, nakalimutan ko ang pangalan niya. Halimaw ang tawag sa kaniya pero sa totoo lang naku-cute-tan ako sa kanya. Hehe...

"Hey! Hindi mo ba ako narinig?!" - he suddenly grabs her arms and makes her lose her balance.

"Ow shoot!"  I was about to help her when Prist...already did. Wow.

...

"Prist?! Bitawan mo nga ang babaeng iyan!"

"Bakit mo sya tinulungan?"

I saw Cyrus cross his eyebrows at hinaltak ang babae upang makawala sa bisig ni Prist, this time natumba sya sa sahig at nahulog ang kaniyang cap.

"Wala syang mukha!"

Akala ko makikita ko na ang mukha niya but she has a bangs...aww.

"You deserve more than that you know?"

Dahan-dahang umupo si Cyrus para makatapat niya ang babae. He looks like he will eat her alive. Nag-iba kasi bigla ang kanyang boses mula sa pagkairita ay naging seryosong...halimaw.hehe...

"I'll let you pay for what you did to me today. I'll make sure your high school life will be -"

Hindi pa tapos umimik si Cyrus nang bigla siyang tumayo at pinagpagan ang kaniyang damit.

"jhgjfhsdhgsgj" - at may ibinulong siya sa tainga ni Cyrus na hindi namin alam kung ano.

"What?!"

I wonder what she mumbled to him.

She's about to go when Drake pops up on her way.

"Merck, showtime!"

Since kaibigan namin si Cyrus at katuwang namin sa mga kalokohang gaya nito, pinalibutan namin 'yung cute na halimaw at inilabas naman ni Merck ang phone nya to take a video of course. It will definitely play in the campus tomorrow.

"Hahaha...I was not planning to do any with you today pero dahil maganda ang panahon ngayon, let's play." - as expected.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play