Episode 2

~Lincoln pov

Panibagong araw na naman, saktong 5:00 ako nagising, mga ilang minuto ang dumaan ay tapos na ako sa pagkain at pagligo, nagsuot na ako ng uniform at naghanda na sa pagpasok, Nasanay na akong pumasok ng ganitong kaaga.

Maglakad ako papunta sa sakayan at sumakay muli sa bus.

Mga ilang minuto ang lumipas nasa school na ako, sobrang ganda parin dito grabe, Hindi talaga ako makapaniwala na nakapag-aral ako dito.

Pumasok na ako sa gate at ipinakita sa guard ang I'd, Isa sa rason ko Kung bakit maaga akong pumapasok eh nasa akin ang susi ng room namin.

Nasa tapat na ako ng room namin medyo paliwanag na naman ang araw, padami ng padami ang mga tao sa room namin, time check 6:50 Wala parin ang hinihintay kong tao, na saan na Kaya Yun.

Mga ilang minuto ang lumipas at dumating na ang kaibigan kong hinihintay,si Marco.

"Marco" agaw pansing tawag ko dito.

"Oy!Lincoln....hi!"

Umupo ito sa tabi ng upuan ko.

"Iba na daw ang ang may-ari ng coffee shop?" Tanong ko, matagal syang napatitig sa akin.

"Oo pasensya na hindi ko nasabi agad, ang dami kasi naming problema yung kompanya namin nalulugi na pati narin Yung coffee shop nadamay, sorry ha" sagot nito

"Huwag ka nga mag-sorry, para Kang sira, okay Lang Yun" patawa kong sambit.

"Hindi sorry talaga tutulungan kitang humanap ng trabaho"

"Ha bakit? Ipapagiba ba nila yung coffee shop?" Tanong ko muli.

"Hindi, Hindi." sagot nito.

"Masama ang ugali ng taong bagong nag mamay-ari nung coffee shop, nakakinis kasi na pati yung coffee shop idinamay nya, pinaghirapan kaya yun ni Mommy" dugtong nito.

Nalungkot naman ako sa sinabi nito, Oo nga naman batkit idinamay pati yung coffee shop.

"Mabuti pa mag-resign ka na hanggat maaga pa" Sabi muli nito.

"Hindi na talaga kasi sa amin ngayon iyon" dugtong muli nito.

Bigla namang dumating si ma'am Kaya't umayos na kami ng upo mgumiti Naman ako sa kanya bilang pag sang-ayon sa dito. Mabuti nalang na mag-resign ako Kasi tama yung mga narinig ko kahapon. Ngayon na ang huling trabaho ko don.

Tatanungin ko nalang ulit sya mamaya sa ibang bagay.

Ilang oras na ang lumipas at break time na namin, sabay kaming lumabas para makakain na, umorder na kami at umupo sa bakanteng upuan.

"Ahh Marco, Paano na kayo ngayon?" Tanong ko dito habang kumakain.

"Shhh wag Kang mag-alala, gagawa daw ng paraan si papa, may isang buwan pa kami para makapag bayad si papa ng utang, pag nabayaran namin iyong babalik sa amin ang lahat, pag hindi naman wala na talaga" sagot nito.

"Pasensya na alam kong wala akong maitutulong sa inyo, kapag nagkakaproblema ako lagi kayong nandyan para damayan ako, para tulungan ako....tapos-"

"Hey! Wag ka ngang ganyan kaya namin toh maibabalik naman yun, ok ba? Putol nito sa sinasabi ko.

"Aba dapat lang, Kaya nyo yan, maibabalik nyo lahat ng nawala sa inyo."pampalubag loob ko sa kanya.

Tumawa Naman siya sa at nakitawa na rin ako, buti naman tumawa at ngumiti na sya ngayon kanina kasi hindi maipinta ang mukha nito.

Ilang minuto ay natapos narin kaming kumain bumalik na kami sa aming classroom.

Nang nakabalik kami sa classroom ay naghanda na kami sa paglipat, hindi kame magkaklase sa isang subject.

Mga ilang oras ang lumipas at uwian na namin, time check 4:30.

Nagyaya si Marco na ihahatid nya na daw ako sa coffee shop at hindi naman ako tumanggi.

Malapit na kami sa coffee shop ng magsalita ito.

"Ah nga pala yung may-ari nitong school sya yung may-ari ng coffee shop ngayun." Nagulat ako sa sinabi nito.

Hindi ko pa naman nakikita ang may-ari nitong school hindi ko rin naman kilala, hindi ko rin alam ang pangalan nito.

Bigla ko namang naalala ang sinabi ng isa kong katrabaho kahapon.

"𝘔𝘢𝘵𝘵𝘩𝘦𝘸 𝘥𝘢𝘸 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘭𝘢𝘯"

"Matthew"pabulong kong sabi sa aking sarili.

Episodes
Episodes

Updated 2 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play