Before I Say Goodbye
D I S C L A I M E R:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.
Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME
ALL RIGHT RESERVED
- c a i m c t h r s s -
P R O L O G U E
"Lumayas ka sa pamamahay na ito! Isa kang malas at mamamatay tao!"Sigaw ni Mommy sa akin habang sinasabunutan ako.
Patuloy parin ang pag-agus ng mga luha ko. Kahit na masakit ang ginagawa ni Mommy sa akin pinabayaan ko na lang alam ko kasing ako talaga ang may kasalanan. Isa naman talaga akong mamamatay tao.
"Dahil sayo nagkaleche leche na ang buhay namin at ngayon naman pati si Cassandra pinatay mo!" Inuumpog na ang ulo ko sa pader namin.
Gusto kung sumagot pero alam kong hindi iyon sapat upang tumigil si Mommy. Sanay na ako sa pambubugbog ng mga tao dito sa bahay at alam ko din na kahit humingi ako ng tulong walang kakampi sa akin dahil nga isa akong malas at mamamatay tao.
Hawak hawak nang mahigpit ni Mommy ang aking buhok na pati anit ko matatanggal na ata. Ang sakit na sobra pero patuloy pa din siya. Maya maya pa nakita ko na lang ang sarili ko na nahuhulog na sa hagdan. Hindi ko alam na ganito na lang ako mamatay.
"Yan ang bagay sayo! Dapat ikaw na lang ang namatay! Bakit ba hindi ka mamatay matay! Piste ka! Piste!" rinig kung sigaw ni Mommy.
Hilong hilo na ako sa pagkahulog ko sa hagdan.Nagpapasalamat na lang ako na hindi gaano kataasan ang hagdan namin. Habang sapu-sapo ko ang ulo ko may nakapa akong dugo. Sinikap kung makatayo upang makaalis na sa pamamahay na ito. Tama na, hindi ko na talaga kaya. Suko na ako.
Hinay hinay akong tumayo kahit na masakit ang ulo ko. Sa pagtayo ko nakita ko si Lolo na hawak ang baston niya sa harapan ko at bigla na lang akong hinampas ng baston sa tuhod ko. Halos sumigaw ako sa sobrang sakit. Feeling ko baling bali na ang mga buto ko sa katawan. Iyak lang ako nang iyak habang sige parin sa pagpalo sa akin.
"Pinatay mo ang apo ko! Ang apo ko na walang ginawa sayo! Bagay lang yan sayo! Dapat mamatay ka na! Wala kang kwenta!" At mas lalo pa niyang nilakasan ang paghampas sa akin.
"T-ttaamma na po, please." magmamakaawa ko sa kanya. Wala akong magawa kundi protektahan ang aking uli na puro na dugo. Mawawalan na ako ng malay pero hindi pa rin siya tumitigil.
"Hindi ka namin titigilan habang hindi ka pa namatay!" sagot ni Mommy.
"Yan ang nababagay sayo!" ani ni Lolo. "Cielo, dalhin mo siya sa malayong bangin at ihulog para mamatay na talaga!" Tawag ni Lolo kay Cielo, ang Kuya ko na kararating lang.
Hmm, sa wakas matatapos na ang paghihirap ko. Makakalaya na ako sa lahat ng mga sakit at pasakit na naranasan ko sa sarili kong pamilya.
Sa pagmulat ng mga mata ko karga karga ako ni Cielo na parang nagpapasan ng baboy na idedeliver sa palengke.Sinubukan kong tumingin sa paligid ko pero hilong hilo na ako at ang naaninag ko lang ay iyong head light na nang gagaling sa sasakyan niya. Bigla na lang akong binitawan at pilit na pinapatayo.
Hindi pa ako nakakatayo ng bumulong sa akin si Cielo "This is a goodbye,Han."bulong ni Cielo sa tenga ko at walang sabi sabing tinulak niya ako ng napakalakas.
I smile bitterly.
Indeed it's a goodbye.
Finally, I can smile now freely. Finally, sasaya na sila. Finally, sasaya na din ako.
For me, this is a happiest goodbye.
Rest now self. Permanently.
tb
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments
Lou
nice first chap, i'm liking it so far! i have an offer for u regarding this work, is there any way i can reach out to you? :)
2022-08-12
0