Chapter 2:Transfer part 2

Pero parang wala akong makita. Hindi ako bulag hindi ko lang talaga mahanap yung room.

Hangang sa may makita akong classroom na may pangalan sa tabing pinto. Section lang yung nakalagay pero may naiwang marka na obvious naman na letter E...

Baka ito na yun!!!

Agad akong pumasok. Napahinto pa yung mga istudyante ng makita ako. Mga nasa 20 student din sila. Hinahanap ko yung teacher pero wala sya. Kaya naman dumiretso na ko sa bakanteng upuan sa likod. Nakasunod pa rin sakin mga mata nila.

"May transferee?"

"Chicks pre!"

"May bago pala tayo..."

Bulugan nila. Sa totoo lang nahihiya ako o mas tamang sabihing naiirita. Ayoko ng pinag-uusapan ako at halatang ipaparinig sayo na ikaw ang topic nila. Napayuko nalang ako habang nakayakap sa bag ko.

"Hi!" May lumapit at bumati sakin."

Tinignan ko sya at isang babae ang bumungad sakin. Magandang nilalang... Hehehe... Anghel ka ba?!

Maganda kasi sya. Ang haba ng buhok nya at puti-puti nya. Matangkad din sya tignan. Mukang mas matangkad pa sakin.

"H-hello po..." Bati ko. Nahihiya kasi ako.

"Wag mo na ako i-po, malamang same age lang tayo.."

"Ahh... si-sige"

"Bago ka lang?" Tanung nya habang bumabatak ng bangko. Umupo sya sa tapat ko.

"O-op-- oo pala. Bago lang ako."

"Ano name mo?" Magiliw na tanung nya sakin.

"Jasper Jean Mariano... Jay-Jay for short." Nakangiting sagot ko.

Yan! Medyo kumportable na ko.

"Ako si Rakki... Class President." Inabot mya sakin ang kamay nya at tinanggap ko naman.

Ang astig ng pangalan nya! Parang sya... hehehe.

"Jay, sure ka ba sa section na pinasukan mo?" Biglang tanung nya.

Taka kong siyang tinignan pero tumango lang ako.

"Ang alam ko kasi meron ngang transferee pero sa section E, hindi dito."

Hindi dito.

Anak ng... Mukang mali ako ng napasukang section. Shete!

"Uhmm... A-anung section ba to?" Pabulong

na tanung ko kay Rakki.

Nakatingin kasi samin ang buong klase. Nakakahiya kapag narinig nilang mali ako ng section napuntahan.

Subrang nakakahiya!!

Lumapit sakin si Rakki at bumulong "Section C."

Shit!! Mali nga!! Pakshet!! Bullshit!! Lahat na ng Shit!!

Dahan dahan akong tumayo at naglakad palapit sa pinto. Nakayuko lang ako. Wag nyo na ko tignan please.. Malapit na ko sa pinto ng bigla akong harangin ni Rakki.

"Saan ka pupunta? Malapit na dumating si Ma'am."

Labag man sa kalooban ko. Buong lakas akong huminga ng malalim at tinignan sya sa mata

"Rakki..." Panimula ko. ".M-mali ako ng s-section na napasukan."

"Pffftt... Sabi na nga eh!!" Malakas na tawa ang sinagot sakin ni Rakki. Maging mga classmate nya nag-uumpisa na ring matawa.

Jusme!! Lupa bumuka ka... At kainin mo sila!!

Dahan dahan ako lumabas ng room at kahit medyo nakalayo na ko ay naririnig ko pa rin ang tawanan nila.

Nakakahiya! Sobra! Nakakainis!

Mabilis akong tumakbo pabalik sa building ng Section E---- yung tunay na Section E.

Humanda sakin yung mga lalaking yun! Sila may kasalanan nito. Kung hindi nila ko tinuro sa building na yon hindi ako mapupunta sa maling section.

Nakakainis! Habang buhay na nila yung maalala, yung buong Section C na yun!

Nakarating ako sa room at salubong ang kilay kong pumasok sa loob. Yun nga lang... Wrong Move!!! May teacher na nagtuturo, napahinto sya at napatingin sakin. Lagot!

"Yes?" Tanung nya sakin.

Inayos ko ang sarili ko. Kinuha ko agad yung registration papers ko at--- wait! Kailangang manigurado!

"D-dito po ba ang section E?" Lakas loob kong tanung.

Tumango ang teacher at tinignan ako. Agad kong inabot ang registration papers ko.

"Ahh.. Ikaw yung transfer student, kanina pa kita hinihintay." Agad nya kong hinatak at pinwesto sa tabi nya sa harap "..Ako nga pala si Mr. Alvin Siongco."

Ngumiti ako sa kanya at sinenyasan nya kong magpakilala sa buong klase. Agad kong napansin yung mga lalaking nakausap ko kanina. Mga hudlong tong mga to! Grabe yung ginawa nila sakin.

Tinignan ko sila ng masama yung mararamdaman nila ang sidhi ng galit ko. Kaya lang ang mga loko nagha-gikgikan lang except dun sa lalaking naka-lollipop kanina.

"Class! Silent please..." Hinarap ako ulit ni Sir. "...Sige na, pakilala ka na."

Huminga muna ko ng malalim, "My name is Jasper Jean Mariano you can call me Jay-Jay. I'm from Holy Saints High School."

Nakatingin lang sakin ang buong klase. Karamihan sa kanila boring na tingin lang binibigay sakin. Except ulit doon sa naka-lollipop kanina, poker face ang luko.

"Class President.. Wala kabang itatanung?" Tanung ni Sir Alvin.

Walang sumasagot. Mukang walang yung class president nila. Anu yun? Napaka-huwaran naman.... Hindi pumasok?

"Class President..." Medyo nag-iba yung tono ni Sir Alvin. Seryoso nya'ng tinignan yung grupo ng mga lalaki na nakausap ko kanina.

"Tss.." Sabi nung naka-lollipop kanina. Tumayo sya at bored na tumingin sakin.

Wait!! Sya yung class president?! Wag nga!

"Question..." parang nag-uutos ang boses ni Sir Alvin.

Nagbuntong hininga muna sya. "Are you still a Virgin?"

Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya samantalang nagtawanan naman ang buong klase.

"Kiefer!" Galit na sigaw ni Sir Alvin.

Nag-smirk sya. "You said question.. That's is a question."

Walang galang! Pati teacher sinsagot nya! Yabang!

tinignan ko sya ng masama. "Sir Alvin is referring for a decent question."

Ayan napa-english na ko! Sana umabot ang baon ko.

Agad na nag-'ohhhhhh' ang buong klase. Biglang nagsalubong ang kilay ng Class President nila na tinatawag ni Sir na Kiefer.

"You want a decent question? Okay... Kelan ka aalis sa section namin?"

Muling nag-'ohhhhhh" and buong klase

Sa totoo lang naiinis na ako sa ginagawa nila at mas naiinis ako sa Keifer na to! Saksakan kasi ng yabang! Ano na?! Ano na porket may posisyon ma-angas na dapat?

"Ikaw? Kelan ka mawawala sa mundo?" Mataray na sagot ko sa kanya habang naka cross-arm.

Lalong lumakas ang "ohhhhhh" ng klase. Kahit si Sir Alvin narinig kong nag-react na rin.

"Bakit hindi ka mauna?" Sagot nya sakin then he smirk

"Because i'm the one who'll make you disappear in this world."

"Like you can...."

"Yes i can...." I said in a matter-of-fact in tone.

"Okay... Okay.. Both of you need to stop. Keifer sit down and Miss Mariano you can chose any seat that you want." Sir Alvin said.

Grabe! Hindi pa ko tapos sakanya. Masama ang tingin nya sakin pero binalik ko ang anttention sa paghahanap ng upuan. Mamaya ka sakin!

Hindi problema yun, dahil maraming bakante. Yun nga lang karamihan ng bakante nasa gitna.

Kagaya sa Japan ang table and chair nila kahit mga luma. More than 20 pair of tables and chairs ang meron dito. Pero karamihan ng students nasa likod na part at gilid.

Muka silang letter U. Gitna lang ang walang masyadong naka-upo. Kaya dun nalang ako pumwesto. Mula tuloy akong loner sa naging pwesto ko.

Ang nakakapag-taka pa sa klase na to bukod sa sitting arrangement nila. Nasa 15 or 16 students lang ang andito at isa pa....

Wala pa kong nakikitang babae.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play