My Maid Is A Goddess

My Maid Is A Goddess

Silly Little Girl

(Elara /Zoe)

This is a secret portal to the human world.Sabi ng Reyna ipinagbabawal ang pagtawid dito dahil hindi na raw nakakabalik ang sino mang nagtangkang tumawid rito,pero alam kong isang banta lang ito.

T'wing may pagkakataon ay tumatakas si Elara upang magtungo sa mundo ng mga tao,upang makipag laro at minsan ay manood lamang sa mga batang naglalaro. Ngunit may isang bata syang nakita na nasa sulok lang,napakatahimik nya at para bang wala syang pakialam sa paligid nya. Bakas sa mga mata nya ang lungkot kaya nilapitan sya ni Elara.

"Bakit hindi ka nakikipag laro sa kanila ?" Sambit ni Elara na ikinagulat naman ng batang nasa harapan nya,hindi ito sumagot. Sa mundo ng mga tao ay masasabing si Elara ay 9yrs old at ito namang bata na nasa harap nya ay 10yrs old,ngunit sa mundo ni Elara ang edad ay di sinusukat.

"Are you ok?" Tanong nya muli dito,napansin nyang namasa ang mga mata nito kaya nataranta sya," Sorry, 'diko sinasadya,sorry talaga --" naputol ang pagpapanic ni Elara ng yakapin sya ng batang nasa harap nya.

"I miss my m-mom" sabi nito habang patuloy ang paghikbi sa mga balikat ni Elara.

"Tahan na... Kung san man nagpunta ang mommy mo siguradong ayaw nyang makita kang umiiyak..." Sagot ni Elara sa bata na daig pa ang matanda kung magpayo..

Ilang minuto pa ay tumahan na ang bata sa pag iyak at inabot ang kamay nya.

"I'm Yhuan ,sorry if I burst in tears,sobrang miss ko na ang mommy ko. Dad said she needs to live pero hindi nya sinabi ang dahilan.He said mommy loves me no matter what..." di na nya natuloy ang pagpapaliwanag nya ng makita nya ang mukha ni Elara na nakatingin sa kanya...

Sobrang ganda... Mala fairytale sa ganda at puti... Mahabang buhok at napakakapal at napakahabang pilik mata... In that instant his stomach felt weird, as if there's something rumbling inside it.

"I'm E--- Zoe by the way.... I can be your friend if you like. Besides wala din naman akong kaibigan dito..." alok ni Elara upang pagaanin ang loob ni Yhuan.

"Sure.." Maikli ngunit bakas dito ang pagkabawas ng lungkot na sagot ni Yhuan.

"Kailangan ko ng umuwi baka hinahanap na ako sa amin, I will meet you there " sabay turo sa malaking puno sa may burol.

She waved goodbye and Yhuan simply smile at the girl he just met,she's beautiful sa isip isip nya. Dumating na din ang bodyguard nya hudyat na kailangan na nilang bumalik sa mansyon.

(Yhuan)

"Mang Alfred, can we go back here tomorrow?" tanong nya sa kanyang bodyguard.

"Itatanong ko po muna sa Daddy nyo ,Young Master" sagot naman nito...

"Mukhang gumaan po kahit paano ang pakiramdam nyo ,base sa mukha nyo Young master" puna nito at agad namang umilag ng tingin si Yhuan dahil sa pag init ng kanyang mga pisngi.

"No,Actually I met someone interesting" sabay ngiti habang nakasilip sa bintana ng sasakyan ...

"A Girl?" pagbibiro ng bodyguard nya.

"No." He denied but His real answer was all over his face.

His bodyguard just smilled and glance at him at the rear view mirror of the car.

Pagdating sa mansyon ay kaagad naman syang ipinatawag ng kanyang Daddy sa kanyang office. Pagdating doon ay biglang nagbago ang aura nya,at biglang naging seryoso ang paligid.

"Seems like you're doing well,son." Pagbasag sa katahimikan ng Paligid ng kanyang Ama.Tahimik lang sya at di kumikibo.

"Next day after tomorrow you will fly to Europe and continue your study there.You have to learn about our business since you're the only one who will inherit everything" dugtong nito.

Wala namang nagawa si Yhuan kundi ang magpigil ng inis at luha.He's his father,at walang makakakontra sa mga gusto nito.

Dahil don ay lalong namiss ni Yhuan ang kanyang mommy.

Dahil palagi syang tinatanong nito bago sya gumawa ng desisyon palagi nyang inuuna ang ikakasaya nito.

Gusto nyang umalis pero san sya pupunta. At kung umalis man sya alam nyang kahit saan sya magtago ay matatagpuan sya ng kanyang ama.No one can hide from him.

Paglabas nya sa Office ng daddy nya ay sinalubong naman sya ng yaya nya at bodyguard at sinamahan sya paakyat sa kanyang kwarto.

"H'wag po kayong mag alala Young Master, Kasama nyo po ako sa Europe pati na si Manang Aida" saad ni Alfred.

Si manang Aida ang nagsilbing yaya sa kanya magsimula ng syay ipinanganak ,katuwang ng kanyang mommy sa pag aalaga sa kanya.

Pagdating sa kanyang kwarto ay inihanda na nila ang mga importanteng gamit na kailangan nyang dalhin.Hindi na nya kailangan magdala ng maraming damit dahil may bahay naman sila sa Europe at nakahanda na ang mga gamit nya na kakailanganin doon.

Pagkatapos nyang magshower ay kaagad na syang nagbihis ng pantulog at nahiga iniisip kung saan nagpunta ang kanyang mommy at bakit di ito nagpaparamdam sa kanya.

(Elara/Zoe)

oh my,oh my.... Hindi ko napansin ang oras . Sana hindi nila napansin na wala ako... Kabadong sambit sa isip ni Elara. Pero hindi nya maalis sa isip ang mukha ng batang nakilala nya mukhang sobrang lungkot nito. Mabilis na tumatakbo si Elara papunta sa gitna ng kagubatan kung saan matatagpuan ang Lagusan patungo sa kanilang mundo.

Mabuti na lamang at nakarating sya bago magdilim ,at bago ang oras ng hapunan...

"Napapansin kong palagi kang busy ,Princess Elara, Ano ang pinagkakaabalahan mo?" tanong ni Reyna Gaia sa kanya..

Halos mabulunan si Elara sa tanong ng reyna ngunit nakabalik agaf sya sa pagiging kalmado ."Palagi po akong nag iikot ikot at nagmamasid sa Gandang angkin ng ating kaharian mahal na reyna"magalang nyang sagot .Ngunit sa isip nya ay kinakabahan sya at iniisip na sana hindi maghinala sa kanya ito.

Pagkatapos ng hapunan ay dali dali naman syang umakyat sa knyang silid. Hindi maalis sa isip nya ang mukha ng batang nakilala nya kanina.Gusto nya pa itong makilala ng lubusan.

Episodes
Episodes

Updated 2 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play