I'M THE PUPPET OF THEIR WORDS

I'M THE PUPPET OF THEIR WORDS

completed chapter

"I'M THE PUPPET OF THEIR WORDS"

"Hoy ampon, kakain na!" Tawag saakin ng ate ko.

Maluwag ang ngiti sa aking labi dahil sa wakas ay makakain na ako. Apat na araw na akong hindi pinapapakain ni mama at sumasakit na talaga ang tiyan ko.

"Anong ginagawa mo?" Napatingin ako kay mama.

"K-kakain na po, M-mama." Nanginginig na sabi ko dahil nanlilisik ang mga mata ni Mama saakin.

"Kakain? E, bakit humihila ka ng upuan diyaan?" Galit na aniya.

"S-saan po pala ako kakain?"

"Sa labas, saluhan mo 'yung mga aso doon. Total kamukha mo sila!" Ani ni mama habang pinagtutulakan ako sa labas.

Bumuhos ang mga luha ko habang lumalapit sa mga aso namin na kumakain. Ayaw kong kainin 'to pero mamamatay ako kapag 'di ako kumain. Patuloy pa din ang pagbuhos ng luha habang pilit na nginunguya at nilulunok ang pagkain na'to.

Masyadong masakit ang kaniyang salita at naging dahilan para wala akong magawa.

——---

"K-kuya, parang awa mo na 'wag po," umiiyak na pigil ko kay kuya.

"Tatahimik ka o ituturok ko itong kutsilyo sa lalamunan mo?" aniya.

Mas lalo akong napa-iyak nang ilagay niya ang kutsilyo sa gilid ng leeg ko.

"Ugh, Jane. Ang sarap mo talaga. Hahaha!" malademonyo itong ngumisi habang umuulos sa ibabaw ko.

Nakapikit ang aking mga mata at pinipigilan ko ang umiyak pero kumakawala naman ang mga hikbi.

Ang baboy ni kuya, binaboy niya ako at ang pagkatao ko. Sarili kong kapatid ay nagawa ito saakin. Pero anong magagawa ko? Natatakot ako sa sinabi niya.

Natatakot ako sa mga salita at baka tutuhanin niya.

-------

"Nasaan ako?" tanong ko sa sarili ko. Nilibot ko ng tingin ang paligid ko.

Bakit ganito? Nasaan ako at bakit narito ako? Sobrang liwanag ng paligid, nakakasilaw. Naglakad ako ng naglakad hanggang sa napunta ako sa isang sulok na napakadilim. Ang maliit na dilim ay lumaki at pakiramdam ko ay sinasakop nito ang katawan ko. Sigaw ako ng sigaw sapagkat sobrang daming nakakatakot na boses ang naririnig ko.

Napadilat ako ng matanto kong panaginip lang pala ang lahat. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa malamig na semento ng basement.

Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ngunit lumusot ang mga kamay ko. Nagtataka at nanlaki ang mga mata ko. Sinubukan kong dumaan sa pinto kahit nakasirado ito.

Nagulat ako sapagkat nakalabas ako at pagkaharap ko ay may kabaong na nakatalikod saakin. Dahan-dahan ko itong nilapitan. Nag-umpisa ng tumulo ang mga luha ko. S-sino ang namatay? Si Mama? Si Kuya? Mga kapatid ko? Diyos ko 'wag naman sana isa sa pamilya ko.

"A-anong g-ginagawa ko jan!" napasigaw ako sa takot at sa gulat ng makita ko ang sarili ko ang nasa loob ng kabaong.

Umiiyak na nilingon ko ang pamilya ko at ang ibang tao na masayang nag-uusap. Diba nila ako nakikita?

"Ma, anong nangyari? B-bakit andoon ako!?" niyugyog ko ang balikat ni Mama pero lumusot ang ang kamay ko sa kaniya.

"Buti nga at namatay iyang si Jane!Napakawalang kwenta!" ani ni Mama kasabay ng tawanan ng mga tao.

Nagbalik sa isipan ko ang nangyari saakin.

"Sege na Jane, ilagay mo na ang leeg mo dito!"

"'Wag mo nang pahirapan ang sarili mo, Jane. Tapusin mo ang paghihirap."

Umiiyak na tumuntong ako sa silya, nanginginig ang mga kamay na isinuot ko ang lubid sa aking leeg.

"Huwag! Parang-awa niyo na. Ayaw kong mamatay!" Nakiki-usap na usal ko sa mga boses na nakapaligid sa akin pero di ko nakikita.

"Tapusin mo Jane!"

"Wala kang kwenta!"

"Mamatay kana!"

Huli na at namalayan ko nalang ang sarili ko na nakabitin sa kisame. Ng dahil sa mga salita nila naging sunod-sunuran ako.

✎Hikari

Episodes
Episodes

Updated 1 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play