Episode 2

Habang nagliligpit ako ay aksidente kong nabitawanang baso dahil sa dulas ng kamay ko, agad naman akong kinabahan dahil nandito na naman ako sa sitwasyon na ayaw ko.

agad akong nakarinig ng sigaw mula sa likod ko at alam kong si dad yon, pagkalingon ko sa harap nya ay isang malakas na sampal ang inabot ko.

agad naman akong napaupo dahil sa lakas ng pagkakasampal nya, parang namanhid ang mukha ko hindi ko na naman napigilang hindi umiyak.

 parang baso lang naman ang nabasag ko pero kung manakit sila ay parang mas mahalaga pa ang baso kesa sakin na anak nila.

Kisha - So-sorry po D-Dad, h-hindi ko p-po sinasadyang m-mabasag ang b-baso nyo.

Dad - Ano ba naman yan Kisha, pagliligpit nalang hindi mo pa magawa ng tama, wala ka talagang kwenta napaka bobo mo!!!

Mom - ta-tanga tanga ka kase, ang laki laki mo na pero ang gaslaw mo pa rin kumilos, linisin mo yang kinalat mo at siguraduhin mong walang bubog ang matitita dyan, kundi isusubsob ko ang mukha mo dyan .

Kisha - O-opo Mom, p-pasensya na po hindi na p-po mauulit.

Dad - Talagang hindi na mauulit, hindi lang yan ang aabutin mo pagnaulit pa tong katangahan mo.

Pagkaalis nila sa harapan ko ay dumating naman ang mga kuya at ate ko, hindi para tulongan kundi pagtawanan.

Ken - deserve.

Kyle - Stupid.

Si kuya Kevin ay tiningnan lang ako na para bang gustong sabihin sakin na "buti nga", umalis sila sa harapan ko at tanging si ate Kira nalang ang natira na may pagaalalang mukha ang iginawad saken.

Hindi ko na naman mapigilan ang mga taksil kong luha ng tanongin ako ni Ate kung okay lang ba ako.

Kira - Hey, are you okay bunso?

Kisha - b-bakit p-po ba sila ganito kalupit sakin? m-may g-ginawa p-po ba akong mali para saktan nila ako ng ganito? ate pagod na pagod na po ako.

Kira - Shh tahan na bunso, wala kang ginawang masama okay? sadyang hindi lang nila matanggap na wala na yung kambal mo, intindihin mo nalang sila mom, dad and kuya's ha? always remember na andito lang always si ate for you

Kisha - ako pa rin p-po ba ang sinisisi nila sa p-pagkamatay ng kambal ko? p-pero ate w-wala namn po akong kasalanan, mga b-bata p-pa p-po kami nun , ate b-bakit po?

Kira - Wala kang kasalanan kisha walang may gustong mangyari yon, kalimutan mo na yon okay? wala kang kasalanan, tulongan keta dyan at magpahinga ka na.

Kisha - w-wag na po ate, baka makita ka po nila na tinutulongan ako at mag away away na naman po kayo dahil sakin, mauna ka na pong magpahinga, liligpitin ko nalang po ito at magpapahinga na rin.

Tumango lang si ate pagkatapos ay nauna na syang umakyat papuntang kwarto nya, hindi ko na naman maalis sa isip ko yung pagkamatay ng kambal ko, masakit din naman para sa akin nung nangyari dahil kambal ko yun.

To Be Continued...

Episodes
Episodes

Updated 2 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play