Princess Return

Andito ako sa library habang abala sa pagbabasa ng isang libro tungkol sa panggagamot.Para in case na napalaban ako at walang healer sa paligid ay may alam parin ako sa paggamot.Natigilan ako ng may kumatok kasunod ay ang pagpasok ni Aly (Alyanna).

"Prinsesa ipinapatawag ka po ng iyong magulang!"_tumango ako at itiniklop ang libro saka pumunta sa throne room.

Nagpadala kasi ako ng liham tungkol sa pagbabalak kong maging isang merchant o businesswomen sa kapital.Lalo na at mahilig din akong magluto kaya gusto kung magkaroon ng isang Restaurant saka sabay naman ako maghandle ng business dahil nga sa mommy ko in my past life at para na rin may mapaglibangan ako.Ang boring kasi dito sa palasyo.

"Anong kalukuhan ito Avery?Hindi ka pa nga nakakatapos ng pag-aaral tapos gusto mo na agad maging isang merchant?Kailangan mo munang mag-aral sa Academia kung saan naroon ang mga kapatid mo...baka nakakalimutan mo na kaya ka lang umuwi rito dahil suspended ka sa kalukuhan mo pero hindi ka na bumalik...blah blah blah blah!"_natahimik ako dahil sa sermon ng Nanay ni Avery.Wews isa ba talaga itong Archangel? Grabe manermon, tinalo pa yung machine gun ni Dad at si Glock 9 sa bilis magsalita at sa katatalak nya.

Bakit ganun halos lahat yata ng nanay magaling mag-rap?Paturo kaya ako sa kanila gusto ko rin kasing matuto mag-rap eh.

"Pasensya na po kung nakaabala pa ako,aalis na po ako at babalik sa Academia!"_paalam ko kaya napanganga sila kaya umalis na ako.

Forda magalang yarn?Ano nganga kayo kasi akala nyo puro kalukuhan lang alam ko at mayabang ako?Tsk Tsk...Napangisi ako ng lihim dahil sa reaksiyon nila.

"Alyanna, Arianna ihanda nyo ang aking mga gamit, Autumn ihanda ang karwahe babalik na tayo sa Academia!"_utos ko sa kanilang tatlo.

"Auburn ikuha mo ako ng pagkain ko!"_utos ko na agad nyang sinunod.

Pumunta ako kay Heneral Alfred na kapatid ng aking ina na syang nagsisilbing Investigator o detective.

Sa loob ng dalawang taon ay marami na akong naitulong kay General Alfred dahil sumasama ako sa kanya minsan.Binansagan nila akong  'Knight Princess' dahil daw mahusay akong makipaglaban at mahusay.

"Uncle babalik na po ako sa Academia!"_sabi ko kaya natigilan ito sa pagbabasa ng mga kaso at ngumiti sakin.

"Ganun ba?Binigyan ka na ba ng magulang mo ng Allowance?"_tanong nya kaya umiling ako.

Napangiti ako ng bigyan nya ako ng 100 Aurum coin na halos kasing laki ng palad ng isang taong gulang at ng isang gintong medal at apat na golden pin. Nanlaki ang mata ko dahil doon.Napasaludo ako bago tanggapin yun.

"Lieutenant General Avery!"_sambit nya kaya napangiti ako at tinanggap yun.

"Mag-iingat ka Lieutenant!"_sabi nito kaya tumango ako at saka tumalikod.

»»»

Binigay ko yung pin sa apat kong alipin na ikinatuwa nila dahil isang karangalan yun.Kapag may pin ang isang kawal ay pwede syang mamuno ng isang squad dahil nga pagmamay-ari ko sila ay may mataas na sila sa iba pang alipin dito sa palasyo dahil ang pin ang sumisimbolo bilang pagkilala ng mga master o owner sa kanilang alipin bilang mahusay at dapat na tagapaglingkod.

Binigyan ako ng maliit na allowance ng magulang ko like 100 Moonshard Coin at 50 Lumina Coin.Grabe mas malaki pa ang ibinigay ni General sakin eh.

Syempre may currency din dito sa mundong ito sisimulan ko sa pinakamababang presyo.

Ferrum Coin made from Iron at katumbas nya is 50 pesos.Rustleaf Coin made from Cooper at 100 pesos ang katumbas.Lumina Coin made from Silver and 500 pesos katumbas. Moonshard Coin made from Silver-Gold and 1000 pesos katumbas. Aurum coin made from Gold and 10 thousand Pesos. Prismite Coin made from Quartz and 50 thousand Ametrine Coin made from Amethyst and Citrine and 100 thousand Pesos.Azure Coin made from Sapphire Gemstone and 500 thousand pesos.Crimson Coin made from Ruby and it's 1 million pesos.Aeutherium Coin made from Mithril Stone and it's 5 million pesos.Onyxite Coin made from Obsidian stone and it's 50 million. And lastly Celestium o Royale Coin that is made from Platinum and katumbas nya ay 500 million pesos.

Bale ang allowance ko na galing sa magulang ko ay nasa 125 thousand Pesos habang yung binigay ni General ay nasa 1 million.

Bukod pa yung sarili kong allowance na inipon ko.May 10 thousand Ferrum at Rustleaf coin, 2 thousand Lumina Coin, 1 thousand Moonshard coins, 5 hundred Aurum and Prismite coins, 1 hundred Ametrine Coins, 10 Azure Coins and 5 Crimson Coins. Total of 58,500,000 pesos or 1,170,000 USD.

Bukod kasi sa pagsama ko sa mga kaso na inaasikaso ni General ay palihim rin akong sumali sa isang Hunter Guild at tanging yung apat lang ang may alam saka yung pinsan ko.May mga rare item akong nakukulekta mula sa Dungeon yung iba ibinebenta namin sa auction kaya may malaki akong ipon.Syempre yung iba ay ipinambili ko na ng dress,basta yung mga komportableng suotin,saka ng mga boots,sapatos,cloak,space bag,sword,guns,dagger at ng pagkain ko.

Lihim ko ring binili yung lote sa gubat na may lawa.Basta yung place kung saan ko na meet yung bampira.Saka nag bibigay rin ako ng donasyon sa orphanage para naman may matino akong record dito,yung ibang damit ko ay pinamigay ko na kasi hindi ko type yung fashion ni Avery.Masyado syang girly and I hate it.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play