Locked Away

Locked Away

PROLOGUE

"Mommy!" I screamed in anger kaya naman ay halos lahat ng kasambahay sa bahay ay halos tumalon sa gulat, well, I don't care anymore!

I'm so fucking frustrated! And it's all because of my family! I'm so sick of this!

"Oh, Gwen, kakagaling mo lang ba sa shoot?" tanong ni Mommy, hinilot ko ang sintido ko at tinignan ng mariin si Mommy.

"Mom." I calmly said.

Hindi siya nagsalita ngunit iniintay niya akong magsalita.

"I don't want this, Mom. This isn't–" naputol ang sasabihin ko dahil agad siyang humalakhak.

"Oh, stop the nonsense, Gwen. I'm sure gusto mo rin pumasok sa showbiz," she proudly said kaya naman ay namuo ang galit ko sa sakit, galit at iba pa.

I'm so tired!

"Mommy, hindi ko ito ginusto! Ayokong ipahiya kayo kaya pumayag ako!" madiin kong sabi kaya naman ay tinignan niya ako ng masama.

"Pwes, hindi ka Villares, Gwen."

Halos mapaupo ako sa sahig dahil iyan lagi ang sinasabi niya, lahat ng mga kapatid ni Mommy ay nasa showbiz, pati ang mga pinsan ko na may ibang plano sa buhay ay artista na rin dahil pinagpapatuloy ang pangalan ng mga Villares na tutok sa showbiz.

"I'm quitting," iyon lang ang tanging nasabi ko bago lumabas sa kwarto nila Mommy, madami siyang sinasabi na kuno wala raw akong respeto at kung ano ano pang ibang masasakit na salita.

While fixing my things inside the luggage I immediately dialed Sienna's number.

"I already expect this call, Gwen. We watched your interview, wala ka pang isang buwan sa showbiz, ah?" pangangasar ni Sienna kaya naman ay napairap ako. This girl really knows how to piss me off.

"Cut that, Sienna. Aalis ako, pakisabi kay Tito Arnel, please?"

Narinig kong halos mabuwal siya sa tawag kaya naman ay marami rin siyang pinaunlakan na salita.

"Huh? San ka naman pupunta?" unang tanong niya.

"Kung saan ka lagi pumupunta kapag may problema," sarcastic kong sabi kaya naman napabuntong hininga siya.

She laughed, "Okay, I'll tell papa, anyways, uuwi na ko sa Manila, I need to fix my name there, Damn it."

Hindi ko alam kung anong meron kay Sienna at wala rin akong balak alamin dahil alam kong masusulusyunan niya rin kaagad.

"Are you sure about this, Gwen?" tanong ni Tito Arnel habang nasa private airplane kami, sumama siya saakin dahil eto rin ang gagamitin pabalik ni Sienna sa Maynila.

I shrugged at him.

Hindi ko alam, ayoko muna alalahanin ang ibang tao, this is me, ako muna dapat ang unahin ko, diba ganoon naman dapat? Sarili mo muna ligtasin mo.

"Well, if may problema tawagan mo lang ako or much better si Sienna," sabi ni Tito na ikinatuwa ko naman.

Pababa pa lamang ako sa eroplano ay nakita ko na sa baba si Sienna na may dalawang dalang bagahe at malungkot na nakangiti saakin.

"Bakit mukha namang namatayan ka?"

Hinampas niya ang braso ko at hinila naman ako papalapit sakaniya para mayakap, I closed my eyes because of her warmth embrace, I never felt being hugged like that, ni kahit kay Mommy, hindi.

Na lalo naman kay Daddy na hindi ko manlang naabutan pang buhay.

"Always update me, ha? I know you'll enjoy there, because I did!" umapaw ang halakhakan namin sa labas kaya naman ay napatingin kami kay Tito Arnel na hinihintay na lamang umakyat si Sienna.

We bid our goodbyes already, ang arte 'no. Halos kasi lagi kaming nagkikita n'yan. Ngayon lang ata hindi.

Tinignan ko ang mga mapuputing buhangin na dumapo sa paanan ko, I smiled when I realized that I'm really here!

Nandito ako kung saan hindi ako makikita nila Mommy, she can't manipulate me anymore, ang gaan at saya sa pakiramdam na ako lang ang nakakakilala saakin mismo dito.

"Hi, Ma'am. Welcome to Crystal Strand, pwede po bang makita ang booking ninyo?" tingin saakin ng receptionist, her name is Natasha.

"I'm the pamangkin of Arnel Montague, iyon lang daw ang sabihin ko sainyo," I saw how her face changed from happy to nervous.

"A-ah! This way, Ma'am!"

Ganoon ba talaga kasikat si Tito Arnel dito at pati mga staff sa hotel ay natatakot na rin pati saakin? I wonder...

"This is your room key, Ma'am. And eto po, pindutin niyo lang po if may sasabihin kayo saamin sa baba, we will gladly answer," she said.

Tumango lang ako at tumungo na sa cr, nang namataan ko ang bath tub ay gumaan na ang loob ko, well iyon lang naman ang gusto ko, at syempre shower.

"Thank you, Natasha. Pupwede mo bang papuntahin na ang driver ko? Gusto kong maglibot dito sa lugar na ito."

Tinanguan niya lang ako kaya naman nag ayos na rin ako ng damit at inilagay iyon sa closet.

From : Sienna

Gwen, I know that you're relaxing there pero alam mong may pangalan ka pang iniwan dito, your showbiz career is still here in Manila, Gwen. And nagpainterview si Tita Gia kanina, she's crying! At sabi pa niya na naglayas ka at sumama sa boyfriend mo!

Kumunot ang noo ko sa huling sinabi ni Sienna. Boyfriend? Wala akong ganoon.

I turned off my phone dahil ayoko munang alalahanin iyon, I'm here to relax my mind.

Agad-agad akong bumaba sa lobby para puntahan ang sinasabi na private driver ko pero wala akong namataan, wala ring ni isa na receptionist roon, I wonder where they are..

"May problema ba?" tanong ng babaeng nasa harap ko, naka uniporme siya na pang eskwelahan kaya naman alam kong mga nasa 18 palang siya.

"Ah.. Wala kasi ang mga staff dito, kailangan ko kasi ng driver–"

"Walang driver, naospital ang tatay ko na dapat daw magddrive ngayon, maglakad ka nalang. Oh." sabay abot niya sa pera, wow.

This is rude!

Gusto ko siyang pagsabihan kaso nakita ko si Natasha na hinila ang bata sa likod niya, "Pasensya na po, Ma'am! Pero wala po kasing available na driver ngayon.."

I bit my lower lip at tinignan uli ang bata na nasa likod ni Natasha, halatang nahihiya at nagsisisi sa mga sinabi.

"Sige, okay lang, maglalakad lakad nalang muna ako dito–"

"May kilala ako, tatawagin ko lang," sabi ng bata at agad namang kumawala sa higpit ng hawak ni Natasha.

Sinundan siya ni Natasha kaya naman ay nakapaglibot libot ako sa lobby, ang sabi ni Sienna ay hindi pa buhay si Daddy nandito na itong hotel na ito, hindi mukhang luma, actually, mukha ngang bagong tayo! Hindi ito napabayaan ni Tito Arnel, sobrang linis at halos wala kang makitang alikabok.

Habang papalapit ako sa exit ay may naririnig akong naguusap.

"Sino ba kasi 'yan? VIP ba yan? At tsaka, Nia naman! Hindi na ako ganoon kaalam magmaneho! Halos isang taon na akong di nagmamaneho!"

"Dali na, kuya! Baka mamaya bigyan ka pa ng tip noon, mukhang mayaman!"

Hindi ko na pinakinggan ang pagtatalo nila at nagpatuloy nalang ako sa paglilibot libot.

"Ma'am!"

Nilingon ko si Natasha na may malaking ngiti sa labi, "Iyong kapatid ko raw po magmamaneho sainyo buong linggo, ayos lang po ba sainyo?"

"Sige, bibigyan ko nalang siya ng tip, pupwede ba iyon?" tanong ko kaya naman mas lalong ngumiti si Natasha.

Hindi siya sumagot pero alam ko na gusto niya rin.

"Nasa labas na si Kuya, Ate. Palabasin mo na rin daw iyong babae," sabi ng bata kay Natasha.

I smiled widely at nagsimula nang lumabas, may nakita akong kotse pero wala roon ang driver pero may isang lalaki na nasa likod at nakaupo sa backseat.

Sasabay ba siya saakin? Wala namang problema iyon pero gusto kong tuloy tuloy lang sana ang byahe.

"Hi, hinahanap ko kasi ang driver na magddrive saakin, rito. Nakita mo ba siya? Pasensya na, ngayon lang ako nakapunta dito.."

Matagal siyang tumitig saakin at bumaba ang mga mata sa dibdib ko, tsaka ko lang natanto na medyo nakababa ang suot ko.

"Uh.. Sige. Salam–"

"Sakay."

Episodes
Episodes

Updated 1 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play