GEM 💎 OF SECTION E
CHAPTER 3
HERA POV
Dahil sa inis ko ay hindi na ako pumasok at nanatili nalang sa library buong maghapon , napadaan lang ako dito kanina kaya naisipan kung dito nalang muna ako hanggang sa mag uwian ayuko kasing bumalik sa classroom baka ano pang gawin nila sakin pagkatapos kung suntukin yung lalaking yun , napapaisip tuloy ako kung anong mangyayari kapag pumasok ako bukas
"sabihin ko kaya kay kuya?....no no hindi baka magalit yun" napahawak ako sa ulo ko
"kung kay Kiel kaya? .... hindi hindi siguradong malalaman din yun ni kuya" ani ko muli at sinubsob ang mukha sa mesa
"Hera kasi bat mo naman ginawa yun , tanga tanga " ani ko muli at inuntog untog ng mahina ang ulo ko sa mesa
abala ako sa mag mumunimuni ng tumunog ang tiyan ko kaya napakapit ako dito , hindi pa pala ako nanananghalian hindi ko din namalayan ang oras , naalala kung may sign sa labas na bawal kumain dito sa loob , piro dahil sa mabait ako hindi ko susundin yon , nagpalinga linga ako kung may tao ba sa paligid piro wala akong nakita ni isa kaya dahan dahan kong inilabas ang lunchbox ko sa bag , dito nalang ako kakain wala namang magagalit kasi hindi naman nila makikita hehe
nagsimula na akong kumain , adobo yung ulam ko my favorite tapos pinaghanda din ako ni manang ng sandwich para sana sa recess piro ngayon ko lang kakainin
"ahm" muntik a akong mabilaokan ng may umubo sa likod ko , lagot , dahan dahan ko itong nilingon , nakita ko ang isang matangkad na lalaking naka cross arm habang nakatingin sakin
"gusto mo?" tanong ko dito at inalok sa kaniya ang lunchbox ko , nakataas lang ang kilay nito at hindi ako pinansin saka naupo sa may harapan ko
"do you know what place is this?" taas kilay na tanong nito kaya napatango ako
"then I assume dahil alam mong Library to , alam mo din sigurong hindi pwedeng kumain dito" ani muli nito na ikinalunok ko
"pasensiya na bago lang kasi ako dito , atsaka wala namang tao kaya walang makakaalam hehe" mahinang ani ko habang pinaglalaruan ang dalawang hintuturo ko
napasinghap ito at inabot ang kamay niya, taka akong tumingin dito , gusto niya bang kunin yung pagkain ko? , piro gutom na ko
"give it to me" ani nito piro hindi ko siya sinunod at itinago ang lunchbox ko sa likod ko
"pffff-" pigil na tawa nito , anong nakakatawa? , gusto niya pang kunin yung pagkain ko huhu
"I'm asking for your ID not your food" natatawang ani nito kaya napayuko ako , nakakahiya puchaaa nagiinit na din ang mukha ko pakiramdam ko tuloy namumula na yung mukha ko
"nevermind " ani nito at ibinaba ang kamay niya kaya napatingin ako sa kanya ng deretso , ngayon ko lang napansing pogi pala siya hehe piro mas pogi kuya si Kairo ko noh piro bakit parang iba yung uniform niya sa mga studyanteng nakikita ko at saka bakit parang may kamukha siya yung feature ng mukha niya yung kapal ng kilay niya tapos yung tindig niya ....
"ahhh" napakapit ako sa noo ko ng pitikin ako nito , sinamaan ko ito ng tingin piro nagulat ako ng bigla niyang hablotin yung sandwich ko
"huy akin yan" reklamo ko dito piro ngumisi lang siya
"this sandwich will do , hindi na kita isusumbong piro this is you first and last warning wag ka ng kakain dito ulit" ani nito at ginulo ang buhok ko na ikinahinto ko , ang weird , may kung anong pakiramdam akong naramdaman
"now eat before someone see you" ani nito at naupo nang muli
"bakit?" takang tanong nito ng hindi pa ako kumibo at nakatitig lang sa kaniya
"wa--wala" umiling iling ako at nagsimula ng kumain
ZYN POV
|•AT THE CLASSROOM•|
"FVCK MASAKIT DAHAN DAHAN LANG" sigaw ni Cedric habang nilalagyan ni Karter ng yelo ang pisngi niyang may pasa dahil sa pagkakasuntok kanina , wala kaming teacher ngayon kasi pinagtripan nanaman ng mga ugok na to , syempre kasama nako don
"wag kasi malikot parang tanga naman eh" sabat naman ni Kaiser na nag pipigil ng tawa halatang masaya pa siya
"Gagi pre mukha kang bulldog sinasabi ko sayo" natatawang ani naman ni Cloud sabay hagalpak ng tawa kaya binato siya ng yelo ni Cedric piro agad ding nakaiwas
"ikaw nga mukhang chihuahua kahit walang pasa" inis na sambit nito na ikinatawa muli namin
nakaupo lang ako habang pinapanood sila , kahit ako natatawa sa mukha ni Cedric , grabeng pasa yan oh , sa tala ng pagkakaibigan namin ngayon lang may nakatama whahahahahahahaha
"aray" daing ko ng batuhin ako ni Cedric ng libro
"sakit non" reklamo ko dito piro ang luko masama lang ang tingin sakin kaya napataas ako ng dalawang kamay ko
"may nakakatawa" inis na ani nito kaya mas lalo lang akong natawa piro nagulat ako ng bigla ulit siyang kumuha ng isa pang libro piro sa pagkakataong to yung mas makapal na
"RUN FOR YOUR LIFE MAH FRIEND" sigaw ni Laxon at nag salot pa ang gago
"TAKBO ZYN KUNG MAHAL MO PA YUNG BUHAY MO WHAHAHAHAHAHAHA" sigaw naman ni Will at humagalpak ng tawa
"ako na sa kabaong ni Zyn" ani ni Sky at naglapag ng pera sa mesa
"ako na bahala sa tinapay tsaka kape" ani naman ni Kade
"Tangena ambagan nanaman to" singit naman ni Cloud may pa iling iling pa ang gago
ano to pinaghahandaan na nila yung burol ko
"ULOL MAMAYA KAYO SAKIN" inis na sigaw ko , mga tarantadong to di ko talaga kayo bibigyan ng pagkain
akmang babatuhin na ako ni Cedric nung libro ay agad akong umiwas piro kasabay nito ay ang pagbukas ng pinto at iniluwa si Saiver na agad namang sinalo yung libro
"FVCK WHO DID THAT" inis na sigaw nito kaya natahimik kaming lahat mukhang badmood siya
"Dre long time----anong nangyari sa mukha mo?" agad na tanong ko ng makita ang pasa sa may noo niya , inis lang ako nitong tiningnan at hinagis sakin yung hawak niya , problema nila bat ako yung pinag-bubuntongan nila pareho isusumbong ko talaga kayo kay Hugo pag bumalik yun
"hanip Saiver ano to couple kayo ni Cedric whahahahahaha" hagalpak na tawa ni Will kaya nakatanggap siya ng mainit init na batok kay Saiver
"Ulol tumigil ka baka gusto mong bigyan din kita" inis na ani nito na ikanatahimik ng gago
"nasan sila Shone at Hugo?" tanong ni Ethan ng umupo si Saiver sa unahan nito , isang malaking himala nanaman na nag salita ang isang to
"susunod na daw sila pagkatapos nilang puntahan si Lie" ani nito ng biglang bumukas ang pinto
"Speaking of the devils nanjan na oh" ani naman ni Saiver at tinuro ang pinto , kasabay namang pumasok si Hugo na mukhang wala nanaman sa mood at sa likod naman niya ay si Shone
"what happened to your faces?" takang tanong ni Shone at hinagis ang dala niyang plastic kay Kade
"oy pagkain" ani ni Kade at agad na hinalungkat yung plastic nag uunahan na din yung mga gago
"pahingi" ani ko naman at dalidaling lumpit para kumuha piro naunahan ako ni Sky at Kaiser
"mga patay gutom" inis na bulyaw ko ng maubusan ako ng pagkain , dinilaan lang nila ako kainis
"wala to nauntog lang"sagot ni Saiver at nag iwas ng tingin
"nauntog daw niknik mo ang sabihin mo may naka away kananaman dahil jan sa pagkababaero mo" sabat naman ni Laxon kaya sinamaan siya ng tingin ni Saiver
"eh ikaw ano namang nangyari sayo?" tanong naman ni Hugo kay Cedric
"pinagtripan kasi niya yung transferee kaya ayan nakatanggap siya ng masayang pagbati" natatawang ani ni Sky , hinablot ko naman sa kaniya yong chichiriya
"transferee?" takang tanong ni Saiver habang nakahawak sa ulo niya
"hindi! tranferee" pag uulit ni Cloud , namimilosopo nanaman po siya
"yeh and it's a girl" singit naman ni Ethan , habang nakatingin sa librong binabasa niya
"what do you mean? wala namang sinabi si Lie sakin tungkol dito" salubong ang kilay ni Hugo habang nakatingin kay Ethan
"yun na nga din ang iniisip ko , sigurado naman akong hindi papayagan ni kuyang may mapadpad na tagalabas dito lalo nat babae pa" ani ni Cedric at sumandal sa upuan
"baka yung matandang gurang nanaman yung may pakana nito" ani ni Will habang lumalamon , patay gutom talaga
lahat kami ngayon ay walang alam at naguguluha kung ano ang dahilan sa pagdating ng babaeng yun sa section namin , siguradong hindi nila to palalagpasin lalo na si Cedric , lahat kami ayaw na may babae sa section namin , dahil sa nangyari noon nawalan na kami ng tiwala sa mga taga labas
HERA PO'V
|• KINABUKASAN•|
"morning manong" bati ko sa guard ng makapasok na ako sa loob ng school tumango lang ito kaya nagpatuloy na ako sa pagtahak ng daan papunta sa classroom ko
kinakabahan ako gagi , parang ayaw ko nalang pumasok piro natatakot din ako kay kuya Kairo baka mapagalitan ako pag nalaman niyang hindi ako pumasok
"ay kabayo" sigaw ko ng may humawak sa balikat ko
"shock sorry nagulat ba kita?" napatingin ako sa pamilyar na boses sa may likuran ko , teka siya si...si
"Sandra" sambit ko sa pangalan nito napangiti naman siya kaya ngumiti din ako
"papunta kana sa room mo? pwede sabay na tayo same lang naman yung daan natin hehe" ani nito at humawak sa braso ko, tumango nalang ako kahit medyo naiilang di kasi ako sanay na may nahawak sa braso ko , nagsimula na kaming maglakad , parehong daanan lang naman kami piro malayolayo yung building namin sa kanila
"nga pala kamusta yung first day mo? wala bang nangyari? ano? , kwentuhan mo naman ako oh" tanong nito habang nakataas baba ang kanyang kilay na animoy naghihintay sa sagot ko
napakamot ako sa ulo ko "ah o--okey lang...oo" utal na sagot ko habang tumatango , ang kulittt , napa busangot naman ito , hindi ko naman kasi alam kung ano ang isasagot ,
"ay nandito na tayo , by the way see you around..."----Sandra
"Hera Kathalena Fuentes" ani ko at ngumiti , nagpaalam na kami sa isa't isa kaya ako nalang ang naglalakad mag isa
hanggang sa makarating na ako sa tapat ng classroom ko , malakas na sigawan nanaman ang naririnig ko para bang di sila nagsasawa kakasigaw subrang ingay
"Hera kaya mo yan , wag kang kabahan" ani ko sa sarili bago dahan dahang pinihit ang doorknob , ng makapasok ako sa loob ay isinara ko na ang pinto , nagkukumpulan sila sa gitna kaya hindi nila ako napansing pumasok
"BOBO MO WILL HINDI GANYAN"
"TAINA TALO NANAMAN"
"DINADAYA NIYO YATA AKO"
"MAMA MO DINADAYA"
hindi ko na sila pinansin at dumeretso sa may bakanting upuan sa gilid , uupo na sana ako ng may maramdaman akong presensya sa likod ko , kaya lumingon ako dito , laking gulat ko ng may kung sinong nakatayo sa tapat ko
"kabayo" bulyaw ko dahil sa gulat
"oyyy nandito na pala si ms.transferee" ani nong may white yung buhok , bwesit lahat tuloy sila nakatingin na sakin , napalunok ako at umatras ng kunti ang lapit niya kasi
"tapang mo din noh pumasok kapa talaga pagkatapos mong gawin sakin toh?" inis na ani ni Cedric sabay turo sa mukha niya , muntik pakong matawa ng makita ang pasa sa pisngi niya , buti nga
"tika ba--bat ako sinisisi mo kasalanan mo din naman yan" inis na sabat ko akmang lalapit na siya ng may pumigil sa kanya , siya yung nakatayo kanina sa likod ko , ngayon ko lang siya nakita wala ata siya kahapon , tiningnan ako nito na para bang sinusuri ang buong pagkatao ko , kaya napa cross arm ako
"a--ano bang kailangan niyo" mahinang tanong ko , nakaka pressure kasi yung tingin nila , alam mo yun... yung pakiramdam na maraming nakatingin sayo
"anong nangyayari dito?" boses iyon ni sir Jake kaya napalingon kaming lahat sa may pinto
"non of your business" malamig na ani nito at bumalik ng tingin sakin
aba bastos sumagot tong batang toh
"Hugo come with me may sasabihin si Lie" seryosong ani ni sir kaya nagsilayuan sila
"tsk" asik nito at sumunod sa labas kay sir , hindi na ako nag abala pa at agad na umupo saka kinuha ang cellphone para manood
"hi classmate" bati nung may panyo sa ulo sabay kuha ng upuan at itinabi ito sa upuan ko
"Laxon Rey Salas Cabañero nga pala ang pinaka pogi at pinagkakaguluha sa class E you can call me Laxon oh di kaya pogi" ani nito at inilahad ang kamay niya piro hindi ko ito pinansin kaya napakamot siya sa ulo
"gago pogi daw oh na snob ka tuloy" komento naman nung may white yung buhok sabay upo ng pabaliktad sa unahan ko kaya ngayon ay magkaharap na kami
"Black Zyn Quin Soson nga pala you can call me Zyn nalang" ani nito at ngumiti ng matamis piro hindi ko din ito pinansin kaya napatawa yung katabi ko
mga mukong na toh ano nanaman ba ang kailangan nila at ginugulo nanaman nila ako kainis , diba pwedeng lubayan nalang nila ako mas okey la yun
"ANO BA" inis na bulyaw ko ng hablotin nito ang cellphone ko , nanonood ako eh
"ano bang pinapanood mo" ani nung Zyn saka tiningnan yung phone ko
"shhhhh nag uusap sila sa labas wag kang maingay" saway naman sakin nung Laxon
aba marunong palang makiramdam ang isang toh kung makasaway kala mo naman ang hinhin hinhin
"ibalik mona kasi" inis na ani ko piro ang luko lumayo sakin , akmang kukunin kona ito sa kanya ng bigla niya itong itapon sa may likuran ko
"Laxon salo" ani nito at inihagis sa may likuran ko
"huy wag mong itapon" nakikiusap na ani ko piro ngumisi lang ito
"Opsss! Will salo dali"ani nung makapal yung kilay sabay hagis ng cellphone ko kay Will kuno , mabuti nalang ay agad niya itong nasalo
"gago bat sakin" ani naman nito at di alam kung ano ang gagawin
"amin amin na" ani naman nung katabi ni Zyn at inaabangan ito
abala sila sa pagpapasapasahan ng cellphone ko , pagod na din ako kakahabol sa mga ito , naiinis na ako
"amin na nga kasi uy" inis na bulyaw ko habang inaagaw ang cellphone ko piro hindi ko ito maabot dahil nakataas ang kamay niya sa ere
"ibigay mo na kasi" ani naman ng kung sino kaya napalingon ako dito siya yung medyo chubby yung cheeks niya
"hui ikaw anong ginagawa mo? wag mong galawin yung bag ko" inis na saway ko ng makitang hinahalungkat niya ang bag ko , akmang lalapit na ako nga bigla siyang tumakbo bitbit ang bag ko
padabog akong naupo masama ko silang tiningnan , di ko alam kung ano ang gagawin parehong nasa kanila yung bag at cellphone ko, kanina pako habol ng habol hindi ba sila napapagod
"pagod kana ba classmate whahahahaha"
hagalpak na tawa nito
"OY PAGKAIN" sigaw nung kumuha ng bag ko , inilabas nito ang lunchbox ko kaya nagtinginan sila at lumapit dito
"pagkain nga"
"pahingi ako"
"sandali kasi"
"sharing is caring"
ani nila na tila ba ngayon lang nakakita ng pagkain , napangisi ako at tumayo , yan pala ang mga kahinaan niyo ah
"sa inyo na yung pagkain ko ibigay niyo lang yung cellphone at bag ko" ani ko ng makalapit ako sa mga ito , bibili nalang ako ng pagkain ko mamaya
"bigay mona" ani ng isa sa kanila , kaya walang ano ano ay agad na ibinalik sakin yung mga gamit ko
pagkain lang pala ang katapat ng mga toh pinahirapan pako , bumalik na ako sa upuan at tiningnan sila habang nagkukumpulan, para silang nga palaboy na di nakakakain , kunti nga lang laman ng lunchbox ko pinag aagawan pa nila
END OF CHAPTER 3
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments
Ryohei Sasagawa
Incredible!
2025-05-04
0