Secret admirer 2
"Sorry late ako" sabi ni christian.
( DI NIYO NATATANONG SI CHRISTIAN ANG ISA SA MGA GWAPONG LALAKI SA BUONG SCHOOL. ACTUALLY CRUSH KO TALAGA YAN MATAGAL NA.)
diko alam kung bakit siya nandun that time. "Bakit ka nandito?" Di makapag salita. Agad nitong sabi na "Diba sabi mo magkita tayo". Diko alam kung kikiligin ako or mag dadalagang pilipina muna ako HAHHAH. Pero akalain nyo guys. Yung crush ko pala yung secret admirer ko. Tamang sana ol lang HAHAHAHHA. OMG ang saya ko ngayon. Habang naglalakad kami nag uusap kami. Nagkwekwetuhan nag tatawanan hayst ang saya
Christian: sorry pinag hintay kita
Me: okay lang
Christian: sure ka? Para makabawe ako sayu mag milktea tayo.
Me: hala sure ka. Nakakahiya
Christian: Para makabawe lang ako sayu kasi di ako nag papakilala sayu e.
Me: Ah ok lang nmn un
Christian: alam kung bakit?
Me: huh bakit?
Christian: ah kasi natotorpe ako sayu.
Me: okay lang. Lagi mo nmn ako pinapadalhan ng pagkain.
Christian: Pagkain?
Me: oo
Christian: ay oo nga pala. Nakalimutan ko. Kasi ayaw kong nakikita kang nagugutom.
Me: ah ganun HAHAHA.
christian: oy ito na yung MILKTEA
*kinikilig ako ng sobra sa bawat usap namin. Sa bawat buka ng bibig ni christian. Naiinlove ako kasi sobrang gwapo nya. Makalipas nag ilang oras ang dami naming napagkwentuhan ni christian tawa ako ng tawa dahil may sense of humor pala siya. Hayst diko makakalimutan ang araw na yun.
*kinabukasan*
Me: oy axel.
Axel: bakit?
Me: salamat pala kahapon
Axel: ah wala yun
Me: o bakit matamlay ka
Axel: ah wala di pa kasi ako nakain.
Me: ah ganun sige mamaya nalang.
Axel: sige
Nung nagkita na kami ni christian. As in araw araw na kaming nag kikita. Araw araw na kaming nag uusap kahit sa chat nag uusap kami. Tipong hanggang madaling araw naguusap pa din kami. Hayst ang sarap palang umibig. Tapos biglang may nag bigay sakin ng sulat. Siya nanamn. Sinulatan nanamn ako ni christian HAHHAAHA pede namng ichat nalang hayst. Ang nakalagay sa sulat ay. " 13 1 8 1 12 14 1 13 1 8 1 14 11 9 20 1 " nagtaka ako kasi puro lang nmn numbers. Kaya chinat ko si axel kung bakit ganto binigay ng lalaki saakin kasi diko maintindihan. O baka nmn sa lotto to' Hahahha
Chat*
Tine: axel
Axel: batit?
Tine: batit batit batit batit batit
Axel: hoy panget na typo lang.
Tine: lagi ka nalang typo alam mo yun
Axel: wala kang paki panget
Tine: tse! May tatanong lang ako
Axel: ano?
Tine: ay wag na nga. Nvm nalang
Axel: ano nga yun??? Niloko ka ni christian? HAHA
TINE: di noh! Basta!
Makalipas ang ilang oras. Uwian na ng nagulat ako nung nakaabang saakin si christian. Sabi niya kasi hahatid nya ako. Yieeee omg nakakakilig. Kaya yun. Tinanong ko siya kung bakit nag sulat siya ng number sakin.
Tine: bakit nag padala ka sakin ng letter na ang laman puro numbers
Christian: ah wala yun para maalala mo lang ako HAHAHAHHAHA.
TINE: lagi ka nmn nasa isipan ko. Wag ka mag aalala
Christian: sabi mo yan Ha! hahahahaha
Tine: oo nmn HAHAHHAA
Isang araw. Biglang may nag text saakin ng gabi na. Si christian. Gabi na nagtext pa sakin. Sabi niya puntahan mo'ko dito please. Dito sa bacoor. Edi ako nmn pupuntahan siya. Kasi baka napaaway o baka nabugbog siya. Dali dali akong tumakas kila mama at papa ng makapunta na ako sa bacoor. Nakita ko si christian.
Tine: christian anong nangyare sayu.
Chriatian: ah wala pinapunta lang kita dito kasi gusto kita makita
Tine: naglasing kaba!
Christian: hinde ah
Tine: amoy alak ka. Tara na
Christian: tine. Mahal mo ba ako?
Tine: oo nmn.
Pagkatapos kung sabihin na oo nmn means mahal ko din siya bigla nya akong hinalikan. Di ako makawala sa kaniya. Dahil sa sobrang higpit ng pagkakahwak niya sa kamay ko. Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero wala. Sinbukan kong humingi ng tulong pero pagpatuloy pa din siya sa pag halik saakin umiiyak na ako sa ginagawa ni christian saakin at biglang may humila sakin at biglang sinapak si christian nagulat ako nung si axel ang sumapak kay christian. Nagtaka ako kung bakit nandito siya. Diko alam kung maawa ako o maainis ako dahil pagkatapos nya akong baboyin. Inawat ko si axel. Ang mas kinagulat ko sa sinabi ni axel
Axel: Hayop ka. Pinaubaya ko sayu si tine tapos ganto gagawin mo.
Christian: diko namn talaga gusto yan si tine e. Ang gusto ko lang sa kaniya ang yung katawan niya
Axel: hayop ka pala e!
Tine: tama na yan axel. Tara na!
Dinala ko si axel malapit sa bahay namin. At sinabi ko na bakit sinabi niya na pinaubaya niya ako kay christian. Sabi niya nmn
Axel: alam mo tine. Naalala mo yung unang araw sa school tapos may nakabangga ka. Ako yun. Kasi nung araw na yun tinititigan kita diko namalayan na nabangga na pala kita kaya nahiya ako tapos daridaritso lang ako ng lakad. Gusto kitang tulungan pero nahihiya ako. Yung sa sulat nmn na pinabigay mo sakin. Binasa ko yun at nakalagay "magkita tayo sa court" ng mabasa ko yun diko alam kung pano ako haharap sayu. Kasi natotorpe ako sayu. Ang ginawa ko sa papel tinapon ko. Tapos nakita ko napulot ni christian. Kaya siya yung nakita mo sa court. Ewan ko ba kung pano ka naniwala sa mga sinasabi niya.
Tine: huh? It means ikaw ang nag bigay sakin ng letter na may numbers.
Axel: oo dimo ba naintindihan yun? Ang nakalagay dun. " 13 1 8 1 12 14 1 13 1 8 1 14 11 9 20 1 " kung ilalagay mo sa alphabet. Ang ibig sabihin nyan mahal na mahan kita.
Tine: mahan?
Axel: minali ko talaga yun kasi diba lagi akong typo. At alam mo ba sa tuwing may lakad kayo ni christian lagi ako nakasunod sainyo. Kasi alam ko ang balak ni christian. Masakit na nakikita kita na masaya ka sa kaniya. Nasasaktan ako. Pero mas masakit yung nakikita kitang masaya pero di ako ang dahilan.
Nagulat ako sa confession ni axel. Diko alam kung ano ang mga magiging reaksyon ko. At narealize ko na simula pala una niloloko lang ako ni christian at ang tunay na nagmamahal sakin ay si axel. Naguguluhan ako. Sa mga pangyayare. Diko alam kung ano yung gagawin ko.
Axel: tine. Narinig kita na kinikilig ka pag binigyan kita ng mga letters at staka pagkain
Tine: ahh oo
Axel: may tanong ako sayu
Tine: ah ano yun
Axel: mahal mo ba yung Secret admirer mo?
* sa mga pangyayaring to' natuon ko yung pagmamahal ko sa maling tao. Diko alam kung sino pa pagkakatiwalaan ko sa pagmamahal ko. Kasi sobrang nadurog yung puso ko pero nalaman ko nmn yung totoo. Diko alam kung ano yung isasagot ko sa tanong ni axel. Narealize ko lang na may mga tanong talaga na di natin kayang sagutin pero kaya nating gawin. Kaya habang may nagmamahal sainyo ng tunay wag kayong mag alinlangan na mahalin din sila. At may mga taong iniwan natin para sa maling tao kaya ito ang masasabi ko "Ipinagpalit ko lahat para lang sayo. Iniwan ko sila dahil lang sayu, kase mahal kita. Pero iniwan mo din ako. Ngayun, Alam mo ba sino ang kasama at kadamay ko. Siya na iniwan ko. Siya na iniwan ko dahil lang sayu". Kaya ang sagot ko sa tanong ni axel ay.
Tine: oo namn mahal na mahal ko
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments