Pagdating sa Cafeteria I look around and it looks normal naman with alot of stupid humans. Humanap ako agad ng table na pang two person lang. Umupo ako agad and put my small backpack in the table. Naupo rin naman si Kaye agad sa harap ko at itinukod ang braso sa mesa.
"Where's your bag anyway?" takang tanong ko kasi purse and phone lang ang dala niya.
"Iniwan ko sa room. Hassle dalhin eh"
"Nasaan ang hassle dun? Mas hassle pa nga ang magdala ng purse and phone eh. Sabihin mo gusto mo lang ipagyabang yang mamahalin mong purse" naiiling kong sabi sakanya na ikinatawa lang naman niya.
"What do you want?" tanong niya habang tumitingin sa paligid.
"Bakit Ililibre moko?" nakangisi kong tanong.
"Mas mayaman ka pa saakin tapos saakin ka pa magpapalibre. You're impossible" naiiling niyang sabi at nilahad ang palad sa harap ko.
" Give me money and I'll buy you food" napabusangot ako at binuksan ang bag ko to get my wallet. Kumuha ako ng pera at ibinigay kay Kaye.
"Libre mo ko ah" nakangiting sabi ni Kaye.
"Are you for real?" naiiling kong sabi at inirapan nalang siya.
"Yes I'm 100 percent real. Anyway I want pizza and coke. What's yours?" tanong niya habang nakatayo na sa harap ko.
Ibinaba niya sa mesa ang phone at purse niya. Bale ang dala niya lang is yung perang binigay ko.
"Chocolate Cake and Iced tea" simpleng sagot ko at kinuha ang phone niya.
May password ang phone niya pero dahil alam ko madali ko lang iyong nabuksan at naglaro ng games sa phone niya.
Napaangat ako ng tingin ng may naglapag ng tray sa harap ko. Natawa ako ng makita ko ang nakabusangot na mukha ni Kaye.
"I've waited for 10 minutes for your stupid Cake. Dang it!" asar niyang sabi at naupo na sa kaharap kong upuan.
"Well No one ask you to buy me food. Remember you volunteered" nakangisi kong sagot at kinuha ang cake ko sa tray and put it infront of me.
"Itadakimasu!"
Inirapan lang naman ako ni Kaye at nilantakan ang pizza niya. Nakangiti kong nilantakan ang chocolate Cake ko. Damn! It taste so good!
Pagkatapos maubos ni Kaye ung pizza niyang mga 4 slices lang naman daw ay pinaglaruan niya ang straw ng coke niya at pinakatitigan ako.
"So kumusta ang first 3 subjects mo?" bigla niyang tanong. Ibinaba ko ang fork na ginagamit ko at tinignan siya.
"Boring" simple kong sagot at uminom ng iced tea.
"As usual. You always have that boring reaction. Anyway ung akin hindi mo ba tatanungin?" excited pa niyang sabi.
Napasimangot naman ako at tinaasan siya ng kilay.
"Well pwera sa pakikipag landian sa mga hayop mong kaklaseng lalaki at pakikipag plastican sa mga kaklase mong babae may iba pa ka pa bang ginawa? " nakangisi kong sagot sakanya. Tinignan naman niya ako ng masama at pinakitaan ng middle finger niya.
"Bitch. You really know how to ruin my mood don't you" wika niya bago ako inirapan ay ibinaling ang atensyon niya sa coke na iniinom niya.
"Yep and that's my specialty"nakangisi kong sagot.
After bitching with each other we decided to go back to our designated classroom. Habang naglalakad sa hallway papunta sa building ng Grade 7.
"May dadaanan lang ako so mauna kana. See you at lunch"
Then she waved her hand to say goodbye. Napabusangot nalang ako. Really saan naman ang punta non? Inirapan ko nalang siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Napatigil ako bigla at napangiwi ng may dumaang lalaki sa harapan ko.
Is he dumb? Yung mga gamit niya isa isang nahuhulog mula sa backpack niya. Hindi ba niya napapansin na gumagaan ang bag niya? I don't know what happened to me and I just found myself na pinupulot ung mga gamit niya na nahulog sa sahig. Nakita kong napatigil siya at kinuha ang backpack niya para tignan. Maybe he realize na gumaan ang bag niya. Then lumingon siya at nagtama ang aming mga mata. I was shocked at first but i didn't want him see that. So inirapan ko siya.
"Your so stupid" nakita ko ang shock sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Ngayon lang ba siya nasabihan ng stupid? O ngayon lang niya narinig ang word na stupid?
"Wow! For your age you have a very sharp tongue" amused niya sabi at lumakad siya papalapit saakin.
"Mukhang gulat na gulat ka. Ngayon lang ba may nagsabi sayong stupid ka? O ngayon mo lang narinig ung word na stupid?"
"Your just a junior but you talk big Huh"
Naiiling niyang sabi na ikinataas ng kilay ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. His uniform has a red color means he is my senior.
"For a Senior student you surely are dumb. Your so stupid that you didn't even realize that your bag is wide open and your things are gone. You humans are really dumb " nakangisi kong sagot na ikanatawa niya.
"We came from the same origin little one"
"Well I'm in a special Case. I don't have that little IQ that you humans have. See you're already in a senior level but your Intelligent Quotient is still Match on a childs level"
"Intelligent Quotient"
It wasn't a question.
"If you don't know what that means you can ask Ms. Miriam Webster and Mr. Google's help they surely helps a lot. You'll learn something"
Nagkibit balikat pa ako habang nakangiti.
"Wow! You're unbelievable" naiiling pa niyang sabi habang nakangiti. It's a natural smile. But I'm offended by his smile.
"Ofcourse I am. I don't have the same IQ like yours. You know you humans are simply dumb"
"I like you" naiiling niyang sabi at kinagat pa ang kanyang pang ibabang labi. Well honestly speaking gwapo siya at hindi naman siya nagmukhang manyak sa ginawa niya.
"The feeling is not mutual" nakataas ang kilay kong sagot.
"I don't care . I wanna be your friend. So little fairy what's your name?"
" Dont call me that. I maybe little but I am not a fairy. Fairy was just a fiction characters that human created and I don't need a dumb human friend" nakangiti kong sagot at balak na sanang umalis.
I was shocked when he grab my arm and push me in the wall then he corner me between his both arms while his body is in front of me.
"I mean no harm. I just wanna be your friend"
"Cornering me between your arms means no harm? Are you nuts? You know I can sue you for sexual harassment"
Pananakot ko sakanya habang nakatingin sa mga mata niya. Well he is tall kaya naman nakatingala ako sakanya.
"Then sue me and lock me. Lock me in your arms. Don't worry i wont bail myself out and gladly accept my punishment and will stay lock up in your arms till the day i die"
Tinignan ko siya ng masama. At ang gago nginitian lang ako. He is unbelievable! He really is a dumb human! Hinampas ko ang mga gamit niya na hawak ko parin pala sa dibdib niya.
"ouch" daing niya. At hinawakan ang mga gamit niya. Naglakad ako agad palayo sakanya at ipinakita ang middle finger ko.
"Stupid dumb human!" galit kong sigaw na ikinatawa lang niya.
"See you around My little fairy"
Masama ang loob kong nagmarcha paalis dun sa hallway at palayo sakanya. Hindi lang siya dumb he is also crazy. Arggggghhh!
Nakabusangot akong naglalakad papuntang room. Pagpasok ay agad akong pumunta sa pinakasulok na parte ng room at doon naupo. I hate humans! They are dumb! Bumuntong hininga ako at tumingin sa labas. Nasa tabi ako ng window so yeah I can see the clear view of the sky and the field outside.
Natatawa kong ipinasok sa backpack ko ang mga gamit na nahulog ko kanina. Satingin ko napag tripan na naman ako ng mga kaibigan ko kaya nakabukas ang bag ko. Well thanks to them kasi kung hindi nila ginawa yun I won't have the chance to meet my little fairy. She seems to have a deep hatred to humans. Her words are kinda offensive but I find her cute and adorable.
" Kanina ka pa ngiti ng ngiti simula ng bumalik ka from Break may nakain kang masarap o may nangyaring maganda?" nagtatakang tanong ni Nile habang nakatayo sa harap ko.
"I met a very interesting girl in the hallway"
"Shit What grade!??" excited niyang tanong.
"Her uniform has green color on her collar"
Napa aray ako ng sapukin niya ako.
"Gago ka! Grade 7 palang yun ah!" gulat na gulat niyang sabi.
"So?" nagtataka kong tanong.
"Sosowin mo mukha mo. Gago Child Abuse ka sumbong kita kay tulfo loko" naiiling niyang sabi at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.
Tinawanan ko lang naman siya.
"Sumbong kita kay tita loko. Grabe ka pati ba naman Grade 7 papatusin mo pa. Thunder Grade 7 palang yun! Grade 7 gago! Grade 7!!" malakas niyang sabi at may pailing iling pa ng ulo niyang sabi.
"Grade 7 palang yun Thunder Gago!" wika niya ulit.
Pigil ang tawa ko ng ulit ulitin niya ang Grade 7. Makagago siya akala mo naman siya hindi rin gago. Bahala siya sa buhay niya.
Ano nga kayang pangalan nung babaeng yun? She's so cute. She looks like a little fairy for me.With her Small height and a very Beautiful face. She is not my type but she really caught my attention.
"After Class samahan mo akong hanapin ang little fairy ko"sabi ko kay Nile habang nakangiti.
"Little What?" nagtatakang tanong ng kadarating lang na si Jacob.
"Little Fairy daw niya" naiiling na sagot ni Nile habang nakaturo saakin.
"Wow! Bagong babae?"
"Gago! Makukulong siya pag ginawa niyang babae yun" nakangising sagot ni Nile.
"Ha? Why?" nagtatakang tanong ni Jacob.
"Alis" sabi niya sa nakaupo na nasa harapan kong upuan. Agad namang umalis ung kaklase naming lalaki na nakaupo doon. At agad siyang naupo. Napailing nalang ako sa ginawa niya at kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ng pants ko.
"Minor" simpleng sagot ni Nile.
"Paano siya makukulong eh Minor din naman tayo?" nagtatakang tanong ni Jacob kay Nile.
"Minor nga tayo. Kaso alam mo ba kung anong grade palang ung little fairy kuno niya?"
"Grade 9? 10?"
"Grade 7 pre!" malakas na sagot ni Nile.
Tinignan naman ako ni Jacob na para bang nakapatay ako ng tao.
"Gago ka Thunder!" naiiling na wika ni Jacob.
"Diba? Gago talaga si--"
"Maganda ba pre?" pag putol ni Jacob kay Nile.
"Isa ka ring gago Jacob! Tangina mo ka himbis na bawalan mo kukunsintihin mo pa"sermon ni Nile na sinagot lang naman ni Jacob ng malakas na tawa.
"Age doesn't matter when it comes to- cough cough - Love"
Natawa ako ng parang tangang umubo ng umubo si Jacob at para bang hirap na hirap ang tarantado.
"And Age is just a number pre "
"Gago! Prison Cell is also just a room pre. Gusto mo ipasok kita" sagot ni Nile kay Jacob.
Pinakitaan lang naman siya ng Middle finger ni Jacob.
"Bakit ako hindi ba si Thunds ang may minor de edad?"
"Mga tarantado" natatawa kong sabi sakanila.
"Pero Thunds seryosong tanong"
Sabay kaming napatingin ni Nile kay Jacob ng magseryoso ang mukha at boses niya.
"What?" nagtataka kong tanong.
"Maganda ba pre?"
Natawa ako ng sapukin siya ni Nile.
"Tarantadong to! Akala ko naman kung anong itatanong" naiiling pang sabi ni Nile at pagkatapos ay tinignan ako ng nagbabanta.
"Huwag kang sasagot kundi sasakalin kita"
Sabay kaming natawa ni Jacob ng malakas. Ang seryoso talaga nitong si Nile. Saaming tatlo si Nile ang great pretender. Kunwari matino pero mas gago pa saamin ni Jacob yan hindi lang halata.
*****
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments