Sakali
…SAKALI…
(sequel of Akala)
Naging masaya ang pagsasama ni Arjay at Jon Ray bilang magkasintahan, dumaan ang ilang taong pagsasama, may mga dumaan mang problema at suliranin ay nalalampasan nila ito, lalo pa’t tanggap ng kanilang mga magulang ang kanilang relasyon dahil nasa tamang edad na sila para mag desisyon.
Nagkaroon ng pagbabago sa kanilang kumpanya, dahil sa pagdami ng mga empleyado inilipat ang iba sa kabilang site, at isa dito si Jon Ray.
“Di ako sanay na di tayo magkasama sa work, pero at least sa bahay magkasama pa din tayo.” Sabi ni Arjay
“Oo nga eh, ako din maninibago, 1st time natin di magkakasama sa buong araw.” Sabi ni Jon Ray
“Hayaan na natin, change is bound to happen talaga.” Sabi ni Arjay
“Tatawagan na lang kita basta may free time tayo.” Sabi ni Jon Ray
“Para tayong tanga akala mo LDR (long distance relationship) tayo, eh sa work lang naman tayo di magkakasama, ha, ha, ha.” Natatawang sinabi ni Arjay
“Di lang kasi talaga tayo sanay.” Sabi ni Jon Ray
Nang simula ay maayos ang naging takbo ng mga pangyayari, sabay silang umaalis ng bahay, at sabay ding umuuwi, madalas ay nagtatawagan o mag kachat sila kapag break time nila. Ngunit dumating ang isang bagay na di nila inaasahan nag-iba ang shift ni Jon Ray sa kabilang site, kulang ng tao sa graveyard shift kaya siya ang nilagay dito.
“Kaya ko naman yun dati naman akong pumapasok sa graveyard di ba?” Sabi ni Jon Ray
“Oo pero magiging mas madalang ang ating pagkikita.” Malungkot na sinabi ni Arjay
“May rest day naman tayo di ba, so magkakasama pa din tayo” Sabi ni Jon Ray
“Sabagay may point ka naman dun.” Sabi ni Arjay
Halos hindi na sila nagkikitang dalawa dahil bukod sa magkaiba ang oras ng kanilang pasok ay magkaiba din ang rest day nila sa trabaho. Sa umaga kapag papasok na si Arjay ay hindi pa nakakauwi si Jon Ray, sa pag-uwi niya sa gabi ay pumasok naman na si Jon Ray, madalas ay sa chat o text na lamang sila mag-usap, para ipaalam ang kanilang mga ginagawa.
“Kaya mo pa ba friend?” Tanong ni Angela kay Arjay
“Wala naman ako magagawa kundi magtiis.” Sagot ni Arjay
“Basta kapit lang ha.” Sabi ni Angela
“Oo naman, kapit lang sabi ng tarsier.” Sabi ni Arjay
“By the way lalabas ang team sa darating na Saturday sasama ka ba?” Tanong ni Angela
“Baka hindi muna, ngayon lang kami magkakasabay ng rest day ni Jon Ray eh.” Pagtanggi ni Arjay
“Edi isama mo na lang sya gabi pa naman yun eh.” Mungkahi ni Angela
“Susubukan kong itanong sa kanya.” Sabi ni Arjay
Dumating ang araw ng Sabado, mahimbing ang tulog ni Arjay nang biglang dumating si Jon Ray, tahimik itong lumapit kay Arjay at marahang hinalikan ang kanyang prinsepe sa labi, dahilan upang magising ang huli.
“Knight nakauwi ka na pala” Nakangiting sinabi ni Arjay
“Oo, sobrang miss na kita, prinsepe ko.” Sabi ni Jon Ray sabay yakap ng mahigpit kay Arjay
“Ako din, parang ang tagal na natin hindi nagkita.” Sabi ni Arjay
Hinalikan ni Jon Ray sa noo si Arjay, at yumakap na rin si Arjay kay Jon Ray, nagtagpo ang kanilang mga labi, tila uhaw na uhaw sila sa halik ng bawat isa, ilang araw na nangulila ang kanilang mga labi sa isa’t-isa, ilang minutong hindi naghiwalay ang mga ito, hanggang sa maglakbay ang mga labi ni Jon Ray sa leeg ni Arjay mariin, mapusok at puno ng panabik, dahilan upang mag-iwan ng pulang marka sa leeg ni Arjay. Hindi mapigilan ang pananabik ni Jon Ray, muling naglakbay ang kanyang mga labi tungo sa dibdib ni Arjay, mistula siyang sanggol na uhaw sa gatas ng ina, habang si Arjay ay humahalinghing ng mahina at napapasabunot sa buhok ni Jon Ray. Nang magsawa ay muling naglapit ang kanilang mga mukha, nakatitig sa isa’t-isa hindi na kailangan ng mga salita upang iparating ang pag-ibig nila sa isa’t-isa. Hinubad ni Jon Ray ang natitira niyang kasuotan gayun din si Arjay, inilabas ng una ang condom sa bulsa ng pinaghubaran niyang pantalon kasama ang pampadulas. Tumalikod si Arjay hudyat ng kanyang pagsuko, marahang tinarak ni Jon Ray ang kanyang kabuuhan sa lagusan ni Arjay, at malugod namang tinanggap ito ni Arjay kahit ramdam niya ang hapdi pagkat ilang buwan din nilang hindi ito ginawa, magkahalong kirot at ligaya ang dulot ng bawat indayog ng katawan ni Jon Ray. Ang mga labi ni Jon Ray ay lumapat sa batok ni Arjay habang ang isa niyang kamay ay nakahawak sa leeg at baba ng huli, marahang kinakagat naman ni Arjay ang mga daliri ni Jon Ray. Parang kay tagal na mula ng huli nilang nadama ang ganitong pakiramdam, puno ng pagmamahal ang bawat sandali, tila hindi tumatakbo ang kamay ng orasan. Ngunit lahat ay kinakailangan ding magtapos, ng marating nila ang rurok ay nahiga silang dalawa upang magpahinga.
“I love you my Knight.” Sabi ni Arjay sabay halik sa pisngi ni Jon Ray
“Mas mahal kita prinsepe ko.” Sabi ni Jon Ray sabay hawi sa buhok ni Arjay
“Matulog ka na muna, gigisingin na lang kita kapag lunch na, magluluto ako.” Sabi ni Arjay
“Sige, pero pwede bang dito ka lang sa tabi ko muna?” Pagpayag ni Jon Ray sa sinabi ni Arjay
“Oo sige, inaantok pa din naman ako eh.” Sabi ni Arjay
Nakasanayan na nila ang ganitong gawi sa paglipas ng ilang buwan, pero tila may pagbabago, tila may lamig na nadarama si Arjay, hindi nya ito maipaliwanag, ang dating mayabong na puno ay unti-unting nalalagas.
“Baka naman nasa isip mo lang yan.” Sabi ni Angela
“Hindi ko alam parang recently kasi ang cold na nya sa ‘kin.” Sabi ni Arjay
“Paanong cold?” Tanong ni Angela
“Pag nilalambing ko sya tumatalikod lang sya, o kaya pag niyayakap ko sya pagtulog inaalis nya ang kamay ko.” Sagot ni Arjay
“Baka naman kasi pagod lang, intindihin mo din naman.” Sabi ni Angela
“Hindi pa ba pag-intindi ang ginagawa ko?” Tanong ni Arjay
“Mas unawain mo pa.” Sagot ni Angela
“Ano nga ba ang pagkakaiba ng iniintindi sa inuunawa?” Malungkot na tanong ni Arjay
“Ang pag-intindi ay ginagamit mo lamang ang iyong utak para alamin ang dahilan ng isang bagay ngunit ang pang-unawa ay ginagamitan ng puso para mas mabigyang linaw ang dahilan.” Matalinhagang sinabi ni Angela
“Ang lalim mo now friend ha.” Sabi ni Arjay
“Ang lalim din kasi ng iniisip mo baka malunod ka.” Sabi ni Angela
Nag-isip ng paraan si Arjay upang maibalik ang dating init ng kanilang pagmamahalan, nagplano siya ng isang 3 days vacation sa isang magandang beach resort para sa kanilang dalawa, at pumayag naman si Jon Ray.
Nag file na sila ng leave para siguradong matutuloy ang kanilang planong bakasyon, pinayagan naman silang pareho na sabay mag leave. Dumating ang araw na kanilang pinakahihintay handa na ang lahat para sa kanilang magiging byahe.
“Excited na ako, tang tagal na natin hindi nag travel eh.” Sabi ni Arjay
“Ako din, sulitin natin ‘to.” Sabi ni Jon Ray
“Basta kasama kita sulit ang bawat sandali.” Sabi ni Arjay
Pagdating nila sa resort ay nagpahinga lamang silang saglit, pagkatapos ay nagpunta na agad sila sa beach para maligo at kumuha ng mga litrato gamit ang kanilang mga smartphones, nang mapagod ay naghanap sila ng makakainan bago bumalik sa kanilang kwarto.
“Masaya ka ba ngayong araw na ‘to?” Tanong ni Arjay
“Oo naman, bakit mo natanong?” Sagot at tanong ni Jon Ray
“Pansin ko kasi lately lagi kang spaced out.” Sagot ni Arjay
“Pagod lang ako sa work, alam mo naman kung gaano ka toxic ang work natin hindi ba.” Paliwanag ni Jon Ray
“I know and I understand naman, pero I’m here naman para sabihan mo kung napapagod ka na sa work, dadamayan kita.” Sabi ni Arjay
“Sorry if feeling mo na neneglet kita, ayoko lang kasi mag worry ka sa ‘kin.” Sabi ni Jon Ray
“Sabihin mo yan kapag hindi na kita mahal, pero hangga’t mahal kita may karapatan akong mag-alala sa’yo.” Sabi ni Arjay na bahayag napalakas ang boses
“O wag na magalit, humahaba ang nguso ng prinsepe ko.” Sabi ni Jon Ray habang kinikiliti si Arjay
“Ha, ha, ha, di naman ako galit, siguro tampo lang, slight.” Sabi ni Arjay habang umiiwas sa pangingiliti ni Jon Ray
“Ah nag tatampo pala ha.” Sabi ni Jon Ray habang patuloy na kinikiliti si Arjay sa tagiliran gamit ang kanyang mga kamay at sa leeg gamit ang kanyang mukha.
“Knight ano ba, ha, ha, ha… oo na hindi na ako tampo.” Sabi ni Arjay na humahangos na sa pagtawa.
Napuno ng tawanan ang kanilang kwarto, magdamag lamang silang nagkukulitan parang noong mga bata pa sila. Pansamantala nilang winaglit sa kanilang isipan ang magulo at maingay na mundo sa labas, hindi nila alintana ang mga problema basta sa mga sandaling ito ay masaya sila, Arjay at Jon Ray lamang ang pangalang alam nila, ang prinsepe at ang mahal niyang caballero lamang ang mahalaga.
Subalit ang panaginip ay dumarating din ang wakas, natapos na ang tatlong araw nilang bakasyon at kailangan na nilang bumalik sa Manila. Pagbalik nila ay mayroong masamang balitang naghihintay sa kanila, nagkaroon ng sakit ang mama ni Jon Ray kinakailangan nitong maoperahan sa kidney, at kinakailangan ng malaking pera.
“Ipahiram na muna natin ang ipon natin.” Mungkahi ni Arjay
“Pero paano kung tayo naman ang mangailangan?” Tanong ni Jon Ray
“Magagawan natin yan ng paraan, ang mahalaga makatulong tayo.” Sagot ni Arjay
“Sorry masyado lang akong stress, madami tayong bills na dapat bayaran, tapos nangyari pa ‘to.” Sabi ni Jon Ray
“Shhh… tama na, nandito lang ako, magkasama nating haharapin ‘to ok?” Sabi ni Arjay
“Salamat prinsepe ko, ako yung dapat laging matapang kasi ako yung knight mo, pero ako pa yung pinanghihinaan ng loob ngayon.” Pasasalamat ni Jon Ray
“Hindi sa lahat ng oras ay malakas at matibay ka, pwede ka din mabuwal, kaya nga nandito ako para pag sa tingin mo mabubuwal ka na merong kang makakapitan.” Sabi ni Arjay habang hawak ang mga kamay ni Jon Ray
Naging matagumpay ang operasyon ng mama ni Jon Ray at kasalukuyan na itong nagpapagaling, ngunit ng dahil dito ay dumami ang pagkakautang ng pamilya ni Jon Ray, at maging siya ay namomobroblema din.
“Siguro kailangan kong mag OT lagi para mas malaki ang sahod ko, di na sapat yung sweldo natin baka pati tayo magipit.” Sabi ni Jon Ray
“Wala namang kaso sa ‘kin yun pero baka masyado mo ng pinapagod ang sarili mo.” Pag-aalala ni Arjay
“Kailangan eh, laging kailangan…” Bahagyang sarcastic na sinabi ni Jon Ray
“Halika nga dito masahiin ko na lang likod mo para mawala stress mo.” Sabi ni Arjay
Nahihirapan si Arjay sa nangyayari dahil nadadamay ang kanilang relasyon, mas madalas na ang pag OT sa trabaho ni Jon Ray kung minsan ay kahit rest day nito ay pumapasok pa din ito, dahilan para tuluyan na silang mawalan ng panahon sa isa’t-isa.
Naramdaman ni Jon Ray ang paglayo ng damdamin ni Arjay sa kanya dahil sa kanyang pagiging abala para kumita ng pera, kaya gumawa siya ng paraan para bumawi sa kanyang mahal.
“Prinsepe ko, sorry if busy ako lagi sa work.” Paghingi ng paumanhin ni Jon Ray
“Naiintindihan ko naman yun, kailangan natin kumayod, kung hindi mamamatay tayo ng dilat.” Sabi ni Arjay
“Pwede ba tayo magdate sa Wednesday, rest day mo din naman yun di ba?” Pag-aaya ni Jon Ray
“Sure ka, gastos lang yun, hindi ka ba mag RDOT (rest day over time)?” Tanong ni Arjay
“Hindi mas gusto ko makasama ka.” Hinarap ni Jon Ray ang mukha ni Arjay sa kanya
“Okay fine, sige na baka sabihin mo di na ako sweet sa’yo.” Pagpayag ni Arjay
Natuloy nga ang date na ipinangako ni Jon Ray, kumain sila sa isang eat all you can buffet, sinulit nila araw na ito na magkasama. Maya’t maya ang pagkuha ng litrato ni Arjay, habang patuloy sila sa pagkain at pagkukukwentuhan dahil sa mga nagdaang araw ay halos hindi na sila nakakapag-usap.
“Prinsepe ko tikan mo tong dark chocolate cake nila ang sarap.” Sabi ni Jon Ray Sabay subo ng cake kay Arjay
“Oo nga sarap my favorite flavor, pero bakit parang may matigas sa loob, ano ba ‘to mani.” Sabi ni Arjay
“Ha, ilabas mo baka kung ano yan.” Sabi ni Jon Ray na natatawa
“Masakit sa ngipin natatawa ka pa.” Sabi ni Arjay habang nilalabas ang matigas na bagay sa kanyang bibig
“O ano na?” Tanong ni Jon Ray
“Ang corny mo, ano ‘to pelikula may pa ring sa cake?” Sabi ni Arjay na nangingilid ang luha
“I love you prinsepe ko, sorry sa mga panahong hindi kita nabibigyan ng oras o kung sa tingin nawawala ako sa tabi mo.” Naluluhang sabi ni Jon Ray
“Ano ka ba di mo naman kailangan gawin pa ‘to?” Naluluha na rin si Arjay
“Alam ko hindi pa legal ang kasal sa bansa natin, kaya ito munang singsing na ito ang ibibigay ko sa’yo, tanda ng walang hanggan kong pagmamahal sa’yo, pero tandaan mo pag dumating ang araw na pwede na kitang pakasalan hindi ako magdadalawang isip na hingin muli ang kamay mo.” Makapagbagdamdaming sinabi ni Jon Ray habang isinusuot ang singsing kay Arjay
“Hindi mo naman ako kailangang tanungin pa kasi, laging oo ang isasagot ko.” Sabi ni Arjay
“Hindi mo ba isusuot sa ‘kin yung partner na ring?” Tanong ni Jon Ray
“Akin, na may partner pala ‘to, ang saya-saya ko Knight ko.” Sabi ni Arjay
“Masaya din ako dahil nagustuhan mo, silver lang yan low budget eh sorry.” Sabi ni Jon Ray
“Kahit saan pa gawa ang singsing kahit plastic, basta galing sa’yo isusuot ko.” Sabi ni Arjay
Muling nanumbalik ang tamis ng pagmamahalan ni Arjay at Jon Ray. Madalas pa din ay abala sila sa kanilang mga trabaho pero mas nabibigyan na nila ng oras ang isa’t-isa natuto na silang gawan ng time management ang trabaho at relasyon nila. Hindi man madali sa una ay unti-unti naman nila itong nagamay dahil may tiwala at pagmamahal sa isa’t-isa.
Magkakaroon ng team building sila Arjay, nais sana niyang isama si Jon Ray ngunit hindi ito pinayagang mag leave sa araw na ito, nalungkot ang dalawa dahil dati ay lagi silang magkasama sa mga team building dahil nasa iisang site pa sila. Naging Masaya ang team building nila Arjay lalo na’t kasama naman niya si Angela. Kapag mayroong pagkakataon ay tinatawagan ni Arjay si Jon Ray pero madalas ay out of reach ang cellphone nito o kaya naman ay hindi sinasagot, iniisip na lamang niyang baka tulog pa ito dahil pang gabi ito sa trabaho.
“Ano na contact mo na?” Tanong ni Angela
“Hindi pa din eh.” Sagot ni Arjay
“Hayaan mo na wag ka na magworry.” Sabi ni Angela
“Oo bukas ko na lang tatawagan RD naman nya bukas eh.” Sabi ni Arjay
“Sayang no, di pa kasi sya napayagan ngayon mag leave edi sana kasama natin sya.” Sabi ni Angela
“Oo nga eh, pero hayaan mo na.” Sabi ni Arjay
“Tara na may next activity pa tayo.” Pag-aaya ni Angela
Nagkaroon ng problema sa site nila Arjay kaya mas napaaga ang kanilang pag-uwi imbes na gabi pa ay naging umaga ang pag-alis nila kinabukasan. Nag-aalala na siya kay Jon Ray dahil alam niya ay nakalabas na ito sa opisina ngunit hindi pa din nito sinasagot ang kanyang tawag, may chat lamang siyang natanggap noong nakaraang gabi na pumasok na si Jon Ray.
“Malay mo nag OT na naman, kaya wala pang chat o paramdam, hindi ka na nasanay sa jowa mo.” Sabi ni Angela
“Sabagay, pero sana naman sinabi nya.” Sabi ni Arjay
“Baka nawala lang sa isip nya, pauwi na tayo wag ka na nega okay.” Sabi ni Angela
“Fine, I’ll surprise him na lang kasi mas maaga tayo makakauwi, siguro bago maggabi nakauwi na tayo.” Sabi ni Arjay
Gabi na nang makarating si Arjay sa kanilang apartment, patay ang mga ilaw sa kanilang kwarto, tanging ilaw sa may kusina malapit sa CR lamang ang nakabukas, inisip niyang marahil ay nakalimutan lamang itong patayin ni Jon Ray at tulog pa ito dahil pagod ito sa trabaho. Agad siyang nagpunta sa kanilang kwarto para surpresahin si Jon Ray.
“I’m home!!!” Sabi ni Arjay sabay talon sa kama, at yakap sa nakatalukbong ng kumot
“Sino ka?” Tanong ng babaeng nakatalukbong ng kumot
“Ikaw ang sino, anong ginagawa mo sa kama ko?” Balik na tanong ni Arjay
“Prinsepe ko, bakit nandito ka na?” Gulat na tanong ni Jon Ray mula sa pinto ng kwarto
“Akala ko masusurprise kita, ang galing mas nasurprise ako.” Sabi ni Arjay
“Sorry mukhang, hindi mo ata naiintindihan.” Sabi ng babae
“Anong hindi ko naiintindihan sa nangyayari, nakahiga ka sa kama namin, si Jon Ray galing sa CR bagong ligo?” Pasigaw na tanong ni Arjay
“Jon Ray I think I have to go.” Sabi ng babae sabay bangon sa kama
“Very good, damit ko pa talaga yang suot mo.” Sarcastic na sinabi ni Arjay
“Please naman Prinsepe ko makinig ka sa ‘kin, mali ang iniisip mo.” Pakiusap ni Jon Ray
“Aalis na ako sorry sa abala.” Sabi ng babaeng kasama ni Jon Ray
“Wait, wag ka mang-agaw ng eksena, ako ang magwawalk out, at wag mo akong susundan Jon Ray.” Sabi ni Arjay sa dalawa bago ito umalis dala lamang ang wallet niya at cellphone
Alam ni Jon Ray na pag galit si Arjay ay lalo lamang sisidhi ang galit nito pag inamo niya ito at sinundan kaya hinayaan na lamang muna niya ito. Nag-usap si Jon Ray at Alice ang kasamang babae niya tungkol sa nangyari
“Dapat kasi inuwi mo na lang ako, after ng inuman ng team.” Sabi ni Alice
“Bakla ka, paano kita iuuwi hindi ko alam saan ka nakatira.” Sabi ni Jon Ray
“Hindi ka ba nagsabi sa kanya na nag-inuman tayo?” Tanong ni Alice
“Hindi kasi nga kanina pa nagloloko ang network nawawalan ng signal.” Sagot ni Jon Ray
“Ano ba akala ng jowa mo nag sex tayo, eww ha, crush kita dati, pero nung nalaman kong may jowa ka ding lalaki ekis na.” Sabi ni Alice
“Kung makapag lasing ka kasi wagas sinukahan mo pa yung damit ko kaya naligo ako.” Sabi ni Jon Ray
“Sorry na friend, gusto mo ako na mag-explain sa kanya?” Paghingi ng tawad ni Alice
“Ako na bahala, hindi makikinig yun sa’yo kasi pag nagselos yun wagas.” Paliwanag ni Jon Ray
“In fair mahal na mahal ka nun ha, pero nakakatakot magalit ha.” Sabi ni Alice
Nagpunta sa isang bar si Arjay at nag-inom mag-isa, tinatawagan siya ni Jon Ray pero hindi niya ito sinasagot inalis niya ang vibrate ng kanyang cellphone at naka silent ito.
“Bago dito?” ng isang lalaki
“Bihira na kasi ako magbar.” Sagot ni Arjay
“Pwede ba kita samahan?” Tanong ng lalaki
“I’d rather be alone, taken na ako.” Sabi ni Arjay sabay pakita ng singsing
“Okay I’m sorry, see you around.” Sabi ng lalaki
Matapos ang ilang bote ng alak ay napag isip-isip ni Arjay na hindi niya binigyan ng pagkakataon si Jon Ray na magpaliwanag, inuna niya ang kanyang pride at emosyon, iinumin na nya ang huling baso ng alak ng biglang bumalik ang lalaking nakausap niya kanina at may kasama na ito.
“Uy tama na yan.” Pag pigil ng lalaki kay Arjay
“Look, hindi kita kilala, so mind your own business.” Sabi ni Arjay sabay baba ng baso
“Mukha kasing di mo na kaya.” Sabi ng lalaki
“I can manage, thanks for the concern.” Sabi ni Arjay
Lalabas na ng bar si Arjay, alam niya sa kanyang sarili na hindi pa siya lasing dahil alam niya ang limitasyon niya sa pag-inom ng alam, pero nakaramdam siya ng matinding pagkahilo, muntik na siyang matumba ng dumating ang lalaking kanina pa siya nilalapitan para alalayan siya.
“Thanks, I’m fine.” Sabi ni Arjay
“You’re not, halika isasakay kita sa kotse ko.” Sabi ng lalaki
Isinakay sa kotse si Arjay ng lalaki at ng kaibigan nito hanggang sa nawalan na siya ng malay, dinala siya ng dalawa sa isang mumurahing motel, nang magkamalay siya ay masakit na pa din ang kanyang ulo, pero wala na siyang suot na damit.
“Teka nasaan ako?” Tanong ni Arjay
“Kunwari ka pang ayaw mo, kailangan pa lagyan ng pampatulog ang baso mo.” Sabi ng lalaki
“Ha anong sinasabi mo, paano nangyari yun, aalis na ako, nasaan ang mga damit ko?” Tanong ni Arjay
“Di pa nga tayo nagsisimula aalis ka na?” Tanong ng lalaki
“Ilang beses ko ba sasabihin may boyfriend ako, kaya please lang.” Sabi ni Arjay
“Pakipot pa ba pre?” Tanong ng kaibigan ng kasama niyang lalaki sabay hawak ang dalawang balikat ni Arjay
“Don’t touch me!” Sabi ni Arjay akmang aalisin niya ang kamay ng lalaki sa kanyang balikat
Biglang pinakawalan ng suntok sa sikmura si Arjay ng lalaking nakahiga sa kama, napaluhod siya dahil sa sakit, hinila siya patayo ng isa pang lalaki sa pamamagitan ng pagsabunot sa kanyang buhok.
“Daming arte, bottom naman ha, ha, ha…” Panglilibak ng lalaking nakasabunot sa kanya
“Ahh… please don’t do this.” Pagmamakaawa ni Arjay
“Wow English di ko yan naiintindhan.” Sabi ng lalaki sabay tulak kay Arjay sa kama
Hinahalikan na sa leeg si Arjay ng isa sa lalaki habang ang isa ay hawak ang kanyang mga kamay ng biglang, may nag raid na mga pulis, walang lisensya ang motel na ito at maraming menor de edad na nasa loob ng motel. Agad nag bihis ang dalawang lalaki, nahihirapan mang kumilos ay nag bihis na din si Arjay.
Dinala sila sa presinto ng mga pulis, tinawagan ni Arjay si Jon Ray para magpasundo, masama man ang loob ni Jon Ray ay sinundo pa din niya si Arjay. Habang pauwi ay hindi sila nag-uusap hanggang makarating sa kanilang apartment ay walang bumabasag sa katahimikan hanggang sa…
“Knight ko I’m sorry, di ko ginusto yung mga nangyari I’m so stupid.” Paghingi ng tawad ni Arjay
“Alam ko galit ka, may tampo ka pero bakit mo kailangan makipag sex sa iba?” Naiiyak na tanong ni Jon Ray
“Hindi yun ganoon let me explain please.” Sabi ni Arjay
“Ako ba binigyan mo ng pagkakataon magpaliwanag?” Pasigaw na tanong ni Jon Ray
“Muntik na akong marape, hindi ko sila kilala, nilagyan nila ng pampatulog yung baso ko, kung paano nila nagawa di ko na alam, basta paggising ko nasa motel na ako.” Umiiyak na paliwanag ni Arjay
“Pinilit ka lang, nilagyan ng pampatulog, pero ano yang nasa leeg mo!” Galit na sinabi ni Jon Ray habang hawak ang braso ni Arjay at nakatingin sa kiss mark sa leeg ni Arjay
“Knight ko nasasaktan ako, maniwala ka naman please.” Pagmamakaawa ni Arjay habang inaalis ang kamay ni Jon Ray sa kanyang braso
“Hindi ko alam kung maniniwala pa ako sa ‘yo.” Sabi ni Jon Ray bago ito pumasok sa kanilang kwarto
Sa iisang kama pa din silang natulog nang gabing iyon pero may unan na nakapagitan sa kanila, isang unan lamang ang namamagitan sa kanilang dalawa ngunit tila milya-milya ang layo nila sa isa’t-isa. Dumaan ang mga araw hindi pa din sila nag-uusap kasabay pa ng pagkakaiba ng oras ng kanilang trabaho, kapag rest day naman ay umaalis sila ng apartment para silang napapaso kapag nagtatagal sila sa apartment.
Isang araw ay nagkita si Angela at Jon Ray dahil may kukunin si Jon Ray sa site nila Arjay, nagkataon namang rest day ni Arjay kaya wala ito. Nagpunta sila sa isang coffee shop para makapag kwentuhan ni Angela matagal na din silang di nagkikita
“I miss you friend.” Sabi ni Angela sabay yakap kay Jon Ray
“Na miss din kita sobra.” Sabi ni Jon Ray sabay yakap din kay Angela
“So ano, hanggang kalian nyo titiisin ang isa’t-isa?” Tanong ni Angela
“Na miss kita tapos yan ang pag-uusapan natin?” Balik na tanong ni Jon Ray
“FYI (For your information), dati noong hindi pa kayo ako ang takbuhan mo kapag may pinagseselosan kang lalaki ni Arjay, ngayon ginaganyan mo na ‘ko.” Pagkadismaya ni Angela
“Hindi sa ganoon ayaw ko lang pag-usapan.” Sabi ni Jon Ray
“Hindi maaayos yan kung parehas kayong hindi magbababa ng pride.” Sabi ni Angela
“Hindi ko pa din kasi matanggap na nagawa nya yung bagay na yun.” Paliwanag ni Jon Ray
“Sa ating dalawa, mas kilala mo si Arjay, bata pa lang kayo magkasama na kayo, lahat ng sikreto nya alam mo.” Sabi ni Angela
“What do you want to imply?” Tanong ni Jon Ray
“Sa tingin mo ba kaya talaga niyang gawin yun, makipag sex sa ibang tao eh mahal na mahal ka nun eh.” Sagot ni Angela
“Ang hirap kasi maniwala nasa motel sya at may kiss mark pa sa leeg.” Sabi ni Jon Ray
“I know mahirap talaga maniwala, kasi kahit sa ‘kin mangyari yun mahihirapan din akong maniwala sa simula, pero sa akin lang ‘to ha, ako may tiwala ako sa boyfriend ko at alam ko di nya ako lolokohin, kahit saglit pa lang kami. Ikaw mula pagkabata kilala mo na si Arjay timbangin mo ang mga bagay-bagay, kung totoong may tiwala ka sa kanya ngayon mo mas mapapatunyan ang tiwala na yan.” Sabi ni Angela
“Naguguluhan ako, pero mahal na mahal ko sya.” Sabi ni Jon Ray
“Nasasaktan ka pa kasi kaya ganyan, ikaw lang ang makakagamot sa sakit na yan, walang ibang tao, kung mahal mo sya at alam kong oo ang sagot di mo sya hahayang mawala sa buhay mo.” Sabi ni Angela
Pag-uwi ni Jon Ray ay handa na siyang kausapin si Arjay, pero wala ito sa bahay, may nakita lamang siyang isang sulat at nakapatong dito ang singsing na ibinigay niya kay Arjay.
“I think we need space, masyado na natin nasaktan ang isa’t-isa, kung ano man yung nangyari sa inyo nung Alice ay naiintindihan ko na, pinaliwanag na nya sa akin, nag message sya sa akin sa facebook, sorry kung hindi kita binigyan ng chance magpaliwanag. Please ibigay mo sa ‘kin ang chance na ‘to para din mag-isip, wag mo ng tangkain mag message sa akin sa facebook dahil nag disable muna ako, gusto ko mag-isip ng walang nakikialam o nababasang kung ano-ano, wag mo na din ako tawagan o itext dahil blinock kita sa cellphone ko. Sa amin muna ako uuwi siguro magkita na lang tayo sa darating na Pasko, bigyan natin ng panahon ang isa’t-isa na makag-isip, ako na bahala mag paliwanag sa mga parents natin bakit doon muna ako uuwi. Jon Ray mahal na mahal kita kahit ang sakit-sakit na. Ibalik mo sa ‘kin ang singsing kung ako pa din ang mahal mo, pero kung sakaling maiisip mong hindi mo na ako mahal, tatanggapin ko kahit mahirap ” sulat ni Arjay
Walang nagawa si Jon Ray kundi ang igalang ang desisyon ni Arjay, hinayaan na lamang muna niya ang huli sa gusto nitong mangyari, pero alam niya sa kanyang sarili na hindi na niya kailangan pang mag-isip dahil alam naman niya ang sagot na iisang lalaki lamang ang kanyang mamahalin, kung hindi si Arjay ito ay hindi na lamang din siya magmamahal.
Paparating na ang kapaskuhan, kung dati-rati ay magkasama silang nagsisimba tuwing simbang gabi ngayon ay magkahiwalay sila. Kanila pa din itong kinumpleto kahit bawat araw ay ipinapaalala lamang ng pagsisimba ang sakit at kalungkutan. Pareho lamang sila ng dinarasal ang bigyang liwanag ang kanilang mga puso at mas umiral ang pagpapatawad sa kanilang dalawa.
Dumating ang araw ng bisperas ng Pasko, masayang nag diwang ang pamilya nila Arjay at Jon Ray katulad ng dati, ipinagpasalamat din nila ang patuloy na paggaling ng mama ni Jon Ray. Civil lamang si Arjay at Jon Ray sa isa’t-isa hindi nagpapahalata na may problema sa pagitan nilang dalawa.
Dumating na ang oras ng kapanganakan ng ating Panginoon, hindi lingid sa kanilang dalawa na ika-apat taong anniversary din nila. Si Jon Ray na ang lumapit kay Arjay upang ito ay kausapin.
“Sabi mo mag-usap na lang tayo pag sapit ng Pasko.” Panimula ni Jon Ray
“Oo nga.” Matipid na sinabi ni Arjay
“Pwede pa ba kitang batiin ng Merry Christamas?” Tanong ni Jon Ray
“Oo bakit hindi?” Patanong na sagot ni Arjay
“Eh, yung batiin kita ng Happy 4th anniversary pwede pa ba?” Muling tanong ni Jon Ray
“Bakit hindi mo subukan?” Parang nang-aasar na sagot ni Arjay
“Prinsepe ko Sorry sa lahat ng sakit na naidulot ko sa’yo, ako ang Knight mo pero imbes na ako ang magprotekta sa’yo sa pananakit ng iba, ako pa mismo ang nanakit sa’yo, sorry kung mas pinairal ko ang pride ko, sorry kung hindi ko binigyang pansin ang feelings mo, sorry…” Hindi natapos ni Jon Ray ang paghingi nya ng tawad kay Arjay dahil hinalikan siya nito sa labi
“Happy 4th anniversary my Knight, mahal na mahal kita.” Sabi ni Arjay
“Pwede ko na ba isuot ulit ito sa daliri mo?” Tanong ni Jon Ray
“Wala naman ibang tao ang pwede maglagay ng singsing sa darili ko maliban sa’yo.” Sagot ni Arjay
“I love you prinsepe ko.” Sabi ni Jon Ray
“I love you more my Knight.” Sabi ni Arjay
Sa isang relasyon hindi mawawala ang tampuhan, away o di pagkakaintindihan ngunit kung marunong tayong umunawa, magpatawad at magtiwala at laging nasa gitna ng ating relasyon ang Panginoon ay walang suliranin ang hindi natin malalampasan.
Lumipas ilang araw, bisperas na ng bagong taon masaya ang lahat, kanya-kanyang pag-iingay ang ginagawa ng lahat at kanya kanyang fireworks at mga paputok. Nasa labas si Arjay at Jon Ray nanood ng mga fireworks ng biglang.
“Anak!!!” Sigaw ng mama ni Jon Ray
“Prinsepe ko…” Mahinang sinabi ni Jon Ray
“Knight ko!!!” Sigaw ni Arjay
“Tumawag kayo ng ambulansya!” Sigaw ng mama ni Jon Ray
“Knight ko, wag kang bibitaw please.” Umiiyak na si Arjay
“Mahal na mahal kita, prinsepe ko…” Sabi ni Jon Ray bago ito nawalan ng malay
Tinamaan ng ligaw na bala si Jon Ray sa likod, agad namang dumating ang ambulansya at isinugod siya sa ospital, kasama si Arjay at ang mga magulang ni Jon Ray, umiiyak sila dahil nag-aagaw buhay si Jon Ray.
Makalipas ang ilang araw halos di makausap si Arjay, nakaupo lamang siya sa may pintuan ng chapel, ayaw niyang lapitan ang kabaong sa harapan, iyak lamang siya ng iyak.
“Anak please, kumain ka naman kahit kaunti lang.” Sabi ng mama ni Arjay
“Wala akong gana ma.” Sabi ni Arjay
“Magkakasakit ka nyan sa ginagawa mo eh.” Sabi ng mama ni Arjay
“Hindi pa ako handa na mawala sya, bakit naman kasi biglaan?” Tanong ni Arjay sa kanyang mama
“Hindi ko rin masasagot anak maging masaya na lang tayo kasi kasama nya ang ating Panginoon.” Sagot ng mama ni Arjay
Hindi sumama si Arjay sa paghahatid sa huling hantungan dahil hindi pa din niya matanggap ang mga nangyari, in denial pa din sya sa mga naganap.
Makaraan ang dalawang linggo ay tsaka lamang siya nagpunta sa sementeryo upang dumalaw, at manalangin.
“Ang daya mo naman eh, aga mong nang-iwan hindi mo pa nahintay na mapromote ako sa trabaho, hindi mo nahintay na makita akong successful.” Sabi ni Arjay sa harap ng puntod
“Prinsepe ko, ako hinding-hindi kita iiwan mahal na mahal kita.” Sabi ni Jon Ray na papalapit sa kanya
“Sorry lola kung di ako sumama sa paglilibing sa’yo, ‘di ko lang kasi matanggap na wala ka na talaga.” Sabi ni Arjay na umiiyak
“Shhh… kung nasaan man si lola alam ko nakatanaw siya sa ‘tin ng masaya, kasi alam nyang ok tayong dalawa.” Sabi ni Jon Ray
“Hindi ka na dapat sumama, hindi na ba masakit ang sugat mo?” Tanong ni Arjay
“Hindi na ok na ako, ang galing mong mag-alaga eh.” Sagot ni Jon Ray sabay halik sa pisngi ni Arjay
“I love you my Knight.” Sabi ni Arjay
“I love you more prinsepe ko.” Sabi ni Jon Ray
Sa buhay natin ay may mga dumarating na bagong tao, at mayroon ding lumilisan, handa man tayo o hindi darating ang araw na ito. Walang kasiguraduhan sa buhay ng tao kaya piliin natin ang magmahal, ang magp
atawad ang bigyang halaga ang mga taong nagmamahal sa atin dahil hindi natin alam ang maaaring mangyari sa hinaharap.
-wakas-
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments