My First Love

My First Love

chapter 1

Ako nga pala si Sky—ang nag-iisang anak nina Richard at Anabelle. Ito ang kwento ng aking buhay, mula sa simula hanggang sa mga alaala ng aking kabataan na hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan.

Ang aking ina ay kilala noon bilang isa sa pinakamagandang babae sa kanilang eskwelahan, habang ang aking ama naman ay kabaliktaran—makulit, palabiro, at walang pakialaman sa kaniya pagaaral. Hindi inaasahan ng aking ama na darating ang araw na makikilala niya ang aking ina, at higit pa roon, mababago siya nito. Dahil sa pag-ibig, sabay nilang tinahak ang landas ng pag-aaral hanggang sa sila ay makapagtapos.

Hindi nagtagal, bumuo sila ng pamilya.

Mayroon din silang matalik na kaibigan—sina Tita Mariposa at Tito Huwan. Isang araw, masayang ibinalita ng aking ina na siya ay buntis. Lalong nadagdagan ang saya nang malaman niyang buntis din ang kanyang matalik na kaibigan. Doon nila napagkasunduan na ang kanilang mga anak—ako at ang anak nina Tita Mariposa na si Jake—ay magiging magkaibigan… o baka higit pa sa magkaibigan.

Mula pa lamang sa sinapupunan, parang itinadhana na ang aming pagkakaibigan ni Jake. Halos sabay kaming lumaki, magkasama sa maraming alaala ng aming pagkabata.

Ngunit nagbago ang lahat nang kami ay limang taong gulang pa lamang. Lumipat ang pamilya ni Jake sa Maynila. Makalipas ang ilang taon, kami naman ang sumunod dahil sa trabaho ng aking ama. Sa Maynila, malapit kami sa kapatid ng aking ama nanirahan.

Pitong taon kaming tumira roon. Sa loob ng panahong iyon, paminsan-minsan na lamang kami nagkakausap ni Jake. Hanggang sa tuluyan na kaming bumalik sa Robinsha—ang lugar kung saan kami ipinanganak at kung saan lumaki ang aming mga magulang. Pagbalik namin, tuluyan nang naputol ang komunikasyon namin ni Jake.

Isang araw, may kumatok sa aming bahay. May isang lalaking nagtatanong kung saan ang pinakamalapit na tindahan. Sumagot ang aking ama, ngunit ako’y napatingin sa bintana. Doon, nakita ko siya—isang lalaking hindi ko kilala. Nagtagpo ang aming mga mata. Sandaling katahimikan. Sandaling pagtataka. Hanggang sa tinawag ako ng aking ina.

Doon nagsimula ang panibagong yugto ng aking buhay.

Sa Robinsha, mabilis akong nagkaroon ng mga kaibigan. Ilang araw pa lamang, sinabi na ng aking ina na kailangan ko nang mag-enroll dahil nalalapit na ang pasukan.

Sa unang araw ng klase, ako lamang ang estudyanteng galing Maynila. Habang hinahanap ko ang aking silid-aralan, muli ko siyang nakita—ang lalaking nakipagtitigan mula sa bintana. Laking gulat ko nang makita ko ang kanyang pangalan sa listahan ng aking mga kaklase.

Carlo.

Umupo ako malapit sa bintana. Ngunit hindi nagtagal, inilipat ako ng guro sa ibang seksyon. Sa bagong classroom, nagbago ang aking mundo—bagong kaibigan, bagong karanasan.

Doon ako napabilang sa isang dance group na tinatawag na “Sunflower.” Ngunit walang nakakaalam ng aking lihim—dati akong sky dance sa Maynila. Isa ako sa pinakamahusay noon, at naging partner ko pa si Jake. Ngunit nang bumalik kami sa Robinsha at dahil sa nangyari noon, pinili kong iwan ang mundong iyon. Pinili kong kalimutan.

Lumipas ang mga linggo at nakilala ko si Kylie—ang naging tunay kong kaibigan. Isang araw, tinanong ko siya tungkol kay Carlo. Doon ko nalaman ang kanyang pangalan.

May narinig din akong balita—may gusto raw si Carlo sa akin.

Ngunit binalewala ko iyon.

Hindi nagtagal, nagkaroon ng relasyon si Kylie kay Marko. Sa pamamagitan nila, nakilala ko rin si Anthony—kaibigan ni Marko. Hindi ko inaasahan, ngunit nanligaw si Anthony sa akin. Dahil sa impluwensya ng aking mga kaibigan, sinagot ko siya… kahit hindi ko siya tunay na mahal.

Ilang tao lamang ang nakakaalam ng aming relasyon.

Isang araw, habang bumalik ako sa classroom upang kunin ang aking pitaka, nakita ko si Carlo. Tinawag niya ako.

“Sky… gusto kita. Simula noong unang beses kitang makita.”

Natahimik ako.

“Pasensya ka na, Carlo… may boyfriend na ako.”

Anthony.

Kitang-kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Ngunit wala na akong nagawa.

Lumipas ang mga buwan. Nakipaghiwalay ako kay Anthony dahil alam kong hindi tama ang umasa siya sa isang pag-ibig na hindi ko kayang ibigay. Ngunit dahil sa konsensya at mga salita ng iba, nakipagbalikan ako.

Ngunit hindi rin iyon nagtagal.

Si Anthony na mismo ang nakipaghiwalay, matapos niyang malaman ang katotohanan—na napilitan lamang ako.

Doon ko naranasan ang una kong relasyon… na walang tunay na pag-ibig.

Isang gabi, nakatayo ako sa bintana. Tahimik ang paligid. Doon ko naitanong sa sarili ko:

“Ano kaya ang pakiramdam ng tunay na pag-ibig?”

Sa pag-iisip na iyon, ako’y nakatulog.

At doon nagwakas ang aking buhay bilang isang junior high school student.

Episodes
Episodes

Updated 1 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play