She's The Gangster I Love
ALDRICH's Point of View
Pagod na pagod akong bumalik sa bench para magpahinga. Nasa fourth quarter na kami ng game nu'ng ilabas muna ako ni Coach. Dahil kanina ko pa gustong magpahinga.
Nagtalukbong ako ng towel sa ulo ko at yumuko para mabawasan ang ingay ng mga tumitiling babae na nanonood ng game. Habang nagpupunas ako ng pawis ay nakita ko ang paglapit sa akin ni limuel. "Ito na ang tubig mo Aldrich. Ang galing mo talagang mag-shoot. Baliw na baliw na naman ang mga fans mo," nakakalokong sabi ni limuel. "Tss!" kunot-noong kinuha ko ang mineral water sa kanya.
"Wala ka bang type kahit na isa sa kanila?Puro chics mga fans mo, ehh," pangungulit ni Limuel na tumabi pa sa akin.
Tiningnan ko siya ng masama pero hindi siya natinag. Kaya naman nagsalita at kumilos na ako. "Huwag kang tumabi sa akin." sabi ko na itinulak pa siya palayo.
Hindi ko gustong may katabi ako lalo na kapag pinagpapawisan ako. Naiinitan at hindi ako makahinga kapag ganoon.
"Bakit ba ang sungit mo, Aldrich? Ganyan ba kapag gwapo, masungit?" natatwang sabi niya.
"Kung wala kang matinong sasabihin , mabuti pang huwag ka nang magsalita pa!" mariing sabi ko na tinapunan sya ng masamang tingin.
"Kapag ang topic ay napupunta sa love life mo nagiging mas masungit ka pa. Sige, hindi na kita kukulitin pero pumunta ka sa restaurant ni Benedict mamayang 4 p.m. May ka-blind date ka," sabi nya na agad na tumakbo palayo.
Naikuyom ko ang kamay kong nakahawak sa mineral water. Kaya nayupi ito at ang tubig na laman ay sumabog. Nagtilian na naman ang mga babae na nasa likuran kong nakaupo.
"Ang cool nya."
"He's strong."
Tumayo na ako sa beach sukbit ang bag ko at naglakad na papunta sa labasan.
"Montecillo!" tawag sa akin ng isa sa mga teammates ko.
"Kaya n'yo ng ipanalo 'yan," sabi ko bago tuluyang umalis ng gym.
Mahina naman ang kalaban kaya hindi na nila kailangan ng tulong ko. Wala rin ako sa mood na maglaro dahil sa ginawa ni Limuel.
Madalas akong ipa-blind date ng mga kaibigan ko kung kani-kanino. Kaya tuwing ginagawa nila 'yon ay binibigyan ko sila ng tig-iisang suntok.
Hindi na suntok ang ibibigay ko sa kanilabg tatlo. Talagang nagsabwatan pa sila para i-blind date na naman ako.
Napapakuyom ako ng dalawang kamay nang makarating ako sa locker room at nagkulong doon. Isang oras na rin akong nakaupo sa sahig bago ko naisipan na mag-shower na.
Nagpalit na ako ng damit na kinuha ko sa bag na dala ko. Suot ko ang black pants, black t-shirt at ang paborito kong red jacket. Pagkalabas ko ng locker room ay napataas ang kaliwang kilay ko.
"Who the hell are you?" tanong ko sa babaeng nasa harap ko. Mukhang naubusan ng face powder kaya harina na ang ginamit nito sa puti ng mukha.
"Papa Aldrich pwedeng pa-kiss?" tanong ng babae sa akin na humawak pa sa kanag braso ko.
Agad kong tinanggal ang kamay niya. Siguro ay isa siya sa mga stalker ko na araw-araw na gumugulo sa akin.
"Sa iba na lang," malamig na sabi ko na nilagpasan pa sya.
Tss. Kailan ba siya titigil? Nakakasawa na ang pagbuntot niya.
"Papa Aldrich naman, eh." Hinawakan niya ang isang braso ko na parang bata.
Kumulo ang dugo ko at nasagad ang pagtitimpi ko sa kanya. Itinulak ko siya sa pamamagitan ng kanang kamay ko para isandal sa dingding. Matalim ko siyang tiningnan. Imbes na magulat ay ngumiti pa ito. Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya kaya napangiti sya. Unti-unti na niyang ipinikit ang dalawa nyang mata kaya napangisi ako. Mabilis akong lumayo sa kanya at iniwan siya sa ganoong posisyon.
"Wow, dude ginawa mo na naman 'yon?" amazed at gulad na sabi ni Charlie habang sumusunod sa akin.
"Hayaan mo siyang maghintay sa wala at mapahiya," sabi ko na nagpatuloy lang sa paglalakad.
Madalas kong gawin 'yon sa mga babaeng humihingi ng kiss sa 'kin.
"Sayang 'yon dude, chics na 'yon," nanghihinayang na sabi nya na sinabayan na ako sa paglalakad.
"Kanina mo pa kami pinapanood hindi ka na lang umeksena para ikaw ang humalik sa kanya," sabi ko dahil kanina ko pa siya napansin paglabas ko ng locker room.
"Ang talas pa rin ng mata mo. Tsk! Ayaw ko sa chic na bigay agad, mas gusto ko 'yung hard to get para challenging," pilyong sagot ni Charlie. Tss! ang daming alam ng womanizer na ito.
"Saan ang punta mo? Manghahanda ka ba para sa blind date mo mamaya?" tanong ni Charlie na sumusunod pa rin sa akin.
Hinarap ko siya at binigyan ng nakamamatay na tingin. "Gusto mo bang maunang mabugbog ngayon, Charlie?" may pagbabanta na sabi ko.
Nakita ko ang takot na rumihistro sa kanyang mukha at napaatras pa siya. "Maraming iiyak na chics kapag puro sugat at pasa ang mukha ko," sagot niya na alanganin ang pagtawa.
Lumapit na ako sa sasakyan at pinindot ang hawak ko. Pumasok na ako sa loob at iniwan na si Charlie.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments