Being Left By Many Times
A/N: Expect grammatically errors and typo.
-
Angelica's P.O.V
Dali dali akong tumayo sa hinihigaan ko ng maalalang may pasok pala ako ngayon at late na ako. Nagmadali akong maligo at sinuot ang uniporme kong plantsadong planstado dahil ayaw ni mama ng lukot.
"Ma, okay na!" Sigaw ko kay mama habang nag susuot ako ng black shoes.
Agad naman siyang lumabas ng kwarto at kinuha ang bag ko para dalhin sa baba. Ganito nalang lagi ang routine ko araw-araw. Si mama ang mag aasikaso ng dadalhin ko at ako naman aasikasuhin ko ay ang sarili ko.
"Dalian mo na! Malalate ka na niyan!" Sigaw ni mama mula sa baba.
Hindi ako ma lalate dahil late na talaga ako.
Pagkatapos kong magsuot ng sapatos agad akong bumaba at kinuha ang mga dapat kong dalhin. Kinuha ko na ang bag ko at nag paalam kay mama.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pag lalakad biglang may umakbay sakin dahilan para mapalayo ako. Wala naman akong ibang ka close na lalaki except kay...
"Psalm?!" Pasigaw kong tanong ng mamukaan ko ang umakbay sakin.
"Long time no see, ica." Saad niya at binanggit pa ang nickname ko.
Agad ko siyang niyakap kaya nagulat siya. Ewan ko sa kanya. Hindi parin ata nasasanay sa kakulitan ko.
"Miss me?" Tanong niya sa nakakalokong boses. Agad naman akong umiling para din asarin siya pero mas lalong lumawak ang ngiti niya sa labi.
"Mukha kang tanga." Saad ko dahilan para tarayan niya ako. Aba! Atetude ka?!
"You're going to school now?" Tanong niya.
HALA!! LATE NA PALA AKO!
"Late na ako!" Nag mamadaling sagot ko.
"Hatid na kita. Ako bahala sa teacher mo. I got you." Saad niya at kinindatan pa ako. Tusukin ko mata mo ng ballpen.
Pero Imferness ang galing niya na mag tagalog!
Ilang kanto lang ang pagitan ng school at bahay namin kaya naman mabilis akong nakarating sa school. Agad din naman akong pinapasok ng guard, at si psalm ay naiwan sa labas dahil unang una hindi siya dito nag aaral at hindi pa siya naka uniform at wala siyang I.D.
Ewan ko. It's been a years since nung huli naming pagkikita. Sa resort pa ata yun ng family niya. Ang yaman diba? Sana all. Magkaibigan na kasi simula palang si mama at mommy ni psalm kaya naging magkalapit nadin kami sa isa't isa.
Hanggang sa dumating sa point na kailangang pumunta ni psalm sa canada dahil nandoon ang daddy niya at duon siya mag aaral. Ang mommy niya naman ay nandito lang sa pilipinas para asikasuhin yung business nila.
Minsan nanonose bleed nalang ako dahil sa ka eenglish niya. Minsan din pinapagalitan ko lalo na pag kausap niya mga batang purong pilipino tapos eenglishin niya. Kaya minsan natatawa nalang ako sa mukha ng mga bata dahil hindi nila alam ang sasabihin nila samantalang si psalm salita ng salita.
Nakaka intindi naman siya ng tagalog pero hindi niya kayang mag salita ng straight na tagalog dahil nagiging conyo siya. Mabuti ngayon ay na develop na ang skills niya dahil sa pag kaka alam ko sabi ni tita (mommy ni psalm) nag aaral na dw magtagalog si psalm at joshua (kapatid ni psalm).
"Angelica!" Sabay na sigaw ni maureen at mitch.
"Hmm?" Bored na tanong ko.
"Biglang nag pa test si mam, espejo samin kanina! Lagot ka wala kang grade!" Sagot ni julia mula sa likod ko.
Hindi na pala ako naka abot sa first subject ko. Okay lang, alam ko naman sa simula palang na nanakot lang si mam, espejo samin eh. Mataas naman yung grade ko sa kanya nung 2nd grading. Sana hindi ibagsak sa 3rd.
Ganito nalang din lagi ganap sa school. Etong tatlo ang magbabalita sakin ng mga pinagawa pag wala ako. Minsan tatakutin pa nila ako. Natakot naman ako. Syempre mahalaga yung grades sakin. Mahalaga din na matuto ako.
"Ica! May nag hahanap sayo sa ibang section." Saad sakin ng president namin na si Nics.
Tumango ako at pumunta sa pintuan kung nasaan yung taga kabilang section. May nakita akong nakatayong babae sa gilid ng pintuan. Naka yuko siya at parang nanginginig pa ang mga kamay. Kinakabahan ba siya? Kanino? Sakin? Ako lang to.
"Hello! Ano kailangan mo sakin?" Tanong ko na may sigla para naman hindi siya kabahan ng ganyan.
"Ahh... A-ako po si Sam, section 5. May pinapa bigay lang po sainyo." Pagpapakilala niya at inabot sa akin ang envelope na sky blue na may design pa.
"Alam mo ba kung para saan to?" Tanong ko sa kanya.
"Ahh... Sabi lang po kasi niya bigay ko sainyo." Saad niya.
Tumango nalang ako at nagpa alam na. Nilagay ko muna sa bulsa ng palda ko yung envelope at bumalik na sa loob ng classroom.
"Ano yun bakit ka dw hinahanap? Makikipag away ba? Ano kailangan sayo? May binigay? May sinabi?" Sunod sunod na tanong nila julia.
"Wala naman." Sagot ko.
"Ano nga?" Seryoso na tanong ni Maureen.
Wala na akong nagawa kundi ilabas ang envelop na binigay sakin kanina ni sam. Pagdating talaga kay maureen wala na akong magagawa. Siya yung isa din sa makukulit sa amin pero alam niya mag seryoso.
"Hindi mo pa tinitignan? Halatang hindi pa bukas eh." Komento ni mitch habang sinusuri ang envelope.
"Mamaya nalang. Kung gusto niyo buksan buksan niyo nalang." Sagot ko na parang walang pake sa envelope na binigay sakin.
Umupo nalang ako sa upuan ko at tinignan ang kabuuan ng classroom. Nasagi ng mata ko ang isang sulok ng classroom kung saan may mga kaklase akong nakapaligid sa isang upuan na may naka upo na sa tingin ko ay si Jennie.
Alam ko na yung dahilan. Broken yarn.
May isang babaeng nagsusuklay sa kanya at yung isa naman ay tinatapik siya sa balikat para patahanin. Meron ding naka tayo sa harap niya na babae na nag aadvice sa kanya na parang love guru ang datingan.
Minsan nag aalala din ako kay jennie dahil araw-araw siyang umiiyak. Kamusta kaya yung mata niya? Tsaka sayang luha, pero actually wala naman siya talagang boyfriend. Umiiyak lang talaga siya sa crush niya na pang habang buhay. Ang tagal niya nading crush yun. Almost mag 3 years na ata.
"WHAAAAA!!" Sigaw ni maureen sa gilid ko kaya napatingin ako sa gawi nila.
Napansin kong hawak ni julia yung envelope at sila maureen naman binabasa yung naka sulat sa envelope.
So, binuksan talaga nila? Ang dadali nga kausap.
Nagulat ako ng biglang nag sisitalon si maureen at mitch. Habang si julia naman ay naka ngiti habot tenga. Actually, mukha silang naka kita ng isang libo sa wallet nila na wala namang laman.
"Ano yun?" Tanong ni nics dahil nakaka agaw eksena naman talaga sila sa ginawa nilang pag tatalon kanina.
"Si ica! Umiibig sa kabilang section!" Sagot ni julia.
Napa kunot ang noo ko at dali daling tumayo sa upuan ko para tignan kung ano ang naka sulat sa envelope.
Hi, angelica!
Sorry kung ganito lang yung kaya kong gawin. Hindi kasi kita maharap eh Nahihiya ako. Gusto ko lang sabihin na gusto kita matagal na, gusto sana kita ligawan kung pwede? Tatanong ko din sana kung pwede ka bukas ng umaga 8:00 am sa plaza. Gusto sana kitang makita at makasama. Sana pumayag ka, aking binibini.
Nagmamahal,
Anonymous
Agad akong napangiwi sa huling salita. Aking binibini? Cringeee!! Agad ko yung binigay kay julia at bumalik sa upuan ko para magsuot nalang ng earphones para may mapatugtog ako.
Unang una, ayoko pa mag ka boyfriend dahil gusto ko muna mag focus ngayon sa pag aaral. Pangalawa, lagot ako kay kuya. Pangatlo, wala akong paki sa mga lalaki except sa kaibigan ko tsaka kay kuya.
Alam nila mitch yun kaya nang malamang wala akong paki dun sa sulat di nalang ulit nila binanggit at nilagay nalang sa bag ko.
Natapos ang klase ko at ng papalabas na ako sa gate nakita ko si sam na nasa gilid ng railings at halatang may hinihintay. Ng mapansin niyang nakatingin ako sa kanya kumaway siya at lumapit sakin.
"Hello, angelica! N-nabasa mo na ba yung sulat?" Tanong niya.
"Oum. Paki sabi nalang na hindi ako interesado." Sagot ko.
Halata namang lumungkot ang mukha niya kaya napaiwas ako ng tingin. Ka ano ano ba niya yung may gusto sa akin at bat parang naapektuhan siya ng sobra?
Nang pag lingon ko sa gilid ko nakita ko si psalm kasama si joshua. Nakatingin sakin si psalm at si joshua naman nililibot ang paningin sa kung saan saan.
Biglang kumaway sakin si psalm kaya tumango nalang ako bilang pag bati. Bakit niya ako sinusundo? Baka mamaya ma issue kaming dalawa. Hindi naman kilala nila mitch si psalm kaya baka lokohin nila ako bukas.
"Hindi ka talaga interesado?" Tanong ni sam.
"Hindi eh, ayoko pa kasi mag ka boyfriend. Tsaka, kaano ano mo ba siya?" Tanong ko pabalik.
"Pinsan ko." Sagot niya.
Hindi ko kilala yung pinsan niya kasi hindi ko din siya kilala. Hindi pa nga kami magkakakilala kung hindi kanina eh.
"Pero, okay lang! Na iintindihin ko naman eh. Sayang lang kasi matagal ka na niyang gusto. Bye! Ingat ka." Saad ni sam bago umalis sa harap ko.
Agad akong pumunta kay psalm na ngayon ay naka simangot na nakatingin sakin. Si joshua naman nasa loob na ng sasakyan at mukhang nainitan kaya pumasok nalang.
"Anong mukha yan? Tsaka, bakit kayo nandito?" Tanong ko.
"Pinapasundo ka ni mommy samin. She said she miss you so much." Sagot niya.
Tumango nalang ako at pumasok sa loob. Katabi ko si joshua samantalang si psalm naman katabi ang driver nila. Taray Rechked.
Hindi na din ako nag dalawang isip sumama dahil alam kong bago pa ako sunduin nila psalm alam na ni mama kung nasaan ako. Lagi siyang payag pag kasama ko sila psalm pero pagdating sa mga kaibigan ko pinag iisipan niya pa ng apaka tagal.
"Hi, ate! How are you?" Tanong sakin ni joshua kaya napatingin ako sa kanya. Ginantihan ko siya ng ngiti at sumagot.
"Okay lang naman. Tsaka, wag kayo mag english. Susumbong ko kayo kay tita." Sagot ko.
Minsan hindi ko din alam kung bakit ako tinatawag na ate ni joshua samantalang mas matanda siya sakin ng ilang buwan lang naman.
Si psalm naman mas matanda sakin ng dalawang taon pero mas maayos akong mag isip kesa sa kanya kaya minsan pinag sasabihan ko siya.
"We're here." Saad ni psalm.
Bumaba si psalm at ng bubuksan ko ang pintuan agad niya akong naunahan at binuksan iyon. Kinuha niya pa ang bag na dala ko at siya na ang nag dala.
Nakita kong nakatingin samin si joshua habang naka ngisi. Ng sabay kaming tumingin ni psalm sa kanya inirapan niya kami kaya natawa ako ng bahagya.
"You're so bitter, josh." Saad ni psalm.
Napailing iling nalang ako sa kanila habang tumatawa. Pumasok na kami sa bahay nila at unang sumalubong sa akin ay si tita. Ngumiti ako sa kanya at ng magmamano na sana ay bigla nalang siya nakipag beso sa akin.
Okay? Ayaw niya pala ng mano kasi nag mumukha daw siyang matanda pag ganon.
"Long time no see, hija! Namiss kita! Ano kayo naba ni psalm? Nanliligaw na ba?" Tuwang tuwang saad ni tita.
"Ma!" Sigaw ni psalm.
"Ang anak ko hindi pa umamin. Natatakot ka?" Tanong pa ni tita kaya mas lalong nainis si psalm.
"Mom, i don't like her okay? We're just friends." Sagot ni psalm dahilan para masaktan ako.
Ano pa ba ieexpect ko? Kaibigan lang naman talaga ako eh. wala ng iba. Pero... Bakit ako nasasaktan at bakit ang daming tanong sa utak ko?
Masamang sign to.
Mag kaibigan lang. Kaibigan. Hindi KA-IBIGAN.
"Ahh tita. Tama po si psalm, magkaibigan lang kami." Saad ko.
"Ow ow okay, and you!" Turo niya kay psalm. "Walang mag eenglish sa pamamahay ko! Nasa Pilipinas kayo hindi sa canada!" Sigaw ni tita kay psalm at joshua.
Nagtaas ng kamay sila psalm na parang sumusuko na. Sabay naman kaming natawa ni tita sa reaction nilang dalawa.
Ang cute ng reaction ni psalm. Este ako! Cute ako!
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments